bc

Tutoring the President’s Son (Bachelorette Series #2)

book_age18+
864
FOLLOW
2.1K
READ
dark
teacherxstudent
fated
brave
self-improved
bxg
serious
city
virgin
teacher
like
intro-logo
Blurb

SANDRO and ALEXANDRA’s STORY.

SPG. NOT SUITABLE FOR READERS 18 YEARS OLD AND BELOW.

Sandro Barcelona is the domineering and arrogant son of the President. He likes to toy with women not until Alexandra came in the picture. Alex is a tutor in a private institution that was called to teach the President’s son. But the real thing is, he craves for her, Sandro wants her so bad and he will do his best to own Alexandra.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Ayoko nang magtrabaho!” sambit ko habang palabas ng room. Hindi rin naman maiintindihan ng mga estudyante ang sinasabi ko. Parang gusto ko nalang ulit bumalik sa pag-aaral keysa magturo sa mga estudyanteng anak ng mga mayayaman na ang titigas ng ulo. Nakakapagod naman ‘tong trabaho na ‘to. Kakatapos lang ng lecture ko sa ilang anak ng mga chinese dito malapit sa amin at nagtataka ako kung balik gustong makipagkita ng kaibigan kong ubod na ng yaman ngayon. Bumaba na ako ng escalator at napansin kong nasa baba na si Julie. Ultimo sobrang yaman na ay akala niya mabibili na niya kaming mga kaibigan niya. “Angela, I missing you so much!” agad niya namang sambit sa akin at medyo may kalakasan din angboses niya kaya napayuko ako. Baka sabihin ng mga magulang ng mga tinuturuan ko rito na may illiterate akong kaibigan na kahit basic english ay walang alam. Sapukin ko kaya ‘tong si Julie. Napangiti nalang ako at kinaladkad siya palayo sa maraming tao. “Sobrang yaman mo na, pero hindi ka manlang naghanap ng mag tutor sayo ng english?” tanong ko naman sa kaniya. “Ito naman, kakakita mo lang nga sa’kin eh. Hindi mo ba ako na miss?” sambit niya sabay simangot sa akin. “Syempre na miss kita. Ano na namang kailangan mo at pumunta ka dito sa trabaho ko personally? Alam ko ‘yan Julie eh, hindi ka naman pupunta dito kung wala kang kailangan,” pahayag ko naman sa kaniya. Kilalang-kilala ko na kasi ‘tong si Julie dahil simula nang mga bata kami ay pare-pareho kaming naliligo sa kanal sa squatters dati. Ang pinagkaiba nga lang ay nangibang bansa siya samantalang ako naman ay ipinagpatuloy ko na ang pag-aaral ko. “Angela, I favor to ask you, you know?” pahayag niya naman kaya feeling ko ay nahilo ako. “Ano ba ‘yan Julie, magtagalog ka naman. Masakit na nga ang ulo ko sa pagtatrabaho dadagdagan mo pa. Ay siya ano ba kasi talaga ang balak mo sa pagpunta rito?” tanong ko pa. Kailangan ko pa kasing umuwi ng maaga ngayon dahil bibili pa ako ng maintenance ni Mama sa drugstore. “Ayaw ko na kasi sa jowabels ko, Angela. Hindi na ako nagpakita sa kaniya at hindi ko narin siya pinapansin ngayon, pero naaawa naman ako kaya gusto ko sanang ikaw nalang ang makipag meet up sa kaniya at magsabi ng mga kailangan kong sabihin,” paliwanag niya naman sa akin kaya nagulat ako. Gagawin pa pala talaga akong messenger ni Julie. “Bakit ayaw mo na sa boyfriend mo? Akala ko ba pogi at anak ng presidente natin ‘yon?” tanong ko pa sa kaniya. Ang swerte na niya sa part na anak siya ng jowa niya ang anak mg presidente ng bansa. Hindi ko nga alam kung alam ‘to ng presidente na kaibigan ko ang jowa ng anak niya. “Alam mo naman ‘di ba?” sambit niya sabay lapit sa akin. “Alam mo namang s*x lang talaga ang habol ko sa mga nagiging jowa ko,” bulong niya pa sa akin kaya napatawa ako ng malakas. “Gaga,” mahinang mura ko naman sa kaniya. “Ano ba ‘yang mensaheng gusto mong iparating?” tanong ko pa. May inilabas naman siyang flashdrive at iniabot na ito sa akin. “Nandito na lahat, gel. Ako nalang ang bahala sa lugar kung saan kayo magkikita ha? Ayos na ba ‘yon?” pahayag niya naman sa akin kaya napa-isip ako. Syempre naman sa panahon ngayon wala ng libre. Papayag ba naman ako na walang kapalit eh ang dami-daming pera ng babaeng ‘to? “Sige pag-iisipan ko muna—” “Syempre meron akong dala para sa’yo!” pagputol niya naman sa sinabi ko kaya napangiti ako. I knew it. Alam niya namang hindi ko siya tutulungan kapag wala siyang ibinigay sa akin. Sorry, pero kailangan na maging practical sa kahit anong bagay na ngayon. Nagulat naman ako nang may inilabas siyang isang chanel pouch kaya napangiti ako. Aba, tiba-tiba yata ngayon ‘tong si Julie ah. “Kung gusto mong pag-isipan ay pwedeng—” “Hindi! Deal ako diyan. Send mo nalang sa akin ang location at ako na ang bahalang mag translate ng break-up message mo sa boyfriend mo,” ani ko naman sabay kuha ng bag sa kaniya. “Salamat sayo, Angela. Hulog ka talaga palagi ng langit sa akin. Ikaw kumusta ka naman, kailan mo pa balak magkaroon ng boyfriend ha?” tanong niya naman sa akin kaya napa-iling nalang ako. Halos araw-araw yata ay naririnig ko ang tanong na ‘to sa pamilya ay sa mga kaibigan ko. Weird ba para sa isang 24 year-old ang hindi magkaroon ng boyfriend o asawa? “Huwag ka ng mag-aksaya ng oras mo sa pagtatanong sa akin niyan Julie, alam mo na naman kung ano ang sagot ko, ‘di ba?” Pake ba ng ibang tao kung ayaw kong mag boyfriend o mag-asawa. Sakit lang sa ulo ang mga lalaki kaya no thanks. I’m good. “Baka naman tumanda kang dalaga niyang Angela ha? Huwag kang gumawa sa mga kapatid ng Mama mo,” biro niya pa kaya napatawa ako. “Mukhang ganyan nga ang mangyayari, girl,” tugon ko pa sa kaniya. “Sige na, aalis na ako. Marami pa akong dadaanan at pasalamat ka dahil ikaw ang inuna kong puntahan dito sa Makati at ayon tuloy ikaw ang nakakuha ng jackpot pasalubong ko,” pahayag naman niya kaya napangiti ako. “Walang problema Julie, kapag may gusto ka pang ipa-translate ay pumunta ka lang dito dahil free ako every four in the afternoon onwards.” “Huli na ‘to Angela, makikipaghiwalay na nga ako hindi ba? Sige na alis na ako, salamat ulit. Bye!” saad niya sabay beso sa akin at dali-dali nang umalis. Napa-iling nalang ako habang nakatingin kay Julie na bumababa sa escalator. Agad narin akong nag-ayos para maka-uwi ng maaga sa bahay, pero bago ko paman makuha ang bag ko sa desk ay bigla namang nagvibrate ang cellphone ko kaya chi-neck ko muna ito. “Ano na naman kaya ang kailangan ng pinsan ko sa akin?” sambit ko sa sarili ko habang binabasa ang text. Pinapapunta kasi ako ng mayaman kong pinsan sa bahay nila ngayon. Bakit ba kasi sa lahat ng mga kapatid ni Mama ay kami lang ang nakatira sa squatters area. Pero sinisigurado ko naman na kapag nakapag-ipon na ako ng malaking pera ay bibili ako ng bahay namin sa isang subdivision. Simula pa dati nang nakapagtapos ako ng pag-aaral ay malaki talaga ang pangarap ko para sa pamilya ko kaya kailangan kong makamit lahat ng ‘yon. “Are you leaving at this hour, Angela?” Napalingon naman ako nang may nagsalitang pamilyar na boses sa likuran ko. Napangiti naman ako nang makita si Ma’am Tina, manager namin. “Ay opo, I still have errands to run before going home kaya I better leave early,” sagot ko naman sa kaniya sabay kuha na ng bag ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook