bc

My Mysterious Husband

book_age16+
195
FOLLOW
1.5K
READ
billionaire
possessive
forced
arranged marriage
manipulative
goodgirl
brave
bxg
brilliant
friendship
like
intro-logo
Blurb

Jade Mellissa Clynes, When her parents died, she learned to stand on her own two feet. But the world seems to be playing tricks on her because she will be late for the calendar but she has not seen anyone to be with until old age.

But she was wrong because when she returned to her house from the Hospital.

She found out that their Family Attorney had arrived in their house and found out that she has a last will from her grandmother, which she never thought.

And she found out that she needed to get married or she would leave to the house of her grandmother, where she was currently living.

What she will do especially when she finds out that the man she will marry is the reason why Ivory ruined her in the accident.

chap-preview
Free preview
Chapter One
… Isang magandang babae ang makikita mong nagrereflect sa harapan ng isang malaking salamin, sa loob ng kaniyang kuwarto. Suot-suot ang isang mahabang gown, bughaw ang kulay niyon at may maliliit na animo ay cristal dahil sa kinang niyon lalo na kapag natatamaan ng liwanag. Bagay na bagay sa gabing ito. Nagniningning ito sa gabi lalo na at siya ang nagsuot. Hindi sa pagmamalaki pero lahat ng kababaihan ay pangarap na magkaroon ng magandang mukha na gaya ng sa kaniya, ganoon din sa kaniyang pangangatawan na napakaperpekto. Nabali ang pagmumuni-muni ng munting isip niya ng may mapangahas na bumasak niyon mula sa likuran niya. "Are you ready?" Napalingon siya sa likuran niya at nakita niyang si Henry pala ang may pakana niyon, ang kaniyang kaibigang lalaki. Agad din siyang bumalik sa salamin at sinulyap ito mula roon. "Oo." Tanging sagot niya habang nakasimangot pa. Bagay rito ang suot nitong Amerikana. Nakikita niya iyon mula sa salamin. Kung saan siya nakaharap. Maganda nga ang suot niya pero hindi niyon mababago ang inis niya para sa kaniyang kaibigan. Mabigat siyang bumuntong hininga at nilingon ito. "Ito na talaga ang huli Henry." Aniya at masama itong tiningnan. Tumawa lang ito kaya lalo pa siyang nagpumiyos sa galit. Sana lang tumupad ito sa usapang last na itong pagsama niya. "Yeah, promise last na ito." Untag nito ng makita na mas sumama pa ang tingin niya. Napailing na lang siya, iniisip niya tuloy, kung kailan kaya magbabago ang kaibigan niyang ito? 'Aasa pa ako mukha namang hindi.' Aniya naman sa isip niya. "Tara na baka maaga tayong makauwi sakaling maaga din tayong magpunta roon." Aniya sa masungit na tono. Tinawanan siya nito ngunit sumunod din sa nais niyang mangyari. Inalalayan naman siya nito hanggang sa makasakay siya sa kotse nito. Mabuti dahil baka kanina pa siya napasubsob sa daan dahil sa taas ng suot niyang sapin sa paa. Naimbitahan ang kaibigan niyang si Henry para sa isang Birthday party, ayon dito ay talagang mayaman ang taong may birthday at namamangha siya dahil naimbita ito ng isang successful business man. Hindi na rin siya magugulat sapagkat malayo na rin ang narating nito kesa sa kaniya na matagal ng may-ari lang ng isang Bakery Shop. Hindi lumalaki gaano ngunit hindi nalulugi. Ngunit hindi siya natutuwa sa pagsama nito sa kaniya roon. Dahil higit sa lahat ayaw na ayaw niya pumupunta sa mga event na talaga nga namang hilig ng mayayaman, lumaki siya sa isang mayaman na pamilya pero kailan man ay hindi niya kinahiligan ang mga party o kung ano mang event. Pero parang hindi niya ito matiis kaya napapayag siya nito kahit tutol talaga siya, pero ayon naman rito ay last na ito na sana naman ay mangyari. … "Kailan ka kaya makakakuha ng babaeng isasama mo sa ganito." Aniya sa kaligitnaan ng byahe. Lagi na lang kasi siya nitong isinasama at nabuburyo sa tuwing sinasama siya nito sa mga dinadaluhan nitong event. Para tuloy siyang palumuti sa pader, isang bulaklak na unti-unting nalalanta sa isang tabi na tuwing hindi nasisinagan ng araw. "Malabo na." Anito na nagpakunot sa noo niya. Seryoso ba 'to? "Tss bakit naman?" Aniya sa nagsusungit na tono. Hindi niya alam pero parang may meaning ang sinabi nito o talagang nag-i-imagine lang siya.  "Wala akong mahanap, saka may usapan naman tayong kapag dumating ka sa trenta ay wala ka pang nahahanap na mapapangasawa ay magpapakasal tayo." Sambit nito sabay kindat sa kaniya. Napasimangot siya sa sinabi nito. "Edi kawawa ako sa'yo pagnangyari 'yon." Untag pa niya. Pano magiging kawawa siya panigurado kapag dumating ang panahong wala siyang mahanap na mapapangasawa. Wala siyang magagawa kapag pasamahin siya nito sa tuwing may ganitong event dahil siya ang asawa. "Mayroon bang magiging kawawa sa kagwapuhan ko huh?" Confident na anito sa kaniya at lumingon sa likuran. Napalingon din siya sa ginawa nito, kaya pala dahil pumaparada na ito sa pagdadausan ng Birthday. Hindi niya napansin. "Oo! Lalo na kapag lagi mong sinasama sa ganito!" Aniya naman habang nakasimangot pa. "Tsk ikaw lang naman ang ayaw sa ganito, kung ibang babae nga mangingisay kapag inaya ko." Patol nito dahilan para mas mainis pa siya. "Edi sana sila na lang ang inaya mo." Sambit niya, edi sana natuwa-tuwa pa siya. "Tss baka magselos ka lang."  "Che!" Namumula sa inis na sambit niya.  Naputol lang ang kanilang pagtatalo noong maraming nagflash na camera. Halos mapaatras siya dahil sa silaw na ginagawa niyon, mabuti na lang mabilisang napaalalay sa kaniya ang kaibigan mula sa gilid. "Sinusumpa talaga kita." Aniya habang ngumingiti sa camera. Kahit hindi maganda ang mood niya ay kumukinang naman siya. Akala niya pagkabore lang ang matatanggap niya nitong gabi. Pati pala pagod! Hindi siya pinansin ng kaibigan at patuloy na inaalalayan siya hanggang sa makaalis sila sa mga camera, at akala niya makakaupo na siya pero hindi pa pala. "Wait lang, babatiin pa natin ang may Birthday."  "Ha? Kaya mo nang mag-isa 'yan." Aniya at binalak pang umupong muli ngunit agad na hinawakan ni Henry ang braso niya. "Tss tara na. Gusto mo nang makauwi diba kaya tara na." Untag pa nito at hinila siya patungo sa isang nagkukumpol na mga tao. Kung nasaan ang may kaarawan ngayong araw. … "Happy Birthday Mr Valento." Isang babae ang nagsambit niyon. Napalingon rin siya roon habang ang kaibigan naman niyang si Henry ay may kausap nang isang kaibigan. 'Valento.. I think I've heard that somewhere." Sabi niya sa isip niya. Tiningnan niya ang binati nito. At ganoon din, medyo pamilyar nga siya rito. Napailing na lang siya. Hindi dapat siya nag-iisip ng kung ano-ano, sasakit nanaman ang ulo niya kapag lalo lang niyang inisip 'yon. Iniwas niya ang tingin rito at bumaling sa kaibigan na nakabalik na pala sa tabi niya. "Sorry may kinausap lang ako na isang kakilala, tara." Nakangiting untag nito at nagtungo kung nasaan ang may birthday. Rito, nakikita na niya ng maayos ang lalaking may birthday. Ang taong napapamilyaran ng isip niya. Para kasing pamilyar ito sa kaniya, hindi niya lang alam kung saan niya ito nakita. "Good Evening Mr Valento." Nakangiti pang sabi ni Henry ng makarating sa may birthday celebrant. May katabi itong babae, nakapulupot ang mga kamay ng babae sa braso ng lalaki. Hindi nagsalita ang lalaki ganoon din ang kapareha nito at nakatingin lang sa kanila.  "Happy birthday. I already sent my gift to you Mr Valento, I hope you like it." Nakangiti pa ring sambit ni Henry sa kabila ng pagkapahiya sa harap nito. Nakita niya ang pagbaling sa kaniya ng babaeng katabi ng lalaki. Nakataas ang kilay nito. Parang kinikilatis ang pagkatao niya, kung makatingin kasi ito ay mula ulo hanggang paa. "How about you?" Gulat siya noong bumaling sa kaniya ang lalaki na para bang kailangan ah may regalo rin siyang dala. Napakapit siya sa braso ng kapareha. Para tuloy silang nakaharap sa isang salamin dahil kung ano ang ginagawa ng kaharap ay iyon na rin ang nagawa niya. "Uhh..I have no gift." Aniya at hindi makatingin sa malamig nitong mga mata. Magsasalita sana si Henry ngunit naputol 'yon ni Mr Valento. "I'm just kidding." Untag nito ngunit walang ngiti. Sigurado ba itong nagbibiro lang ito? Wala itong kangiti-ngiti man lang. "She's my partner Mr Valento. She's Jade Jacksonville." Nakangiting pa rin noong sinabi iyon ni henry kahit na hindi naman nito tinanong kung sino siya. "I know." Sambit pa nito at tumingin muli sa kaniya na para bang dapat ay kilala niya rin ito. Tiningnan niya lang ito na parang isang inosente na walang alam. "Huh? Do you know each other?" Naguguluhang sabi ni Henry na pati siya ay naguguluhan rin. "Hindi ko siya kilala." Sabi niya, kahit na pamilyar ito sa kaniya saka hindi niya naman rin ito naalala. Kaya ano pa ang sense kung sasabihin niyang kilala niya ito. At makulit ang kaibigan niyang nasa tabi niya. Magtatanong at magtatanong ito. "Ohh…" Sabi ng lalaki na parang natutuwa pa sa sinabi niya imbis na mukhang mainis. Napahinga siya ng malalim at bumaling sa kaniyang kaibigan. "Let's go, gusto ko nang magpahinga." Bulong niya na sinugaradong hindi maririnig ng birthday celebrant. Totoo ang sinabi niya, walang halong pagdadahilan para lang maiwasan ang kaharap nila. Wait what? Bakit naman siya iiwas?! "Yeah." Bulong rin ng kaibigan niya. "We need to leave Mr Valento. My partner need to rest. " Pormal na sabi ng kaibigan niyang si Henry. "Sure." Sabi pa ng lalaki at mainit na tumingin sa kaniya, naiilang naman niyang iniwas ang paningin. Sa tingin nito ay para bang ayaw pa nitong umalis siya pero alam niyang guni-guni niya lang 'yon.  … "Wait, Powder room lang." Sambit niya kay Henry ng maramdaman niyang kailangan niyang magtungo sa pribadong lugar na kung saan ay sila-sila lang mga babae ang puwedeng makapasok. "Gusto mo bang samahan kita?" Suggest pa ni Henry at hinawakan ang siko niya. Nag-aalangang baka saan siya magpunta. "Hindi na, diyan kana lang, sandali lang naman ako." Ngiti niya at humiwalay sa pagkakahawak nito sa napakaputing siko niya. "Kung 'yan ang gusto mo, mag-iingat ka." Sabi nito at pinabayaan na siya. Tumango siya at binagtas na ang hallway. Nagtanong siya sa nadadraan niya kung nasaan ang bathroom sa isang staff na naroon dahil hindi naman niya alam ang pasikot sikot sa kabuuan ng venue. Lalo na at napakalaki ng lugar na pinagdarausan. "Thank you." Sabi niya sa staff ng matunton nila ang palikuran at pumasok na sa loob ng bathroom ng makita nila iyon. Pumasok siya sa isang cubicle ng makapasok at agad na inangat ang laylayan ng kaniyang dress matapos niyon ay ginawa na niya ang nararapat na gawin. Nang matapos ay agad siyang nagflash at lumabas na ng cubicle. Nagtungo siya sa sink at agad na binasa ng tubig na mula sa gripo ng palikuran ang kamay niya. "Jade right?" Napatingin siya sa gilid niya ng magpunta ang isang babae at ginamit ang isang sink na naroon. "Pano mo nalaman?" Takang tanong niya. Hindi naman siya popular kaya nakakapagtaka rin. "Of course I know you. You are the owner of Jacksonville Bakery right?" Salita nito at hindi niya alam kung ano ang irereact. Sa pagkakaalam niya, hindi naman masyadong popular ang Shop niya. "Yeah… but hindi ko alam na may nakakaalam pala niyon dito." Untag niya at inilagay ang kamay sa air driyer, matapos sabunan at hugasan sa sink ang dalawang kamay. "Because I know." Pamisteryo pang sambit nito. Napabuntong hininga siya. "Thanks for going there then. " Nakangiti pang sambit niya sa hindi kilalang babae. "No, I did not go there." Nakakunot noong sabi nito at kumuha sa bag nito ng kolorete at pinahid iyon sa mukha. "Then what?" Naguguluhang tanong niya, ano ba ang sinasabi nito at hindi niya makuha. "I just know, but just a little advice sis, stay away from my property." Sabi nito na may diin na lalong nagpagulo sa isip niya.  "Property? A-anong property?" Dahil wala naman din siyang natatandaan na tinapakan na ibang property. Ano ba talaga ang tinutukoy nito? Iniligpit nito ang sariling gamit at hinarap siya. Face to face. "Zake Andrew Valento my dear and he's only mine." Mahinang sambit nito, nanigas ang katawan niya. Ngayon lang siya nalinawan. Kung kanina ay hindi ito kumibo sa tabi ni Mr Valento ngayon, para itong isang tigre na handang mangagat para lang sa pag-aari nito. "P-pero hindi ko naman siya inaagaw sa'yo." Aniya matapos makarecover.  "Psh! Liar, I know women like you." Sabi nito at matalim siyang tiningnan. Napatulala siya at hindi alam kung ano ang sasabihin. a "Wahhhh!" "Ahhhhhhhhhh!" "May sunog!"  Nawala siya sa pagkakatulala ng maraming sigaw siyang narinig. Nanlaki ang mga mata niya at tumingin sa kaniyang kausap ngunit wala na ito roon! Malamang nauna na ito kesa sa kaniya. Nanginginig niyang hinubad ang kaniyang sapatos at lumabas ng banyong iyon, agad siyang napaubo at sumulyap sa isang salamin. Meron doong ilang panyo. Kinuha niya ang sapatos at inuubong pinalo 'yon dahilan para mabasag ang harapan niyon. Binato niya ang sapatos at kinuha mula roon ang tela at bumalik sa banyo. Binasa niya iyon at agad na inilagay sa kaniyang ilong at binalak nang lumabas mula sa hotel na nasabi. …

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Grey Wolves Series Books 1-6

read
355.6K
bc

Energy of the Omega

read
239.9K
bc

The Gold Queen (Prequel)

read
1.1M
bc

Loved by Twin Daddies

read
1.4M
bc

I Hate You... But I Lied

read
40.2K
bc

More than Anything (English)

read
60.7K
bc

Behind Classroom Doors

read
974.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook