bc

BAKANTENG NITSO (Tagalog)

book_age0+
1.8K
FOLLOW
7.0K
READ
murder
revenge
dark
sex
family
fated
manipulative
drama
tragedy
twisted
like
intro-logo
Blurb

Si Domeng ay isang sepulturero. Siya na rin ang ginawang tagapagbantay sa sementeryong malapit sa kinatitirikan ng maliit niyang bahay.

Dahil sa mga patay kaya nagagawa niyang buhayin ang kanyang pamilya.

Maliit man ang kanyang kinikita ay hindi naman sila sumasala sa oras. Kahit paano ay nagagawa pa niyang makapagtabi para sa pangangailangan ng nag-iisang anak.

Subalit, ang gusto ng kanyang asawa ay maginhawang buhay. Mahal niya ito kaya naman kung ano ang nais ay gusto niyang maibigay. Ngunit... paano?

Ano ang kanyang gagawin upang mapagbigyan ito sa hinihiling?

Matulungan kaya siya ni Alister- ang lalaking may dilaw na mata?

Ano ang hiwaga sa loob ng Bakanteng Nitso?

Matakasan kaya niya ang malagim na magaganap?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 - Palabas
"DALIIII!" Malakas na tili ni Eva habang pinanood ang pelikulang Shake, Rattle and Roll sa surplus nilang telebisyon. Pinaglumaan 'yon ng kanilang kapitbahay na hinulug-hulugan lang upang mabayaran. Nakapatong pa ang dalawa nitong paa sa inuupuang sofa na nilagyan lang ng unan at lumang kumot upang matakpan ang mga spring na nakausli na. Katabi nito ang nag-iisang anak na si Tintin. Nadadala na sa eksenang napapanood ang bata dahil sa reaksyon ng inang panay ang sigaw. Umiigtad ang ginang mula sa pagkakaupo sa t'wing matatakot at magugulat. Kaya naman nagagaya na rin ang anak. Nakatakip ang isa nitong mata habang titig na titig naman sa screen ng TV. ang kabila. "Takboooo! Napakatanga mo, bilisan mo! Mapapatay ka na, palingon-lingon ka pa. Nasa likuran mo na, tanga! Ayan na, tumakabo ka na!" Inis na inis nitong sigaw sa bidang babae. Tangay na tangay ito sa tinatakbo ng pelikula Nang tumakbo na nga ang bida sa pinananonood ay umayos itong muli sa pagkakaupo. Subalit muling naging alumpihit nang makitang ang bidang lalake naman ang hinabol ng aswang. "Tumakbo ka na. Ano pa ang hinihintay mo? Huwag mo nang puntahan ang syota mo, maaabutan ka lang ng aswang. Iwanan mo na s'ya. Tumakas ka na lang. Inutil naman 'yang babaeng 'yan. Pampabagal lang sa pagtakas mo 'yan. Makakain na s'ya ng aswang kaya huwag mo na iligtas. Tumakas ka na lang mag-isa!" Nanggigigil nitong sigaw. Ngunit iba ang ginawa ng bidang lalake. Binalikan pa rin nito ang bidang babae. Nakipaglaban sa aswang at nang makahulagpos ay isinama ito sa pagtakas. "Tanga. Ang tanga-tanga mo. Dapat hindi ka na lang binalikan!" Paninisi nito sa bidang babae na nadapa naman at hindi na makatayo.. "Dapat iniiwanan na lang at hinahayaang lamunin ng aswang ang mga ganyan kaarteng babae. Napakaarte, napakalampa! Nakuuuu..." Nang makatayo ang bidang babae at makatakbong kasama ng bidang lalake ay natahimik na si Eva. Tutok na tutok na ang mga mata nito at pigil ang hiningang pinananood ang pagtakas ng mga bida sa humahabol na mga aswang. Si Domeng na kanina'y pasilip-silip lang dahil may pinipritong isda para sa kanilang pananghalian ay nakamaang na rin at inaabangan ang susunod na mangyayari. Nang malapit na maabutan ng aswang ang mga bida ay biglang umitim ang screen ng telebisyon at ang nakakatakot na tunog na lang sa pinanonood ang naririnig. "Punyeta!" Inis na inis na sigaw ni Eva kasunod nang padabog na pagtayo. Nagmamadali itong lumapit sa harapan ng TV at saka malakas iyong pinukpok! Lumabas uli ang mga tao sa screen kaya napangisi ang ginang. "Punyeta ka, gusto mo pa pinupukpok bago ka tumino. Kung kelan nasa kasarapan ang palabas saka ka nag-iinarte. Nakakagigil ka, ha. Akala mo di kita papatulan? HA!" Patalikod itong naglakad pabalik sa sofa habang ang mga mata ay 'di inaalis sa screen.. Naroon pa rin ang eksena sa tumatakbo ang mga bida. Muli itong babalik sa pagkakaupo ngunit hindi pa lumalapat ang puwit sa upuan ay dumilim na naman ang screen ng TV At maging ang tunog ay nawala na rin. "Anak ng..." nakasimangot nitong sabi kasunod nang pagpadyak ng paa. "Punyeta! Bwisit, bwisit talaga!" anito at saka pasugod na lumapit sa walang sinding telebisyon. Galit na galit nitong pinag-aalog ang pobreng gamit kaya pati ang mga nakapatong sa tabi nito at sa ibabaw ay nagbagsakan sa sahig. "Kung 'di hinugot ng Meralco ang kawad natin ay sira naman itong bwiset na TV na 'to. Wala talagang kakwenta-kwenta itong buhay ko. Puro na lang kunsumisyon. Ang lakas makatanda at makapangit. Nakakasawa na! Minsan ka na lang makagusto ng palabas ay ganito pa. Kuuuu, bwisit! Nakakairitaaa!" Napagdiskitahan nito ang unan na inuupuan. Marahas iyong hinablot at walang sabi-sabing ipinagpapalo sa sandalan. Napunit ang luma't marupok na punda kung kaya kumalat din sa sahig ang mga retaso ng tela. Hindi pa rin ito nakuntento sa ginagawang pagwawala. Ang gigil ay hindi pa humuhupa kung kaya pinagsisipa naman ang kaawa-awang sofa. Bumagsak iyon pahiga. Plakda! Natitigilan at namumutlang nakamasid ang anak sa kanyang inang tila naghuhuramentado. Ang pag-iyak ay hindi pinawawalan sa pamamagitan ng pagkagat sa labi. Nandidilat lang ang mga mata nang itago at isiksik ang sarili sa sulok na kamuntik nang mahagip ng bumagsak na upuan. Sinenyasan ni Domeng ang anak. Sa nakita ay naglakas loob ang paslit na dumaan sa inang ang patungan naman ng ilang lumang laruan ang ipinaghahagis malapit sa pintuan. Takot na takot itong sumiksik sa likod ng hita ng ama. Hindi malaman ng lalaki kung aawatin ba ang asawa sa pagwawalang ginagawa. Hindi niya alam kung paano iyon gagawin at sisimulan. Kung kaya hinayaan na lang na mapalipas ng ginang ang nararamdamang inis. Sandali pa ay kumalma na ng bahagya si Eva. Tumayo na lang ito sa tapat ng pintuan at hihinga-hingang sumagap ng hangin. Gamit ang hinablot na t-shirt na nakasabit sa gilid ay nagpunas ito ng noong tina-tagaktakan ng pawis. Pagkatapos ay padabog iyong ibinalibag at saka namaywang habang panay ang sagap-buga sa nalalanghap. "Hayaan mo at dadalhin ko 'yan bukas sa shop ni Ka Miroy para magawa," mahinahon niyang sabi. Nilingon siya ng asawa. Nakaarko pa ang kilay nito at nakakainsultong ngumisi. "Bukas? Bukas ba palabas pa rin 'yang pinanonod ko, ha?" Sarkastiko nitong tanong at pagkatapos ay pairap na ibinalik ang paningin sa labas. Hindi na lamang siya sumagot upang hindi na humaba pa ang usapan. Alam n'yang kahit ano pa ang katwiran at paliwanag ang kanyang gawin ay may masasabi pa rin itong reklamo at ipambabara sa kanya. Ipinaling na lamang niya ang paningin sa anak at saka bahagyang ngumiti. "Lintik! Ang baho!" Reklamo na naman nito sabay lingon sa pinanggagalingan ng amoy. "Nakupo!" Mulagat niyang sambit nang matukoy kung ano ang nangangamoy. Nawala na sa isip n'yang nakasalang nga pala ang nilulutong isda sa kalang de uling. Nataranta na siya. Kinarga n'ya si Tintin dahil ayaw nitong bumitiw sa kanyang hita, at saka nagmamadaling lumapit sa kakalanan. Mabilis niyang iniahon ang sunog na isda mula sa kawali. "Punyeta!" Sigaw uli ng asawa niya. Nilingon niya ito. "Ibaba mo nga 'yang batang 'yan. Mukha kang uranggutan na ma kargang unggoy. Kaya lumalaking lampa 'yan dahil masyado mong binebeybi. Hayaan mo s'yang gumalaw mag-isa, hindi ganyang konting kibot ay nakasiksik nang nakasiksik sa'yo. Kapag napaso pa 'yan dagdag problema na naman. Aber, saan ka kukuha ng pampagamot? Ano ilalagay mo sa napasong balat ng batang 'yan, eh ni toothpaste ay hirap na hirap ka ngang makabili kahit sachet lang! Nanlilisik ang mga mata nito sa galit. Lalo namang natakot si Tintin sa itsura nito. Bahagyang kumikinig ang katawan kung kaya lalong humigpit ang pagkakayakap sa kanya at lalong isiniksik ang mukha sa kanyang leeg. Otomatikong umangat ang isa pa niyang kamay at marahang hinaplos ang ulo nito't likod. Lalong hindi nagustuhan ng asawa niya ang kanyang ginawa. ."Bwiset talaga kayong mag-ama e, no? Ang lakas n'yong mang-asar. Nakakapanggigil! Sige, isaksak mo sa baga mo ang batang 'yan. Magsama kayong dalawa, tutal, pareho kayong bwiset!" Padabog nitong kinuha ang nakasabit na payong na inutang sa bumbay kanina. "Makaalis na nga at baka mapag-untog ko lang ang mga ulo n'yo," dugtong nito at saka nagmartsa palabas sa maliit nilang bahay. Napabuntong-hininga na lamang siya habang sinusundan ito ng tingin. Hindi niya alam kung saan na naman ito maglalagi at magpapalipas ng oras. Isa lang ang natitiyak niya, gagabihin na naman ito sa pag-uwi. Nang tuluyan nang makalayo ang asawa, binalingan niya ang anak. "Tintin, baba ka na, ha? Magliligpit muna si tatay. Huwag ka nang matakot, umalis na si nanay. Pasensya ka na kung masungit na naman s'ya. Gan'on lang naman talaga ang nanay, di ba. Mamaya pag-uwi n'ya hindi na mainit ang ulo n'ya. Kasalanan ko kasi kung bakit s'ya nagalit. Alam ko na kasing may diprensya ang TV natin pero hindi ko pa rin ipinapagawa. Hayan tuloy, kung kailan maganda ang palabas, saka naman natuluyang masira. Baba ka na, ha? Huwag ka nang umiyak, tahan na." Huminto naman si Tintin sa paghikbi at pumayag nang magpababa. Iniupo niya ito sa isang bangko at inabutan ng laruang pinulot sa sahig. Kinuha naman 'yon ng anak at sinimulang laruin. Nang masiguro niyang payapa na ito, simulan na n'ya ang paglilinis. Ibinalik niya sa pwesto ang ang sofa at muling inayos ang sapin. Pinulot niya ang mga laruan nito at inilagay uli sa patungan. Mabuti na lang at naipako n'ya iyon sa dinding kung kaya hindi bumagsak nang hablutin ng asawa kanina. Sinamsam n'ya ang mga retaso at inilagay sa isang plastik bag. Mamaya ay ililipat n'ya ang mga iyon sa isang mas lumang t-shirt at saka tatahiin upang magsilbing punda. Pagkatapos masinop ang lahat ng kalat sa sahig ay kinuha n'ya ang pudpod na walis tambo ngunit nagagamit pa naman at saka winalisan ang kakapirasong sala. Nagtuloy s'ya sa lutuan at mula sa ilalim ay kumuha ng basahan. Inilublob sa timbang may kaunting laman at pinigaan. Lumuhod siya at saka buong tiyagang nilampaso ang sahig gamit ang mga kamay. Nalingunan n'ya ang anak na nakatingin at pinanood ang ginagawa n'ya. Ngumiti ito sa kanya na animo bilib na bilib sa ginagawa niya. Matamis na ngiting mistulang kabayaran sa paghihirap niya. Dagling napawi ang kanyang pagod. Nginitian n'ya rin ito at saka muling ipinagpatuloy ang ginagawa. Tagaktak ang pawis n'ya nang matapos. Hinugasan n'yang mabuti ang mga kamay na itinuloy na rin sa paghihilamos at paglilinis ng mga braso. "Tatay, kain na po tayo. Gutom na po ako, eh." Pautal-utal na sabi ni Tintin. "Oo anak, teka lang at maghahain ang tatay ha." Nakangiti itong tumango. Nagsandok s'ya ng kanin at inilagay sa isang malukong na tasa. Mula sa naisalang na isda ay pumili s'ya nang maayos ang pagkakaluto. Laking pasalamat niya na may tatlong pirasong maaaring makain na 'di maglalasang sunog. Itinabi n'ya ang dalawa sa loob ng latang lagayan nila ng bigas at ang isang may kalakihan ay hinimay sa kaning nilagyan ng tubig na mainit at binudburan ng kaunting asin. Napangiti s'ya nang makitang matiyaga itong naghihintay na waring takam na takam.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
117.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
168.9K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
7.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
18.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook