bc

ONE NIGHT WITH MR. IRRESPONSIBLE

book_age16+
20.6K
FOLLOW
150.3K
READ
billionaire
one-night stand
arrogant
bxg
like
intro-logo
Blurb

Steven Schrute he's known as a ruthless man in the business, pero sa isang responsibilidad, takot siyang akuin.

Aakuin ba ni Steven ang isang responsibilidad o tatakbuhan lang nito?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Excuse me, Miss," tawag niyang pansin sa secretary ni Mr. Schrute na abala sa pag-aayos ng ibang papeles. Napaangat ang ulo nito. Ngumiti ito nang alanganin sa kanya. "Sorry, kung nadatnan ninyo po akong ganito, ma’am. Ano po pa lang kailangan ninyo? May appointment ba kayo kay Sir Schrute?" "Wala akong appointment sa kanya, pero may kailangan akong importanteng sabihin." Napataas ang kilay nito. Nag-aakusang tiningnan siya ng kaharap. May masama ba siyang nasabi? "Kung wala naman pala kayong appointment…makakaalis ka na at wala si sir dito." Napakurap siya sa klase ng pananalita nito. Hindi niya akalain na may makakaharap na naman siyang ubod ng sama ang ugali, katulad ng boss nito. "Nagtanong na ako sa ibaba. Alam kong nandito ang CEO ninyo,'' saad niya sa kaharap. Alam niyang nagsisinungaling ito sa kanya. Sinabi ng staff na nasa front desk ay hindi umalis si Steven. Naguguluhan talaga siya sa kinikilos ng secretary ni Mr. Schrute. " Kanina lang iyon," matabang na sabi nito at umirap pa. Mas lalong uminit ang ulo niya sa kaharap. Magkakaroon talaga siya ng altapresyon sa pag-uugali ng sekretarya nito. Napatiimbagang, at naiirita siya nang makita ang pag-irap nito na hindi naman kagandahan. "Huwag mo akong lolokohin, miss. Hindi ako magdadalawang-isip na hambalusin kita nitong hawak kong bag! Gusto mo para pantay ang blush-on sa mukha mo?" Napapitlag ito sa gulat nang padabog niyang nilagay ang bag niya sa mesa nito. Anong akala nito’y hindi niya ito tatarayan? Huwag nitong kakalabanin ang buntis dahil hindi talaga siya nagbibirong ihampas sa pagmumukha nito ang hawak niya. Tinaasan niya ito ng kilay, at napansin niyang napalunok itong napatingin sa kanya. "Ah eh...Nandoon siya sa loob, ma'am," kinakabahang sagot nito habang nakaturo ang isang daliri patungo sa opisina ng lalaki. Napangisi siya sa reaksyon ng kaharap. Madali lang pa lang kausap, sinayang lang nito ang oras niya. "Nandiyan lang pala…ang dami pang satsat!" Iniwan na niya ang secretary ni Mr. Schrute, at walang-sabing binuksan niya ang pintuan. Nagulat siya nang madatnan niya sa opisina na may kababalaghang ginawa ang binata. Nakahiga ang babae sa sahig habang nakaluhod naman ang binata na umiindayog ang beywang nito. Napangiwi siya nang marinig na napaungol sa sarap ang babae. Ipinilig na lang niya ang kanyang ulo sa kahalayan na nakikita niya ngayon. Ang laswa ng lalaki sa sahig pa talaga at dito pa sa opisina gumawa ng kamunduhan? "Mr. Schrute..." tawag niya sa atensyon nito, pero hindi nito narinig dahil busy ito sa sarap kasama ang babae. "Hindi ka talaga titigil? Tingnan natin." Kinuha niya ang isang libro na nasa shelf nito, at binato kaya natamaan ito sa likod. Gulat itong napaharap sa kanya, at nanlaki ang mga mata niyang napatingin sa alaga nitong buhay na buhay. “Nagkasya ba ito sa kanya?” hindi makapaniwalang tanong niya sa kaniyang sarili. "Did you enjoy what you saw, miss?" He smirked at her. Napaangat ang tingin niya, at nakita niya ang walang emosyon sa mga mata nito. Napatiimbagang itong nakatitig sa kanya. "What are you doing here?" kunot-noong tanong ng lalaki na halatang ayaw siya nitong makita. "Babe..." sabat ng babaeng nakabihis na ngayon. " Get out! " Malamig na tingin nang binalingan nito ang babae. "W-what!" Nanlaki ang mga matang napatingin ang babae kay Mr. Schrute na parang hindi makapaniwalang palabasin nito. "Do I need to repeat myself to you?" "Pagkatapos nang pinagsaluhan natin kanina ay papalayasin mo na ako?" "Yes, so get out, and I don't want to see your face again!" Padabog na sinara ng babae ang pintuan, at saka tumingin ang binata sa kanya ng matalim. "Again, what are you doing here?" Bagkus na sagutin ang tanong nito. Tinaasan niya ito ng kilay, at saka nagsalita, "Tatanungin din kita. Bakit hindi ka gumamit ng c-ndom ng ginawa natin iyon?" "What the f-ck are you saying?" nanggagalaiting tanong nito sa kanya. "Huwag mo akong ma-what-the-f**k diyan. Bakit hindi ka gumamit ng c-ndom? Hindi sana..hindi ako buntis ngayon," walang pagdadalawang-isip na sabi niya. Napaawang ang bibig nito na parang hindi ito makapaniwala sa narinig. Nang mahimasmasan ito ay sarkastikong ngumisi ito sa kanya. " How sure you are na akin iyan?" Sabay turo nito sa tiyan niya na may umbok na. "Alam mo, kung sino ang nakauna sa akin. Anong karapatan mong husgahan ako? Kung hindi mo sana pinainom sa akin ang aphrodisiac ay hindi sana mabubuo ito." Napahaplos siya kaagad sa sinapupunan. " Sorry,baby. Mahal na mahal ka ni Mama, anak." "Beatrix, even though we had s*x once…hindi nakakahulugang buntis ka kaagad. Kung sa akin man iyan o hindi ay wala akong pakialam. I won't accept that child of yours. Of course, we have one solution about that, we need to get rid of that bastard child," mapaklang sabi nito na nagpapikit sa kanya dahil nakaramdam siya ng galit sa kaharap. Bastard child? Abortion? Hindi lang ba nito inisip na naririnig ng baby niya ang sinasabi nito? Hindi ba nito tanggap ang sariling kadugo nito? Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. "Bastard child? Abortion? Ano ito lokohan?" Pagak na tumawa siya sa harapan nito "Hindi ibang tao ang anak ko para lang tawaging bastardo dahil dugo't-laman mo ito! Wala ka bang awa?! Pati anak natin ipalaglag mo?!" naluluhang sigaw niya rito. Dumilim ang mukha nito, at lumapit ito sa kanya. Marahas siya nitong hinawakan sa balikat kaya napadaing siya sa sakit sa ginawa nito. "Alam mo, kahit anong sabihin mo sa akin tungkol diyan sa bata," Tinuro nito ang nasa sinapupunan niya, "wala akong pakialam diyan sa dinadala mo. Lumabas ka na, at huwag na huwag kang magpapakita sa akin. Nakadisturbo ka!" Kinaladkad siya nito palabas, at marahas siya nitong binitawan sa braso. Tatalikuran na sana siya nito nang tinawag niya ang pangalan ng lalaki. She didn't think twice, she kicked his crotch, and smirked at him. Mabilis siyang naglakad patungong elevator. Akmang papasok na siya sa loob ng may biglang humigit sa buhok niya. Nawalan siya ng balanse ng binigyan siya nito ng malakas na sampal. Napasalampak siya sa sahig, at napasigaw ng sumalakay sa kaibuturan niya ang sakit. Hindi niya malaman kung saan siya hahawak. Nanginginig ang mga kamay niyang napahawak siya sa kanyang hita ng may basang nakapa doon. Kinapa niya iyon. Nanginginig na inangat ang kamay niya, at natulala siyang napatingin sa kamay na may dugo. "Ang b-baby ko..." Hindi na niya pinansin ang mga nakapalibot sa kanya, at may galit na boses ang narinig niya. Ang atensyon lang niya ay ang dugo sa kaniyang kamay. Napapikit siya nang hindi na talaga kaya ang sakit na parang ilang milyong karayom na tumusok sa kanyang katawan. Nanghihina siya sa sakit. Everything went black.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Billionaire's Twins

read
262.8K
bc

Love Donor

read
85.8K
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
815.1K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
90.8K
bc

Married By Mistake

read
170.1K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
441.0K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook