bc

BAKANTENG NITSO 4 (Tagalog)

book_age4+
1.0K
FOLLOW
3.7K
READ
murder
dark
family
drama
tragedy
twisted
like
intro-logo
Blurb

Nabigo si Alister na madala sa impyerno ang kaluluwa nina Ada at Apa dahil tinalo ito ng wagas na pag-ibig ng binata para sa kaibigang matagal na pa lang minamahal.

Ngunit hindi matanggap ng lalaking may dilaw na mata ang kabiguan.

Nangako itong magbabalik upang iharap ang kanilang kaluluwa sa kanyang panginoong Lucifer... sa anumang paraan!

"Walang makatatakas kay Alister!" Umuugong nitong sigaw na sinundan ng mapanlinlang at tusong halakhak.

chap-preview
Free preview
SIMULA
NILAMON na ng dilim ang kanyang buong paningin. Nakapiring ang kanyang mga mata at nasusuka na sa kapal ng busal sa loob ng bibig. Nakaunat sa magkabila niyang tagiliran ang kanyang mga braso at kamay. Kahit anong piglas ang gawin niya ay hindi makalag ni ang lumuwag man lang ang pagkakagapos ng lubid sa kanyang katawan. Masakit na ang mga paa niyang walang sapin. Sumisigid sa kanyang laman ang mga tinik na lalong bumabaon sa t'wing matatapakan ang mga iyon. Makirot na rin ang mga sugat niya sa iba't ibang bahagi ng katawan. Hindi na niya halos maihakbang pa ang mga paa. Ang mga tuhod ay nanginginig na rin. Maging mga kalamnan at kasu-kasuan ay naninigas na sa nanuot na kirot na kanyang nararamdaman. "Ugh!" daing niya nang paluin ng matigas na bagay sa likod. "Lakad!" utos sa kanya kasunod ng marahas na pagtulak. Hindi man nakikita ay alam niyang may nakahawak sa dulo ng lubid na nakagapos sa kanya. Pilit siyang hinihila sa lugar na hindi niya alam kung saan. Gusto niyang manlaban. Gusto niyang matakasan ang lagim na napipiho n'yang naghihintay sa kanya! Ngunit paano? Kailangan niya ng tulong. Kailangang may dumating upang tulungan s'ya. Ayaw pa niyang mamatay. Hindi pa siya maaaring mamatay! "Diyos ko, parang awa mo na. Tulungan mo ako. Parang awa mo na. Huwag mo akong pabayaan. Iligtas mo ako. Diyos ko, pakinggan mo ako. Diyos koooo!" sigaw ng kanyang utak at pagsusumamo ng kanyang puso. Narinig niya ang pagtatawanan ng mga boses. Nakikipagpaligsahan iyon sa huni ng mga pang-gabing insekto at mga hayop sa kinaroroonan niya. Nakabibingi. Nakatutulig! Muli niyang sinubukang pumiglas sa pagbabakasakaling makawala sa pagkakagapos. "Hahahaha! Kahit anong pasag ang gawin mo ay hindi mo na magagawang takasan ang iyong kamatayan!" Pang-iinis ng isang tinig. Sinundan iyon nang halakhakan ng mga kasama nito. "Diyos ko, huwag mo akong pabayaan. Parang awa mo na Diyos ko, iligtas mo ako!" muli niyang tawag sa inaasahang tanging makakapagligtas sa kanya. "Tanggalan 'yan ng piring!" Narinig niyang sabi ng isa. Nagtatawanan pa rin ang mga kasama nito. Nang matanggal ang takip sa kanyang mga mata ay agad naman siyang nasilaw sa liwanag na nagmumula sa hawak ng dalawa sa mga ito na itinututok sa kanyang mukha. Muling naghalakhakan ang mga kasama niyang aliw na aliw sa nakikitang paghihirap niya. Nang malihis ang liwanag ay nakita niya ang limang bulto ng mga lalaking nagtatawanan pa rin. Nasasanay pa lang ang kanyang mga mata sa dilim nang makita ang isang malalim na hukay sa kanyang harapan. Sindak na sindak at nanlaki ang kanyang mga mata! "Nagustuhan mo ba ang regalo namin sa iyo?" nanunudyong tanong ng isa sa limang lalaki. Umiling siya nang umiling. Hindi magawang sumigaw dahil sa nakapasak sa bibig. Nagtangka siyang tumakbo, kahit nakagapos, kahit nanghihina. Ngunit hinigit lamang nang may hawak ng lubid ang gapos niya ay pasubsob na siyang bumagsak sa magaspang na lupa. "Saan ka pupunta?" tanong ng isang nakatapak sa kanyang mukha na idinidiin pa. "Hayun ang bago mong tirahan, inayos na nga namin para sa'yo para hindi ka na mahirapan," sabi nito na ang hukay na nakita n'ya ang tinutukoy. "Ayaw yata dito, Pare!" sabi ng isa sa gawing likuran. Muli na naman silang nagtawanan. "Pihikan ka pa?" tanong ng may-ari ng paang nakatapak sa kanyang mukha. Makapal at matigas ang suot nitong sapatos na inililigis sa pisngi niya. "Diyos ko, maawa ka sa akin. Iligtas mo ako. Tulungan mo ako, Diyos ko. Parang awa mo na, nagsumamo ako sa iyo. Huwag mo akong pabayaan!" muli niyang pagsamo at pagmamakaawa. Marahas siyang iniangat ng dalawa sa limang lalaking nagtatawanan at pagkatapos ay itinulak palapit sa hukay. "Huwag! Huwag!" Sigaw ng utak niya habang nagmamatigas na umiiwas sa hukay na gahibla na lamang ang pagitan sa kanya. Ngunit ... wala siyang nagawa! Nagpilit siyang makatayo at patalon-talon na animo may magagawa pa upang makaahon. Lalong nagtawanan ang mga nakapaligid sa hukay na nanonood sa kanya. Nagpapasag siya! Kahit nasasaktan ay pinilit niyang palayain ang sarili sa lubid na nakapulupot sa kanyang katawan! Lumuluwag na. Nakasilip siya ng pag-asa. Nabuhayan siya ng loob. Makakatakas siya. Makakatakas na siya!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.3K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.7K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
86.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.3K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook