bc

Suddenly, I'm Married with a Playboy -FILIPINO-

book_age16+
32.7K
FOLLOW
221.3K
READ
possessive
kidnap
family
forced
arranged marriage
playboy
comedy
sweet
bxg
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Nang dahil sa kagustuhang magkatuluyan ng magulang nila ay magigising na lang si Heaven Agustin na nakasuot ng wedding gown at mapipilitang magpakasal sa isang campus playboy s***h maniac na si Vayne Santino Del Mar, kung bakit ba mula anit hanggang talampakan ay hinahangaan siya ng maraming kababaihan. Walang ginawa si Vayne kundi sirain at bwisitin ang maghapon ni Heaven para lang maasar ito. Paano pa kaya kung magsasama sila sa iisang bubong?

©CrystalineG

chap-preview
Free preview
C1: Rooftop Maniac!
HEAVEN AGUSTIN TAHIMIK akong nakaupo sa lapag ng rooftop ng nurse building. Routine ko na ‘to tuwing vacant hours. Imbis na magpuntang mall or magliwaliw sa labas mas prefer ko pa ang pumunta rito at magdrawing ng anime. Napalabi ako at ngiting-ngiting pinagmasdan ang ginuguhit kong anime na si Sunako Nakahara. Pinagpatuloy ko ang pag-guhit at ilang minuto lamang ang lumipas ng matapos ko na ito. Pagkatapos ay nilabas ko ang aking cellphone para kumuha ng pictures bilang remembrance. Naka-ilang shots ako bago ko napagpasyahang umalis na para sa susunod na klase. Tumayo na ako at uminat. “Ang sarap talaga ng hangin dito,” nakangiting saad ko habang dinadama dama ang simoy ng hangin. Nakangiti akong nakatanaw sa buong field ng school mula sa baba. Ilang sandali nang ligpitin ko na ang mga gamit ko at sinakbit ang shoulder bag. Papalakad na ako palabas ng bigla akong makarinig ng isang tawang parang kinikiliti kasunod ng pag-ungol. Lumingon lingon ako sa paligid at pinakinggang mabuti kung saan nagmumula ang ungol na ‘yun. Palakas ng palakas ito hanggang sa napagtanto kung saan ito nanggagaling! Napatakip ako sa aking bibig at halos lumawa ang mata ko sa nasaksihan. Live p**n! Ang unang nag sink sa utak ko. “Hmm...V-vayne...” sabi ni Diana. Isang chick ng aming campus at isang top student. Oh! No. How come na ganan pala siya!? Ibang-iba siya sa kilalang mahinhing Diana ng lahat kumpara ngayon ang WILD ng dating niya. “Ohh! Uhh...V-vayne,” parang hinang hinang sambit ni Diana. Kinikilabutan ako. Hindi na sila nahiya lalo na itong si Vayne! Wala na siyang pinipiling lugar! Kahit saan na abutin ganon? Respeto naman SCHOOL ito hindi motel! Playboy nga naman!Hmp! Palibhasa eh—kung isumbong ko kaya sila? Napangisi ako sa sariling ideya. Bago pa man nila ako mapansin ay humakbang na ako paalis pero huli na dahil hindi pa ako nakakatalikod ng mapadako ang mata ni Vayne sa direksyon ko. Gusto ko sana tumakbo kaso parang na magnet ang mga paa ko. Ang nakakatawa pa hindi manlang si Vayne natinag or nagulat manlang ng makita ako sa halip ay nginisian niya ako habang patuloy sa pakikipaghalikan kay Diana. Nang-iingit! Palibhasa’y si Diana medyo naka side view mula sa pwesto ko at si Vayne ang nakaharap. Hanep proud! Inisimiran ko siya at umalis na dun. Wala akong balak manatili at tapusin ang Live p**n nila! “Saan ka galing?” bungad na tanong ng bestfriend kong si Quin. “Dyan lang sa rooftop nagpahangin?” Nakangiting sagot ko. Naupo siya sa tabi ko at tinitigan ako sa mukha. “Problema mo?” Hindi ko napigilang hindi magtanong kasi para siyang ewan. “Sino kasama mo sa rooftop!?” mataray na tanong niya habang nakataas ang isang kilay. “Ako lang bakit?” Sagot ko saka ko naalala ‘yung nakita ko kanina. Eww! “Owwss talaga?” Parang hindi naniniwalang tanong niya sa sagot ko. “Ako nga lang promise!?” Tinaas ko pa ang kanang kamay ko sign of promise. “Eh, kasi nakita ko din si Papa Vayne. Uhm, naisip ko lang na..” pambibitin niya pero pinutol ko na— “Grabe ka! Quin pati ba naman sa playboy na ‘yun! Tutuksuhin mo ako!” “Hahahaha!” tumawa siya ng malakas at pinagtinginan tuloy kami ng aming mga kaklase. Baliw kasi itong si Quin. “Ikaw ang grabe dyan sis, wala naman akong masamang iniisip,” natatawang saad niya. “Che!” sagot ko lang. Hindi na kami nagpansinan dahil biglang dumating na ang prof namin at nagsimula na ang mahabang discussion. LABASAN naunang umuwi sakin si Quin, usually kasi sabay kaming umuwi pero kailangan na niya talaga dahil may dinner sila ng family niya kaya ayun. Dumiretso muna akong locker area para kunin ang mga books ko sa mga subject na kailangan aralin. “Nasan na pala ‘yung isa kong libro?” tanong ko sa sarili habang kinakalkal ang loob ng locker. Ako nalang tao dito sa locker area almost seven pm na din kaya kakaunti na ang mga students. Sandali akong nag-isip kung saan ko pwedeng naiwan ang libro ko, marami pa naman akong aaralin dun at may-exam kami bukas. Nag-isip ako saglit hanggang sa marealize ko kung saan ko pwedeng naiwan. Sa rooftop! Binilisan ko na ang paglalakad papunta doon. Alam kong iilan lang ang lights na bukas dun. Sana lang walang magpakita saking multo or what medyo matatakutin pa naman ako. Huminga ako ng malalim. Nasa tapat na ako ng pintuan papasok ng rooftop. “Grabe, ang dilim dito.” mahinang bulong ko sa sarili ng makapasok. Binuksan ko ang flashlight ng aking phone para magka-ilaw. Pumunta agad ako sa inupuan ko kanina dahil ayokong magtagal dito nakakatakot kaya! Hindi naman ako nabigo nakita ko kaagad ang aking libro. Yumuko ako para pulutin ang libro. “Boo!” Halos mapatalon ako sa gulat! Walangya! At saka ko narealize na may nakahawak na kamay sa pwetan ko at pinsil pisil pa ng— “WALANGYA KA!!!MANYAK KA!!!” Pinaghahampas ko ng libro sa dibdib si Vayne! Ang kapal kapal ng mukhang ng lalaking ito!! At saka bakit siya nandito!? Nainis ako lalo ng pagtawanan niya ako! Gusto kong maiyak! “Hahaha! Huwag mo sabihing ngayon kalang nahawakan sa—sabay nguso niya sa ano ko. “Baby ang lambot,” aniya habang tumatawa. Hindi ko napigilang sapakin siya mukha. “Aray! Ang sakit!!” Nakahawak sa pisinging sabi niya at masama akong tinignan. “Anong karapatan mong hawakan ako sa pwet ha!?” Naiiyak ko ng tanong. “Bakit baby? hindi mo ba nagustuhan?” Pang-aasar pa niya. URGH! I HATE THIS GUY!! His really getting into my nerves! Sa sobrang inis ko ay nasapak ko na naman siya sa pangalwang beses. “MANYAKKK!!!” Sigaw ko sa mismong mukha niya! Saka ako nag walk-out baka kung ano pa gawin sakin ng playboy na ‘yun! Pati ako!? Mamanyakin niya!? Nakakainis. Umuwi ako sa bahay na salubong na salubong ang kilay sa yamot. Manyak ka Vayne Santino Del mar wala kang karapatang hawakan ako!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
479.3K
bc

Payment of Debt

read
87.5K
bc

Married By Mistake

read
170.7K
bc

The ex-girlfriend

read
138.6K
bc

That Professor is my Husband

read
504.7K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.1K
bc

His Property

read
945.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook