bc

Reincarnated Hearts 1: MY 1905 SENIORITA

book_age0+
1.3K
FOLLOW
7.3K
READ
contract marriage
one-night stand
reincarnation/transmigration
time-travel
arranged marriage
drama
tragedy
twisted
sweet
like
intro-logo
Blurb

"I always knew I was meant to love a person since 1905. Siya lang at

wala ng iba pa." -Sinaya

"Kay layo man ng agwat ng buhay namin. Patutunayin ko ang wagas kong pagmamahal sa kaniya. Te amo, seniorita." -Lukas

Magkakatuloyan pa ba ang mga pusong bihag na ng iba sa kasalukuyang panahon?

chap-preview
Free preview
Prologue
     (PLAGIARISM IS A CRIME. So, make your own legitimacy and STOP living in other else’s shadow…) ✍A/n: ✍Names, places, events, or any scenes or whatsoever that seemed closely similar to someone or something are purely coincidental. Names, places, events, or any scenes or whatsoever are purely came out from author’s playful imagination and fictional world and nothing to do with whatsoever or whoever related to. My special thanks to..Maam Daisy Mae Golpe-Virtudazo for sharing her idea in naming my main characters in this story. Lukas Miguel Solomon & Sinaya Argallon Lutther Monte Carlo & Selina Cabrera       Prologue   Sinaya: 1905: “Lukas..” Impit ang pag-daing ko nang humagod ang mga kamay niya sa loob ng damit kong suot. Nagpipigil pa rin si Lukas na buo akong angkinin—pero nararamdaman ko ngayon ang pagragasa ng matinding emosyon namin para sa isa’t isa. Humihingal na huminto siya at mariing hinalikan ang mga labi ko. “Sinaya..” At mahigpit niya akong niyakap habang siya’y nasa likuran ko’t nakatayo. Hinahalik-halikan niya ako sa buhok at hindi ko mapigilang ‘di ngumiti kahit sa simpleng bagay ay katumbas ng ilang libong bituin sa puso ko. Bumulong ito. “Te adoro..” I adore you. Humigpit ang yakap niya sa bewang ko. “Te necesito..” I need you. Sabi’t halik sa leeg ko. Napapikit uli ako. Dinama ng palad ko ang mukha ng lalakeng siya kong minahal. “Te amo, Sinaya.. Sobrang mahal na mahal kita.” Ang nararamdaman ko’y parang sasabog sa saya’t kalungkutan. Hindi ko maitatago na sa isang banda ng puso ko—nalulungkot ako.. Ginanap ko ang pisngi ng mahal ko at humarap sa kaniya. “O, Lukas.. Yo tambien te amo. Te amo mas que nada en el mundo!” I love you, too. I love you more than anything in the world. Nakangiti ako ngayon pero pumatak rin ang mga luha kong pinipigilan. Bakit hindi pwedeng maging kami habang-buhay? Siya ang tanging pinakamamahal ko! Si Lukas ang buong buhay ko—pero ba’t pinipigilan ng tadhana? “Magtanan tayo, Sinaya. Aalagaan kita—mamahalin kita na higit pa sa buhay ko..” Kumislap ang mga mata niya sa dilim. Dama ko ang pagnanais nitong matupad ang pangarap naming dal’wa.. “..at patawad mahal—kung hindi ko kayang ibigay ang mga butuin para sa’yo. Tanging puso kong ito ang kaya kong ialay at ang buo kong buhay para sa’yo, Sinaya.. Mi seniorita..” Niyakap ko siya ng mahigpit. Kung ito ang  paraan na maisakatuparan  abang pangarap—sunod-sunod akong tumango. “Oo—magtanan tayo, Lukas.. Dalhin mo ako sa dulo ng iyong wagas na pagmamahal.” Wala na akong pakialam sa maaaring  gawin sa’kin nina mama at  papa—wala na! Kailan man ay hindi pwede matakot ang pusong tunay na nag-iibigan. Mahal ko si Lukas. At handa niyang i-bigay sa’kin ang buhay niya sa ngalan ng pag-iibigan naming dal’wa. Wala na akong ibang maisip pa—kundi ang mahalin siya buong buhay ko! Wala na kahit magalit man ang buong mundo.. At naramdaman ko ang paglalim ng kaniyang mga halik—ang init  abang pagmamahalan. O, Lukas! Lukas: Kabado na ako dahil isang oras na..at wala pa rin si Sinaya sa tagpuan namin. Dala ko na ang mga gamit ko para sa pagtatanan naming dal’wa pero.. pero—hindi ko maiwasang hindi kabahan. “Lukas?” Siya na ba!? Napalingon ako ‘agad sa mahinang tumawag sa pangalan ko—pero hindi. Na-dismaya lang ako ng tuloyan nang makita ko si Pasita. Isa sa mga kasambahay ni Sinaya sa Mansyon ng mga Argallon. Nag-aalala itong lumapit sa’kin at hinila ako patago sa malaking puno ng akasya sa tabi ng ilog—kung saan kami magtatagpo ni Sinaya. Pero ba’t  si Pasita ang narito? Ba’t alam ni Pasita? Nagugulohan ako pero sumunod ako rito at handa na sanang itanong lahat nang may kinuha itong sobre at kaagad na ibinigay sa’kin. “Lukas, ipinabibigay ni seniorita..” Kinakabahan man ako ay kinuha ko ang sulat. Inamoy ko ang sobre—siya ngang pabango ni Sinaya! O mahal ko.. Nasaan ka na? “Sige’t babalik na ako sa mansyon, Lukas.” Paalam sa’kin ni Pasita saka ako tumango. Alam kong hindi lingid sa kaalaman ni Pasita ang lihim naming relasyon ni Sinaya—itinuturing itong matalik na kaibigan ng mahal ko.. Naupo ako sa malaking ugat ng puno saka binasa ang sulat-kamay ni Sinaya. Hindi ko alam pero kahit alam kong ‘di matutuloy ang plano naming pag-alis ngayon—napangiti ako dahil sa sulat kamay ng mahal ko. Mahal ko, Alam kong naghihintay ka na sa’kin diyan sa ating tagpuan, Lukas. Pero hindi ako makakarating. Alam na nila papa at mama an gating relasyon. Hindi sila nagalit, Lukas. Datapwa’t iniimbitahan ka nila na sabay na dumalo sa misa ngayong lingo na kasama ako at sila. Magkita tayo ngayong linggo, alas-otso ng umaga sa simbahan. Hingin mo ang mga kamay ko sa mga magulang ko bago tayo pumasok sa simbahan, Lukas. Sobrang mahal na mahal kita..                                              ~Sinaya~ Hinalikan ko ang munting papel sa sobrang saya! Mi seniorita.. Kung totoo man ‘to—sobrang nagdidiwang ang puso ko sa saya. Bukas—hihingin ko ang mga kamay ng mahal ko sa labas ng simbahan at sa harap nina Don Hernan at Dona Guada. Hintayin mo ako mahal! Halos hindi na ako natulog hanggang nag-umaga. Sari-saring emosyon ang bumuha sa dibdib ko lalo na’t ngayon ko na hihingin ang mga kamay ni Sinaya. “Pasita!” Nakita ko si Pasita sa labas ng simbahan at mukhang kararating lang. Magsisimba rin siya? Nakangiti  abang sinalubong—balisa ito habang nakatingin sa’kin. “May ipinapasabi na naman  aba Sinaya?” Nababahala kong tanong sa babae. Pero umiling ito. Sunod-sunod itong umiling na para bang sobrang nag-aalala. May nangyari bang masama kay Sinaya? “W-Wala naman, Lukas. Darating na siguro sina Seniorita at ang pamilya niya maya-maya. Mauna na akong pumasok..” Yumuko ito at nagpaalam. Napabuga ako ng hangin—nag-aalala ako kay Pasita. May sakit kaya siya? Naghintay ako sa lilim ng kahoy habang marami ng mga taong nagsidatingan hanggang sa tumunog na nga ang kampana hudya’t na magsisimula na ang misa. Balisa ko na ring sinuri ang sarili ko—nakahiram ako ng isang kupas na amerikana at sapatos sa pinsan kong si Felipe. Wala kasi akong damit na pangpormal. Sa tingin ko nga’t kailangan ko ng bumili ng bago para sa kasal namin ni Sinaya. Kahit nababalisa ako ngayon hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa naiisip ko. Ako at ang mahal kong seniorita. Mag-iisang dibdib.. “Uy, Lukas. Andito ka rin pala?” Si Flora, ang kababata ko. Napatayo ako mula sa kinauupuan habang inilibot pa rin ang mga mata sa mga taong kadarating lang. Pero wala si Sinaya. “Oo, magsisimba kasama si Sinaya. Nakita  aba siya?” Nang sabihin ko yun ay nawala ang kulay sa mukha nito at napaawang ang labi ni Flora. May nasabi ba akong mali? “Flora?” Untag ko rito saka ito nagbawi ng reaksyon. Alam nitong may malaki akong gusto kay Sinaya pero nilihim ko  rito ang totoo naming relasyon. Humakbang ako palapit rito dahil para itong napako sa kinatatayuan ngayon. “Hindi  aban?” Namangha nitong tanong sa’kin. Lumingon ito sa paligid bago lumapit sa’kin at may ibinulong. “..ikakasal na ngayon si Seniorita Sinaya at Seniorito Alfredo. Dinig ko—minadali ang kasal ng dal’wa.” Nang marinig ko ang sinabi ni Flora—napaatras ako at dumiretso ang mga mata ko sa malaking pintoan ng simbahan. Ikakasal ngayon si Sinaya? Dahan-dahang hinihiwa ang puso ko—pero hindi. Kailangan kong makita si Sinaya! Kahit sobrang bigat sa dibdib—humakbang ako patungo sa malaking pintoan ng simbahan. Tumakbo ako papasok. Nahinto ako nang makita ko ang mahal ko—nakatayo ito sa gitna ng altar kasama ni Alfredo. Nakasuot silang dal’wa ng pangkasal. “Mahal ko..” Mahinang bulong ko. Garalgal ang boses ko at sa sobrang sakit—hindi ko alam kong anong magiging reaksyon ko ngayon. Kumuyom ang mga kamay ko nang kita ko kung paano hinuli ni Alfredo ang bewang ni Sinaya.   Dahan-dahan akong humakbang sa kanila at kita ko ang paghikbi—mahal ko! “S-Sinaya, mahal ko.. A-Alam kong napipilitan ka lang!” Wala akong pakialam kung magbulongan man ang buong mundo dahil sa eksena ko ngayon—ang inakala kong sabay na pagsisimba ay siyang kasal ni Sinaya.. Niliko ako! Kung sino man ang may pakana nito alam kong hindi si Sinaya yun.. Pinilit lamang siyang isulat ang mga salitang yun—Oo, alam ko! Pero hindi nila malilinglang ang puso ko.. Hindi ako tanga at mas lalong hindi ako bulag—alam kong nagmamahalan kami ni Sinaya! “Lukas!” Sigaw niya sa’kin pero pinigilan siya ni Alfredo na lumapit. Hahakbang pa sana ako pero hinarang ako ni Don Hernan. “Mag-usap tayo sa labas,  aba.” Mariing sabi ng matanda saka ito humakbang palabas. Sinaya: Basang-basa ang mga mata ko ngayon—walang tigil ang pagbuhos ng luha ko habang pilit akong ikinasal kay Alfredo. “Walang silbi ang mga luha mo, Sinaya. Nakaupo’t  mahinahong nanonood ang lalake mo ngayon sa seremonya ng kasal na’tin.” Bulong sa’kin ni Alfredo—kinasusuklaman ko siya at ang mga magulang ko! Wala silang ginawa kundi ang manipulahin ang buo kong buhay—para lang  aban’t lupain! Para sa pansariling interes nila at ni Alfredo. Sisirain nila ang buhay ko.. Ipinagbili ng mga magulang ko ang sarili kong kasiyahan—ang buhay ko—ang pagkatao ko—pero hinding-hindi ang puso ko! “Sa papel lang tayo makakasal, Alfredo. Hinding-hindi mo kailanman makukuha ng buo ang puso ko na matagal ko ng inalay kay Lukas.” Taas-noo kong sabi habang lumalandas pa rin ang mga masaganang luha sa pisngi ko. Patapos na ang seremonya—alam kong walang magagawa si Lukas para pigilan ito. Wala. Dahil buhay ng pamilya ni Lukas ang kapalit ng pagsuway. At hindi ko hahayaang pati sila ay madamay! Papatayin nina papa at Alfredo si Lukas.. “Maaari mo ng halikan ang iyong asawa.” Gusto ko siyang sampalin nang dumampi ang labi niya sa’kin! Nandidiri ako sa kaniya at sa mga walang-kaluluwang nagmanipula sa buhay ko. Wala na si Lukas sa loob ng simbahan. Wala na ang mahal ko.. Napahagulhol ako ng iyak sa gitna ng kasiyahan nilang lahat. Lukas.. Malakas na ulan ang sumalubong sa kasal ko—napatingin ako sa madilim na kalangitan at lihim na nagpasalamat. Maging ang Diyos ay hindi natuwa—alam niya ang hinagpis ng puso ko.. Wala sa sariling sinilip ko ang labas. Nagsi-uwian na ang mga bisita dahil sa lakas ng hangin at ulan na dala ng masamang panahon. Dala ng sama ng loob ko ngayon. Na kailan man ay hindi titila. Mugtong-mugto na ang mga mata nang bumukas ang pintoan at pumasok si mama. “Hija, kanina ka pa hinahanap ng asawa mo.” Mapakla akong ngumiti. Ibig kong masuka sa salitang—asawa. Si Lukas lang ang bumuo ng buhay ko—siya lang ang magiging asawa ko. Hungkag ang puso ko ngayon. Nilingon ko si mama. Suot pa rin nito ang damit kanina sa kasal. “Ganito ba ang gusto mo sa’kin, mama? Ang gawin akong pambayad-utang sa mga Enriques!?” Malakas kong sumbat sa ina kong napaatras.  Bakit? Hindi ba niya inakala na pagtataasan ko siya ng boses? Higit pa dito ang gusto kong gawin ngayon! Sobra ko silang nirespeto—tanang buhay ko! Pero alam ko kung ano ang sinabi ni papa kay Lukas—dahilan para hindi niya tutulan ang kasalan kanina! Alam ko! Natutop ni mama ang sariling dibdib habang bakas sa mukha ko ang sobrang galit. “Mahal ka ni Alfredo, hija!” Hah! Nakuyom ko ang sarili kong kamao at mabibigat ang mga hakbang ko na lumapit sa kinaroroonan ni mama. Dumaloy na naman ang mga luha ko sa mugto kong mga mata. Hanggang ngayon ba? Ipagpipilitan nila na para sa’king kabutihan ang ginawa nilang ito!? “Mahal? O mahal ninyo ang mga lupa ng mga Enriques!? Solo deja de mentir, mama!” Please, just stop lying, mama! “Lo Siento, hija.” I’m sorry, hija. “Ang lahat ng ito ay para rin sa’yo. Naiintindihan ko na kinamumuhian mo kami ng papa mo ngayon—pero anong maibibigay ni Lukas na kaginhawaan sa’yo at ng magiging pamilya mo?” Lumapit ito sa’kin at pilit na kinuha ang nanlalamig kong mga kamay. Alam kong masamang kamuhian sila—ang mga magulang ko. Pero hindi ko matanggap na pilit nila akong ipinakasal kay Alfredo! Binawi ko ang kamay ko. “Ibibigay ni Lukas ang buo niyang buhay sa’kin, mama—mamahalin niya ako hanggang sa kamatayan dahil ito ang sumpa naming dal’wa sa isa’t isa!” Nangako si Lukas na sisikapin niyang buhayin ako hanggang sa makakaya niya—dahil mahal na mahal namin ang isa’t isa. Magtutulongan kami! Bakit? Pera at kayamanan nalang ba ang makapagbibigay ng kasayahan sa mga taong katulad nila? Si Lukas ang kaligayahan ko! Siya ang buhay ko! “Parang pinatay niyo na rin ako ni papa, mama..” Huli kong sabi at saka mabilis na tinungo ang kama. Pasalampak akong nahiga at niyakap ng mahigpit ang unan. Mas gusto kong matulog ng mahimbing unan ang bisig ni Lukas. Mas gusto kong tingnan ang mga magagandang butuin sa butas na mga bubong at marinig ang mga harana ng mahal ko. Malakas akong napahagulhol saka ko narinig ang pagsara ng pintoan. Tatakas ako! Mahigpit kong niyakap si Pasita. Kahit kinakabahan ito sa pagtulong sa’kin para makatakas ako ay nandito pa rin siya. “Isa kang tunay na kaibigan, Pasita..” Gustohin ko pa mang sabihin lahat ng nasa loob ko at kung gaano ko siya pinasasalamatan—kinakailangan ko ng makaalis. Mahigpit ang mga bantay ni papa at sobrang pasalamat ko dahil nag-iinuman pa sina papa at Alfredo. “Sige na, seniorita—tumakas ka na!” Mariing sabi niya  sa’kin habang pareho kaming nakamata sa paligid. Dito ako dumaan sa sekretong lagusan ng mansyon at wala akong dala ni-isang gamit. Tumango at saka tahimik na nagpaalam rito. Maingat kong binaybay ang kakahoyan at tanging liwanag lamang sa munting lampara na hawak ko ang siyang gabay ko ngayon. Lukas, hintayin mo ako mahal.. Hindi pa gaanong tumila  ang ulan at ang paligid ay nababalot ng dilim. Inaninag ko ang pamilyar na daan patungo sa barrio ni Lukas. Ang puso ko ang siyang magliliwanag sa’kin ngayon gabi.. Basang-basa na ako ng ulan at ang sinigurado kong ‘di mababasa ang lamparang hawak ko. Lukas: Sinaya.. Nilagok ko ang isang baso ng inumin. Mag-isa kong pinagsaluhan ang pighati ng puso ko ngayon. Kung paano ito unti-unting nawasak at tuloyang pinatay nang ipagbunyi ng buong lungsod ang kanilang pag-iisang dibdib ni Alfredo. Gusto ko mang tutulan ang kasal kanina—buhay ng pamilya ko ang kapalit! At ayaw ko rin madamay sila inay at itay. Wala silang alam sa relasyon namin ni Sinaya.. Nandito ako sa ginawa kong maliit na kubo sa ibabaw ng kahoy. Dito kami parating naglalagi ng mahal ko habang tanaw ang papalubog na araw—at ngayon? Tinanaw  abang mag-isa. Tinanaw ko kung paano nilamon ng kadiliman ang mga pangarap namin ni Sinaya. “Mahal ko..” Usal ko. Sobrang sakit.. Napakuyom ako—paano ko tatanggapin na wala na si Sinaya sa buhay ko? Ang hirap! “L-Lukas? Lukas? N-Nandyan ka ba?” Boses ni Sinaya! Hindi ako maaaring magkamali. Para akong sinindihan at sinilip ko ang ibaba. Biglang nabuhay ang puso ko! Sinaya! Mahal ko!        

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Godfather My husband

read
269.3K
bc

NINONG III

read
363.1K
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M
bc

My Son's Father

read
583.0K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
962.4K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
852.3K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook