bc

The Heiress in Disguise

book_age12+
2.7K
FOLLOW
20.2K
READ
family
student
drama
twisted
bxg
campus
first love
friendship
lonely
classmates
like
intro-logo
Blurb

"Gusto ko malaman kung sino ba talaga ang handang manatili sa tabi ko. Hindi lang sa panahon na meron ako kundi pati na din sa panahon na walang-wala ako."

Dahil sa trauma na idinulot ng nakaraan ay mas pinili ni Marie Joyce Cello na lumayo sa kanilang lugar kung saan walang naka-aalam ng tunay niyang katayuan sa buhay. Ayaw na niyang lapitan siya ng mga tao dahil lang sa estado nila sa buhay. Pinipili nito na dumistansya sa mga taong nakapaligid sa kanya kahit sa mga gustong kumaibigan sa kanya.

Pero ng makilala si Adrian Aguilar ay unti-unting nag bago ang pananaw niya. Dito niya nalaman ang tunay na pagkaka-ibigan. Ang pagkaka-ibigan na hindi humihingi ng kahit anong kapalit at manatili sa kanyang tabi kahit walang-wala 'to sa buhay.

chap-preview
Free preview
THE HEIRESS 01
THE HEIRESS 01 "Anak, nandiyan na ang mga kaibigan mo. Ang sabi nila ay tutulong daw sila sa pagpili ng gown mo," bungad ni Mama pagpasok niya sa loob ng kwarto ko. "Hindi po ako marunong mamili ng mga damit na babagay sa akin  kaya nanghingi ako ng tulong sa kanila," paliwanag ko rito bago muling humarap sa salamin. Mula sa repleksyon ni Mama ay nakita ko siyang tumango-tango sa sinabi ko. Lumapit siya sa akin bago hinawakan ang kanang balikat ko. "Naiintindihan ko, anak. Pero hinay-hinay lang sa pakikipagkaibigan, maliwanag?" paalala nito. "Ma, iyan ka na naman. Matagal ko ng kaibigan sina Elle. Hanggang ngayon ba ayaw mo pa rin sa kanila?" tanong ko rito. "Hindi naman sa gano'n, anak. Ayaw ko lang na mapabarkada ka at mahawa sa mga pinaggagawa nila," umiiling na sagot ni Mama. "Ma, huwag ka pong mag-alala. Dalawang taon ko na silang kasama at nakikita niyo naman po na hindi nila ako nahahawaan," pagtatanggol ko sa mga 'to. "Kaya, Ma, magtiwala ka po," dagdag ko pa. Napabuntong-hininga si Mama sa sinabi ko. Tumango siya sa akin at inayos ang buhok ko mula sa likod bago ako niyakap patalikod. "Nag-aalala lang naman ako sa 'yo. Ayaw ko na masaktan ka," paliwanag niya. Tumango ako kay Mama bago siya hinarap. "Alam ko 'yon, Ma, pero matanda na ako. Sa susunod na buwan ay ganap na akong dalaga. Alam ko na ang mga tama at mali," sagot ko. "Oo na," pasuko niya bago hinawakan ang magkabilaang pisngi ko. "Basta kapag may problema ka, sabihin mo agad kay Mama at gagawa ako ng paraan para matulungan ka," paalala nito. Tumango ako sa kaniya bago siya niyakap. "Opo, Ma. I love you," ani ko sa kaniya bago siya hinalikan sa pisngi. "I love you too, anak," nakangiti nitong sabi. "Tara na, hinihintay ka na nila sa baba." Tumango ako sa kaniya bago kinuha ang sling bag na madalas kong ginagamit. Habang pababa ng hagdan ay rinig ko na ang tawanan ng mga kaibigan ko. Mabilis akong lumapit sa kanila bago isa-isa silang niyakap. "Long time no see, Marie Joyce" nakangiting bati ni Elle. Tumango ako sa kaniya bago tumabi sa kaniyang kinauupuan. "Simula nang nag-graduate tayo ng Senior High ay hindi na tayo nagkita-kita. Saan niyo balak pumasok ngayong college?" tanong ko sa kaniya. Nagkatinginan silang tatlo bago niya ako sinagot. "Sa Kalayaan University pa rin," sagot nito. "Nice! Balak ko sanang lumipat na ng school sa college pero dahil diyan kayo mag-e-enroll ulit, sabay-sabay na tayo," malapad ang ngiti kong sabi. "Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Zoe. "Edi i-cha-chat ka na lang namin kapag magpapa-enroll na kami," aniya. Tumango-tango ako sa kaniya. Hindi mawala ang ngiti ko sa labi dahil sa nalaman. "Masiyado pang maaga kung magpapa-enroll na agad tayo. Baka makahanap pa tayo ng mas magandang school," paliwanag naman ni Ava. "Walang problema 'yon. Basta sabay-sabay tayo, ah?" paalala ko sa kanila. Sabay-sabay silang tumango sa akin bago tumayo na sa kani-kanilang mga pwesto. "Tara na, mamili na tayo ng susuotin sa debut mo," pag-aaya ni Elle bago tumingin kay Mama na kalalabas pa lamang mula sa kusina. "Tita, aalis na po kami," paalam nito. "Mag-ingat kayo, at huwag masyadong magpapagabi sa labas," paalala ni Mama bago ako nilingon. "Tumawag ka kapag magpapasundo ka, ah?" Tumango ako kay Mama bago lumapit at niyakap siya. Hindi ko maipagkakaila na close kami ni Mama sa isa't-isa, at alam 'yon lahat ng mga kaibigan ko. "Alis na kami, Ma," muling paalam ko. Sabay-sabay kaming lumabas at sumakay sa sasakyan na maghahatid sa amin papunta sa botique ng kapatid ni Mama. Siya ang maghahanda ng mga susuotin ko sa 18th birthday ko, at hindi lang si Mama ang excited sa gaganapin na 'yon kundi halos lahat ng mga kamag-anak namin. "Marie Joyce, hindi ka ba nahihigpitan sa mama mo?" tanong ni Zoe. Umiling ako sa kanya. "Hindi naman. Bakit?" tanong ko. "Oo nga! Hindi ka pwede magpa-gabi sa labas, bawal ka rin mag-overnight sa ibang bahay, at halos school-bahay lang ang inaatupag mo. Hindi ka ba nagsasawa sa gano'n?" pagsang-ayon ni Elle. Muli akong umiling sa sinabi niya. "Naiintindihan ko naman si Mama at safety ko naman ang inaalala niya. Besides, kung mag-o-overnight ako sa ibang bahay ay hindi rin ako makakatulog dahil hindi ako sanay makitulog sa iba," paliwanag ko rito. "Eh?" angal ni Ava. "Paano mo malalaman ang bagay-bagay sa labas ng bahay niyo kung palagi kang gano'n? Dalaga ka na, MJ. Dapat ay matuto ka na rin na makisalamuha sa iba," concern na sabi niya. "Darating din tayo sa panahon na 'yan," tanging sagot ko. Dahil kung nasa tamang edad na ako para sa mga bagay na 'yan ay sigurado naman ako na hindi na ako pagbabawalan pa ni Mama. Napailing na lang sila sa sagot ko at binuksan na ang kaniya-kaniya nilang mga cellphone. Nang nakarating na kami sa botique na sinasabi ni Mama ay agad kaming sinalubong at inasikaso sa loob. "Hindi ko akalain na kapatid ng mama mo ang may-ari nitong botique," bulalas ni Zoe habang tinitingnan ang mga damit na naka-display sa buong lugar. "Oo nga. Hindi mo man lang sinabi sa amin," pagsang-ayon ni Ava na nakasunod kay Zoe. "Hindi naman kayo nagtanong," nakangiwi kong sagot bago nag-umpisa na ring magtingin-tingin. Hindi din nagtagal ay lumabas na si Tita mula sa office niya. Hawak nito ang iba't-ibang klase ng magazine bago siya tuluyang lumapit sa akin. "Tita Marga," nakangiti kong tawag sa kaniya. "MJ, dalaga ka na nga talaga," nakangiting bungad niya sa akin. "Ito na ang magazine. Mamili ka na lang kung ano ang magugustuhan mo at sabihin mo sa akin agad." Sabay abot nito sa akin ng magazine na nasa kamay niya. "Salamat po, Tita," pagpapasalamat ko rito bago nilingon ang mga kaibigan ko na nakatayo mula sa likod ko. "Siya nga pala, Tita. Mga kaibigan ko, si Elle, Zoe at Ava," turo ko sa isa-isa sa kanila. "Hello po, Tita," sabay-sabay nilang bati. "Kayo ba ang sinasabi ng mama ni MJ na tutulong sa kaniya sa pagpili ng gown niya?" nakangiting tanong sa kanila ni Tita. "Opo. Ang sabi po ni MJ ay hindi niya alam kung ano ang babagay sa kaniya kaya nandito po kami," paliwanag ni Elle kay Tita. "Kung gano'n ay bibigyan ko kayo ng 30% discount sa tuwing bibili kayo sa kahit anong shop ko," anunsyo ni Tita. "Talaga po?" hindi makapaniwalang tanong ni Zoe. Tumango lang si Tita sa kanila. "Thank you po!" ani nilang tatlo. Nagpaalam na si Tita na babalik na sa office niya, at ang tatlo ko namang mga kaibigan ay nag-umpisa nang mamili sa mga designs na nasa loob ng magazine.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Hired to Be Yours

read
2.9M
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.0K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.0K
bc

The Sex Web

read
130.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook