bc

Bitter-Sweet Cafe 5 (Never Tired Loving You)

book_age18+
1.2K
FOLLOW
3.4K
READ
friends to lovers
single mother
drama
comedy
bxg
witty
office/work place
small town
chubby
sassy
like
intro-logo
Blurb

***Note: This story contain some s****l activities that may not suitable for the young readers/minors.***

Maryjo o mas kilala sa pangalang MJ, isang babaeng palagi na lang nabibiktima ng mga katagang; 'It's not you, it's me'. Minsan naiisip niya tuloy na may mali sa kanya kaya palaging ganoon ang sinasabi ng mga nakaka-date niya. Habang ang kanyang BFF ay palaging namumukadkad ang buhay pag-ibig. Kaya nang mabigo ito sa pag-ibig, ay dinamayan niya ito at nagpakalasing silang dalawa sa pad ng kanyang BFF. Kinabukasan ay nagising na lang siyang walang saplot sa kanyang katawan, at katabi ang tulog na tulog niyang BFF. On her shock, mabilis siyang umalis sa pad nito at hindi muna nagpakita sa kanyang BFF. Hanggang ng araw na umalis ito para habulin ang babaeng dahilan ng pagkabigo nito. Huli na nang malaman niyang nagdadalantao siya. At dahil ayaw niyang sirain ang masayang buhay ng kanyang BFF, hindi na niya ipinaalam dito ang tungkol doon. Pero paano kung magbalik ito sa Pilipinas? Paano niya ipagtatapat dito ang tungkol sa kanilang anak? Tanggapin kaya nito ang katotohanang nagbunga ang isang gabing pagkalimot nila? Abangan natin ang kapana-panabik na eksena sa Bitter-Sweet Cafe 5 (Never Tired Loving You) MJ and Yeoj story.

chap-preview
Free preview
Prologue
Nagising akong nananakit ang buong katawan at ulo. Napahawak pa ako sa aking ulo dahil parang binibiyak iyon sa sobrang sakit. Lintik kasing alak iyon eh, lakas ng tama. Kaya ngayon lakas din ng amats ko! Tatayo na sana ako nang biglang may gumalaw sa tabi ko. Kinabahan ako at biglang napamulat ang aking mga mata. Dahan-dahan akong napalingon sa aking tabi, at nanlaki ang aking mga mata nang makitang may lalakeng nakayakap sa akin. ‘s**t! Sino ‘to? Bakit siya nakahubad?’ natatarantang tanong ko sa aking sarili. ‘Hmmm, in fairness ang ganda ng tanawin. Ang kinis ng puwet mare!’ anang isang bahagi ng utak ko. Marahas naman akong napailing na dahilan upang lalo akong mahilo. ‘Huhuhu, ang sakit ng ulo ko! Teka sino ba ito?’ muli kong tanong sa aking sarili.  Ayaw kong magising ang lalake sa tabi ko. Kung kaya’t maingat kong tinanggal, ang kamay niyang nakayakap sa hubad kong katawan. ‘Wait, tama ba iyong sinabi ko? Hubad kong katawan?’ Lalong lumaki ang aking mga mata na halos lumuwa, nang matuklasang hubo’t hubad din ako sa ilalim ng kumot. ‘Oh no! MJ mag-isip ka nang matino. Anong nangyari kagabi? Sino iyang kasama mo? Bakit kayo magkasama? At nasaan ka ngayon?’ pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Kailangan kong maalala ang lahat ng nangyare kagabi. Sa pagkakatanda ko, tinawagan ako ni Yeoj dahil bigo raw siya. Dahil maaga naman ang uwian ko kahapon, pinuntahan ko siya sa pad niya. Nag-inuman kami habang naglalabas siya ng sama ng loob. Naubos namin iyung dalawang litrong vodka, ng kaming dalawa lang. Inalalayan ko pa nga siyang tumayo, at dalhin sa kuwarto niya eh. Tapos, tapos, ahhh natumba kami malapit sa kama. Nagtawanan pa kami, nang matapos kaming magtawanan, nagkatitigan kami at— We kissed! We kissed! And then we— Muli akong napalingon sa katabi ko at sinilip kung sino iyon. Natutop ko ang bibig ko nang makitang si Yeoj nga ang lalake sa aking tabi! Paanong nangyari iyon? Nag-s*x kami? Totoo ba ang lahat ng ito? Hindi ba ako nanaginip lang? Sinampal ko pa ang sarili ko sa pag-aakalang nananaginip lamang ako. Pak! ‘ARAY! Masakit!’ at hindi nga ako nananaginip. Totoo ang lahat ng ito! Ano nang gagawin ko ngayon? Paano kung mabuntis ako? Wahhhh!!!   Maryjo Deocales, 27 years old, Single mom. Describe yourself: Physically, chubby, booby (hehehe), cute with a shoulder length black hair, mapupungay na mga mata, may katangusan ang ilong and thin lips. More of me, kikay, sweet, madaldal, babaeng bakla, at masokista. Yeys, tama, pak na pak. Ito po ako. Job Description: Kitchen Specialist at BSC     Hello dear readers, Sana po magustuhan ninyo itong  Bitter-Sweet Cafe Book 5 – Never Tired Loving You. I dedicate this story to my Friend Maryjo Deocales. Ate MJ this is for you. I love you.   Love Lots, Jersey Gabrielle

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.3K
bc

Tamed to Be Yours

read
384.9K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.6K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
415.6K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.3K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook