bc

Daybreak of a Damsel

book_age18+
631
FOLLOW
1.5K
READ
age gap
student
drama
tragedy
twisted
straight
campus
highschool
school
virgin
like
intro-logo
Blurb

DAY SERIES #2

Matagal nang hinihintay ni Mimossa Cascayno ang kaniyang debut sapagkat alam niyang ito ang magiging susi upang lumuwag ang trato sa kaniya ng mga magulang. Gustong gusto na niyang kumalas sa mahigpit na pagpapalaki sa kaniya kaya’t walang katumbas ang sayang namutawi nang sumapit ang ika-labingwalo niyang kaarawan.

Lalo pang namayani ang tuwa niya nang makasayaw niya sa araw na iyon si Jaguar Viendijo. Sa tinagal-tagal kasi ng pagnanais niya na makausap ang all-time crush, iyon pala ang magiging daan upang mas makilala nila ang isa’t isa. Marami ang nangyari noong araw na iyon hanggang sa matagpuan niya ang lalaking sumira sa magandang daloy ng espesyal niyang araw, si Karlito Laroque.

Inis na inis siya sa aksidente nilang pagkikita dahil sa kasupladuhang ipinakita nito. Animo’y naging abo ang labis na tuwa dahil hindi niya matanggap na sinungitan siya nang araw na iyon. Ang hindi niya alam, doon na pala magsisimula ang totoo nilang istorya. Dahil sa dinami-dami ng mga lalaki na maaaring makuha ng ama upang maging personal driver ng dalaga, si Karlito pa ang ibinigay ng tadhana.

**

Day Series #1: Daydreams of a Doctor

Day Series #2: Daybreak of a Damsel

This is the second book of the series. Please read Daydreams of a Doctor first for better reading and appreciation. Those are highly recommended.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
DAY SERIES #2 Traydor ang langit. Kung kailan ko kailangang masilayan ang magandang ngiti ng araw, saka ito luluha nang luluha. Hindi raw maganda ang panahon ngayon ayon sa weather forecast dahil sa nagbabantang low presure area. Ang sabi'y mamayang hapon daw magiging prominente ang presensya nito. Malakas na ulan. Maingay na hangin. Masamang alon sa dagat. Napamura ako. Bakit hindi marunong makisama ng panahon? Hindi naman sana imbitado ang LPA na ‘yon sa debut ko. Tumayo ako at humarap sa human-sized mirror. With my extravagant pink ball gown, my petite body and tiny face complimented. Bahagya ring kita ang cleavage ko dahil strapless ang gown na ito. Bahagya ring sabog ang plantsado kong buhok na sinadya ang pagkakulot ng dulo. My light make-up was enough to showcase my good complexion. One slight smile and I shimmered. Huminga ako nang malalim at yumuko upang pulutin ang laylayan. Tinulungan naman ako ng make-up artist dahil magsisimula na ang programa. I can’t help but feel excited as I started to walk down the aisle. Isang magarbong venue ang sumalubong sa akin at sabay-sabay na nagsitayuan ang mga tao. “Let’s all welcome our stunning debutant, Miss Mimossa Cascayno!” sigaw ng emcee. Sa gilid ko ay may nag-abot ng mic. Nagsimula akong kumanta at dahan-dahang naglakad patungo sa harap. Hindi ko naiwasang mapalinga-linga sa paligid habang tinatahak ang carpet. The venue is vintage-themed. Simple lang ang mga kulay na makikita tulad ng black, white, at pink. Black carpet naman ang nilalakaran ko at sa pinakaharap ay may malaking signage ng aking pangalan. Naroon ang mga pictures ko na karamihan sa mga setting ay kuha sa tabing dalampasigan ng Capgahan. Gosh. Grabe ang hirap ko noong kinuhanan ang mga ‘yan. Hindi naman kasi ako ganoon ka-photogenic. Kahit laki sa luho ay hindi ako sanay humarap sa camera. Ang saya ko sa mga oras na ito lalo’t narito ang lahat ng kaibigan ko. Mas lalo ko pa silang nakita nang makaupo na ako sa harapan. Nakita ko sina Carrie, Elean, at iba ko pang mga kaklase sa iisang round tabble. Kinilig pa ako nang mapansing kasama ni Ada sa iisang mesa si Trivo, Trino, at si Don Trio. Kamusta na kaya ang dalawang iyon? May namumuo na kayang pag-ibig sa pagitan nila? Hindi ko maiwasang humanga sa pasensyang inilaan ni Trivo upang hintayin si Ada sa loob ng dalawang taon. Look at him now, mukhang pinakilala na talaga kay Don Trio dahil sigurado na siyang si Ada lang talaga ang gusto niya. Kung sakali man, magwawala talaga ako kung hindi sila ang magkakatuluyan. Naningkit ang mga mata ko nang may mapansin sa kabilang mesa na hindi kalayuan sa pwesto nila Don Trio. Isang lalaki ang kasama roon ni Via at sobra siyang pamilyar sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, siya ‘yong nag-iisang doktor ng Agunaya. So totoo pa lang sinama siya ni Ada upang magbantay? Parang may kakaiba sa titig niya sa pwesto ng mga Trivino. Hmm… Mabilis na dumaloy ang programa. Tama nga sila, mabilis talaga ang oras kapag masaya ka. I even saw my mom and dad, crying. Naluha rin tuloy ako nang mamataan iyon. “Eighteen ka na, anak,” mahinang bulong ni Daddy. Siya ang first dance ko. Medyo pinag-awayan rin noon kung sino ba ang mas mauuna, si Lolo ba o si Dad. Pero sa huli, napagdesisyunan na eighteenth dance ko si Lolo dahil espesyal na sa kaniya ang natitira niyang mga araw. “Opo, D-dad…” sagot ko habang iginigiya ako sa mabagal na sayaw. Tipid akong ngumiti nang mapansin ang pagkurba ng kaniyang labi. “Pwede ka na mag-boyfriend.” Namilog ang mga mata ko. “Talaga Dad?” Natawa siya sa reaksyon ko ngunit sa kaloob-looban ko, medyo hindi ako ganoon ka-overwhelmed. Nitong mga nakaraan kasi ay lihim na akong na-engage sa pagbo-boyfriend. May ilang flings pero kung ibo-boyfriend, itinatago ko dahil mahigpit itong ipinagbabawal ni Dad. Hindi ko na rin siguro mabilang kung ilan dahil grade 12 na ako at nagsimula akong maglalandi noong grade nine. Masasabi ko talagang may thrill sa pagtatago ng relasyon. Ewan ko ba. Doon ko kasi naranasang kabahan, ma-excite, kiligin, mainis, at matuwa. May mga bagay talaga na hindi na masayang gawin kung lantaran. ‘Yong pakiramdam na para bang wala na ang excitement kung wala na ang takot na itago ang relasyon sa kahit na kanino. Kung ako lang ang nakararamdam nito, well, hindi ko masisisi. Tenth dance ko si Trivo. With his semi-formal attire, humanga ako sa kagwapuhang bumagay sa kaniyang kasuotan. His suspenders are a bit compliment to his muscular body. Naka tuck in ang long sleeves niya at nakahawi pagilid ang kaniyang buhok. I can’t imagine how he waited Ada for those two years. Noon kasing grade 10 pa lang kami, kitang kita na sa mga mata ni Trivo na sobra siyang in love kay Ada. Sa paraan pa lang kung paano niya ito tingnan at kausapin, oh God, pangangarapin iyon ng kahit na sinong babae. Bahagya lang talaga akong nakonsensya dahil naisama pa talaga siya sa list ng eighteen roses ko. Si Mommy kasi. Ilang ulit ko nang sinabi na manliligaw ito ng kaibigan ko pero ipinagpilitan pa rin. Dios ko. “Kumusta kayo ni Ada?” I asked while Trivo is swaying me slow to a music. Hawak ko sa isang kamay ang ilang bulaklak at ang isa ay sa kanan niyang kamay. Oh God, I really have to make this fast. Baka lumulubog na sa selos si Ada! He smirked. “Pinakilala ko na kila Daddy. I’m pretty sure I got my chance.” Ngumiti ako. Senyales na masaya ako para sa kanila. “Oh sige, tapusin na natin ito. Baka nagseselos na ‘yon si Ada, pakisabi ang sorry ko ha? Kakausapin ko na lang kayo mamaya para sa after party.” Tumango siya at marahan na akong binitawan. Sa pagbitaw niya ay siya namang pagtili ng aking mga kaibigan. Pilit kong tinutop ang aking bibig sa takot na makita ng mga tao ang aking ngiti, lalo na sa lalaking papalit kay Trivo. “Our debutant’s eleventh rose, Mr. Jaguar Viendijo,” ani emcee. With his masculine body image, my eyes admired for his very presence. The corners of his mouth quirked up and his pupils were dilated. His semi-formal attire has showcased the built of his s-exual appeal. Oh God! Paano ko nga uli napapayag na makasayaw siya sa debut ko? Jaguar is known as a smart student. Sa wangis ng kaniyang katawan at angking kagwapuhan, hindi maipagkakaila na marami talaga ang nagkakagusto sa kaniya. Imagine him being the student council president, running for highest honor at aktibo sa school activities. Naiiba man sa strand ko sa senior high, isa siya sa mga contenders ng valedictory speech. Aaminin kong crush ko siya, sa gwapo at talino ba namang ‘yan. Pero sa tingin ko’y wala itong balak mag-girlfriend. Masyado siyang subsob sa school-related works at wala yata sa plano ang pakikipagrelasyon. Tingin ko nga hindi pa siya nagkakagirlfriend. Posible kayang ako ang una? Asa. Inabot niya sa akin ang rosas. Lalong lumakas ang tilian nang hagilapin niya ang aking kamay at prente itong pinatong sa kaniyang balikat. Uminit bigla ang pisngi ko. Seryoso bang nangyayari ito? “Hi,” malalim at baritono niyang sabi. Humalo ang boses niya sa saliw ng mabagal na tugtugin at maingat akong isinayaw. Unti-unti nang humina ang hiyawan hanggang sa naging kalmado muli ang paligid. Gosh, paano ba makontrol ang nag-uumapaw kong tuwa ngayon? Mahahalata kaya niyang crush ko siya? “Woohoo! Kinikilig si Mossa!” nangibabaw ang malakas na bulyaw ni Carrie. Lintik talaga. Saglit akong lumingon sa maraming tao at agad na ibinalik kay Jaguar ang tingin. “Sorry sa mga kaibigan ko ha? Ganoon lang talaga ang mga ‘yon…” nahihiya kong sabi. Kikimi-kime at parang pusa na takot sa amo. Ano ba ‘yan Mossa. Huwag ka ngang magpahalata! “It’s fine. No problem.” Dahan-dahan akong tumango. Is this really happening? O baka nangangarap lang ako? Before, I have the guts to indulge in a wild daydream thinking that I dance with him in a swift song. Tapos eto, nangyayari na! Totoong totoo na! Hanggang titig lang kasi talaga ako. Tipong hindi siya malapitan dahil ganoon na kataas ang lebel niya. Mag-excel ba naman sa academics at extra curricular, sikat na sikat na siya sa school! Samantalang ako, heto, happy-go-lucky lang, Walang paki kung hindi nag-e-excel, ang mahalaga ay maka-graduate. Ang mahalaga sa akin ay nae-enjoy ko ang high school days ko. Kung mababa ang grades, ang mahalaga ay pasado. Ganoon din naman ‘yon. Wala mang awards sa recognition, at least naging masaya naman ako. “Salamat nga pala, buti nakadalo ka.” “Dapat lang na makadalo ako. Espesyal na araw mo ito eh.” Nagwala bigla ang mga paro-paro sa tiyan ko. Goodness! Sasabihin ko ba sa kaniyang allowed na ako makipag-boyfriend? Wala na nga akong nasabi pa sa mga sumunod na tagpo. Natapos na lang ang sayaw namin nang hindi ko namamalayan. Mabilis ring natapos ang huling sayaw ko kay Lolo. Everything was perfectly done. Wala na akong mahihiling pa dahil binuhos talaga nila Mommy ang effort nila upang maging magarbo ang selebrasyon. Sa pagbaba ay sinalubong agad ako nila Carrie. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa suot niyang Azazie Bonnie. Ganoon din kay Ada na simple sa damit na golden sundress. Isa-isa ko silang bineso. “Salamat naman at nakarating kayo.” “Jusko, kami pa ba? Eh eto ngang si Ada oh, mukhang namamanhikan na,” ani Carrie at tumawa. Ngumiwi naman si Ada at pinagsalikop ang mga daliri. “H-hindi ah, anong namamanhikan. Pinakilala lang ako ni Trivo sa kapatid niya at sa daddy niya…” paglilinaw niya. Patuya namang tumawa si Carrie. “Sus, maniwala. Basta balitaan mo na lang kami kung kailan ang kasal!” Nagkibit-balikat ako at hinawi nang bahagya ang buhok. “Anyway, may after party mamaya. Sama kayo ha?” “Oo naman!” pagpayag ni Carrie. Nakita ko naman ang pag-aalangan sa ekspresyon ni Ada. Magsasalita na sana ako nang biglang sumuplot si Trivo. “Uh. Excuse me. Ipagpapaalam ko lang si Ada kay Dok para makasama mamaya sa party,” aniya. “Ayown!” sigaw ni Carrie. Sa puntong ito ay kaming dalawa na lang ni Carrie ang naiwan dahil iginiya na ni Trivo si Ada patungo kay Dok. Hindi ko napigilang mag-isip ng kung ano. Nasabi na ito ni Ada noon sa chat pero may kakaiba pa rin. Bakit si Dok pa kung pwede naman ang kuya niya? Kung mababantayan naman namin siya rito dahil hindi ganon ka-stable ang kondisyon niya, bakit pa siya sumama? Siguro gusto ring gumala kaya nakadalo. Pero may kakaiba talaga. “Kamusta ang sayaw with Jaguar? Yiee.” “Shh,” mabilis kong pagbabawal kay Carrie. Pinandilatan ko siya ng mata. “Ikaw talaga. Sa dinami-dami ng sumigaw, nangibabaw talaga ang tili mo.” “Shempre. Pasalamat ka nga at tinulungan kitang imbitahan.” Umirap na lang ako. Minsan talaga may pagkakalog din itong si Carrie. Gustong gusto niyang inaasar pero pikon naman kapag siya na ang inaasar. Ano kaya ‘yon? Isang lingon ang iginawad ko sa pwesto ngayon nila Trivo, Ada, Dok, at Via. Agad na naningkit ang mga mata ko nang mapansing hawak ngayon ni Dok ang kamay ni Ada. Si Trivo naman ay bahagyang nakalayo sa kanila. “Look, ano kayang meron?” tanong ko kay Carrie. Tumalikod na rin siya at tumingin sa pwesto nila Trivo. Marami man ang mga tao ngayon pero kitang kita pa rin ang eksena nilang apat. Lalo akong nagtaka nang umalis na sila. Para bang nagpatianod si Ada sa hila ni Dok at tuloy-tuloy na lumabas sa venue ng debut ko. Napakunot-noo ko. Anong nangyari? Dala ng kuryosidad ay naglakad na kami patungo sa pwesto kung nasaan sila Trivo. Mula rito ay kitang kita sa ekspresyon ni Trivo ang magkahalong lungkot at gulat. Si Via naman ay para bang hindi apektado sa kung ano ang nangyari. “Uy Trivo, ano raw sabi?” tanong ni Carrie. Sakto namang nagpaalam sa akin si Via at may pupuntahan pa raw siya. “Kailangan na raw nila umuwi,” aniya sa malungkot na boses. Tumingin ako sa kalangitan sa labas, nang mapansin ang nangingitim na mga ulap, bigla akong nag-alala. Ayos lang kaya sila kung bibyahe sila sa Isla Agunaya nang umuulan? Pero paano kung malakas ang alon at tatangayin ang kanilang bangka? Jusko. Iniwan ko sila Trivo at Carrie at dali-daling tumakbo sa labas. Umihip ang malakas na hangin at bahagya na ring umaambon. Seryoso ba sila? Uuwi na talaga sila nang ganito ang lagay ng panahon? Itinaas ko ang laylayan ng aking ball gown. Sumilong ako sa ilalim ng shed na nasa tapat ng aming gate dahil lumalakas na talaga nang tuluyan ang ulan. Hala. Paano kung may mangyaring masama sa kanila? Hindi naman siguro sila tutulak nang ganito ang kondisyon ng panahon ‘di ba? Bakit ba kasi kailangan umalis agad kung pwede namang tumambay dito saglit at magpatila? Ayon sa balita kagabi, hindi raw ganoon kaganda ang epekto ng low pressure area lalo’t sapul ng habagat ang Palawan. Sana pala ay pinigilan ko na sila kanina. Hindi ako makaalis dito sa shed na nasa tapat ng kalsada dahil ang kaninang malakas na ulan ay lalo pang lumakas. Itinaas ko pang lalo ang gown ko dahil nagsimula nang umagos sa aking paanan ang tubig-ulan. Binitawan ko ang pagkakakapit ko sa isang laylayan at huminga nang malalim. Sisigaw na sana ako upang humingi ng tulong dahil mababasa na talaga ako. Ngunit sa pag-amba ko ng sigaw, may isang lalaki na bigla kung sumilong sa shed at mabilis na tumabi sa akin. Pinagmasdan ko ang kaniyang kabuuan. Basang basa siya sa ulan at nagsisitulo mula sa kaniyang buhok ang tubig. Basang basa ang puti niyang t-shirt at ang maong niya ay may bahid na ng putik. Nang humarap siya sa akin ay bahagyang umawang ang aking bibig. Bigla akong kinabahan. Kuya ito ni Ada ah? Pinasadahan niya ako ng tingin. Sa pagtama ng aming mga mata, ipinukol niya ang mariing titig sa akin. “Ikaw si Mossa, tama ba?” rinig ko ang dagundong sa kaniyang boses habang pinapasadahan ng daliri ang basang buhok. Sa puntong ito ay lalo pang bumugso ang kabang nadarama ko. Kumpara kasi sa ibang lalaki, siya iyong tipo na makikitaan kaagad ng mabagsik na awtoridad. Sa postura pa lang at tindig, nagmukha na akong daga habang siya ay tila leon. Dahan-dahan akong tumango. Babatiin kaya niya ako? “Nasaan si Ada at si Dok? Nasa loob pa ba?” Umiling ako. Tumaas ang kaniyang kilay at ang kaninang malamig na ekspresyon ay masusulyapan na ng pagkairita. Sa hindi inaasahan ay lalong bumugso sa damdamin ko ang kaba habang papalakas pa nang papalakas ang ulan. “Sigurado ka? Nasaan sila kung ganoon?” “H-hindi ko rin po alam eh, gusto ko rin po sanang pigilan dahil may LPA pero umalis na—” “At hinayaan mo?” Para akong tuod. Natutop ang bibig ko sa takot at para akong niyanig ng galit sa kaniyang boses. “P-i-pigilan k-ko na sana kaso—” “Pucha naman.” Hindi niya pinakinggan kung ano na ang sumunod kong sinabi. Dali-dali na siyang umalis at iniwan akong tulala sa aking kinatatayuan. Sa saliw ng nagbabagsakang mga ulan, pinanood ko siyang tumatakbo sa gilid ng kalsada. Pinakiramdaman ko ang sarili ko dahil sa masidhing takot. Ngayon ko lang napagtano na kahit tuhod ko ay parang papel na kung manghina! Nangangarag ako! Talaga bang ganoon kasungit ang lalaking ‘yon?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
697.2K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
283.4K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
274.1K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
196.7K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
24.8K
bc

The Sex Web

read
127.3K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
474.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook