bc

Paint My Love (Completed)

book_age0+
10.6K
FOLLOW
86.8K
READ
billionaire
possessive
friends to lovers
playboy
arrogant
kickass heroine
drama
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Kumukulo ang dugo ni Ada sa boss niyang si Arthur Franz de Luna. Adelantado at arogante ito. Tila misyon din nito sa buhay ang painitin ang ulo niya araw-araw. Kaya lagi rin siyang may sagot sa bawat atake nito. Kung hindi nga lang napakalaki ng utang-na-loob niya sa mga magulang nito ay matagal na siyang nag-resign sa trabaho.

Pero naglaro ang tadhana. Nagkasakit siya at ang binata ang nasa tabi niya. Hindi niya inasahan ang labis na pag- aalala nito sa kanya. Sa unang pagkakataon, nakapag-usap sila nang hindi nagbabangayan.

Iyon ang naging daan para magbago ang pakikitungo nila sa isa't isa. Nadiskubre niya ang magagandang katangian nito na hindi niya nakikita noon dahil sa inis niya rito.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER one   HUMINGA muna nang malalim si Ada bago itinulak pabukas ang pinto ng opisina. Panibagong araw na naman ang haharapin at pagtitiisan niya kasama ang adelantado at aroganteng boss na si Arthur Franz de Luna, ang presidente ng de Luna Airlines o deLA. Kung ang ibang babae ay magpapakamatay mapunta lamang sa mga ito ang kanyang posisyon, siya naman ay kabaligtaran. Labag sa loob niya ang pagtatrabaho kay Arthur Franz. Ngunit wala siyang magagawa. Hindi niya kayang tanggihan ang mga magulang ng lalaki dahil sa pagkalaki-laking utang-na-loob niya sa mag-asawa. Ang mag-asawang de Luna ang dahilan kung bakit may pinanghahawakan siyang college diploma ngayon. At habang-buhay na magpapasalamat siya sa mag-asawa. Well, except for the younger de Luna. Hindi niya kasundo si Arthur Franz at talagang kumukulo ang dugo niya sa lalaki. Kunsabagay, maging si Arthur Franz ay hindi rin siya gusto. Pareho lang sila ng nararamdaman. Patas lang sila. “You’re late.” Iyon agad ang narinig ni Ada pinipihit pa lang niya pabukas ang pinto. Who else could have said that but the bastard himself. Nakikini-kinita na niya ang nakakunot na noo ni Arthur Franz. Kung makapagsalita ang lalaki ay parang siguradong-sigurado ito na siya nga ang papasok sa pinto nang mga sandaling iyon. Umaga pa lang pero nakakailang buntong-hininga na si Ada. Dinagdagan niya iyon ng isa pa bago itinuloy ang pagpasok. Agad siyang tumingin sa wall clock, pagkatapos ay umismid. “Pareho ang oras sa relo ko at sa wall clock, hindi pa ako late. Baka kailangan mo nang magpalit ng relo, Boss. O kaya ay magpatingin ka na sa ophthalmologist. Mukhang lumalabo na ang mga mata mo.” Malakas ang loob ni Ada na sagot-sagutin si Arthur Franz. Kung hindi siya gusto ng lalaki, lalong ayaw niya rito. Hindi niya ipagpipilitan ang sarili kay Arthur Franz. At lalong hindi siya kabilang sa mga babaeng nagkakandarapa sa paghabol at pagpapapansin dito. Lalo pang kumunot ang noo ni Arthur Franz. “Kahit na! hindi tamang paghintayin mo ako. Learn some business etiquette, will you?” “Are you speaking for yourself, Boss?” sarkastikong balik ni Ada. “Just you!” Kinalma ni Ada ang sarili para huwag nang sumagot. Tinungo na lamang niya ang kanyang mesa at inilapag doon ang dalang bag. Lumapit siya sa kinaroroonan ng coffee maker at nagtimpla ng kape para kay Arthur Franz. Inilapag niya ang tasa sa executive desk ng lalaki, pagkatapos ay binuklat ang organizer para sa schedule nito sa araw na iyon. “Nine o’clock, meeting with David Yu of Yu steel. By nine forty-five you have to meet—” “I-cancel mo lahat ng meetings ko ngayong araw. May lakad kami ni Mike,” hindi tumitingin sa kanya na utos ni Arthur Franz. “Hindi puwede.” “At bakit hindi puwede? Ikaw na ba ang magdedesisyon kung ano ang dapat kong i-cancel o hindi?” “Ilang araw nang nare-reschedule ang meeting na iyon.” “And so? Let them wait. Sila ang may kailangan, sila ang maghintay.” “Uunahin mo na naman ang lakad ninyo kaysa sa negosyo mo?” hindi napigilang bulalas ni Ada. Ibinaba ni Arthur Franz ang hawak na ball pen at tinitigan siya. Gusto niyang mapaatras dahil alam niya ang ibig sabihin ng ganoong titig ng lalaki. “Tama ka, negosyo ko. Uunahin ko ang gusto kong unahin. Sino ka para pangunahan ako?” mataas ang boses na sabi nito. Ada couldn’t fire back. Paano pa siya sasagot kung ipinamumukha na naman ni Arthur Franz kung ano lamang ang papel niya sa opisinang iyon? Marami-raming beses na rin niyang narinig ang linyang iyon at sa bawat pagkakataon ay nakakasakit iyon sa kanyang kalooban. Kung makakahanap nga lang siya ng kahit isang pagkakataon para umalis ng opisinang iyon ay susunggaban na agad niya. She would go somewhere else, away from Arthur Franz. “Hindi ko nakakalimutang isang hamak na sekretarya lamang ako. Huwag mo rin sanang kalilimutan ang mga responsibilidad mo,” aniya at saka kagat ang ibabang labi na tumalikod na. Hindi niya hahayaan ang sarili na umiyak sa harap ni Arthur Franz. “Don’t you turn your back on me, Ada!” Nilingon niya ang lalaki at binigyan ng nanghahamong tingin. “then fire me!” Pinaningkitan siya ni Arthur Franz ng mga mata. “Para makalaya ka na? Iyan ang matagal mo nang gusto, hindi ba? Bakit hindi ka mag-resign?” No, hindi siya puwedeng mag-resign. Nakakahiya sa mga magulang nito kapag ginawa niya iyon. Si Arthur Franz ang dapat na magpatalsik sa kanya para may maidahilan siya sa mama nito. And then she would go abroad, para milya-milya na ang layo niya sa lalaki. Kapag nangyari iyon, sisiguruhin niyang hindi na magkukrus ang mga landas nila ng aroganteng lalaki. “Fire me,” ulit ni Ada. “You resign,” hamon ni Arthur Franz. “Bigyan mo ako ng mas matindi pang dahilan at baka gawin ko nga iyon, Boss,” aniya na binigyang-diin ang huling salita. Muli niyang tinalikuran si Arthur Franz at tumungo sa ladies’ room. Nagpalakad-lakad si Ada sa loob ng ladies’ room, pilit na kinakalma ang sarili. Lumalagutok ang kanyang sapatos sa sahig. Magkasalikop ang mga kamay sa tapat ng kanyang dibdib. Nakakainis ka talagang lalaki ka! Kailan mo ba ako bibigyan ng katahimikan? Limang taon na ring pinagtitiisan ni Ada na kasama sa trabaho si Arthur Franz. Normal na sa kanila ang pagpapalitan ng maaanghang na salita, pero nangyayari lamang iyon sa loob ng opisina. Kapag may kaharap na ibang tao, civil naman sila sa isa’t isa. At hindi lumilipas ang araw na hindi siya nakakatikim ng paninita mula sa lalaki. Ang ikinaiinis pa niya, kahit na napakaliit na bagay lang ay pinalalaki nito. Madalas nga ay sinasadya na niya ang mga kapalpakan para tuluyan nang magalit si Arthur Franz at patalsikin na siya, ngunit sa bandang huli ay siya rin ang laging sumusuko. Sino ba ang nakaimbento ng salitang “insubordination” at mukhang hindi iyon alam ng lalaki? Why couldn’t he just fire her on those grounds? Minsan tuloy ay iniisip niyang baka terorista siya sa nakaraan niyang buhay at si Arthur Franz ang karma niya ngayon. Ah, may pagkakataon naman palang nagiging mabait ang lalaki sa kanya: iyon ay kapag birthday niya. Tahimik lang ito kapag kaarawan niya at binibigyan pa siya ng regalo. Kapag tumatapat sa Sabado o Linggo ang birthday niya ay nag-iiwan pa ng regalo sa labas ng kanyang apartment. Hindi niya kasi pinapapasok ang lalaki doon. Noong eighteenth birthday niya, may nag-iwan ng potted rose sa labas ng kanyang dorm. “Happy birthday” lang ang nakasulat sa card na kasama ng potted rose, walang nakalagay na pangalan. Inisip niyang galing iyon kay Arthur Franz. but later that day he showed up and handed her a designer bag. Pero hindi man alam ni Ada kung sino ang nag-iwan ng halamang iyon sa labas ng pinto niya ay inalagaan pa rin niya iyon at pinalago. May green thumb siguro siya dahil nabubuhay ang bawat sangang kinukuha niya mula sa halaman at itinatanim. Birthday lamang niya ang tanging araw na hindi siya inaaway o kaya ay sinisinghalan ni Arthur Franz. Napipilitan tuloy siyang magbigay rin ng regalo sa lalaki kapag birthday nito. Hindi niya alam kung binubuksan ba nito iyon o itinatapon lang sa basurahan. Ano nga ba naman ang gagawin ni Arthur Franz sa regalo niya na malamang ay basura lang para dito? He has everything. Ilang sandali ang pinalipas ni Ada bago ipinasyang lumabas na ng ladies’ room. “Nakatulog ka ba sa ladies’ room?” muling banat ni Arthur Franz pagbalik na pagbalik niya sa kanyang puwesto. “Tama ka, kaya lang nanaginip ako, eh. Ah, hindi panaginip kundi bangungot! Pati sa panaginip ko, hindi mo ako tinatantanan.” “Bangungot, ha. Baka naman kung ano na ang ginagawa mo sa akin sa panaginip mo, umamin ka.” Bahagyang umangat ang gilid ng mga labi ni Arthur Franz. Panunukso ba iyong nababasa niyang kislap sa mga mata ng lalaki? “Yuck! Ikaw? Please don’t flatter yourself too much. Hindi ang tipo mo ang papangarapin ko.” Nawala ang kislap sa mga mata ni Arthur Franz. “Akala mo naman kung sinong maganda,” parinig nito. Pinatulan naman iyon ni Ada. “Aba, maganda talaga ako! Nakikita mo itong pagmumukhang ito?” Itinuro niya ang sariling mukha. “Wala pa itong makeup, maganda na. Samantalang `yong mga babae mo, mukhang aswang kapag nahilamusan ng tubig ang makeup,” parunggit niya. Malakas ang loob niya na gawin iyon dahil totoo namang maganda siya. Aware siya sa kanyang mga pisikal na katangian. Muling umangat ang gilid ng mga labi ni Arthur Franz. “Maganda nga, tomboy naman,” anito, saka binitiwan ang hawak na ball pen at tila relaxed na relaxed na isinandal ang likod sa backrest ng swivel chair. Umangat ang isang kilay ni Ada. “Ako, tomboy? Excuse me, lalaki ang gusto ko, `no! At malapit ko na siyang sagutin.” Pumasok sa isip niya si Mario Reyes. Guwapo at may-sinasabi sa buhay ang lalaki. Ilang buwan na rin itong nanliligaw sa kanya at kinikilig naman siya sa mga boladas ng lalaki. Kumunot ang noo ni Arthur Franz. “Huwag kang mag-imbento ng kuwento, Ada. Wala akong nakikitang manliligaw mo.” “Dahil professional ako, Boss. I don’t mix business with pleasure.” “I-I don’t believe you.” “Eh, ano kung ayaw mong maniwala? Hindi iyon kawalan sa akin. Wala akong pakialam sa iyo. Basta naipakilala ko na sa mama mo si Mario,” aniya habang nagkakalkal sa kanyang bag. Biglang tumayo si Arthur Franz at umupo sa harap ng kanyang desk. “May ipinakilala ka kay Mama?” naniningkit ang mga matang tanong nito. Nagtaas si Ada ng isang kilay. “Dapat lang na makilala ni Tita ang lalaking pakakasalan ko.” “K-kasal agad? Kasasabi mo lang na sasagutin mo pa lang, ngayon kasal agad?” “Doon din ang punta namin. Teka nga, bakit personal na buhay ko ang pinag-uusapan natin? Puwede ba, Boss? labas ka na ro’n, okay? Ika-cancel ko na ang mga meeting mo, umalis ka na para matahimik naman ako rito.” Bakit nga ba napunta sa love life niya ang usapan? At bakit niya pinapatulan si Arthur Franz sa ganoong usapan? She couldn’t believe they had that kind of conversation. It was the first time. Pero ang mas ikinagulat niya ay ang reaksiyon ni Arthur Franz nang sabihin niyang may nagugustuhan siyang lalaki. Mukha itong natalo ng napakalaking halaga sa isang sugal. Ipinagkibit-balikat na lang iyon ni Ada at nagpatuloy sa paghahalungkat sa bag. Ilang sandaling nanahimik si Arthur Franz bago tumayo. “Ahm, Boss, puwede ba akong um-absent bukas? Sisiguruhin kong maayos ang mga kailanganin mong papers para bukas, promise,” ani Ada sa pinalambing na boses. Kahit paano ay nagagawa niya iyon, pero bihirang-bihira iyong mangyari. “Hindi puwede. Pumasok ka bukas,” ani Arthur Franz at nagtuloy-tuloy na sa pinto. Hinablot ni Ada ang isang folder at umaktong ibabato iyon sa likod ng papalayong pigura ni Arthur Franz. Pag-angat niya ng kamay ay eksakto namang lumingon ang lalaki. Naipaypay niyang bigla ang folder. “Ang init ano, Boss,” nakangiwing wika niya. Paanong iinit sa loob ng opisinang iyon gayong nakatodo ang aircon? “Ibato mo kung ibabato mo!” Pabalibag na isinara ni Arthur Franz ang pinto na lalong ikinangiwi ni Ada. Napahiya siya roon. Hindi na nagtataka ang mga empleyado ni Arthur Franz dahil sanay na sa mga bangayan nila. Kahit paano naman ay iginagalang din siya ng mga empleyado roon dahil alam ng lahat na anak ang turing sa kanya ng mag-asawang de Luna.   “HEY, ART, take it easy, pare,” saway ni Milo sa sunod-sunod na paglagok ng alak na ginagawa ni Arthur Franz. Hindi pinansin Arthur Franz ang kaibigan. Bumaling si Mike kay Milo. “Ano ba ang problema ng isang ito?” Pagkibit-balikat ang isinagot ni Milo. “Ella’s been looking for you Art,” ani Mike. “Ella who?” nakakunot ang noong tanong ni Arthur Franz. “`Langya, pare. Nakalimutan mo nga talaga siya? After you— Anyway, ano ba’ng problema mo?” “Nalulugi na ang airline,” biro niya. Alangan namang sabihin niyang may gumugulo sa kanyang isip? No way! “Tigilan mo kami, Arthur Franz. In ten years’ time, baka magsipagsara na ang lahat ng airline companies maliban ang sa iyo,” wika ni Milo. “Beer pa,” aniya sa dumaang waiter. “Gusto mo ng chicks? May ipakikilala ako sa `yo,” sabi naman ni Mike. “Tigilan mo ako, Mikael Henric. Hindi ako katulad mo,” aniya. “Tama si Art, Mike. Nambababae lang iyan kap—” “Isa ka pa, Attorney” aniya kay Milo. Matinik na abogado ang lalaki. “Tigilan n’yo nga ako! Dapat siguro, `yong mga may-asawa na lang ang niyaya kong lumabas.” “Sorry, brod, wala kang mahahagilap sa apat na iyon. They had all boarded a cruise ship. Honeymoon na naman,” nakangiwing wika ni Mike na ang tinutukoy ay ang apat pa nilang kaibigan na nagsipag-asawa na. “So? Ano’ng silbi ng mga eroplano at jet ko kung hindi ko mapapakinabangan ang mga iyon?” Umiling si Mike. “Masama talaga ang tama mo, pare. Ano ba’ng problema mo? Babae ba?” “Ako, mamomroblema sa babae? No way!” defensive na sabi ni Arthur Franz. “Okay. Sabi mo, eh,” ani Milo. “What about you, Mike? May pinopormahan ka ba ngayon?” Kibit-balikat lamang ang isinagot ni Mike. “Aw, come on!” “Well… I don’t know. I mean, hindi siya mawala sa isip ko. Gusto ko siyang laging nakikita. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito,” pagkukuwento ni Mike. Siguradong magugulat ang sinumang makakarinig sa pinag-uusapan nila. Walang mag-iisip na ang mga tulad nilang lalaki na matagumpay at respetado sa kanya-kanyang piniling larangan ay para ding mga babae na pinagkukuwentuhan ang buhay-pag-ibig ng isa’t isa. Well, they shared secrets but they don’t kiss and tell. Patunay lamang iyon na maganda ang samahan nilang magkakaibigan. Pagkakaibigang nabuo noong nasa kolehiyo pa sila at patuloy iyong tumitibay hanggang ngayon. “Ibig bang sabihin niyan, Mike, kailangan na rin naming maghanda ng account para sa first baby mo?” tanong ni Milo na hindi maitago ang ngiti. Ang mga first born kasi ng bawat isa sa kanilang pito ay kailangang ipagbukas nilang magkakaibigan ng bank account na milyones ang laman. So far, apat pa lang ang nag-aasawa sa kanila. Patuloy lamang si Arthur Franz sa pag-inom, pero matalas ang kanyang tainga sa pakikinig sa usapan ng dalawa. “Ano ba naman `yan, Attorney. Nakapag-conclude na agad `yang isip mo. Kunsabagay, lalo ka nga palang yumaman ngayon pagkatapos mong maipanalo ang kaso ni Tito Carlos.” Si Sen. Carlos Clark ay ama ng kaibigan nilang si Randall. Nadawit ang pangalan ng senador sa graft and corruption, dahilan upang i-freeze ng pamahalaan ang lahat ng ari-arian ng mga Clark. Hindi nila iniwan si Randall. They were almost like brothers so they were all there for him. Lahat sila ay kumilos para tulungan ang kaibigan. “And who told you I charged him? `Yong mga staff ko at legal work lang ang pinabayaran ko kay Randall. Hindi ko siya siningil ng attorney’s fee.” “What can I say? Masarap talagang magkaroon ng kaibigang abogado,” natatawang sabi ni Mike. Tumayo na si Arthur Franz. “Mauuna na ako sa inyo, mga pare.” “Ang labo mo, Arthur Franz. Ikaw itong nagyayang uminom, `tapos, ikaw ang mauunang umalis?” “Hayaan mo na siya, Mike. Mukhang may pinagdadaanan,” natatawang sabi ni Milo, saka bumaling sa kanya. “Here’s the catch, pare. Kapag nauna kang umalis, ipapahiram mo sa amin `yong bagong bili mong Cessna Citation X.” Ang Cessna ang pinakabago niyang jet sa hangar. “Tama! `Yon ang gagamitin namin sa paglilibot around the world!” segunda ni Mike. “Bahala kayo. Hiramin n’yo ang jet basta kayo ang bahala sa fuel at sa suweldo ng piloto ninyo,” nagkibit-balikat na tugon niya. Wala siyang pakialam ngayon sa mga eroplano at jet. His mind was busy thinking about something or… someone. “Ano’ng nakain  mo, Art? Ipapahiram mo nga `yong Cessna?” nakamulagat na tanong ni Mike. “Kasasabi ko lang,” bale-walang tugon niya. Nagkatinginan ang dalawa, pagkatapos ay nag-high-five.   “FRANZ, hijo,” bungad ng ina ni Arthur Franz. Tumayo ang ina upang salubungin siya pagpasok niya sa entertainment room. Pero napatigil din ang ina sa akmang paghalik sa kanyang pisngi. “Ang aga mo yatang uminom ngayon, hijo?” “Nagkayayaan lang, `Ma,” sagot ni Arthur Franz. Umupo siya sa single seater sofa at itinuon ang tingin sa malaking TV screen.Kung hindi siya nagkakamali, The Time Traveler’s Wife ang pelikulang pinapanood ng mga magulang. “Kumusta ang opisina, hijo?” tanong ng kanyang papa. “Fine.” “Franz, may gusto ka bang sabihin?” tanong ng kanyang mama nang marahil ay mapansing pasulyap-sulyap siya sa mga ito. Huminga siya nang malalim. “M-may… may i-ipinakilala daw sa inyo si Ada, `Ma?” Nagkatinginan ang kanyang mga magulang, pagkatapos ay halos sabay na sumilay ang makahulugang ngiti sa mga labi. Tumikhim ang kanyang papa. “Are you referring to Mario? Oo, ipinakilala nga siya ni Ada sa amin. Manliligaw raw niya.” Napamulagat si Arthur Franz at napatuwid ng upo. Kung gayon ay totoo nga ang sinabi ni Ada. “M-may nanliligaw kay Ada?” Muli ay nagkatinginan ang kanyang mga magulang. Hindi nagugulat ang kanyang mga magulang sa pagtatanong niya dahil kahit ano naman ay itinatanong niya sa mga ito at hindi siya nahihiya. Sa mga magulang niya siya tumatakbo kapag may bumabagabag sa kanya na kahit ano. Kaya kung nagugulat man ang mga magulang niya ngayon, marahil ay dahil sa uneasiness na nabakas sa kanyang mukha. Hindi kasi siya mapalagay. “Hijo, magtaka ka kung walang manliligaw kay Adallene. Parang hindi mo naman alam na ilang beses nang hinimok ang batang iyon na sumali sa mga beauty contest,” sagot ng kanyang mama na kapag si Ada ang pinag-uusapan ay laging may kakaibang kislap sa mga mata. His parents, especially his mother, loved Ada. Solong anak si Arthur Franz at alam niyang naghahanap ng anak na babae ang kanyang mama. Iyong puwedeng makasama ng ina sa pamamasyal, sa pagsha-shopping, sa pagpunta sa mga beauty parlor, at iyong puwede nitong bilhan ng mga damit. At pinupunan iyon ni Ada. Pero hindi naman puppet ang dalaga. May sarili itong pag-iisip at mga prinsipyo, at aminado siyang ni minsan ay hindi niya nakita ang dalaga na nag-take advantage sa kanyang mama. “I think balak nang sagutin ni Ada si Mario, honey. Bakit hindi, eh, magandang lalaki rin naman ang binatang iyon,” anang papa niya na kumindat pa sa kanyang mama. “Bakit, hijo? Ikinuwento ba sa `yo ni Ada si Mario? Magkasundo na ba kayo?” “Of course not!” agad na tanggi ni Arthur Franz. “Hindi kami magkakasundo ng amasonang iyon.” “Eh, bakit mukhang apektado ka sa nalaman mo?” “Huwag kang mag-isip ng iba, `Ma. Gusto ko lang malaman kung nagsasabi ng totoo ang babaeng iyon.” Tumayo na siya at busangot ang mukha na lumabas ng entertainment room.   “What took him so long to notice her?” tanong ni Arthuro sa asawang si Frances nang makalabas ang kanilang anak. Pareho silang napangiti nang maluwang. “Matagal na niyang napapansin si Ada, honey. Ngayon lang naalarma dahil may ipinakilala na sa atin si Ada.” “I’m afraid mahihirapan si Franz kay Ada.” “Paano mo naman nasabi `yan, Arthuro?” “Well, si Franz, matagal na nating alam ang itinatago niyang pagtingin kay Ada. Remember the times we caught him staring fondly at Ada?” “Yeah. There was a dreamy look in his eyes,” kinikilig na pagsang-ayon ni Frances. “Pero si Ada, hindi ko siya nakitang hindi nakairap kay Franz,” himutok niya. Natawa si Frances. “Trust me, honey, malapit na nating maging manugang si Ada.” “Mabuti naman. Hindi ba naiinggit ang anak mo kina Pier, Miro, Jared, at Randall na may mga tsikiting na? Ah, gusto ko ng maraming maliliit na Franz.”  “Maliliit na Ada ang gusto ko. She’s so beautiful!”  “Yeah. Mabuti na lang pala at hindi pumayag si Ada na legal natin siyang ampunin noon gaya ng gusto mo.” “Bagay sila, hindi ba, honey?” Maluwang na ngiti lamang ang isinagot niya sa esposa.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unwanted

read
510.3K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
388.9K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
780.4K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
542.7K
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

Fight for my son's right

read
146.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook