bc

Still Falling for You

book_age16+
1.1K
FOLLOW
4.5K
READ
love-triangle
second chance
friends to lovers
goodgirl
drama
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Who would take her heart?

The one who helped her in difficult time

OR

The one who put her in difficult time?

Stacy Villafranca, a girl who never thought she would be thorn between two roses.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
 Bagot na bagot lang akong nag-lalakad sa campus. "Stacy!" Napahinto ako sa pag-lalakad when someone stabbed my back.   Si Wayne. Abot tainga nanaman ang ngiti. Tinignan ko lang siya na tila walang emosyon. Saka siya biglang tumawa habang naka turo sa mukha ko. Napa- irap ako. Alam ko na kung saan tutungo ito.   "Nanganak nanaman si Pimpy. Okay let's call it Taggy." Sambit niya, sabay tawa naman.   "Ha-ha-ha-ha. Yan ha apat na tawa na 'yan." Sarkastikong sambit ko bago tumalikod.   Napahinto ako nang bigla niya 'kong pinigilan at iniharap muli sa kanya. "Uy wait lang 'to naman 'di mabiro. Hi Taggy. Ang cute-cute mo." Sambit niya, habang kumakaway na parang bata sa bagong tigyawat ko sa noo.   Hindi naman ako tigyawatin. Kapag malapit na period ko tsaka lang tumutubo yung malalaking tigyawat ko and nawawala rin naman. Tigyawat na binibigyan pa ng pangalan ni Wayne.   Hinampas ko sa kanya 'yung hawak kong libro. "Nakakainis ka na kamo!"   Napahawak siya sa natamaang hampas ko. "Aray. Ang sakit no'n ha."   Inirapan ko siya. "Ewan ko sa'yo." Sambit ko bago tumalikod.   "Uy! Joke lang 'to naman. Tara! May papakita ako sa'yo." Naramdaman ko nalang na hila-hila niya na ako.   "Hoy bakla! Sa'n ba tayo pupunta?" May pag-kainis na sambit ko. Makahila wagas eh!   "Shut up tomboy." Napa-irap nalang ako. Hindi na 'ko kumibo. He always win.   Nakarating kami sa mini park ng school at sobra akong na-amazed sa nakita ko. "Wow." Bulong ko habang nililibot ang paningin ko.   "You like it?"   "I love it." Sagot ko, habang nakatingin sa parkeng na puno ng bulaklak at mga lobong may iba't ibang kulay.   This is so romantic for a college student like us. Napako ang tingin ko sa nag- iisang puno sa parke; may cartolinang nakadikit doon na nag-pabilis ng t***k ng puso ko.   What is this? What is the meaning of this? Is he?   "W-Wayne a-anong i-ibig sabihin nito?" Takang tanong ko habang patuloy na nag-wawala ang puso ko. Can I court you? Mga linyang nakasulat sa cartolina na talagang nag-palundag ng damdamin ko.   Ang mga mata kong parang gusto ng lumuwa sa nabasa ko. Is he... asking for my love?   "Aamin na 'ko kay Juliet mamaya. Medyo kinakabahan nga 'ko eh. Since babae ka at alam mo yung taste ng mga girls so pinakita ko muna sa'yo. Mukha namang nagustuhan mo, so hope magustuhan rin niya."   Unti-unting nag-iba ang pakiramdam ko. What?!   Napatingin ako sa kanya nakatingin lang siya mga bulaklak habang nakangiti.   Hindi ko alam yung sasabihin ko. Why? Bakit gan'to nalang bigla 'yung naramdaman ko?   Bigla siyang tumingin sa'kin at agad akong napa iwas. "Nagustuhan mo ba?"   Tumango tango nalang ako nang hindi nakatingin sa kanya. "O-oo. For sure magugustuhan rin 'to ni Juliet. Let's go." Aya ko sa kanya.   "Sure ka?" Pilit niyang sinusulyapan yung mukha ko, pero pilit ko rin itong iniiwas.   "Oo nga. Sus A for effort ka kaya. Ang arte niya kung 'di niya 'to magustuhan."   Nakita ko siya sa gilid ng mata ko na ngumiti. "Sige tara na." Sambit niya.   Sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas na tumingin sa kanya. "Pa'no nga pala 'to? Walang bantay."   Ngumiti siya. "May kinausap na 'kong isang tao para mag-bantay, so don't worry."   Ngumiti nalang ako at tumango. "Okay." Simpleng sambit ko.     ~     Nakarating na kami sa classroom. Parehas kami ng course, tourism. Third year.   Nang makapasok kami sa pinto, I was about to sit on my chair when I heard him whispered "Mamayang recess sabay tayo ha." Aya niya, bago tuluyang pumunta sa pwesto niya.   Nakita ko agad si Alexa na may ibang ngiti sa mukha. Walang gana akong umupo sa tabi niya.   Ngiting-ngiti naman siya. "So.. baka gusto mong mag-kwento."   Nag-poker face ako sa kanya habang ngiting-ngiti siya. "Alexa. Wala akong ike-kwento." Walang gana kong sagot. Anong ike-kwento ko? Na aamin na si Wayne kay Juliet? Psh!   Nag-pout naman siya pero agad ulit ngumiti. "Sa'n kayo galing ng best friend mo?" Tanong niya, at diniinan pa ang salitang best friend.   Huminga ako nang malalim. "Sa mini park po, tay."   Mas lalong lumawak 'yung ngiti niya. "Anong ginawa niyo do'n?" Mabusising tanong niya.   Tinignan ko siya. "Gusto mo talagang malaman?"   Tumango-tango naman siya. Walang gana akong napa-irap.   "Pinakita niya sa'kin 'yung gagawin niyang surprise for Juliet. Happy?"   Yung kaninang pasingkit-singkit at pa- cute niyang mata ay nag silakihan. "Oh my god! Is he?..."   Tumango-tango nalang 'ko.   "Oh my god! Hindi pwede. Tumutol ka." Tignan mo 'tong babaeng 'to mas OA pang mag-react sa'kin eh.   "Hindi pa siya ikakasal. Manliligaw pa lang. Kalma girl. Kalma." Paglilinaw ko.   "Kahit na. Papayag ka bang mapunta ang best friend mo s***h destiny mo sa iba?" Tignan mo talaga 'tong babaeng 'to, sasabunutan ko na 'to eh.   "Hindi siya 'yung destiny ko. Okay?"   "Sus wala ka ba talagang gusto sa kanya?" Tanong ng bruhang katabi ko.   "Gusto kanino?" Napaangat pareho 'yung ulo namin at napatingin kay Wayne. Oh my Gosh!   "Ha? Wala. Huwag mong pakinggan 'tong si Alexa. May sira na utak neto eh." Palusot ko. Daldal kasi ng bruha. Kainis!   "Huwag nga ako. May crush ka na noh?" Pang-uusisa niya kasabay ng pag-upo niya sa bakanteng upan sa kanan ko.   "Wala kaya." Pag-mamatigas ko. Isa pa 'tong makulit eh.   "Sus meron 'yan. Nasa in denial stage palang." Sabat naman nitong si Alexa.   Hinampas ko 'tong bruha, bago mag-salitang muli. "Wala nga sabi eh."   "Sino nga?" Pangungulit ulit ni Wayne na mas nilapit pa ang mukha sa akin.   Hinampas ko ang mukha niya para mapalayo ulit sa'kin. Geez! Wayne naman eh!  "Wala nga, inulet! Si V lang crush ko noh." Proud ARMY here.   "Bahala ka nga diyan." Umayos siya ng upo at nag-crossed arm pa.   Tinawanan ko nalang siya. "Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Parang kabute eh, bigla biglang sumusulpot.   "Isosoli ko lang po 'tong notebook niyo."   Ngumiti naman ako. Oo nga pala. "You're welcome." Inunahan ko na siya, bago pa siya mag-thank you at kinuha na 'yung notebook kong hawak niya.   Ganyan talaga. Ako 'yung takbuhan niya kapag wala siyang lecture. Tss!   "Sinong nag-sabing mag tha-thank you ako sa'yo? 'Di ako mag tha-thank you noh. Mag he-hello lang ako kay Pipsy and taggy. Hi Pipsy, hi taggy. Bye. Paramihin niyo pa lahi niyo. Ang cute niyo eh. Bye ulet." Sambit niya saka tumakbo pabalik sa pwesto niya.   "Ugh! I hate you Wayne!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.2K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
549.4K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
780.0K
bc

Tamed to Be Yours

read
384.9K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
284.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook