Share:

The 13th Floor

JC Pamplona Horror

13 reads

Ikaw...

Naranasan mo na bang sumakay ng elevator?

At sa bawat palapag na tinutungo ng elevator ay may kababalaghang nagaganap...

Sa ikalabing-tatlong palapag ng gusali nakatago ang isang nakakapanindig balahibong pangyayari...

Paano kaya kung sa ‘di sinasadyang pagkakataon ay mapunta ka sa palapag na yun at sa pagbukas ng elevator na sinasakyan mo ay isang kwarto na madilim at patay sinding mga ilaw? At sa unti-unti mong paghakbang papasok ng kwarto hindi mo namamalayan na may nakatingin sa'yo at ang tanging mararamdaman mo lang ay ang kakaibang hangin na dumadampi na sa pakiramdam mo'y may kung anong nilalang sa loob ng ikalabing-tatlong palapag...

Takot ang mangingibabaw.

Mga bintanang hindi mo maaninag sa kadiliman.

Pasilyong patay sindi ang ilaw.

At sa pagpasok mo ay may hahawak sa kamay mo mula sa likuran at sasabihin nang pabulong....

"SAAN KA PUPUNTAAA...?"

Batang duguan at namumuti ang mga mata ang humawak mula sa likuran mo...

Kakayanin mo kayang tumakbo o sumigaw...

Kung ikaw ang unang biktimang papasok sa...
"THE 13th FLOOR"

Unfold

Tags: ParanormalDarkGhostNo-couple
Latest Updated
Epilogue

Makalipas ang ilang taon ay napagdesisyunan na ni Samantha at Alex na magpakasal, Lubos ang kaligayahan ng dalawa dahil natuldukan na ang kanilang hindi magagandang karanasan sa gusaling ‘yon. Ninais ng dalawa na magkaroon na ng panibagong buhay kaya nag-ipon sila at bumili ng sariling bahay, nagpundar ng sariling negosyo ay bumuo ng sariling pa……

Comment