bc

Bebeng Pabebe Meets Super Jiro

book_age0+
284
FOLLOW
1K
READ
comedy
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Inlove ang pabebeng si BEBE sa superhero in boxer shorts na si SUPER JIRO. Pero paano kung malaman niya na si Super Jiro pala ay ang tambay na kinaiinisan niya na si JIRO?

Ito ang kwentong puno ng super kaek-ekan at pawang pabebe lang!

chap-preview
Free preview
SUPER PROLOGUE
MALAKAS na tumawa si Super Duper nang makuha niya ang Super Ring kay Super Jina na siyang reyna ng Super Planet. “BWAHAHAHA! Sa wakas! Nasa akin na ang Super Ring! Tapos nasa akin pa ang Super Bato! At ang susunod na makukuha ko ay ang Super Planet!” todo uga ang ngala-ngala na tawa ni Super Duper—ang baklang at bunsong kapatid ni Super Jina. Nag-aaway na naman ang magkapatid pero sa pagkakataon na ito ay super ang level ng kanilang away. Sapilitan kasing kinuha ni Super Duper kay Super Jina ang Super Ring na siyang pinaka makapangyarihang bagay sa Super Planet dahil kung sino man ang magsuot nito ay magkakaroon ng kakaibang lakas. Ito rin ang simbolo ng reyna o hari sa naturang planeta. Ang Super Bato naman ay ang mahiwagang bato na ginawa ni Super Duper sa pamamagitan ng kanyang kasamaan at insecurities. Ang Super Planet ay isang planeta na hindi pa nadi-discover ng mga taga-Earth dahil echoserang nakatago ito. Dito naninirahan ang mga Super People na hawig lang ng mga tao pero kakaiba ang kasuotan. Yari kasi sa bakal ang kanilang mga kasuotan pero light metal lang. Isa pang pinagkaiba nila sa mga tao ay may super powers sila. Bongga na, pak pa! “Ibalik mo sa akin ang Super Ring, sister!” sigaw naman ni Super Jina sa kapatid. “Hindi `yan kasya sa iyo dahil malaki ang daliri mo!” Nakalupasay ito sa sahig sa kwarto nito. Nagsapakan kasi sila a while ago. At dahil may dugong lalaki ang kanyang baklang kapatid ay talo siya. “Wala. Akong. Pake! And how could you! Nilait mo pa ang candle finger ko!” Nandidilat ang mga mata nito. “Baka candle holder finger! Ibalik mo na sa akin `yan sabe. At may ipagtatapat ako sa’yo… Buntis ako! Si Super Roro ang ama.” “WHAAAT?!” Kulang na lang ay malukot ang mukha ni Super Duper sa sobrang galit. Si Super Roro kasi ay ang kanyang boyfriend at three years na ang kanilang relationship. Ang dami na nga nilang relationship goals pero kahit isa ay wala pa silang nagagawa. Hanggang goals lang talaga. Marahang tumayo si Super Jina. “Yes, sister. Dito mismo sa kwarto ko nangyari ang mga pangyayari…” “Haliparooot!!!” gigil na sigaw ni Super Duper at tumakbo ito palapit sa kapatid na nakipag-chukchak sa boyfriend niya. Sinabunutan niya ito here and there and everywhere! Hanggang sa makaganti ito, itinulak siya. “Gotcha!” nakangising turan ni Super Jina at very proud na ipinakita sa baklang kapatid ang Super Ring. “Whatda—“ Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil mabilis na tumakbo si Super Jina palayo. Hinabol niya ito at nakita niyang sumakay ito sa mini spaceship na naka-park sa harap ng kanilang palasyo. Pinalipad nito ang mini spaceship paalis ng Super Planet. Siyempre, hindi makakapayag si Super Duper na maudlot ang pagiging reyna niya sa Super Planet, kailangan niyang makuha ang Super Ring, kaya naman sumakay din siya sa mini spaceship at sinundan ang kapatid. Lumabas na sila ng Super Planet at naghahabulan pa rin sila sa Milky Way. Pero isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ni Super Duper ay naabutan nito ang mini spaceship ni Super Jina. Nagkabanggaan sila at nagkaroon ng collision. Napasigaw ang magkapatid nang mabilis na bumulusok papunta sa isang planeta ang kanilang spaceship. At ang planetang iyon ay ang… EARTH!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.6K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
315.7K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.7K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook