bc

DETECTIVE SERIES: The Tyrant Boss

book_age18+
2.5K
FOLLOW
8.4K
READ
revenge
kidnap
dominant
independent
mafia
drama
bxg
detective
city
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Gringo "Greg" Larazabal, a business tycoon at the age of 32. Known by his famous nicknamed STONE MAN. A man who's no heart in terms of business, no consideration. Business is business. No one will make him down and he is the man behind the notorious most wanted list of NBI. And the man beyond cyber s*x scandals that is world spreading site---S*X IN HEAVEN.

Elma known as Alexis Soriano. A girl will be assign to investigate about the various site that been spreading s*x videos world wide. A site that been become so viral in past two years. At the age of 23, she was trained to be a detective. Act like a man, act like a robot. Mission is mission. No feelings attach.

How could be a STONE MAN scattered into pieces by only just staring at the eyes of the ROBOTIC girl. How could a robotic girl manage to finish her mission if her heart belongs to the man she destined to kill.

chap-preview
Free preview
Chapter 1:
"Babae, kung tititigan mo lang ang subject mo baka sa picture pa lang patay na," bungad ni Daisy sa kanya. "Remember, we are trained to be robot, no feelings. Love is not for us," paalala pa nito. "But except me, kasi 'yan ang puhunan ko baka makakalap ng impormasyon. Patikim-tikim lang," anang nito habang nakatingin sa larawan. Napalunok siya parang nakinikinita niya ang senaryo habang kinukuha ang hubad na larawan ng lalaki. Paano ba naman kasi ay sa dami ng anggulong kukunan nito ng larawan ang lalaki ay buhad na hubad pa. Kung binaba lang konti ang pagkuha nito kita na ang cobra. "Pero infaireness malaki siya babae," natitilihang turan pa nito. "Baka kapag naroon ka na hindi lang panty ang malaglag sa'yo kundi pati bra," nakangising turan nito. May hitsura ang lalaking nasa larawan, maganda ang pangangatawan. Ito ang katangihan ng lalaking kahuhumalingan ng lahat ng kabaro ni Eba pero sa lalaking ito nagtatago, ang lalaking dahilan kung bakit maraming buhay ng kababaehan ang napapariwara gaya ng kanyang kapatid. Bago lang siya sa grupo, mga dalawang taon na rin mula nang mawala ang tanging pamilyang kasama. Ang kanyang kapatid na si Kim. Biglang nawala ito, ambisyosa ang kapatid at hindi makontento sa kung ano ang kaya niyang ibigay sa pagtatrabaho bilang manggagawa sa isang maliit na pabrika. Hanggang sa araw ay hindi ito umuwi. Naghintay siya ng ilang araw, linggo at buwan dahil sa pag-aakalang nasa mga kaibigan lamang ito pero walang Kim na umuwi. Nabahala na siya at sinimulang hanapin ito. Mula sa pagtanong-tanong sa tao, kapulisan hanggang sa humantong siya sa isang website sa internet, ang S*x in Heaven. Nagimbal siya nang makita ang larawan ng kapatid. Maganda ang kapatid niya at bata. Kahit maayos naman suot kahit medyo seksi ang damit nito sa site hindi maikakailang ito ay patunay ng isang cyber s*x. Mga babaeng pinagpipilihan ng mga lalaki para bilhin, mag-show and worst makapagtalik sa iba't ibang lalaki. Napalingon siya sa katabi niya habang nasa internet cafe, busy ito sa ka-chat na foreigner. Na-curious siya sa usapan ng mga ito kaya pinasadahan niya ang chat nila. "Can you show me you boobs, sweety," basa niya dahilan para mapalunok siya. Naiiling saka muling binalik ang pansin sa ginagawa. Agad na siniyasat ang site na kinabibilangan ng kapatid hanggang makitang bago ito. Ang kapatid at siyam pang kasamang babae ang first batch na sasalang. Hindi niya hagayaang mawala ang pag-asang mabawi ang kapatid sa sindikato. Matapos makalap ang ilang impormasyon tungkol sa kasong hawak ay agad na nagtungo sa himpilan ng pulisya ngunit wala siyang nakuhang kaukulang aksyon dahil wala daw akong sapat na ebidensya. Tuliro siya matapos manggaling sa pulisya. Papalabas na siya ng himpilan nang bigla siyang mabangga ang isang lalaki. Agad siyang napatingin sa mukha nito. Kumunot ang mukha niya dahil natatabingan ang mukha nito ng panyo. Iyon ang dahilan para mapatigil siya. Masyadong nakuha ng hitsura nito ang kaniyang pansin. Marahil ay napansin nito ang pagiging tuliro niya kaya niyaya siya nito. May pag-aalinlangan pero sumama siya dahil sa isang salitang binigkas nito. "Isa ka rin bang taong hindi pinapahalagahan ng hustisya. Taong gustong bigyang katarungan ang mga taong naaapi pero tila bingi ang mga kinauukulan?" tinig nito na tagos sa panyo sa mukha. "Huwag kang mag-alala, iha. Sa akin lahat may kalayahang makamit ang hustisya. Tawagin mo na lang akong Black Dragon," anito saka inabot ang tarheta kung saan niya ito makokontak. Tinitigan ang hawak na tarheta. Doon ay nababasa ang pangalang Black Dragon. Masyadong misteryoso ang dating nito. Tila tinatangay nito ang kaniyang isipan sa mga salitang binitawan nito. Hustisya para sa lahat ng babaeng napariwara at patuloy na nagdurusa sa loob ng cyber s*x na iyon. Hustisya para sa kaniyang kapatid. Habang nakatanaw sa papalayong lalaki ay hindi niya maiwaksi ang mga matang kanina ay nakatingin sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit tila may kirot sa kaniyang dibdib ng magtama ang tingin nila ng lalaking may tabing ng panyo. Nasa ganoong pag-iisip siya ng muli siyang untagin ni Daisy. "Hoy! Hala, bakit nakatulala ka d'yan, Grabe ba ang epekto ng kaguwapuhan ng iyong subject," agaw pansin sa kanya ni Daisy. "Sabagay, kahit sino ay maglalaway. Abs pa lang hmmmmm-ulam na," anito saka tumawa. Hindi niya maiwasang maalala ang unang pagtatagpo nila ng kanilang lider na hanggang ngayon ay masyado pa ring misteryoso. "Mga inutil! Anong silbi ng milyong pumapasok sa bangko ninyo kung hindi niyo kayang bayaran ang nasa taas para makakuha ng impormasyon!" malakas at baritonong tinig na nagmumula sa loob ng opisina ni Gringo "Greg" Larazabal. "Bumalik kayo doon at alamin kung sino ang taong ipapadala upang patayin ako?!" malakas na utos sa mga kausap sa telepono. Napasapo siya sa noo sa inis sa kausap. Sa dami ng galamay ay hindi pa rin malaman kung sino ang ipapadala upang bantayan siya o hindi ay patayin. Napag-alaman kasi niya sa isa sa nabayarang tauhan ng NBI na may secret group ang NBI na ipapadala para huliin o patayin siya. Shoot to kill. "Hindi ako mamamatay. Kung sino ka man, humanda ka dahil hindi kita sasantuhin," maigting na turan sa sarili. Hindi alam kung bakit masyadong mainit ang mga mata ng awtoridad sa kaniya. Mahihinang katok ang pumukaw sa kanyang kamalayan. Ngumiti siya dahil alam na niya kung sino ito, si Soe. "Get inside," baritonong boses niya. Agad namang niluwa ang nakangiting mukha ng babae akay ang isang paslit. "Kumusta ka na?" tanong sa kanya ng babae. Sa Amerika na ito naglalagi dahil nakapag-asawa ng Amerikano. "I'm fine," sagot naman niya agad kahit tense na tense siya. Ngumiti ulit ang babae at kinalong ang anak. "Baby, look. Daddy ninong is here," anang pa ng babae habang turo siya nito. Mabilis namang tumakbo papalapit sa kanya ang pamangkin kaya wala siyang nagawa kundi bitawan ang papeles na hawak at pangkuhin ang bata. Nawiwili na siya sa paglalaro sa bagong dating na bata nang marinig ang boses nito. "Is everything alright?" alalang tinig nito. "Yeah," pagsisinungaling niya. Mukhang napansin naman nito na wala siya sa mood kaya hindi na nito nangulit pa. Habang kalong ang paslit ay naging abala ito sa pagsusulatvsa ibabaw ng kaniyang desk. Habang siya naman ay nakatanaw sa magandang mukha ni Soe. Hanggang sa unti-unting naalala kung paano niya ito nakilala. Pumasok si Greg sa tinatawag na koral. Naroroon ang mga babaeng gustong makahanap ng mapapangasawang foreigner. Soe was one of them. When she first saw her, naawa siya dahil nagsusumamo ito sa kaniya. Ayaw niya sanang tanggapin dahil bata pa ang babae at may palatuntunin siyang sinusunod sa pagtanggap ng mga babaeng sasali sa kanila. Ngunit mula noon ay binitawan na niya ang ganoong underground business tutal ay papausbong na ang kompaniya niya. Ngunit hindi yata nawala ang marka ng dating negosyo dahil kahit dalawang taon na ang nakakaraan ay heto at nalamang may isusugo sila upang siluhin siya. Napauntong-hininga siya. Sabay tingin kay Soe na noon ay nakatingin din sa kaniya. Good thing that Soe found a very nice man. Looking at Soe now. Wala siyang pinagsisishan sa negosyong pinasok. Kailangan niyang umasenso. Kailangan niyang kumita para hindi siya muling iwan ng babaeng mamahalin kapag hindi naibigay ang nais. Masakit ang kaniyang nakaraan at kailan ma'y hinding-hindi na siya magpapaapi pa. Wala nang katulad ni Czaryna na manghahamak at manloloko pa sa isang tulad na. Wala nang babaeng dudurog sa puso niyang pinatigas na ng panahon. Ipinangakong kailan man ay hindi na siya papaloko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.2K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
10.2K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.1K
bc

Dangerous Spy

read
294.8K
bc

EASY MONEY

read
173.3K
bc

YOU'RE MINE

read
891.9K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
195.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook