bc

Her Guardian Devil

book_age18+
2.4K
FOLLOW
11.8K
READ
billionaire
possessive
badboy
CEO
comedy
bxg
bully
office/work place
enimies to lovers
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Ang mga magulang nina Nicholai David Samaniego at Bea Clarisse Evangelista ay matalik na magkaibigan pero kabaligtaran ang sitwasyon nila ni Nick.

Paanong hindi maiinis si Clarisse? Seryoso at tahimik si Nicholai pagdating sa ibang tao pero pagdating sa kaniya puro kagaguhan ang mga sinasabi nito.

Halos araw-araw ay dinadayo pa siya nito sa bahay nila para lang buwesitin.

Lagi rin itong nakabantay sa kaniya dahil iyon daw ang bilin ng kuya niya pati na ng mga magulang niya.

Naroon ang ipagkalat nito na may mga alipunga raw siya. Marami raw siyang pigsa at kung ano-ano pang sakit na nakakahawa ang mga pinagsasabi nito dahilan para ayawan siya ng mga lalaking nanliligaw sa kaniya.

Kapag may babae naman na naghahabol dito ay siya ang itinuturo nitong girlfriend kaya naman maraming babae ang nagagalit sa kaniya dahil mang-aagaw daw siya.

Hanggang sa dumating ang isang araw na magpapabago sa sitwasyon nila ni Nicholai.

Sa gitna kasi ng panganib ay umamin ito ng pag-ibig sa kaniya.

Maniniwala na sana siya kaya lang pagkatapos nitong magtapat ay namilipit ito sa kakatawa.

Kaya imbes na matamis na 'Oo' ang isagot niya kay Nicholai. Isang malutong na sapak ang natanggap nito mula sa kaniya.

chap-preview
Free preview
Episode 1
"Tita, nandiyan po ba si Kuya Nicholai?" tanong ni Clarisse kay Tita Jenny na mommy ni Nicholai. Ang lalaking may kakayahan para painitin ang ulo niya araw-araw. Hindi niya alam kung bakit tuwang-tuwa ito kapag naiinis siya. Ang akala ng mga magulang nila ay magkasundong-magkasundo sila ni Nicholai pero ang totoo ay mortal silang magkaaway. Sa tuwing nakaharap kasi sila sa mga magulang nila ay tila ba concern sila ni Nicholai sa isa't isa. Pero kapag hindi na nakatingin ang mga ito ay parang gusto niya itong ibaon sa lupa dahil sa sobrang inis. Ang mga magulang nila ni Nicholai ay matalik na magkaibigan. Si Nicholai ay nag-iisang anak nila Tita Jenny at Tito Roman kaya lahat ng gusto nito ay nakukuha. Samantalang siya ay pangalawa naman sa kanilang magkapatid. Ang Kuya Francis niya ang panganay at siya naman ang bunso. Matanda si Nicholai ng limang taon sa kaniya. Ka-edad nito ang kuya niya at matalik rin na magkaibigan ang dalawa. Siya ay dalawampu't dalawang taon. Si Nicholai naman ay dalawampu't pitong taon na pero ang utak nito ay katumbas ang pitong buwan na sanggol. Ang nakatatandang kapatid niya lang ang nakakaalam sa sitwasyon nilang dalawa ni Nicholai. Kung paano sila mag-asaran kapag hindi nakaharap ang mga magulang nila at ang mga taong nakapaligid sa kanilang dalawa. Ngumiti muna si Tita Jen sa kaniya bago ito sumagot. "Nasa kuwarto niya pa yata, Hija. Bakit? May pupuntahan ba kayong dalawa?" "Bubugbugin ko lang po ang anak niyo dahil ipinagkalat lang naman nito na may nakakahawa raw akong sakit. Kaya hayun, nagtakbuhan ang mga lalaking gustong makipagkilala sa akin." 'Yon sana ang gusto niyang sabihin pero pinigilan niya ang sarili. Ang lalaking 'yon nakakadiri talaga kahit na kailan. Hindi ito ang unang beses na ipinagkalat nito na may kung ano-ano siyang sakit lalo na kapag may lalaking lumalapit sa kaniya. "May itatanong lang po ako sa kaniya, Tita. Nakisuyo po kasi sa akin si Kuya Francis na puntahan ko po si Kuya Nicholai, eh. Sabihan ko raw po siya na pumunta sa restaurant namin dahil ipapatikim raw po ni Kuya Francis iyong bagong menu na ginawa niya," pagsisinungaling niya. Kuya rin ang tawag niya rito kapag kausap niya ang mga magulang nito. May sampung branch na ang restaurant nila at magkatulong sila ng kapatid niya sa pagpapatakbo nito. "Ganoon ba? Sige, puntahan mo na lang siya sa kuwarto niya, Hija. Gisingin mo na rin at sabihin mong kakain na." "Opo, Tita," magalang niyang tugon sa ina nito. Si Nicholai David Samaniego ay CEO ng Samaniego Cars, Incorporated. Ito ang negosyo ng pamilya ng mga ito dahil mahilig sa sasakyan ang daddy nito na namana naman ni Nicholai. Guwapo sana ang lalaking iyon kaya nga lang demonyo ang pag-uugali nito. Kung ang kuya niya ay hands-on sa pagpapatakbo ng sarili nilang restaurant si Nicholai naman ay iba. Papasok lang kasi ang lalaki sa sarili nitong kompanya kung kailan nito gusto. Pero kahit ganoon ay lalong namamayagpag ang negosyo ng mga Samaniego kahit na nga may pagkatamad ang nagpapatakbo nito. Malakas kasi ang abilidad ni Nicholai kaya siguro gano'n. Ngiti pa lang nito makalaglag panty na. Pero ang ngiti nito ay iba ang dulot sa kaniya. Hindi kilig kundi kaguluhan. Kagaya ng sinabi ni Tita Jen ay pumasok na siya sa loob ng kuwarto ni Nicholai para bigwasan ito. Wala siyang pakialam kahit mahimbing pa ang tulog ng lalaking 'yon! Maingat niyang binuksan ang pintuan nito na animo'y magnanakaw. Hinanap niya ang lalaki sa loob ng silid nito pero hindi niya ito mahagilap. "Sayang! Bugbog sarado na sana ang lalaking 'yon kung naabutan ko siyang tulog," usal niya na tila ba punong-puno siya ng panghihinayang. Umupo siya sa kama nito at iyon ang pinagsusuntok niya. Bigla siyang napaayos ng upo nang marinig niyang bumukas ang pinto ng bathroom at iniluwa noon si Nicholai na bagong paligo. Pinupunasan nito ng tuwalya ang basang buhok nito at tanging underwear lang ang saplot nito. Wala sa sariling napahawak siya sa magkabilang pisngi niya. Ang mga gusto niyang sabihin dito kanina ay bigla na lang naglaho dahil sa nakikita niyang tanawin. Gusto niyang tumakbo palabas ng kuwarto nito pero hindi niya naman magawa. Bigla ring bumilis ang t***k ng puso niya habang nakatitig sa bandang gitna ni Nicholai. Hindi niya maitatanggi na maganda ang pangangatawan ng damuhong 'to. Sabagay, regular nga pa lang pumupunta ito sa gym kasama ang kuya niya. Kaya siguro papalit-palit ito ng babae dahil malaki ang kargada nito. Mariin niyang ipinilig ang kaniyang ulo dahil kung ano-anong kalaswaan ang pumapasok sa isip niya. Hindi niya kailangang purihin ang lalaki dahil kaaway niya ito. "What are you doing here in my room, Clarisse?" tanong nito sa kaniya habang nakangisi. Ngisi pa lang nito nakakainis na. "Para bugbugin ka!" Tumaas ang kilay nito. "Bugbugin sa hirap o bugbugin sa sarap?" Umupo ito sa tabi niya at hindi man lang nag-abalang magbihis muna ng damit at short. "Alam ko naman na matagal ka nang may pagtingin sa akin, Clarisse. Siguro kaya ka pumunta rito para ibigay 'yang sarili mo, 'no?" Napakurap-kurap siya dahil sa mga sinabi nito. Saan kaya ito kumukuha ng kapal ng mukha para sabihin ang mga iyon sa kaniya? "Sobrang kapal naman yata ng mukha mo, Nicholai. Mas gugustuhin ko pang patulan na lang si Berting kesa ikaw ang patulan ko," nakairap niyang sabi rito. Nawala ang ngisi nito. "Sinong Berting?" "Iyong lalaking nagpapadala sa akin ng bulaklak araw-araw. 'Yong regular customer namin sa restaurant. Hindi siya kaguwapuhan pero maipagmamalaki ko dahil down to earth siya at hindi kagaya mo na hambog!" Gawa-gawa lang naman niya ang mga sinabi niya dahil wala naman talagang lumalapit sa kaniya na ganoon ang pangalan. Hayop kasi ito kung makabantay sa kaniya, eh. "Berting, huh! Gagawin kong walis tingting ang lalaking 'yon sa harapin mo, Clarisse. Dudurugin ko ang pagmukha noon at gagawin kong pamunas ng mga sasakyan ko," seryoso nitong wika sa kaniya. "Ikaw kaya ang bugbugin ko! Bakit mo nga pala sinabi kay Jonas na may galis ako? Tapos ikinuwento mo rin pala kay Joshua na paminsan-minsan may tumutulo mula rito sa tainga ko, ha? Nakakasuka ka! Hayop ka talaga, Nicholai!" Sa pagkagilalas niya ay tumawa ito nang tumawa. Halos mamaluktot ito sa kakatawa habang naka-brief pa rin. "'Yon ba ang sinabi nila sa 'yo, Clarisse?" maluha-luha nitong tanong sa kaniya. Nasobrahan sa pagtawa ang hinayupak. "Dahil 'yon ang sinabi mo sa kanila. Siraulo ka kasi!" singhal niya kay Nicholai. "f**k! I can't breathe!" wika nito sa pagitan ng pagtawa. 'Yan! Diyan 'yan nagiging masaya kapag nagiging miserable ang buhay niya. Minsan nga kahit nagtatago siya, nahahanap pa rin siya ng siraulong 'to, eh. Kung masama lang siyang tao baka kanina niya pa binasag ang itlog nitong nakabalandra sa tabi niya. Ganiyan talaga ang lalaking 'to sa tuwing kinokompronta niya ito sa mga sinasabi nitong kabaliwan. "Ano pang mga sinabi nila sa 'yo, Clarisse?" "You tell me? Ano pa bang mga kagaguhan ang mga pinagsasabi mo sa kanila, Nicholai?" Umiling-iling ito. "Wala akong sinabi sa kanila na may tumutulo mula sa tainga mo, Clarisse. Kadiri naman sila!" "Nagmamaang-maangan ka pa! Sa susunod na gumawa ka pa ng kuwento, humanda ka talaga sa akin," aniya na may kasamang pagbabanta. Lumapit ito sa kaniya kaya halos maduling siya. "At anong gagawin mo sa akin, aber?" Bahagya siyang napaatras dahil sa ginawa nito. Ano nga ba ang gagawin niya rito? "Ipapabugbog kita kay Berting!" "Berting my ass! Saan nakatira ang lalaking 'yon?" "Sa America." "Tsk! You're lying." "Sa tingin mo sasabihin ko sa 'yo kung saan siya nakatira? Manigas ka!" Sigurado siyang magtatanong-tanong ito para lang mahanap si Berting na hindi naman nag-e-exist sa mundo para sabihing layuan siya. Mas malala pa ito sa kuya niya kaya naiinis siya rito ng husto. "What does he look like?" "Basta mas guwapo siya kaysa sa 'yo." "Hindi ako papayag na mayroon pang mas guwapo sa akin, Clarisse," puno ng confidence nitong sabi sa kaniya kaya lihim niya itong inirapan. Ang tibay talaga ng mukha ni Nicholai David Samaniego. Kasing-kapal ng semento dahil umaapaw palagi ang self confidence nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook