bc

Seducing Mr. Wrong Guy ( Anthony Cabreras )

book_age18+
4.6K
FOLLOW
74.4K
READ
revenge
love after marriage
arrogant
CEO
comedy
twisted
bxg
ambitious
office/work place
office lady
like
intro-logo
Blurb

Kita mo, babaling ka rin sa akin. "Mr. Allan Cabreras”

Si Allan Cabreras, bise presidente ng isa sa pinakamalaking kumpanya ng sapatos sa Pilipinas. Siya lang ang kapatid at kambal ng mayabang na amo. Walang mas masahol pa sa ugali. Siya ang pangulo ng Anthony Cabreras.

Si Joyce ay isang ambisyosong trabahador sa opisina na lihim na umiyak para sa kapatid ng boss na si Allan. Super gwapo, matangkad, playboy. Ngunit hindi pinansin ni Joyce ang lahat ng ito, para sa kanya, nagustuhan niya ito ng sobra. Hindi ordinaryong Crush, ngunit nais niya si Allan Cabrera na maging asawa niya. Kaya't, isang araw, nang bigla siyang ipinakilala sa lahat ng isang babaeng humahabol sa kanya, at siya ay kanyang kasintahan, ang kanyang pangarap ay tila nagkatotoo.

Tuwang-tuwa siyang dasalin na magkatotoo ito, ngunit kinabukasan ay para siyang hangin na dumaan dito. Bagaman binati siya nito, nang ipakilala siyang kasintahan noong gabing iyon, nawala ang matamis na Allan na nakita niya. Galit na galit siya at sinabing gusto niyang gumanti. Plano niyang akitin si Allan Cabreras, na sa tingin niya ay nahihiya siya sa harap ng maraming tao.

Magkakaroon siya ng plano. Sa birthday party ng kambal, si Allan Cabreras at ang kanyang kapatid na si Anthony Cabreras. Papasok siya sa silid ni Allan, at nang makatulog si Allan matapos na lasing, magsisimula na ang malaking plano.

Ngunit paano kung hindi si Allan Cabreras ang pumasok at katabi niya sa malaking madilim na silid? Ano ang gagawin niya kung ang boss ay nasa tabi niya sa halip na ang kanyang kambal na si Allan?

Ngayon ang maling tao ay nasa tabi niya. Sa malaking silid na iyon, ang kanyang amo na si Anthony ay nasa malaking kama. Ano ang dapat kong gawin ngayon? Paano niya maipaliwanag ang ginawa niya sa galit na mukha ng amo. Ngayon ang kanyang mayabang na amo ay galit na galit sa kanya, ano ang susunod niyang dapat gawin?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“Good Morning Sir” bati ko sinabi sa kanya, nang dumaan ang coldy at arogante kong boss. Sino pa ba? Edi ang masungit at palagiang nasigaw si Mr. Anthony Cabreras, ang nag iisang Presedente ng kumpanya na aking pinagtatrabahuhan. Hindi kami magkasundo pero napagtiisan ko pa naman. Napaka coldy at arogante niya, hindi man lang ako sinulyapan o kahit na sana tiningnan man lang. Basta dumaan nalang at dire-diretso patungo sa napakalaking opisina niya. Napakalaking opisina, mistulang parang isa nang malaking bahay. Isang bunggalow house parang ganoon sa laki ang loob ng kanyang opisina. Kung mapapasok lang ng iba, mamamanghan ang sino man na makakakita, kung gaano kalaki at kaperfect ang loob ng kwarto niya, para sa isang lalake na gaya ng aming presidente ng kumpanya, katangi-tangi ang magkaroon ng isang opisina na tulad ng kanya. May sariling Pantry, isang malaking kwarto na sa loob ay may personal bed. Isang napakalaking kama, may malaking cabinet at malaking television. May sariling Comfort Room na rin sa loob nito. Sa pantry, maliban sa Coffee Machine na palagian kong ginagamit sa pag gawa ng Coffee nito. Mayroon ring isang napakalaking refrigerator, puno ito ng napakaraming drinks. Iba’t ibang inumin, samot sari nga ang laman. Juice, Wines, Beers at bottled water. Sobrang mangha na mangha ako sa laki at ganda ng napasok ko iyon. Mayroon na ring mga ready to eat na foods na iinitin nalang. Siguro kaya may isang microwave ito sa loob ng kanyang pantry ay dahil sa mga pagkain na iniinit na yon. Actually hindi naman ako assistant or secretary nito pero nagawa ko iyon pasukin ng dahil sa nautusan akong pumalit sa assistant at secretary nito na si Milca. Ang mahaderang si Milca, aking matalik na kaibigan. Nakakainis kasi ng ako pa ang irecomenda na ipalit sa kanya sa ilang buwang leave na hiningi nito dahil sa personal reasons raw, na siyang dinahilan para payagan ng kanyang aroganteng boss. Nakakainis lang, pero wala na akong nagawa ng dahil sa ako ang kanyang inerecominda sa aming pangulo. Actually isa si Milca sa malalapit kong kaibigan nung nasa college pa kami. She’s one of my College friends. Siya rin ang dahilan kung bakit napasok ako, sa napakalaking Shoe Company na ito. Si Milca lang naman ang nag iisang Backer ko, sa mabilis na pagpasok ko dito sa Cabrera’s Shoe Company. No hard interview’s, but slightly. Tinanong lang naman ako tungkol sa relationship ko kay Milca Sandoval. Kung anong koneksyon ang meron kami ni Milca. Simple lang, sinabi kong College friends kaming dalawa. After that, konting hapyaw nalang sa aking background, tapos! Pasok na ako kaagad. Ang galing! Napakalakas pala talaga ng backer ko sa kumpanya dahil ganon kabilis, may trabaho na ako kaagad. Natutuwa talaga ako everytime na maaalala ko ang mga panahon kung papaano ako nagsimula sa kumpanya. Pero sa tuwing maiisip ko na naririto ako ngayon sa mismong opisina ng may-ari ng company, parang ang bigat pala, sobrang nahihirapan ako mag-adjust ng dahil sa ugaling meron ang president at may-ari ng kumpanya. Mr. Anthony Cabreras, age of 34, 6’7” in height, single, gwapo, matalino but super arrogant and a coldy man. Ewan ko ba siguro dahil sa anlamig niyang makitungo sa lahat ng kanyang mga empleyado. Isama pa ang pagiging suplado niya. Gwapo na sana, pero dahil sa kanyang ugali, sayang talaga. Sir Anthony Cabreras is the President of the Cabrera’s Shoe Company at ang kambal niya na si Sir Allan Cabreras ang siyang tumatayong vice president ng company. Yun talaga yung super pogi at sobrang charming. Ang bait pa at laging nakangiti. Hindi tulad ng kanyang kambal na si Sir Anthony na madalas napakahirap espelengin, intindihin at unawain. Kasi nga siya yung BIG Boss. So, kailangan mo talaga pagtiisan hanggang makakaya pa. Pero kadalasan ay hindi ko na rin makuha ang gusto niya at nais ng aking napaka-aroganteng boss. Nakakagigil nga lang kung bakit dito pa ako ngayon napunta. Mabuti pa ang kapatid na kakambal ng presidente na si Allan Cabreras, Age 34, gwapo, matangkad rin subalit may pagka playboy nga lang pero mas nanaisin ko pang siya ang maging boss ko kesa sa arogante niyang kakambal. Sa lahat ng katangian ni Allan isa lang naman ang pangit sa kanya. Ang pagiging babaero nito na baliwala naman sa'kin basta alam ko sa sarili ko na love ko na siya. Para na kasi ako mababaliw everytime na dadaan siya rito at masisilayan ko ang napakagwapong mukha niya. Tapos ngitian ka pa ng halos malaglag na nga ang aking panga sa kung paano ako magrerespond sa pinakikita niyang kabaitan sa lahat ng kanilang empleyado. Napabuga ako ng aking hininga habang iniisip kung gaano siya kagwapo at kung paano niya ginugulo ang mundo ko sa tuwing makikita ko ang malaadonis niyang katawan at ang magkabilang biloy na mas nagpapabaliw sa aking mundo. PERFECT LAHAT SA KANYA, napangiti pa ako habang nakapangalumbaba sa aking lamesa. Mr. Allan Cabreras super perfect na perfect para pagpantasyahan ng maraming kababaihan na halos kagaya ko ay baliw na baliw kay Sir Adonis, este Sir Allan Cabreras pala. “Ms. Imperial" Habang napapangiti si Joyce ay hindi niya namalayan ang paglapit ng galit niyang boss. Masyado ng malayo ang narating ng kanyang paglalakbay at pagpapantasya mula sa kakambal ng kanyang pinagsisilbihan ngayon. “Ms. Joyce Imperial!!!" sigaw na sabi ng nag-uumapaw na sa galit na si Anthony ng dahil sa makailang ulit na niyang tinatawag ang kanyang sekretarya subalit wala si Joyce sa kanyang sarili ng dahil sa pagkukumpara sa magkakambal na boss. “Ayy kabayo!” sa gulat ay kanyang naibulalas sa harap ng kanyang nag-uumagalit na Boss. Biglang lakas ng kanyang kaba ng bigla itong mapasigaw. “What???” Galit si Anthony sa nasambit ng kanyang sekretarya at tinanong ito sa malakas na boses ay kanyang sinabi. “Sino ang tinawag mong kabayo, ako?" inis na sabi at tinitigan si Joyce na sa itsura pa lang ay kabang-kaba na ito. “Palaka Sir, hindi pala kabayo” sa kaba ay biniro nalang niya ang galit na boss, subalit mas nagalit pa si Anthony sa muli nitong nasambit. Saka lang naalala ni Joyce na secretary at assistant ang kanyang position ngayon sa mala-demonyo at impyerno na lugar kung saan ay pinagsisilbihan niya ang Demon nilang presidente, nang kumpanya. At ngayon ay kaharap ko ang isa sa magkakambal na aking boss at may-ari ng kumpanya. At siyang dahilan din ng paglalakbay ng aking isipan, ang naggugumalit sa galit na Demon ko na boss, dahil sa hindi ko napansin ang kanyang pagtawag at paglapit sa akin lalo na ng dahil sa aking nasambit sa gulat ng makita ko siya mula sa aking harapan. Pasaway ka talaga Joyce! Kung bakit kasi kangina binati ko siya at kahit isang sulyap ay hindi ako nilingon, ngayon ay pupunta rito at galit na galit na bubulyawan ako ng dahil sa kanyang init ng ulo. Wala rin magawa ano! Inis na pasimple na umirap ako at naibulong. Heto na at mas lalo pa siyang nagalit ng dahil sa biro ko. “Sino namang palaka ang tinawag mo?" hh Nagkipit balikat ako, ngumiti. “Kangina kabayo ngayon naman, palaka. Ako ba ay pinaglalaruan mo, Ms. Imperial?” singhal na gilalas na sabi ng galit kong Boss. “Hindi po Sir, pasensya na nagulat lang po ako.” Mariin kong itinanggi at binawi mula sa nasambit ko kangina sa kanya. Tumaas ang kilay ni Boss. “Kung hindi ako, sinong tinutukoy at tinatawag mong kabayo at palaka?” malalakas na boses at kanyang itinanong. Napaisip ako, napalingon mula sa mga ilang nagdadaan na empleyado. Hindi ko naman pwedeng siya ang tukuyin at ituro ng dahil sa pagkakabigla ko ng biglang siyang sumulpot sa aking harapan. Mabibilis ang aking paglingap-lingap sa mga kasamahan ko sa paligid, may maisip lang akong maidahilan. Nakita ko agad si George na mabilis na tumatakbo at si Joy na mukhang palaka sa suot nitong purple green na dress na may bilog-bilog na drawing. “Ayun Sir, si George kasi nakita kong kumaripas ng takbo na parang kabayo at si Joy na parang palaka sa suot na dress nito, tingnan niyo pa! Purple Green na may bilog-bilog na drawing ang kanyang suot tapos, bako-bako pa yung mukha niya na parang sa palaka.” Patawarin sana nila ako sa panlalait na nasabi ko tungkol sa kanila dalawa. Jusko makaisip lang ako ng aking maidadahilan at makalusot lang sa Demon na ito, ay nagawa ko pang laitin ang dalawa sa harap ng aking demonyo at arroganteng boss. “Haist” buntong hininga ni Joyce, matapos niyang makahinga ng maluwag, nang laitin ang mga kasamahan. Matapos na ipagdiinan sa galit na boss na ang kanyang tinutukoy ay kanyang mga ka-opisina na sila George at Joy.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Professor's Wife

read
449.0K
bc

Billionaire's Twins

read
263.3K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.5K
bc

My Hot and Sexy Baby Maker

read
452.1K
bc

Love Donor

read
86.6K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.4K
bc

Married By Mistake

read
170.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook