bc

Love Mistake (Completed)

book_age18+
4.0K
FOLLOW
12.7K
READ
possessive
sex
escape while being pregnant
forced
second chance
pregnant
drama
serious
abuse
crime
like
intro-logo
Blurb

Madilim, nakakatakot. Nanlalaban ako. Nanunulak. Kahit nanghihina na ang aking buong katawan. Gusto ko pa rin lumaban.

Ngunit pano? Masyado syang 'malakas. Hindi ko sya kaya. Nasasaktan ako at nahihilo. Halos di na ako makahinga. Ilang beses nya akong sinaktan. Gusto ko mang ipagpatuloy ang panlalaban ngunit unti-unti nang nauubos ang lakas ko. Hanggang sa wala na akong nagawa, hinayaan ko nalang sya. Nakatulala nalang ako habang ang halimaw na ito ay dinudungisan ang aking pagkatao. Dinudungisan ang aking katawan.

Isa si Mira sa karamihang nagdadaan sa Isang malagim na nakaraan.

limang taon niyang inaasam na makalimutan ang bagay na paulit-ulit na gumugulo sa isip niya. ngunit ano mang Iwas niya kusang binabalik sa kanyang ala-ala ang nakakatakot na pang-yayaring iyon sa buhay niya.

Hindi niya alam kung nagbibiro lang ba ang tadhana, o talagang nakatakda talagang magkita silang muli ng halimaw sa kanyang nakaraan.

Ang halimaw na iyon ang sumagip sa buhay ng kanyang anak. Ang anak niya na bunga ng pang-yayaring iyon sa kanya.

Ngunit magawa niya pa kayang kamuhian ang halimaw na walang naaalala tungkol sa gabing iyon? sa gabing naging halimaw Ito sa ibabaw niya at paulit-ulit siyang sinaktan at inangkin?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Panimula Lahat ng tao may madalim na nakaraan. Maliit man o malaki. Ngunit handa ka kayang muling harapin ang madim na kahapon para sa isang taong pinakamamahal mo? Sa isang taong karugtong na ng buhay mo. Mira Asuncio. Masiyahin at palaban ngunit, sa likod ng ngiti at tapang nagtatago ang mahina at malungkot na nakaraan. Pano kung muling magkrus ang landas nila ng madilim nyang kahapon? Magawa nya pa kayang ngumiti? O habang buhay nalang siyang mababalot ng takot at galit. Ready na ba kayong umiyak, tumawa, at magalit? Tara mga beshie! Subaybayan natin ang mala roller coaster na life ni Mira. Hi! Readers please vote comment and share po. ************ Disclaimer Any resemblance to real persons living or dead, is purely coincidental. All characters appearing in this work are a work of fiction. Pictures and Videos are not mine. Credit to the rightful own. Warning: my content slight matured scene. Read at your own risk. Written by: jobelsmax ****************** Another day another life. Ohh! English yun ha! The beautiful tindera ng bangketa is here.... Teka! Teka! May customer pala ako.. ."teh! Bilin mo na yan. paniguradong maakit at maglalaway ang mga kalalakihan sayo!" Heto na naman ako bola dito bola doon. Ito ang araw araw kong diskarte makabenta lang ng panindang damit. Kilangang kumayod ehh! Kung walang mabobola walang kita. "totoo ba yan? Mamaya nambobola ka lang para makabenta!" "si ate naman! Anong akala mo sa kin? Dakilang sinungaling?. Totoo talaga yun te, Bagay nga sayo yan." Mabuti nalang biniyayaan ako ni God ng mapagpalang bibig at syempre black beauty na feslak. "sige, na teh bilhin mo na!, mamaya maunahan ka pa ng iba dyan, Ikaw din. Edi sa iba pa napunta ang korona!, four hundred nalang para sayo. Murang-mura na yan!" "sige na nga, ang galing mo kasing mang sales talk. Sige bilhin ko to." Napangiti ako ng mapapayag kong bilhin ni ate ang aking paninda. May kita nanaman ako. Pagkaabot na pagkaabot ng customer ng damit. Binalot ko ito agad, aba! Mahirap na mamaya maihipan pa ng masamang hangin at magbago ang isip. Dumudukot pa lang ito sa pitaka naibalot ko na yung damit. Aba girls scout yata to, laging handa. Nang iabot na sa akin ang bayad, sungab agad ang beauty natin. Mamaya pera na maging bato pa. "Balik ka ulit te. Pag mas madami kang bibilhin, lalakihan ko discount sayo." Pahabol kong sigaw sa papalayong customer. Napalingon ako sa katabi kong tindera sa bangketa ng magsalita ito."Mira, galing mo talagang mang sales talk. Paturo naman. Buti ka pa may benta na ako wala pa." "syempre, ako pa? Talent ko na kasi to. Mag-antay ka lang may bibili din sayo." .... Hapon na ng matapos ako sa pagtitinda. Buti nalang walang mga parak. Kundi nganga nanaman ako. Hirap talaga pag illegal vendor, walang sariling pwesto. Isa nanamang nakakapagod na maghapon ang natapos. Bitbit ko ang isang malaking plastic bag na puno ng mga panindang damit at plastic na nabiling piniritong manok sa kanto. Pumara na ako ng jeep para maaga makauwi. Gusto ko sanang mag tricycle para diretso bahay na ang baba ko kaso nagtitipid ako ngayon. Malapit nalang naman ang lalakarin simula sa babaan ko ng jeep hanggang sa bahay. "oh bagong bayan na, sinong bababa?" sigaw ng driver ng jeep. "para po!" huminto na ang jeep at bumaba na ako, mga isang kilometro nalang ang layo ng bahay ko mula sa binababaan ko pag nag jejeep lang ako. Nagsimula na akong maglakad para maaga-aga akong makauwi. Medyo masakit na kasi ang paa ko maghapon kasi akong nakatayo. Habang naglalakad nakita ko ang isang matanda na nagtitinda ng mga laruan. Nilapitan ko ito. Naagaw ng isang transformer na robot ang atensyon ko. Naalala ko dito si hyohan. Malapit na ang birthday nito at wala pa akong nabibiling pang regalo. "manong, magkano to?" tukoy ko sa laruang transformer na hawak ko ngayon. "ay, yan ba ineng? One five yan. Murang mura na yan." Nanlaki ang mata ko sa presyo ng laruan. Grabe ang mahal pala nito. Halos tatlong araw ko ng kita to. Pero gusto ko talagang bilhin. Tiyak ko naman na matutuwa si Hyohan dito. Balak kong ibigay ito sa raw mismo ng birthday ni Hyohan. Kaya dumukot ako ng pera para bilhin ang laruan. Nang maiabot na sa akin ang nakabalot na laruan agad na akong nagsimulang maglakad. Nasa tapat na ako ng pinto ng bagay, tatlong beses akong kumatok. Pero wala ng nagbubukas. Kumatok ulit ako. narinig kong may papalapit na sa pinto. Ilang sigundo pa ay Biyernes santong mukha ni Kim ang bumungad sa akin. Nakasuot ito ng tube na kulay pula at itim na pekpek short "ohh, nan dito ka na pala?" bati nito sa akin. Habang ang mukha nito ay di maipinta. "ehh, bakit parang di ka masaya na nasa bahay na ako?" tanong ko dito "hindi naman dahil sayo!, at kung mag-uusisa ka pa wag mo nang ituloy, wala ako sa mood ngayon..." Tinulungan ako nito sa mga bitbit kong paninda para maipasok. "hay naku yang junakis mo nakipag jumbagan nanaman kanina sa anak ni aling Petchay. Ayan basang sisiw na naman kakaiyak. " sabay nguso nito sa upuang kahoy sa may sala. Sinundan niya ang nginunguso nito. At ayun nga si Hyohan umiiyak. Nilapitan ko ito. " bakit umiiyak ang baby ni nanay?" tanong ko sa nag- aalalang tinig. Ngunit hindi ako sinagot nito. Bagkus naka yuko lang ito habang humihikbi. "panong di maggaganyan yan? Ikaw ba naman makatanggap ng right hook ng baboy na anak ni aling Petchay! Buti nga di yan hinimatay ehh. Yun nga lang nag ka souvenir." Napatingin ako kay kim, ng nakakunot ang noo at may pagtatanong sa mata. "anong souvenir?" tanong ko. "tignan mo kaya!" utos nito sa akin. Sapilitan kong inangat ang mukha ni Hyohan. Nabigla ako ng makita ko ang kulay itim na marka sa palibot ng mata nito. "ano to? Hyohan!" tanong nya sa nag-aalalang tinig. "ayy, binge si ateng! Kakasabi ko lang nakipag jombagan nga yan sa anak na biik ni aling Petchay." sabat ng mahadera kong kaibigan. hinarap ko ulit si Hyohan. "bakit ka naman nakipag away?" mahinahonng tanong ko dito. Sa wakas nag salita din ito. Umiiyak ito habang nagsasalita. "na-nanay, ka-kasi po si Bu-butchok po sa-sabi nya ka-kaya daw po a-ako walang ta-tatay, ka-kasi po d-di nyo p-po ki-kilala a-ang totong ta-tatay k-ko. Ka-kasi po, ka-katulad ka ni nangnang. iba-iba ang la-lalaki." paputol-putol ang salita nito pero ramdam ko ang sakit na nararamdaman nito. Napatingin ako kay Kim dahil sa gulat, bigla kasi itong sumigaw. " walang hiyang butchok na biik yun ha. Manang-mana sa pinag manahang chismosang nanay! " namumula ang mukha nito at halos lumabas ang litid sa leeg. "huminahon ka nga!" nagugulat sayo si Hyohan ehh. Hindi ako nito pinansin bagkus ay tumingin ito kay hyohan na hindi pa din tumitigil sa pag-iyak. "dapat sinabi mo agad kay nanang, na ganun pala ang sinabi sayo ng biik na yun! . Edi sana nabatukan ko yung biik na yun. Sa susunod Hyohan pagsinabi nya ulit yun, sumbong mo agad sa kin para makatikim ng flying kick." halos umusok ang ilong nito habang nagsasalita. " pinapainit ng mag-inang biik na yun ang ulo ko. Grrrrr! " pahabol pa nitong sabi. " parang ikaw yung nasapak ha! " saway ko dito. "Tche! Basta kumukulo dugo ko sa mag nanay na biik na yun. Makaligo na nga lang baka ma late pa ako, at baka ako naman ang majombagan ni mami Ester." Si mami Ester ay ang manager nito sa club. Padabog na umalis ito, at pumasok sa kwarto. Nang makapasok na si Kim sa loob ng kwarto, tumingin ulit ako kay Hyohan na ngayon ay tumigil na sa pag-iyak. "nanay, totoo po ba ang sinabi ni butchok na di mo po kilala ang totoong tatay ko?" nagulat ako sa tanong nito. Inaasahan kona na balang araw magtatanong din ito tungkol sa totoong ama nito. Pero hindi pa ako handa na sa ganitong kaikling panahon ayy mag-uusisa na ito. "baby, naniniwala ka ba sa sinabi ni butchok?" tanong ko dito na may pangamba. Ito ang pinaka kinatatakutan ko, ang maungkat ang nakaraan na ayaw ko na sanang balikan. At gusto ko nang kalimutan. "syempre po nanay, hindi po ako naniniwala sa kanya. Kasi po alam ko po na nasa malayo lang po si tatay. Di ba nanay, sabi nyo po nasa, uhm? Nasa, nasa abroyd ba yun nanay?" tanong nito sa akin habang kumakamot sa ulo. "abroad yun baby." sagot ko dito. "ayy, opo. Abroyd po nanay. Di ba po sabi nyo po nasa abroyd lang po si tatay. Nag tatrabaho po sya doon para po pag-uwi nya, bibilhan nya tayo ng malaking-malaking bahay, tyaka madaming kotse. Di ba po nanay?" Pumait bigla ang panlasa ko. Dahil sa mga sinabi ng kanyang anak. Oo, ito ang pinalabas ko na nasa abroad lang ang tatay nito. Nakokonsensya man ako, dahil sa pagsisinungaling dito. Ayaw ko namang sabihin dito ang totoo. Dahil iniiwasan ko na makaramdam ito ng katulad ng galit na nararamdaman ko para sa totoo nitong ama. "Baby, di ka pa ba nagugutom? May dala si nanay na paburito mong chicken joy!" pag-iiba ko sa takbo ng usapan. Ayaw ko nang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon. "yehey! Chicken joy!" tuwang tuwa itong tumayo at tinungo ang plastic na may lamang chicken joy. Pasalamat ako at naiba ko ang usapan. At hindi na ito nag-usisa pang ulit. "baby, hugas ka muna ng kamay, para malinis." "sige po nanay!" masiglang sagot nito sa kanya. Tumakbo na ito papuntang lababo para mag hugas ng kamay... Naghanda na sya ng makakain, buti nalang at nag saing na si Kim. Nilagay ko sa isang plato ang kanin at binuhos ko ang nabili kong pritong manok sa isang malalim na mangkok. "baby, tawagin mo na si nanang mo, sabihin mo kakain na tayo." utos ko kay hyohan habang nag-aayos pa rin sa lamesa. Umupo na siya sa isang silya. Inaantay nya ang paglabas ng dalawa para makakain na sila. Unang lumabas si Hyohan. Diretso ito sa lamesa at umupo din sa isang upuan. Kasunod na lumabas si Kim. Naka suot na ito ng damit na karaniwang sinusoot ng mga intertainer sa club. Maikling kulay itim na dress na hapit na hapit sa katawan. Siguro pag tumuwad ito kita na panty nito. Sanay naman na siya dito. Pinag sabihan na nya ito na magbago nalang ng trabaho pero ang sinabi lang nito. mas madaling kumita sa gantong trabaho, kendeng lang may pera na agad. kaya simula noon hinayaan nalang nya ito sa gusto nitong gawin. "Kim, tara kain ka muna bago umalis!" "wag na alis na ako, nag text kasi si mami Ester, maaga daw ang bukas ng club. So, babush nalang eating well nalang" sabi nito sabay sibad pa alis. "baka eat well Kim hindi eating well" pagtatama nya dito. "he! , basta yun na yun." sagot naman nito. Kumaway na ito sa kanila habang nakatalikod. Kumekendeng itong lumabas ng bahay. Nang mawala na ito sa kanilang paningin. Nag-umpisa na silang kumain. Maganang kumakain si Hyohan. Napaka saya nya pag nakikita nyang masaya ang kanyang anak. Kaya ipinangako nya noon pa man, na hindi nya kilangan ang ama nito, para mapalaki ng maayos si Hyohan. Ipaparamdam nya dito na hindi ito kulang kahit wala itong ama. Mabilis na natapos ang pag-kain nila. Tinungo ko na ang lababo para maghugas ng pinagkainan. Pagkatapos kong maghugas ng pinagkainan. Si Hyohan naman ang inasikaso ko nilinisan ko ito at pinalitan ng damit. Para makatulog ito ng mahimbing. Nang matapos ko itong asikasuhin pinahiga ko na ito sa papag na aming higaan. "tulog ka na baby, si nanay naman ang maglilinis, okay lang ba?" tanong ko dito. "sige po, nanay matutulog na po ako." sagot naman nito sa akin. Kinumutan ko ito, pagkatapos ay tinungo ko na ang aparador para kumuha ng pamalit na damit. Nang makakuha na ako ay agad kong tinungo banyo para makapag linis ng katawan. Pagbalik ko sa kwarto namin ni Hyohan mahimbing na itong natutulog. Tumabi ako dito. Tumagilid ako upang mapaharap kay Hyohan. Kinintalan ko ito ng halik sa noo. Malamlam ang matang tinitigan ko ang maamong mukha nito habang natutulog. "anak, patawarin mo si nanay kung nag sinungaling ako sayo tungkol sa totoo mong ama. Pangako ni nanay, balang araw sasabihin ko din sayo ang totoo. Pero wag muna ngayon, hindi pa handa si nanay. Malalaman mo din ang totoo sa tamang panahon...." To be continued

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

His Obsession

read
63.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook