bc

His Cold Heart [On-Going ]

book_age16+
5.7K
FOLLOW
39.4K
READ
playboy
badboy
bitch
comedy
bully
basketball
childhood crush
coming of age
first love
sassy
like
intro-logo
Blurb

Mahal na mahal kita at kahit hindi mo ko kayang mahalin ay patuloy pa rin kitang mamahalin. 'Yan ang laging sinasabi ni Wensy Shore kay Gav ang kaniyang kababata.

Matagal na niya itong gusto ngunit kahit anong pagpapapansin nito ay hindi nito magawang lingunin. Laging inis sa kaniya si Gav sa hindi malaman na dahilan.

Paano nito papalambutin ang pusong kahit kailan ay hindi magawang tumibok para sa kanya?

chap-preview
Free preview
Prologue
WARNING: UNDER MAJOR REVISING Wensy Shore PUMIKIT muna ako bago ko gawin lahat ng aking dapat gawin ngayong araw. Siguro nga para sa iba ay nasisiraan na ako ng bait ngunit para sa’kin ay kailangan ko ‘to gawin upang mapansin niya ako. Pagkagat lamang sa aking mga labi ang sunod kong nagawa ng pumwesto ako sa gitna kung saan ay doon posibleng dumaan ang inaantay kong dumating. Siguro naman ay tatalab ito . "Hoy! Napano ka, Dzai!" Hampas nito sa'king braso ng lumapit ito sa’kin. Sa totoo lang ay kinakabahan ako ngayon dahil sa aking gagawin. "Kinakabahan ako Sai.." Inilabas ko ang hanging namumuo sa aking dibdib dahil sa kabang pinupuno ng aking isipan. "Yawa! Ngayon ka pa nag gan’yan? Ngayon ka pa kinabahan, dzai? Seriously?" Natatawang bigkas nito na batid sa kanya ang pinipigilan lamang ang tumawa. "Eh, halos araw-araw mo nga ipahiya sarili mo tapos kinakabahan ka pa ‘rin? Ewan ko na talaga sa ‘yo." Napikit ko na lamang ang aking mga mata ng sabihin niya iyon. Totoo naman kase na halos araw-araw kong ipahiya ang sarili ko para sa lalaking iyon, ngunit hindi ako nagsisi na gawin ko ‘yon. Kahit abutin pa ako ng ilan pang taon ay aking gagawin mapansin niya lang ako. Alam kong may pag-asa pa ako para mapansin niya kaya't hindi ako nawawalan ng pagkakataon at pag-asa. "Tama! Dapat hindi ako kabahan!" Inayos ko ang cartolina na aking hawak at sinigurado ko na maayos ang mga ito. "Good, Check ko lang kung paparating na ang Labidabs mo!" Saka ito umalis sa aking tabi at tumakbo sa kung saan upang tignan kung paparito na ba ang inaantay ko . Napakaswerte ko sa kaibigan ko dahil na andyan pa rin siya at handa akong suportahan sa kagagahan ko. Maraming studyante ang dumaan kasama na doon ang bulungan ngunit hindi ko na iyon inalintana pa. Hindi nila ako mapipigilan sa kung ano ang gusto kong gawin. Ito lang ang paraan upang mapansin niya ako kaya wala silang magagawa dahil pag gusto ko, gagawin ko. 'Sayang ang ganda niya, nagpapaka tanga siya sa isang lalaki..' 'Kawawang babae, kahit kailan talaga ay gusto niya ang nagmumukhang tanga..' 'Sana ay tumigil na siya dahil masyado lang siyang napapahiya sa mga ginagawa niya.' Ang daming bulong na aking naririnig kahit hindi man iyon malakas ay sapat pa rin na aking marinig. Ang mga mata nilang mapamintas at halata namang ako ang pinag-uusapan nila. Wag nila akong hintaying sabunutan sila pag ako nainis. May tumawag sa aking pangalan na alam ko kung sino. Mabilis na pumaroon sa tabi ko ang kaibigan ko. "Wen! Andyan na siya, bilis!" Sigaw ng kaibigan kong si Vessai at ganon na lang ako magkanda-ugaga nang sabihin niya iyon. Ito na! Kelangan natin gawin to! Para sa future husband ko! Mabilis kong inayos ang cartolina ng makita kong paparito na ang lalaking inaantay ko. Nakuha nito ang aking gawi kaya naman ay binigyan ako nito ng tingin. Kita ko ang paglunok nito saka ito lumingon sa gilid habang patuloy na naglalakad papunta sa aking pwesto ngunit makikita mo sa kanya ang inis ng bigyan ako nito muli ng tingin. Hindi naman ito ang unang beses na ginawa ko ito pero hindi ako magsasawang gawin to araw-araw sa ‘yo. Kailangan malaman mo na.. "I LOVE YOU GAV, BABY!" Sigaw ko at mabilis kong inilabas ang banner na gawa sa cartolina na may nakasulat na 'I love you Gav'. Ngumiti ako nang kay tamis ng huminto ito sa harap ko. Tumingin ito sa’kin at unti-unting ibinaba ang tingin sa cartolinang ginawa ko. "Naks! Gav! Sana all!" Natatawang sabi ng kaibigan nito at siniko siya na akala mo ay nang-aasar. "Stop it." Matigas na utos ni Gav, hindi ko alam kung sa kaibigan niya ba iyon o sa’kin. "Me?" Tanong ko sakaniya at saka naman nagsalubong ang mga kilay nito, sapagkat ang gwapo nitong mukha at ang kanyang headband na tela na nasa itaas ng noo niya lamang ay umuusbong na ang kanyang kagwapuhan. Ang singkit at mapungay na mata nito na manang mana sa kanyang ama si tito Kevin. Ngunit lahat na ata ay namana nito sa kanyang ama. Hindi lang ang panlabas nitong itsura kundi na rin ang ugali. "Oo, ‘ikaw." Pag turo pa nito sa’kin na halata sa mukha nito ang pagkairita sa ginawa ko. "Hindi ka ba nagsasawa? Araw-araw na lang Wensy.." Dagdag pa nitong sabi na halos rinig ko nanaman ang bulungan ng mga istyudanteng nakiki-chissmiss sa lovelife ko. "Hindi ako susuko, Gav.." Ngiting sagot ko sakanya, ‘yun ang nakuha niyang sagot sa’kin sa kanyang tanong. "Hindi ka ba napapagod? Araw-araw ka na lang na-rereject, Wensy.." Muling sambit nito sa’kin saka inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa at muli ako nito tinignan sa mata. Hindi ko rin alam kung bakit ako nahulog ng ganito sa ‘yo dahil simula pa noong mga bata tayo ay malapit tayo sa isa't isa, ngunit nitong nakaraang taon lang ay nag-iba ka na pati ang pakikitungo mo sa'kin. "Makikita mo ‘rin! Ikaw ‘din ang lalapit sa’kin sa huli,” Muling bigkas ko at nginitian ito. "Hindi ako mapapagod ang sabihin sa ‘yo araw-araw na mahal na mahal kita.." Malambing na tono ang pag kakasabi ko ni’yon sakanya na kanya namang kinainis saka ito lumapit sa'kin. Yung lapit na malapit talaga na halos ka unti na lamang ay magtatama na ang aming mga ilong. Nakatingin lamang ako sakanyang mga mata ng may panlalaki at bilog dahil sa gulat ng kanyang ginawang pag lapit. Ang amoy nitong aking nasinghot na kung saan ay mas lalong nagpagwapo sakaniya. Ang bango-bango mo talaga! Bumaba ito ng tingin at ganon na lamang kabilis ng kinuha nito ang cartolinang hawak ko na nakabuklat. Saka niya ito pinunit sa harap ko. Pirapiraso niya itong pinagpupunit saka ihinagis sa ere na kung saan ay animo’y parang umulan ng papel sa aking gawi. "Then, I'm tired telling you every day that i don't love you." Diin nitong sabi sa'kin. Agad akong napalunok ng marinig ko nanaman ang salitang 'I don't love you,'. Natulala lamang ako ng magpintig sa tenga ko ang kanyang sinabi. Napatingin ako sakanya saka ako nito binigyan ng ngisi. Mabilis ako nitong dinaan at bahagya niya ako binangga sa aking braso. Na panguso na lamang ako ng another day, Another reject. Still i love you. Sa isip kong sabi habang nakatingin sa kanyang likod na ngayon ay papalayo na muli sa aking gawi. "Ano ba yan Wensy!" Hila sa’kin ni Vessai at ang mukha nito ay naka busangot nanaman, hindi nito gusto ang ginagawa ko sa araw-araw pero sinusuportahan niya pa ‘rin ako. "Why don't you just stop na lang kaya?" Tanong nito sa’kin habang pinupulot namin ang mga cartolinang pirapiraso. "No.." Matigas na sabi ko sakanya at saka tinignan ang likod ni Gav na nasa kalayuan na. Dama kong tumabi sa’kin si Vessai at tinitignan ang sinisilayan ko . "Not until i melt," Ngumiti ako bahagya at inalala ang lahat ng masayang ala-ala naming dalawa, simula sa pagiging sweet nito sa’kin noong bata pa kami. Kung paano niya ko protektahan sa lahat. "Not until i melt, His Cold Heart..” Pagpapatuloy ko at saka ito binigyan ng ngiti.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.1K
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
398.1K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K
bc

Unexpected Romance

read
38.2K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.2K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.2K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
286.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook