bc

The Doorway

book_age12+
2
FOLLOW
1K
READ
time-travel
independent
friendship
self discover
like
intro-logo
Blurb

She travels back to the past and back to the present, foreseeing her own fate. She can change things in the past by using the doorway, then go back to the present to deal with the consequences. The cycle then continues as she go back in time to try again. She then embarks on a remarkable journey of personal development as a result of her time travels.

With that, Arya flies back in time through a door in order to prevent her dream wedding from happening one month in the present.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - The Beginning
I've always thought that getting stuck in the past is similar to being plunged into a little pit. Like not being able to move in order to alter my own future. Positive sentiments may persist in plans and thoughts, but this time may be different. How would I mute all my thoughts as they keep moving about feeling the memories and become stuck since they are still present? Like how unwanted emotional expression persisted, beckoning like a young child. But as the years went by, I became distracted from the past by new experiences and circumstances. When in fact the memories were only covered up by all the subsequent events, I mistakenly thought that I had gone over it. No matter what I do or how unusual anything appears, there is persistent nagging. How does letting go of things from the past feel? How does it feel to move on and let go of the past that has damaged you? Every day, I questioned myself about this same thing. Because it appears like I am clinging to the past and preventing myself from moving forward. Bago ko pa man tuluyang mapikit ang mga mata ko ay tumunog na agad ang alarm ko. At ito na naman ako sa panibagong araw na hindi na naman ako nakatulog. Pakiramdam ko bawat araw na lumipas ay lalong lumalala ang insomnia ko. Imbes na magsayang pa ng oras ay agad akong bumangon para magsimula nang kumilos. Pagtayo ko ay una kong hinawi ang makapal na kurtina at bumungad sa akin ang tirik na tirik na araw. Mabilis naman akong napapikit dala ng pagkasilaw at nang nakapag-adjust ang mata ko sa liwanag ay saka na ako nagsimulang kumilos. Ang dami ko pang kailangang tapusin sa trabaho kaya naman hindi pwedeng magsayang ako ng oras. Pagpasok ko naman sa banyo ay bumungad sa akin ang isang babae na may magulong mahabang buhok, kulay rosas na labi, maputlang balat, at may mababaw na eye bags. Napakamot na lang ako ng batok ng makita ko ang sarili ko sa salamin. Mabuti na lang at hindi gano’n kalala ang eye bags ko kaya naman kayang matakpan ng makeup. Ilang minuto ko pang pinagmasdan ang sarili ko sa salamin bago ako nagsimulang maligo. Pagkatapos kong maghanap ng damit at magbihis ay tinignan ko lang sandali ang sarili ko sa salamin bago muling nagtungo sa side table para mag-makeup. Hindi naman ako matagal mag-ayos kaya naman ilang minuto lang din ay natapos din ako sa pag-aayos. Matapos kong ayusan ang sarili ko ay inayos ko na ang mga gamit na kailangan kong dalhin. Wala naman akong ginawa kahapon dahil day-off ko, buong araw lang din naman akong nakahiga, pero para bang pagod na pagod ako ngayong araw. Kung wala lang talagang client at masyadong gagawin ngayong araw ay mas pipiliin ko na lang na mahiga buong magdamag. Pero ayoko rin namang mag-isip lang buong araw ng kung ano-ano kaya naman mas ayos na pumasok na lang ako sa trabaho. Nang masiguro kong kumpleto ang mga gamit na dadalhin ko ay lumabas na agad ako ng unit at dumiretso sa parking. At dahil maaga pa, hindi rin naman ako inabutan ng traffic sa kalsada kaya naman mabilis din akong nakarating sa opisina. Pagpasok ko ay agad akong binati ng mga empleyado na nakakasalubong ko at gano’n din naman ang ginawa ko. Mukhang magiging maayos naman ang araw ko, basta ‘wag ko lang talagang makakasalubong ang maingay at makulit na babae na ‘yon. Wala akong lakas ngayon para sabayan ang kabaliwan niya kaya naman sana ay nasa matinong kaayusan ang babae na ‘yon. Papalapit na ako sa opisina ko at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakakasalubong kaya naman unti-unti nang umaangat ang gilid ng labi ko. Habang dala-dala ang iced coffee na binili ko kanina ay mas binilisan ko pa ang bawat hakbang ko pero bago ko pa man mabuksan ang pinto ay bumungad sa akin ang nakangiti niyang mukha. “Good morning, bestie!” nakangiting bati niya sa akin habang nakatayo sa gilid ko. Saglit ko siyang tinignan at napabuntong hininga na lang ako bago tuluyang binuksan ang pinto. At ang gaga, mas nauna pang pumasok kaysa sa akin. Pagpasok sa loob ay dire-diretso siya sa may upuan at inilapag ang mga folder na dala-dala niya. Mukhang alam ko na kung ano ang agenda niya kaya naman sinabit ko ang bag ko at saka naupo sa upuan na nasa harapan niya. Pagkaupo ko ay inabot niya agad sa akin ‘yong pinakamakapal na folder. Imbes na magtanong ay kinuha ko ang binibigay niya at agad na tinignan kung anong laman no’n. Nang buksan ko ang folder ay bumungad sa akin ang pangalan ng isa sa pinakasikat na kumpanya rito sa San Lucio. Saglit na napakunot ang noo ko, pero imbes na magtanong ay pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa. Dahil medyo makapal ang folder na hawak ko ay inabot pa ako ng ilang minuto bago ko matapos suriin ang laman no’n. Nang matapos kong tignan ang huling pahina ay sinarado ko na ang folder at inilapag sa mesa. Muli akong humarap sa kanya na may pagtataka sa mukha pero nanatili akong tahimik. Nang makita ko ang nakangiti niyang mukha ay hindi ko maiwasan na mapa-roll eyes na agad naman niyang napansin kaya mahina niya akong hinampas ng papel sa braso. Napataas naman ang kilay ko dahil sa ginawa niya. “So, anong masasabi mo sa proposal?” tanong niya at saka may muling inabot sa akin na papel. “Iwasan mo na 'wag mabasa ‘yan. Tinatamad na akong mag-photocopy,” reklamo niya pa. Imbes na sumagot ay tinarayan ko na lang ulit siya. Kumuha naman muna ako ng tissue para magpunas ng kamay dahil sa iced coffee na iniinom ko. Nang masiguro na tuyo na ang kamay ko ay saka ko kinuha ang inaabot niya at binasa ‘yon. “Why us?” seryosong tanong ko sa kanya matapos kong basahin ang mga nakasulat sa papel. “Maraming mas sikat at mas magaling na event management companies out there. So why us?” nagtatakang tanong ko sa kanya. “Ayaw mo ba? Saka, girl, whole year ‘yan. So means, whole year din tayong may project! Isa pa, they’re the most famous company out there, so possible mas dadami clients natin kung magkakaro’n tayo ng project with them,” she said. “I know. Kaya lang nagtataka ako bakit for the whole year? Never pa tayo nakapag-organize ng event nila, so why would they entrust their event to us so easily?” balik na tanong ko sa kanya. Actually, wala namang kaso sa akin kung kami mag-o-organize ng events nila for the whole year. Kaya lang ay nagtataka talaga ako kung bakit kami. Sobrang daming sikat at kilalang event organizers bukod sa akin, kaya naman medyo nagdududa talaga ako. “Hindi ko rin alam, actually. Nagulat nga ako kanina nang sabihin sakin ni Ms. Lopez na ikaw ang napili ng MWO na maging head organizer ng mga event nila,” sagot naman niya. “At ikaw, ano namang ganap mo rito? Pwede naman na ipahatid mo na lang ‘to, bakit ikaw pa mismo naghatid? Wala ka bang trabaho?” masungit na sabi ko sa kanya at saka muling uminom ng kape. Agad na napansin ko ang pagtaas ng kilay niya at nag-crossed arms pa nga ang gaga. “Excuse me, Miss Arya Amabella, hindi mo ba binasang mabuti ‘yong binigay ko?” mataray na tanong niya kaya naman umiling ako. Hindi ko naman kasi binasang mabuti, in-scan ko lang. “For your information, kasama ako sa mag-o-organize ng mga event nila ‘no,” maarteng sabi niya pa. Tumango na lang ako at saka muling napatingin sa papel, at do’n ko nakita ang pangalan niya. So siya pala magiging partner ko sa mga event ng MWO. “So Miss Brielle Benitez, I’m looking forward working with you,” mapang-asar na sabi ko sa kanya kaya naman mas lalo niya akong tinarayan. “Nag-breakfast ka na?” tanong niya kaya naman pinakita ko sa kanya ang iced coffee na hawak ko. “Breakfast ba ‘yan?” maarteng tanong niya pa kaya naman tumango ako. Nagmamadali kasi ako kanina kaya naman hindi na ako nakabili ng pastries, nawala rin sa isip ko. Pero ayos lang naman, sanay naman ako na hindi nag-aalmusal, kape lang sa umaga ayos na sa akin. “Hindi ka pa ba babalik sa opisina mo?” tanong ko sa kanya habang inaayos ang mga folder na dala niya. Kailangan ko pang i-review ang mga binigay niya kaya naman napailing na lang ako sa isip-isip ko dahil dagdag gawain pa ang mga ito. “Hindi pa,” maarteng sabi niya at saka tumayo. “Tara kumain muna tayo, hindi pa ako nag-aalmusal,” reklamo niya kaya naman saglit akong napatingin sa kanya. “Nag-aalmusal na ako,” sabi ko sa kanya at muling pinakita ang kape ko. “Maayos na breakfast, girl. Sabi nga nila, breakfast is the most important meal of the day—“ “But not for me,” pagputol ko sa sinasabi niya. “Whatever,” sagot niya. Akala ko ay aalis na siya ngunit tumayo lang pala siya para hilahin ako palabas ng opisina ko. Imbes na manlaban pa ay sumunod na lang ako sa kanya palabas, hindi rin naman ako mananalo sa kanya dahil mas malakas sa akin ang babaeng ‘to. At ayokong kulit-kulitin niya buong araw kaya naman sumunod na lang ako sa gusto niya. Sakto rin dahil nakaramdam na ako ng gutom, ngayon ko lang naalala na hindi pala ako nakapag-dinner kagabi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook