bc

The traveler meets the troublemaker

book_age16+
743
FOLLOW
3.2K
READ
family
self-improved
comedy
sweet
gxg
humorous
lighthearted
friendship
secrets
self discover
like
intro-logo
Blurb

Blaine Gamueda, a flight attendant who loves to travel will be having a vacation. Along the way she will meet Dale Malaguena, who is being chase. Unfortunately, Blaine will be drag into Dale’s mess. Because of what happened, Blaine’s trip will be re-route. They both agreed to stick together until Dale has a plan on how to solve her problems. Along the way, they will get to know each other better.

Is an escape can really solve a problem?

Will this chaos can turn into a blessing in disguise?

Will this unplanned trip can lead to an exquisite love story?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Blaine Kahit gaano pa kalawak ang mundo, if you’re meant to meet, you will. Naniniwala ka ba sa tinatawag nilang destiny? Na it’s not a coincidence na makilala mo siya along the way? Ako? Hindi ako naniniwala sa destiny na ‘yan, na kapag para sa’yo, para sa’yo. Naniniwala ako sa actions, na hindi ito mapapasa’yo kung hindi mo ito pagtatrabahuhan o di kaya’y hindi mo ito i-chase. Eh, paano kung nagkita kayo tapos tinitigan mo lang siya? Hinayaan mong lumampas siya sa harap mo, na wala ka man lang ginawa. Paano mapapasa’yo? Ako nga pala si Blaine Gamueda, twenty-three years old at isang flight attendant. Naka-leave ako ng isang linggo, plano kong pumunta sa Baguio dahil sobrang na-miss ko ang weather doon at gusto ko lang mag-relax for a while. “Anak, mag-ingat ka.” Niyakap ako ni Mama at hinalikan ko naman siya sa pisngi sabay ngiti. “Sayang may pasok kasi ako. Sama sana ako, Ate,” Si Blaike nakababata kong kapatid, seventeen years old. “Tsaka na, okay? Sa bakasyon mo, magbabakasyon tayo ni Mama.” Ngumiti at tumingin ako kay Mama na napangiti rin. “Yes!” Masayang wika ni Blaike. Ito ang isang pa sa perks sa trabaho ko, I can travel with my family. “Oh, Blaike! Narinig mo ang ate mo, kaya mag-aral kang mabuti.” Paalala ni Mama. “Opo, Ma.” “Ma, aalis na po ako.” Nagmano na ako sa kan’ya. “Ingat, Anak. Aalis kang mag-isa, babalik kang mag-isa.” Nakangiti tugon n’ya. “Ikaw talaga, Ma! Opo!” Ngumiti ako. “Ingat, Ate. Pasalubong, ha?” Nakangiting sambit ng kapatid ko. “Oo na! Basta mag-aral kang mabuti.” Nagtungo na ako sa garahe at sumakay na sa aking sasakyan. Huminga ako nang malalim sabay start ng makina at sindi ng radyo. Siyempre, hindi mawawala sa roadtrip ang good music. It’s gonna be a long drive. Hindi pa ako masyadong nakakalayo sa amin nang tumawag si Chelsea, matalik kong kaibigan. Sinagot ko ito at pansamantalang nahinto ang kantang pinapakinggan ko. “Hello, Blaine! Nalaman ko lang kay Tita na aalis ka pala. Hindi ka man lang nagyaya.” “Chels, alam ko naman na na-accumulate mo na lahat ng allow leave mo. I really need to breathe.” “Ayon nga! Hindi bale, next month labas tayo!” “Sure! Sige na! I’m driving.” “Ingat ka. And, oh! Don’t forget to buy me some strawberries and ube jam.” “I knew it! Magpapabili ka lang pala ng pasalubong.” Nagtawanan kami. “Grabe ka sa akin.” “I’m just kidding. See you soon! I miss you.” “I miss you! Mag-ingat ka sa pagmamaneho, ha? Slow down sa curves.” “Yes, I will! Thank you.” “Oh, siya. Sige na, patapos na rin ang break ko.” Ganito talaga kami magbiruan. Mas matanda siya sa akin ng isang taon, siya ‘yong madalas kong kasama sa mga gala. Unfortunately, hindi siya puwede ngayon, kaya me time muna. I really need to breathe. Nang makarating ako sa expressway, I decided to eat. So, I dropped by sa isang fastfood restaurant at agad rin akong nag-text kay Mama, baka nag-aalala na ‘yon. More or less tatlong oras na drive pa nasa Baguio City na ako. I can’t wait to feel the breeze. Sumakay na akong muli sa sasakyan ko. Nang makarating ako sa isa pang expressway, I decided to take the Carmen exit. Gusto ko kasing bumili ng tupig sa katabing bayan nito. Sobrang sarap kasi talaga no’n, nakabalot ito sa dahon ng saging tapos iniihaw. Isa pa sa sobrang nae-enjoy ko tuwing nagta-travel ay ‘yong pagkain. Ito ‘yong isa sa paborito kong delicacy ng Pangasinan bukod sa puto ng Calasiao. Pumarada na ako. Hile-hilera ang nagbebenta nito sa harap ng simbahan. Nang makabili ako ay dumaan muna ako sa simbahan upang magdasal. “God, thank you po sa lahat ng blessings. Sana po ligtas po akong makarating sa Baguio at sana itong getaway na ito ay maging sobrang memorable. Thank you po.” Bumalik na ako sa sasakyan at agad kong sinindi ang aircon, napakainit kasi sa labas. Kumuha ako ng isang tupig at iniligay sa backseat ang box nito. Akmang susubo na ako, nang biglang bumukas ‘yong pinto. Nanlaki ang mga mata ko, nang makita kong pumasok ang isang babae. Natulala ako at mga ilang segundo akong nakatitig lang sa kaniya. Sa isip ko, sino ang babaeng ito at bakit siya nasa loob ng sasakyan ko? “Let’s go!” Natatarantang wika niya na dahilan upang matauhan ako. “What are you talking about? I don’t know you!” “Miss, kung gusto mo pang mabuhay. Paandarin mo na lang itong sasakyan!” Lumingon siya sa likuran dahilan upang mapalingon din ako. “Go! Go! Go!” Natatarantang wika niya. Sino ang mga lalaking ‘yan na kumakaripas nang takbo papunta sa amin? “Paandarin mo na!” Pinaandar ko na kahit blanko ang utak ko at gulat pa rin sa pangyayari. Lumingon kami sa likod at hindi na kami nahabol pa ng mga lalaking ‘yon. “That was close.” Napabuntonghininga siya sabay punas ng pawis sa noo niya. “Hey!” Hininto ko sa gilid ‘yong sasakyan at tumingin ako sa kaniya. “Who are you‽ And bakit ka hinahabol ng mga ‘yon‽” “Puwede ba? Mamaya ka na magtanong. Hindi pa tayo gaanong nakakalayo.” “You are in my car. So, I have the right to ask you. Malay ko ba kung bakit ka hinahabol ng mga ‘yon. Madamay pa ako sa iyo.” “Miss, look! It’s not the best time for this. Thank you and I’m sorry kasi sa ayaw at sa gusto mo, damay ka na rito.” Nag-peace sign siya at ngumiti na kita lahat ng ngipin. “What‽ Mawalang galang na— please, just step out of my car.” “Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko damay ka na rito. For sure, nakuha na nila ang plate number ng sasakyan mo. The best thing we can do, is stick together.” “Whoa! I can explain to them na hindi naman kita kilala. You just hop on my car.” “Sa tingin mo ba makikinig sila sa sasabihin mo?” “Walang hiya ka! Gusto ko lang naman gumala tapos idadawit mo ako rito.” Nahampas ko siya sa braso. “Relax. Just trust me, okay? Magmaneho ka na lang palayo sa lugar na ito.” “Why would I listen and trust you‽ In the first place, hindi nga kita kilala. Hindi ko nga alam bakit may humahabol sa iyo. Sasabihin mo sa akin, trust you‽” May namumuo ng luha sa gilid ng aking mga mata. “Hey, please just listen to me. I will answer all your questions. I guarantee you, I’m not a bad person. Just please, let’s go.” Malumanay na wika n’ya. Halata ang pangamba sa boses niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala sa taong ito lalo sa panahon ngayon. “Okay! Let’s go to the nearest Police station.” Ibinaba ko na ang handbrake. “No! That’s not a good idea.” “Why not‽” Napalingon ako sa kaniya. “Just trust me, okay?” Tumingin siya diretso sa mga mata ko. “Hey! Stop it!” Ibinaling ko ang tingin sa manibela. “Okay! Sige na. Huwag mo akong titigan baka binubudol mo na ako.” “Sa ganda kong ito‽” Tumawa siya. Bilib din ako sa babaeng ito, she got the nerve na tumawa pa sa ganitong situwasyon. “Saan ka ba pupunta?” Nagtitimpi ako at hindi kumikibo. “Snob naman!” Napapikit ako at nagpipigil, pero mukhang inuubos niya ang pasensiya ko. “You’re not answering any of my questions then, you’re expecting me to answer you‽” Tumawa siya. Aba! Tinatawanan pa talaga ako ng babaeng ito. “Okay! Sige na, para matapos na ito— Dale nga pala.” Ngumiti siya at akmang makikipagkamay. I gazed and rolled my eyes. Ibang klase rin talaga itong babaeng ito. Gusto ko lang naman mag-travel, huminga at kumawala tapos mami-meet ko itong troublemaker na ito. Now, my life is in danger.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
35.1K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.2K
bc

NINONG III

read
363.0K
bc

NINONG II

read
618.4K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.0K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
235.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook