bc

Compilation of Short Stories

book_age4+
19
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
drama
comedy
campus
city
highschool
office/work place
coming of age
first love
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Ito ay mga iba't ibang kwento ng pag-ibig... But most of it ay walang kwentang story!

Disclaimer!!!

All my stories is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

chap-preview
Free preview
Parekoy, Parekoy (part 1)
"HIJA..." parang kumulo ang dugo ko ng bonggang-bongga nang tawagin niya ako ng ganoon. Inis na humarap ako sa kanya at pinameywangan siya. Hindi na niya natuloy ang gusto niyang sabihin siguro dahil sa istrikta kong mukha. Tsk! Buti at nakuha sa tingin ang mokong na 'to! Ginaya ko pa naman ang expression ng mama ko tuwing pinapangaralan niya ako noon. "Hoy totoy." Madiin na tawag ko sa kanya. Tumitig lang siya sa akin. Kailangan niyang lumugar sa buhay ko! Ang lakas niyang maka-hija sa akin! Baka nakakalimutan niya ang edad ko at ang edad niya?! Asar! Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kwelyo ng polo shirt niya 'tapos hinila siya para mapalapit sa akin. Nanlaki ang mata niya sa gulat dahil sa ginawa ko. Buti naman! "Hindi porket matanda ang kaibigan mo, matanda ka na. Tandaan mo, bata ka pa. Mas matanda ako sa 'yo." Sabi ko na para bang pinapaintindi sa kanya ang mga salitang sinasabi ko. Biglang kumunot ang noo niya na para bang naguguluhan sa sinabi ko. s**t. Anong aasahan mo sa tambay, Jena?! Huminga ulit ako ng malalim. Gamit ang isang kamay ko hinawakan ko ang pisngi niya at pinaharap siya sa akin para magkatitigan kami. Napatitig ako sa kabubuuang mukha ng letcheng totoy na 'to. Kung hindi lang totoy 'to, mag ka-crush ako sa kanya. Ang gwapo eh! Napailing ako. Gising, Jena! Kilabutan ka sa pinag-iisip mo! Huwag kang magpaloko sa mukha niya! Baka makasuhan ka ng child a***e dahil sa kanya. "Makinig ka sa akin..." simula ko. "Twenty-three na ako. Twenty-three. At ikaw eighteen ka pa. Kaya 'wag na 'wag mo akong matawag-tawag na hija." Sabi ko at pinandilatan ko pa siya ng mga mata. "Atsaka pwede ba, tumigil ka sa pakikipagbarkada sa tatay ko. Maawa ka! Fifty-one na siya at dahil sa 'yo totoy kung ano-ano ang pinaggagawa niya sa buhay niya!" Inis na sabi ko. Mas lalong uminit ang ulo ko ng maaalala ko ang nangyari last week! Alam kong lasenggo ang papa ko. Naging hobby na niya 'yun ng mamatay ang mama ko. 'Yun lang naman ang tanging bisyo niya! Pero nang maging barkada niya ang totoy na 'to, aba! Natutong magparty ang papa ko! Sa bahay lang siya umiinom noon. Pero ang totoy na 'to! Sinasama niya sa mga bar at umuuwi sila ng lasing! Ako namang naiwan sa bahay sobrang nag-aalala! Hindi nagpaalam ang tatay ko! Ay nagpaalam pala na lalabas saglit kasama ang totoy na 'to! Saglit daw?! Pero alas dos na sila ng umaga umuwi sa bahay! Lasing na lasing pa silang dalawa! Tapos nag drive pa talaga sila ng jeep pag-uwi rito sa bahay! What if maaksidente sila? Siraulong lalaking 'to! Sana tinext nila ako, edi sana pinuntahan ko sila at ako na ang nag drive sa kanila pauwi! Feeling ko rin kaya hindi nilang nagawang i-text ako ay dahil hindi lang inom ang ginawa nila doon sa bar na pinuntahan nila. Kasi kinabukasan nang nilabhan ko ang damit ng tatay ko na sinuot niya nung nag naglakwatsa sila, may lipstick ang kwelyo niya. Nakakainis talaga! "Humanap ka ng ka-edad mong pwedeng maging kaibigan! O di kaya mag-aral ka imbes tumambay sa bahay namin! O di kaya maglaro ka ng DOTA imbes uminom ng alak!" Sigaw ko sa kanya at binitawan ko na siya. "Uwi! Umuwi ka na!" Sigaw ko at tinuro ko pa ang pinto ng bahay namin. "Gabing-gabi na, nasa bahay ka pa rin namin!" Dugtong ko. Napakurap lang siya. Tsk! Tusukin ko mata niya eh! "Ano.... kasi...." pinandilatan ko siya ng mata. Magpapaliwanag pa eh! Walang respeto din talaga ang lalaking 'to! Ganito ba talaga ang millenial ngayon?! Sumasagot sa akin to eh! Minsan pinapagalitan din ako pag hindi ako umuuwi ng maaga! Parang tatay the second ko. Akala niya siguro dahil sa kaibigan siya ng tatay ko, pwede niyang gawin 'yun. Aish! No! Hindi pwede yun! Ako ang matanda rito! Ate niya ako! Ngumiti lang siya kaya lumabas ang maputi at pantay niyang ngipin! Anak ng! "Uuwi naman talaga dapat ako Jena..." Jena? Sira-ulo 'to! Dapat ate Jena! Hindi ako nagpapatawag ng ate sa iba pero sa isang 'to dapat niyang malaman ang posisyon niya sa buhay ko. Iko-korek ko sana siya kaso nagsalita na naman siya. "Kaso si parekoy tumba na eh... Ako na sana ang maghahatid sa kanya sa kwarto niya. Hindi ko naman alam kung nasaan..." kapag nandito siya sa bahay, hindi ko siya pinapasok sa kwarto ni papa. Sa sala lang sila, sa kusina o di kaya sa labas ng bahay namin nag-iinuman. "Baka magkamali ako ng hatid sa kanya at sa kwarto mo ako pumasok..." Ah ganoon ba?! Pero kahit na! Aish! "Si tatay talaga..." mahinang saad ko. Pero... Masamang tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko. "Kasalanan mo 'to eh!" Sisi ko sa kanya. "Alam mo namang may edad na 'yung kainuman mo, grabe pa kayong uminom!" Inis na sabi ko. Limang bote yata ng beer ang ininom nilang dalawa. Sinutok ko siya sa braso niya pero imbes na masaktan ko siya, ako pa 'yung nasaktan! Asar! Bat ba kasi ang tigas nun?! Palihim na hinimas ko ang kamay kong sinutok ko sa braso niya. Masakit kasi eh. Asar talaga! Napakamot sa ulo niya si totoy. "Pinigilan ko naman si parekoy eh, kaso ayaw niya talaga..." sabi niya. Aish nagpapaliwanag pa talaga. "Edi sana umalis ka! Para tumigil siya!" Inis na sabi ko. Iniative din pag may time! Aminin mo na lang kasi, gusto mo rin talagang uminom! "Eh kung aalis ako, siya lang 'yung iinom nung isang case ng red horse." Wow. Talaga lang ha? Hindi niya ba naisip na bumili ng ganoon si papa ng beer dahil nandito siya!? Mumurahin ko na sana siya ng magsalita ulit siya. "Diba mas okay na ako na lang 'yung mas maraming nainom at malasing kaysa siya." Habol niya. Eh bakit hindi ikaw 'yung lasing?! Gusto ko sanang isigaw sa kanya 'yun pero tumahimik na lang ako! Walang katapusan ang usapan namin kapag pinatulan ko pa siya. Nabwibwisit na ako sa lalaking 'to! "Umuwi ka na! Ako na ang bahala sa kanya!" Sigaw ko sabay iwan sa kanya at pumunta sa tatay ko na nasa sala. Doon kasi sila nag-inuman kanina eh. Nakita ko si papa na nakahiga sa kawayan naming upuan. Nagkalat ang boteng pinag inuman nila sa sahig. Aish! Ang hirap talagang magpalaki ng magulang. Lumapit ako sa kanya. Nakita ko ang natutulog na mukha ng papa ko. Maaliwalas 'yun na para bang walang problema. Napangiti ako. Ako kasi yung namomroblema eh. Hinaplos ko ang mukha niya. Kaming dalawa na lang ni papa ang magkasama sa buhay. Namatay kasi ang mama ko dahil sa sakit na breast cancer noong fifteen years old ako kaya kami na talaga ni papa ang naging magkasangga. Alam kong naging malungkot si papa sa pagkawala ni mama pero hindi niya pinapakita sa akin 'yun noon. Pinapakita at pinaparamdam niya sa akin na magiging maayos ang lahat na kaya niya akong palikihin mag-isa... pero alam ko, na hindi siya okay... 'Yung pasimpleng inom niya pagkatapos ng pasada niya sa jeep noon, atsaka nakikita ko siyang nakatingin sa larawan ni mama kapag gabi... Alam ko na malungkot siya... Kaya hinanda ko ang sarili ko na kung magmamahal man si papa ulit at magpapakasal, tatanggapin ko 'yun, kung 'yun ang magpapasaya sa kanya. Kaso hindi naman nangyari eh. Kaya hinayaan ko na lang siya sa bisyo niya. Mahal niya siguro talaga ang nanay ko. Kaya pinangako ko sa sarili ko na tulad ni papa ang pakakasalan ko. Okay lang na hindi gwapo at mayaman basta mapagmahal, responsable at masikap na tao at higit sa lahat mahal na mahal ako tulad ni papa. Mahal na mahal ako ng tatay ko kahit na lagi kaming nagsisigawan araw-araw. Alam ko, alam ng tatay ko na mahal na mahal ko rin siya! "Pa..." gising ko sa kanya. Hindi siya pwedeng dito matulog. Sasakit ang likod niya. Umungol lang siya... "Pa sa kwarto po kayo matulog..." malumanay na sabi ko. Dumilat siya kaso pumikit ulit. Asar! "Pa!" Napalakas ko ang boses ko sa pagtawag ko sa kanya. Yinugyog ko siya. "Hindi ka pwede matu- "Kakargahin ko na nga lang siya." Napasigaw ako dahil sa pagsalita ni Jerome. Galit na tumingin ako sa kanya. "Bwisit ka, Jerome!" Inis na sigaw ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Bwisit! Bwisit! "Bakit nandito ka pa?! Diba pinauwi na kita?! Umuwi ka na nga sa inyo!" Sigaw ko. Nakita kong may sinabi si Jerom-este si totoy pero hindi ko narinig ang sinabi niya. Asar! May pabulong-bulong pa siyang nalalaman ha! "Hoy! Ikaw- "Jenarayan, tumahimik ka nga..." putol ni papa sa sasabihin ko kaya napatingin ako sa kanya. "Ang ingay mo, natutulog ako..." mahinang sabi ni papa. Asar! Buong pangalan ko talaga ang tinawag niya sa akin. Oo yun ang buong pangalan ko. Jenarayan Reyes, to be exact. Hinalo ang pangalan ng papa at mama ko na Ryan at Jenalyn. Diba unique ng pangalan ko? Never akong mahi-hit sa NBI?! "Pa..." tawag ko sa kanya. "Tumayo na kayo dyan para maihatid na kita sa kwarto mo." Sabi ko at hinawakan ang isang kamay niya. Binawi lang niya 'yun at inunan. "Pa...." para akong bata ng tawagin ko siya. "Ako na." Sabi ni Jerome at lumapit na sa papa ko. "Hoy!" Tawag ko pero kinarga niya ang papa ko kaya napatigil ako sa pagsasalita... Oh... Nakaya niyang kargahin ang papa ko? Nasa likod niya si papa na para bang pinipiggy back ride niya ito. Ang macho niya-what the hell?! Hinanap ko ang tamang salita na pwede kong sabihin sa lalaking 'to... Hindi ko dapat naisip 'yun! Humarap sa akin si totoy. "Asan ang kwarto niya Jenarayan?" Tanong niya. Jenarayan? Bakit nakiki-Jenarayan din siya?! Asar! "Sira ulo k- "Pa..re...koy..." salita ng papa ko. "Ikaw ba yan?" Tanong ni papa. "Oo parekoy, ako 'to... Ihahatid kita sa kwarto mo. Saan ba dito ang kwarto mo?" Tanong niya. Nakita kong ngumisi ang papa ko. Oh... para silang mag-ama! Anak ng! "Pap- "Sa bandang kaliwa ang kwarto ko..." sabi ni papa. Asar talaga! Bakit hindi ako pinapansin ng mga taong 'to?! Tumingin sa akin si Jerome-este si totoy! "Hatid ko lang ang tatay mo..." paalam niya. Aish! "Bahala na nga kayo sa buhay niyo!" Inis na sigaw ko. "Pero ito ang tatandaan mo, ito na ang huling beses na maglalasing kayo!" Sigaw ko sabay talikod sa kanila. Nagsimula agad ako sa paglinis nung pinag-inuman nila! Asar! Asar talaga! Kung makaasta ang lalaking 'yun! Bwisit siya! Nanggigil na pinunasan ko ang lamesa na ginamit nila sa inuman. Bwisit talaga siya! Nagmamadaling naglinis ako at binitbit yung mga nagamit nilang baso at plato sa kusina. Huhugasin ko na lang 'to kaysa mag-isip ng masama para madispatcha ang mokong na 'yun! Pupunta na sana ako ng kusina ng marinig ko ang yapak ng lalaking 'yun. Alam kong si Jerome 'yun. Obvious naman eh! Hindi ako lumingon sa kanya. "Umalis ka na. Gabi na. Ako na ang bahala rito." Sabi ko baka magprisinta pa siyang tumulong. Narinig kong huminga siya ng malalim kaya lumingon ako sa kanya. "What?" Tanong ko. "I-lock mo ang pinto pagkaalis ko. At siguraduhin mong nakasarado lahat ng bintana niyo" Sabi niya. Naitaas ko ang isang kilay ko. Humarap ako sa kanya. Tinatantya niya talaga ang pasensya ko ha! "Hoy, bata! Tingin mo ba hindi ko alam ang mga bagay na 'yan?" Tanong ko. Tinitigan lang niya ako at hindi siya sumagot. Tsk! Ngayon, tatahimik siya! "Pinapaalahan lang kita." Sabi niya bigla. Aish! Fine! Binaba ko yung hawak kong hugasin sa mesa. Pupunasan ko na lang ulit 'yun. "Opo. I-lo-locked ko ang pinto tapos isisirado ko ang bintana namin. Maglalagay rin ako ng asin at bawang sa pinto at bintana para kahit aswang hindi makakapasok sa bahay namin." Sarcastic na sabi ko. "At oo baby boy, ihahatid na kita sa labas. Wag mong kalimutan i-text ang tatay ko pagmakauwi ka na ha..." malambing na sabi ko tapos ay ngumiwi. "Uwi na!" Striktong sabi ko sabay turo noong pinto na nasa likod niya. Maliit lang ang bahay namin. Pero sakto lang sa amin ni papa. Ngumiti lang siya sa sinabi ko. "Ang cute mo." Mahinang sabi niya pero rinig ko naman. Nagulat ako at hindi nakasagot sa kanya. Ngumiti ulit siya at tumalikod sa akin. Binuksan niya 'yung pinto 'tapos lumabas na siya. Bago niya sinarado ang pinto tumingin siya sa akin. "Goodnight Jenarayan..." sabi niya at sinirado niya ang pinto. Natulos ako sa kinatatayuan ko. Napahawak ako sa pisngi ko ng biglang uminit 'yun. Shucks! Anong nangyayari sa akin?! ---- "JENA, okay ka lang?" Napatingin ako sa kasama ko nang itanong niya yun. Nasa canteen kami at kumakain dahil break namin sa trabaho. "Oo." Tipid na sagot ko at isinalin 'yung kapeng nasa cup sa tumbler ko. "Bakit mukha kang puyat girl?" Tanong niya. "Diba day-off mo kahapon? Dapat fresh ka!" Dugtong na sabi niya. Tumango lang ako at mapaklang ngumiti. "May bisita kasi kami kagabi. Madaling araw na siyang umalis eh." Sabi ko. Sarap sabihin na bwisita pero ayoko namang maging rude. Ang totoo, hindi ako pinatulog sa sinabi ni totoy kagabi! Nakakabanas! "Ah ganoon ba, sige una na ko girl tapos na break ko." Sabi niya at umuna na siya. Tsk. Hindi man lang hinintay ang sunod na sasabihin ko.... Huminga na lang ako ng malalim at bumalik sa ginagawa ko. Nasa vending machine kasi ako at kumukuha ng kape at inilalagay ko sa tumbler ko. Ginagawa ko 'yun para hindi ako makatulog mamaya sa shift ko. Iinom lang ako ng kape pag tinamaan ako ng antok. Libre naman ang kape sa vending machine na 'to kaya okay lang na gawin ko 'to, lalo na at wala na akong break mamaya, kaya hindi na ako makakalabas sa production floor mamaya para uminom ng kape. Call center agent ako. Tatlong taon na ako sa trabahong 'to. Ito ang naging trabaho ko pagkatapos kong grumadweyt sa kursong accounting technology. Ang plano ko talaga, magtrabaho sa accounting department bilang accounting staff rito kaso wala silang bakante kaya nagtrabaho muna ako bilang call center agent. Pwede kasing mag-apply at prioritize ka nila kung may bakante sa posisyong gusto mo. May bakante last year kaso nagustuhan ko na ang trabaho ko at mas malaki talaga ang sweldo ko kumpara sa pagiging accounting staff kaya nag stay ako bilang call center agent. Tinakpan ko na 'yung tumbler ko ng mapuno ko 'yung at tinapon 'yung mga cup na pinaglagyan ng kape sa basurahan. Pumunta na ako sa production floor. Nang makapasok ako, naghanap agad ako ng magandang pwesto. Wala kasi kaming permanent seat. Nang makahanap ako umupo ako doon ang ini-enter ko ang account ko. Flowerpot ang pangalan ng account ko. US based siya tapos it is all about ordering flowers, tracking kung asan na 'yung inorder nilang bulaklak mga ganoon! Basta, tumatawag 'yung mga customer namin para mag inquire about sa product at sa order nila, ganoon! Hindi kami nagbebenta! "Hi Jena..." bati ng katabi ko sa akin. "Hello..." bati ko pabalik at nag log in na ako sa avaya-ang phone na ginagamit namin sa pagtawag at pag accept ng calls. "Auto in na?" Tanong ko sa katabi ko. "As always." Sagot niya. "Sana makakuha ako ng uno ngayon." sabi ng katabi ko. "Ako rin sana..." sabi ko din. Pagkatapos kasi ng concern ng customer, may survey kaming dapat i-offer. Based sa services na prinovide namin ang survey. 5 ang pinamababang score at 1 naman ang pinakamataas. "Sana walang akong shunga-shunga na customer." Sabi ng katabi ko. "Ako rin..." mahinang sagot ko. Ini-auto in ko ang avaya ko at nag start ng mag accept ng tawag... "Hello thank you for calling flowerpot, this is Barbie, how are you doing today?" Masayang bati ko. Yup! Barbie ang gamit kong name! Hindi kasi required na 'yung totoong name mo ang dapat gamitin kaya ito ang gamit ko! Gusto ko ang pangalang Barbie eh. "Ahmm... I ordered a boquet of red rose last week for my date today but I want to cancel it." Sabi nung customer ko. Napangiwi ako ng mapagtanto ko kung sino ang customer ko. Patay. Indian. May mga mapanganib kasing customer, sila yun buraot mamigay ng score sa survey! Mga Asyano, particularly, Chinese at Indian. Sila yung kahit na ang ganda ng service mo bibigyan ka talaga ng mababang score. Ewan ko sa trip nila! "Sure. I can help you with that. But first, may I asked for your name please..." Sinabi niya ang pangalan niya at pumunta agad ako sa tool ko at tinype ang pangalan niya. Kinonfirm ko rin ang phone number at address niya. Nakita ko sa details na pwede pa niyang i-cancel ng order niya. Minsan kasi may mga orders na hindi na pwedeng i-cancel. Kinancel ko na 'yung order. "I have successfully cancel your order, ma'am..." at sinabi ko sa kanya kung ano ang magiging process para makuha ang refund niya. "Thank you so much..." sabi ng customer ko. Napangiti ako. "Your welcome. Is there anything else I can help you with?" Tanong ko. "No! Thank you so much for your help." "It's my pleasure. Thank you for calling Flowerpot and have a good day!" Paalam ko at hinintay ang pag end niya ng call. Ngumiwi agad ako pagkatapos. Hindi na ako nag offer ng survey baka bigyan niya pa ako ng singko! Bahala siya! Pwede ko namang gawin 'yun kaso lang, dapat mag expect na ako na mapagalitan ng team leader ko mamaya kasi bawal talaga 'yung ginawa ko, pero okay lang imbes na maging pasakit ako sa team namin! May scorecard kaya kaming dapat i-comply at mas malaking percentage ang survey na 'yun kaysa sa average time handling sa call at iba pa... Nag accept ulit ako ng tawag. 'Yun ang ginawa ko buong eight hours. Overtime kasi ako ngayon. Nang matapos ang shift ko agad na nag log-out ako. Baka kasi puntahan ako ng Team Leader namin at pagalitan ako sa ginawa ko kanina. Nakakuha ako ng limang uno at isang kwatro and the rest hindi na ako nag offer ng survey! Kaya lagot talaga ako! Nagmamadaling pumunta ako sa locker room at kinuha ko 'yung bag ko. Agad na umalis ako doon. Nang nasa elevator na ako, kinuha ko 'yung phone ko at tiningnan 'yun baka kasi nag text si papa, tiningnan ko na rin ang oras. Wala akong natanggap na text mula kay papa. Baka tulog na rin siya. 4 AM kasi out ko ngayon. 4:20 na. Hayst! Uuwi na lang siguro ako agad. Nakasanayan ko kasi na kumain muna bago umuwi o di kaya gumala kasama ng ka-team ko kaso nga may ginawa akong kabalastugan sa production floor kanina kaya ayokong sumabay sa kanila. "Uy, Jena!" tawag sa akin ng kaibigan kong si Alma. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti ako sa kanya. Magkasama kami sa training noon kaso nang ini-endorse na kami sa production floor, inilipat siya ng ibang account, doon siya sa isang retail store na account. "Uy!" lumapit ako sa kanya. Marami silang nandoon. Siguro galing 'to sa paninigarilyo. Nakita ko ang ibang kasama ko noon. Nagkamustahan din kami nung ibang kasama ko noon! Marami kasi silang nailipat sa account na 'yun. Ngumiti naman ako doon sa dalawang lalaking na hindi ko kakilala. Kasama siguro ni Alma sa team niya ang mga lalaking 'yun o baka manliligaw niya... "Anong ganap girl?" tanong ko kay Alma. "Mag pa-party kami after shift ngayong Sabado, sama ka?" tanong niya. Sabado? Four days from now na 'yun ha... May gagawin ba ako sa araw na 'yun? Wala naman. Kaso baka mag-inuman sila papa at walang magbantay sa kanya eh. Paano ba 'to? Gusto kong sumama sa kanila. Matagal-tagal na rin ng huli akong sumama sa gala. Ang motto kasi namin sa work ay 'work hard, party harder' kaya every night noong one year ko rito, lagi akong gumagala. Party doon, party dito! Syempre nagpapaalam ako sa papa ko. Lagi ko lang sinasabi na nag overtime ako! Oo na, may pagkasuwail din ako! Aish! Bahala na nga! Nandoon naman si Jerome! Pakikiusapan ko na lang siya na bantayan si papa! "Sige ba!" sabi ko. "Text mo na lang ako sa details ng lakad natin. Kailangan ko na kasing umuwi Alma eh." sabi ko. Tumango lang siya. "Sige ingat ha! Mag over-overtime kasi ako ngayon" sabi niya. Tumawa na lang ako. "Laki pala pay-out mo next sahod!" biro ko. "Malaki nga, mukha naman akong zombie." sabi niya. "Sige na! Umalis ka na! Baka mapatay na naman ako ng bodyguard mo!" natatawang sabi niya. Ugh! I just rolled my eyes! "Baliw!" sigaw ko. Tumalikod na lang ako at naglakad na paalis ng building. Tsk. Naalala ko na naman ang pangyayaring 'yun. Ang bodyguard kasing tinutukoy ni Alma ay si Jerome! Sumama kasi 'yun minsan sa pagsundo sa akin ni papa. Nagpapasundo kasi ako kay papa noon lalo na noong end of shift ko ay ala-una ng umaga! Natrauma kasi ako noong may nakita akong nag riot doon sa amin kaya nagpapasundo ako! Naipit kasi ako at nasali! So 'yun na nga... Nang sinundo nila ako papa ng araw na 'yun sumabay rin sa amin si Alma at nagkwentuhan kami sa kung saan kami pupunta pagkatapos ng christmas party namin. Kaso si Jerome, sumingit at sinabihan kami na 'wag na daw gumala at dumiretso na daw kaming umuwi. Nag-away kami kaso ang gago nagpalaban sa papa ko at kumampi naman si papa kaya napagsabihan kaming dalawa ni Alma. Tsk! Asungot talaga ang lalaking 'yun! Nang makalabas ako ng building nagulat ako ng makita ko ang jeep ng tatay ko. Nagmamadaling lumapit ako doon. "Pa?" tawag ko ng makapunta ako sa upuang tabi ng driver's seat. Yung dapat daw sa PWD at senior pero sinasakyan ng mga normal na tao! Asar talaga! Pero nagulat ako ng pagtingin ko sa driver's seat hindi si papa ang nakita ko kundi si... "Jerome?" hindi makapaniwalang saad ko. Bakit siya nandito? At bakit nasa kanya ang jeep ng papa ko? Nagising naman siya agad at napasuklay sa buhok niya. Napaawang ang labi ko. LintekA "Oh, lumabas ka na pala." nakangiting sabi niya sa akin. Pero agad namang nawala ang ngiti niya at napalitan ng pagkaseryoso. "Bakit ngayon ka lang sabi ni parekoy balik ala-una ang end of shift mo ha?" seryosong tanong niya. Wow! Kung makapagtanong ha?! Suntukin ko kaya siya?! Kung hindi lang talaga ako pagod! "Nag-overtime ako!" inis na sagot ko. Umupo na ako sa upuang tabi niya. Nameywang siya at humarap sa akin. "Overtime talaga?" paniniguradong tanong niya. "Oo nga!" inis na sagot ko. "Kita mong sa office ako lumabas!"Ah! Napatigil ako! Hindi niya pala nakita dahil tulog siya! "Atsaka bakit ka nandito at nasa 'yo pa talaga ang jeep ng tatay ko?!" tanong ko sa kanya. Pinaandar niya ang jeep. "Pinapasundo ka ng tatay mo sa akin. Pagod daw kasi siya." sabi niya at nag drive na siya. "Tsk! Si papa talaga... Hindi naman porket balik one am ang shift ko, balik sundo na siya sa akin." mahinang sabi ko na alam kong rinig niya. "Tsk! Dapat nga araw-araw kang sinusundo eh." sagot noong kasama Napatingin ako sa kanya. "Ano bang problema mo? Matanda na ako. Kaya ko ang sarili ko!" madiing sabi ko at hinampas ko pa ang likuran ng upuan niya. "Tsk!" inis na sabi niya. Pinigilan ko ang sarili kong 'wag siyang sapakin. Nag da-drive kasi siya-oh wait! "Bakit ikaw ang nag da-drive? May lisensya ka ba? Baka mahuli tayo sa ginagawa mo! Itigil mo 'to ako na ang mag da-drive!" sabi ko kay Jerome. Umiling lang siya. Ang tigas talaga ng ulo ng lalaking 'to! "Hoy ika- "May lisensya ako noh! Atsaka easy lang ang pag drive ng kotse-I mean jeep." Naningkit ang mata ko. "Ako ba niloloko mo? Paano ka magkakalisensya? At kailan ka nagkaroon ng lisensya aber?" Kasi imposible namang may lisensya siya. Eighteen pa siya ha! Ako nga beinte uno ng magkalisensya! Atsaka impossible talaga! Oo minamaliit ko ang isang 'to! Kasi kung hindi ko gagawin, naku malaking problema ang haharapin ko! "Hindi kita niloloko. May lisensya na nga ako. Matagal na akong may lisensya." sabi niya. Aish! "Bahala ka na nga diyan! Basta nagkahulihan, hindi kita kilala ha." inis na sabi ko. "Ang sama ng ugali mo noh ..." sabi niya. I just rolled my eyes "Gisingin mo ako pag nasa bahay na 'tayo. Iidlip lang ako." sabi ko sa kanya. "Okay." sabi niya. Sinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan at napahikab.... Inaantok na talaga ako. Grabe! Sana manalo ako ng lotto kasi nakakapagod magbanat ng buto! Kapag nanalo ako ng lotto pwedeng papetiks-petiks na lang ako tulad ng lalaking 'to. Nakakainis! Nakakainggit din ang lalaking katabi ko ngayon. Tambay-tambay lang ang peg! Pa relaks-relaks lang. Walang problema sa buhay! Haysst! Pinikit ko ang mata ko at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako... ---- "ANG ganda mo talaga... Kaso ang sungit mo..." rinig kong sabi ng isang lalaki. Hindi ko dinilat ang mga mata ko kasi pagod na pagod talaga ako. Bahala 'yang nagsasalita sa tabi ko. Atsaka alam ko nanaginip lang ako. Ilang beses na ba ako nanaginip ng ganoon? Naramdaman kong may humaplos sa pisngi ko kaya agad na napadilat ako ng mga mata at napatingin sa tabi ko. Damn! Ang warm ng kamay ng humaplos sa pisngi ko! "Hoy!" sigaw ko. "Hinaplos mo ba ang pisngi ko?" tanong ko. Napayakap ako sa shoulder bag na dala ko. "Huh?" gulat na tanong niya at tumingin sa akin ng saglit. "Anong pinagsasabi mo? Nag da-drive ako noh. Paano ko magagawa 'yun?" Sunod-sunod na tanong niya. Tunog defensive siya pero... Napatingin ako sa kanya. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa manibela. Tumingin ako sa daan. Nasa may kanto na kami ng street ng bahay namin! Oh.... "Talagang hindi mo hinaplos ang mukha ko?" paninigurado kong tanong sa kanya "Oo nga! Teka nga lang!" sabi niya sabay lingon sa akin ng saglit. "Bakit mo ba tinatanong sa akin 'yan?" Huminto na siya sa pag da-drive dahil nasa harap na kami ng bahay namin. Humarap siya sa akin. Nakita ko ang pilit niyang pagpipigil sa ngiti niya. Nagkatitigan kami. Nag-init ang pisngi ko nang makita kong sinuyod niya ng tingin ang mukha ko. Lintek! Na-conscious tuloy ako! May dumi ba ako sa mukha?! Kagigising ko lang eh! "Napanaginipan mo ba ako na hinahaplos ko ang mukha mo, Jena?" nakangising tanong niya. Mabilis na hinampas ko ang bag ko sa mukha niya at nagmamadaling bumaba sa jeep! "'Wag kang feelingero!" inis na sigaw ko. Sumunod naman agad siya. Pinagbuksan niya pa ako ng gate namin. Humarap ako sa kanya at tinuro ko pa talaga siya! "Atsaka pwede ba 'wag mo akong ma Jena-Jena! Mas matanda ako sa 'yo! Tawagin mo akong ate Jena!" inis na sigaw ko at pumasok sa bahay namin. Iniwan ko na siya run! Bahala siya sa buhay niya!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
307.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.0K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
440.7K
bc

NINONG III

read
360.7K
bc

Stubborn Love

read
98.5K
bc

NINONG II

read
616.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook