bc

Midnight Jailbirds

book_age18+
129
FOLLOW
1K
READ
dark
versatile
tragedy
mystery
witty
medieval
magical world
betrayal
lies
special ability
like
intro-logo
Blurb

After the reign of Queen Aurora of Flostania, traitors of the kingdom leads the corruption and abusing the rights of its people who are in the bottom of the food chain. It ignites the heart of the citizens, rising swords against their own kingdom to demand for the better change. What would happen if the the kingdom secretly raises five criminals as assassins in order to bring back the peace?

One of the assassin is Crysseo Calvosto. He will do everything to touch freedom for the sake of his blind younger sister.

"I just wanted to give my sister a happy life, so she would worry less about the death of our parents."

Midnight Jailbirds: Nightingale

by mvcabusas

Status: On-going Revision

][][

Genre: Dark Fantasy, Military, Warfare, Mystery/Thriller

chap-preview
Free preview
[Arko 1] Kabanata 1: Batang Lansangan
Arko 1: Asembleyo Prologo Noong unang panahon ay may isang magandang prinsesa ng Flostania na nagngangalang Aurora. Sa pagtiitipon ng mga kaharian para sa alyansa ay nakilala niya ang binatang prinsepe ng Keiland na si Prinsepe Keito. Simula no'n ay madalas nang dumadayo ang prinsepe sa Flostania para lamang makita siya't makausap. Hanggang sa isang gabi ay pinagtapat ni Prinsepe Keito ang kaniyang nararamdaman sa Prinsesa. Sa kasamaang palad, mayroon nang nobyo si Prinsesa Aurora at ikakasal na sila kinabukasan. Dahil sa pagmamahal ng prinsepe ay dinakma niya ang prinsesa nang gabi ring iyon at pilit nakipagtalik. Dahil do'n ay nagalit ang hari ng Flostania at inutos sa hari ng Keiland na patayin ang anak nitong prinsepe bilang kabayaran. Ngunit hindi pumayag ang kabilang hari. Kaya naman ay nagdiklara sila ng digmaan sa isa't isa. Ilang dekada ang lumipas nang namatay sa katandaan ang mga hari at pumalit sa trono si Reyna Aurora. Habang sa kabilang bansa naman, ang kapatid ni Prinsepe Keito ang siyang lumuklok sa trono ng Keiland. Walang nakakaalam kung nasaan si Prinsepe Keito, ang dapat sanang susunod na hari, at pinaghihinalaan ng kaniyang kapatid na iyon ay kagagawan ng Flostania. Kaya naman ay nagpatuloy pa rin ang digmaan. Sa gitna ng pamamahala ni Reyna Aurora ay may taksil na nagtagumpay na lasunin siya. At simula no'n ay mas lalong nagkagulo ang landas ng bansang Flostania. "Walang kuwentang rason," kumento ko sa kuwento ni Papa habang nakahiga sa damuhan at tinititigan ang mga bituin sa kalangitan. "Bakit hindi sila mismong mga hari magpatayan? Bakit kailangan pang madamay ang buong kaharian?" dagdag ko. "Hindi nila dinamay ang kaharian. Ang mga tapat na tagapaglingkod din ang pumiling lumaban sa tabi ng hari." Napatingin ako sa kaniya. Nakaupo siya habang nakasandal ang kamay sa nakaangat na tuhod. Nakatingin kung saan ang kaniyang kulay kapeng mga mata. Bumugso ang malamig na hangin at nagsisayawan ang kaniyang puting buhok. "Ganu'n ang mga tagapaglingkod magmahal sa kanilang pinaglilingkuran. Maliit man o malaki ang bagay, iaaalay nila ang kanilang buhay," dagdag niya. Noong mga oras na iyon ay hindi ko maintindihan kung bakit parang ang lungkot ng kaniyang mukha. Kailanman ay walang kinuwento si Papa tungkol sa kaniyang nakaraang buhay. "Papa," tawag ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin. "Ano 'yun Seo?" "Eh, kayo? Paano kayo nagkakilala ni Mama?" Tumingala siya sa langit. "Nagkakilala kami sa gitna ng digmaan," pagkasabi niya no'n ay humulma sa kaniyang mukha ang abot-taingang ngiti. Ngunit kasunod nito ay paggapang ng luha sa kaniyang pisngi. "Ang iyong ina ang pinakamagandang dilag na aking nakilala." Binalik ko na ang tingin sa kalangitan. Buhay naman si Mama pero bakit ganu'n na lamang ang nagi niyang sagot sa akin? Kabanata 1: Batang Lansangan Dalawang taon ang lumipas. . . Crysseo Dahil sa pag-iral ng pera'y maraming nagugutom. Dahil sa pag-usbong ng pamahalaan ay nagkakaroon ng kaguluhan. Dahil sa katanyagan ay natatakpan ang katotohanan--Sapagkat ang mga tao'y hindi nakikinig sa winiwika, kundi sa kung sino ang nagsasalita. Kayamanan... Kapangyarihan... Kasikatan... Ang tatlong bagay na nagbubunga ng kasamaan sa mundo--na siyang umiikot sa bawat nilalang na nabubuhay. Kasabay nang pagsilip ng araw ang pagsakop ng kahel na liwanag sa kadiliman ng kalangitan. Ang bawat sulong (torch) nakasabit sa mga poste ay iniisa-isa nang tanggalan ng apoy ng mga kawal na nakasuot ng kayumangging uniporme. Bumangon ako ng upo mula sa sementadong sahig. Humikab muna ako at tumingin kay Faye, ang nakababata kong kapatid na babae, na natutulog sa karton. Nakabaluktod siya upang magkasya ang buo niyang katawan sa aking talukbong na maraming tahi dahil sa kalumaan. Kalmado ang kaniyang mga pilik-mata habang naka-buka ang kaniyang bibig. Sinuklay ko ang tuwid at itim niyang buhok gamit ang aking daliri. Dahil dito ay naalala ko si Mama sa kaniya. "Kuya, tumunog na ba ang kampana?" umalingawngaw ang malamig at mahinahon niyang boses sa loob ng ilalim ng tulay. Ngumiti ako at pinagpatuloy ang paghimas sa kaninyang ulo. "Hindi pa, Faye." Bahagya siyang umangat upang gawing unan ang hita ko. "Kuya," tawag niya sa akin. Hinintay ko ang kasunod niyang sasabihin. "Miss ko na sina Mama at Papa." "Faye!" sabik kong tawag sa kaniya. "Mamayang gabi may papakita ako sa'yo!" Napabangon siya ng upo at humarap sa akin na nakangiti habang nakapikit pa rin ang mga mata. "Ano po 'yun, Kuya?" sabik niyang tanong. Oonga pala. Hindi na siya nakakakita dalawang taon din ang lumipas. Habang ako naman ay nakatapal ang isa kong mata. Masuwerte ako dahil may isa pa akong matang nakakakkita. Dahil kung wala ay hindi ko alam paano ko magagabayan si Faye. "May pupuntahan tayo bukas nang maaga! Sa ano--basta sikreto lang muna!" Sakto namang tumunog na ang kampana. "Tara na, Faye, sa simbahan!" anyaya ko sa kaniya at tumayo. Tumayo na rin siya. Mahigpit kong hinawakan ang kaniyang kamay upang alalayan siya sa aming lalakaran. Nang nakarating kami sa gilid ng simbahan ay umupo kami sa ilalim ng puno. Paunti na nang paunti ang mga tao sa labas hanggang sa halos kami na lamang ang natira. Tapos ay nagsimula na ang paksa sa loob. "Nakasulat sa aklat ng Jehal, na gusto ni Jembahal na lahat tayo ay maligtas. . . ." "Kuya," tawag ni Faye. "Ano iyon?" "Ano kaya itsura sa loob ng simbahan?" "Hindi pa rin ako nakakapasok, eh. Pero sigurado akong maganda! Pangmayaman!" "Bakit kaya bawal tayo pumasok?" Hindi ko alam ang isasagot ko kaya nagpanggap na lamang ako na hindi ko siya napansin dahil sa pakikinig sa paksa. Bakit ba kasi ako ang tinatanong ni Faye? Hindi naman ako ang pari! Nang natapos na ang simba ay tumayo na agad kami't bumalik sa tulay bago pa magsilabasan ang mga tao. "Faye, dito ka lang muna, ah, bibili lang ako ng pagkain," paalam ko sa kaniya habang sinusuot ang talukbong. "Sige po, Kuya," sagot niya at tinapik ko ang kaniyang ulo bago umalis papuntang eskenita. "Antagal mo," bati sa akin ng lalaking nakatalikod na na nakasuot din ng talukbong. Humarap siya sa akin at tinanggal ang takip sa kaniyang pulang buhok. "Hati sa makukuha, ah, Fender?" "Oo naman! Basta 'pag may nanghuhuli, kaniya-kaniya nang takbo." Tumalikod na siya upang mauna. "Kapag nahuli ako, puwede mo bang ibigay mo kay Faye ang parte ko?" Huminto siya at tumango. "Basta si Faye, hindi ko hihindian." Kusang kumurba paitaas ang dulo ng aking labi. Nabawasan ang aking alalanin. ~ Pasimple akong sumilong sa telang bubong ng nakalatag na tindahan ng mga tinapay. Habang nagbibilang ng sukli ang tindera ay dumampot ako ng dalawang tinapay sa kahoy na lagayan at agad umalis. Habang nakikipagsiksikan sa agos ay kumuha ako ng kutsilyo at pinutol ang tali ng pitakang nakasabit sa damit ng nadaanan kong lalaki. Pagkasalo ko rito ay agad kong tinago sa aking bulsa. Napangisi ako. Nanikip ang tiyan ko nang makaamoy ng inihaw na karne. Pagtingin ko sa gilid ko ay nasa tapat ako ng ihawan. Mahirap magnakaw ng karne sapagkat mahal ito kaya siguradong bilang ito ng nagtitinda. Lumapit ako rito. Gagamitin ko na lamang ang perang nadampot ko. Gusto ko makatikim din ng karne si Faye paminsan-minsan. Binilang ko ang tanso mula sa nakuha kong pitaka. Sapat lamang ito sa dalawang barbecue. "Ate, dalawa po," ani ko at inabot ang bayad. Tapos ay ako na ang namili ng iihawin at pinanood ko itong maluto habang naghihintay. Bigla namang may dumaang lalaking nakatalukbong at nawala ang lahat ng karne sa ihawan. Mapait akong napatingin sa lalaking iyon. "May magnanakaw!" sigaw ng tindera na siyang nagpukaw atensyon sa mga mamamamyan at maging sa mga kawal na nagpapatrol sa paligid. Saglit siyang huminto at tinuro ako. "Kasama ko iyong nakatalukbong!" Nanlaki ang mga mata ko dahil ang atensyon ay nahati sa akin. Fender! May ebidensya man sila o wala, wala silang pakialam sa mga katulad ko. "Sumama ka sa amin, magnanakaw." pag-aaresto ng kawal na papunta sa akin. Ngumisi ako. "Mangarap ka," ani ko at tumakbo palayo. Habang tumatakbo ay may nakaharang na tatlong patrol sa aking direksyon. Sabay-sabay silang bumunot ng espada at mukhang handa akong pagpira-pirasuhin bago arestohin. Kaya naman ay napapreno ako at bumalik sa dating direksyon at nagpatuloy sa pagtakbo. Ngunit nandoon nakaharang ang unang umaaresto sa akin at may kasama na siyang isa pang kawal. Kaya naman ay muli akong napahinto. Napapalibutan na nila ako. "Sumuko ka na!" Kinuha ko ang kutsilyo ko't inangat ang kamay upang sumenyas na lumapit siya. Napangiti siya. "Ako pa talaga ang hinahamon mo?" pagmamaliit niya at tumakbo papunta sa akin. Naiwasan ko ang pag-ugoy ng kaniyang espada at lalong nakalapit sa kaniya. "Puk!" bulong ko sa kaniya at tinuktok ang kaniyang batok gamit ang hawakan ng aking kutsilyo. Dahil do'n ay nawalan siya ng malay at natumba sa sahig. Napapalatak ako ng dila. "Lampa," pangungutya ko. Isa-isa nang lumapit ang mga natirang kawal papunta sa akin. Nang atakihin ako ng espada ay binaba ko ang aking katawan sa lupa at sinipa ang kaniyang bukong-bukong (ankle). Dahil doon ay nawalan siya ng balanse kaya agad kong inagaw ang espada sa kaniyang kamay at agad sinalag ang atake ng kaniyang kasama. Nagustuhan ng tainga ko ang tunog ng pagkalansing ng mga metal. Dahil dito ay naalala ko si Papa noong tinuturuan niya akong gumamit ng espada. Kaya naman mas lalo kong binuhos ang aking lakas sa bisisg at napalsik ang kaniyang sandata. Nang iangat ko ang espada sa kaniyang harapan ay nanlaki ang kaniyang mga mata. Pero tinuktok ko lang ang hawakan nito sa kaniyang noo na siyang nagpatulog sa kaniya at bumagsak sa lupa. Sunod na lumapit sa akin ay dalawang kawal mula sa magkabilaan. Umupo lang ako sa sahig kaya sila ngayon ang nag-umpugan ng espada. Tapos ay sabay kong sinuntok ko ang kanilang p*********i. Napalayo sila habang namimilipit sa sakit at ginamit ko ang pagkakataong iyon upang muling tumakbo. Tinuro kasi sa akin ni Papa na sa pakikipaglaban ay dapat patamaan ang mga kahinaan ng tao: Ang noo, batok, dibdib, at sa aming mga lalaki, ay ang espesyal na pinakaiingatan--ito ang dapat na pangunahing pinoprotektahan kung gusto mo pang dumami ang iyong lahi. Nasa labas na ako ng palengke kung saan hindi na gaano matao nang naramadaman kong bumibigat ang hawak kong espada kaya binitawan ko na ito. Lumingon ako at nakitang may mga bagong kawal na naghahabol sa akin. Saktong pagharap ko ay may bumulusok na lumilipad na espada sa aking harapan kaya agad akong napahinto at umunat pahiga. Para itong bumagal sa aking paningin habang dinadaanan ng espada ang aking ilong at nagawang pumutol sa aking puting buhok. Woah! Kung hindi ako nakaiwas ay diretso ang tusok nito sa aking mukha. Mabuti na lamang ay nasalo ng aking mga paa ang balanse kaya agad akong nakatayo ng tuwid. Hindi ko akalain hinahagis din pala ang espada. Pagkaharap ko ay may nakaharang na namang kawal. Buti na lang ay may eskenita sa kanan. Tatakbo na sana ako pakanan nang may naramdaman akong pabulusok mula sa aking likuran. Pagkalingon ko ay bumalik ang espadang hinagis sa akin. Hindi. . .hindi lang ito basta hinagis. Kundi ay kinontrol ito. MIDNIGHT JAILBIRDS: Nightingale ]mvcabusas[

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.2K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook