bc

Calle PogiI #1: BUWI (Completed)

book_age12+
1.2K
FOLLOW
5.3K
READ
opposites attract
playboy
confident
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Kelly hated playboys. Kaya nga mainit talaga ang dugo niya sa kapitbahay niyang si Buwi. Paborito niya itong ireklamo sa barangay nila for indecent display of a killer body. Yeah, well, its true. He has a killer body. Anyway, hot bod aside, she doesn’t like him.

Pero ano itong nararamdaman niya sa tuwing nakikita niyang nakikipag-usap at nakikipagtawanan ito sa mga babae? Naiinis siya. Gusto niyang sabunutan ang mga iyon at ibalot naman ng makakapal na tela si Buwi. Ibig bang sabihin nito, nagkakagusto na rin siya sa isang playboy?

But she hated playboys…

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
BUWI WAS doing his cooling down exercise in his garden when he heard someone calling him from the other side of the road in front of his house.   “That’s enough displaying, Buwi!  Give us a break, man!  Alam na ng lahat kung gaano ka ka-macho kaya mag-inuman na muna tayo!” Nagpamaywang siya nang makitang nakangising nakaupo si Haru sa garden table nito, kaulayaw ang dalawang case ng beer katabi ng silya nito.  Naroon din ang long-time friend nito at barangay captain ng kanilang barangay na si Borromeo Asuncion o mas prefer nilang tawagin sa palayaw nitong ‘Bucho’.  Sa dalawa, ito lang ang may hawak na beer. “Istorbo kayo sa pagkakalat ko ng biyaya sa mga kababaihan,” aniya.  “At ikaw, Horacio, ang lakas ng loob mong magyayang uminom, e tatlong shot lang naman tulog ka na.” “Hey, hey, naturuan yata ako ng mga Afghans kung paano hindi matutumba sa mga inuman.  Gusto mo akong subukan?” “Nasabi mo na rin iyan noong pagkagaling mo sa Malaysia.  Sabi mo marami kang Malay friends na tomador.  Pero tinulugan mo pa rin kami pagkatapos mong malasahan ang dalang lambanog ni Ryu.” “Aksidente lang iyon.  That was the first time I tasted that awful drinks, so what do you expect?  Anyway, nakaraan na iyon.  Ano, kaya mo ba?  Tinawagan ko na ang iba pa nating mga kumpadre.  Parating na ang mga iyon.” “Hah.  Walang tinatanggihang hamon ang guwapo at machong si Buhawi Magno.” “Oy,” wika ni Bucho na kampante pa ring nakaupo sa silya nito habang pinapaikot sa hawak nitong baso ng alak.  “Huwag kang magpakalat-kalat dito ng walang pang-itaas.  Ayoko ng makatanggap pa ng tawag ng isang nagrereklamo dahil sa pagiging exhibitionist mo.” Napangiti siya.  Iisa lang naman kasi ang taong kilala niya, or kilala nilang lahat na magkukumpare, na constant caller ng kanilang barangay captain para ireklamo siya. “Naiinggit lang iyon, Bucho.”   “I don’t think darating ang araw na kaiinggitan ka ni Kelly.” “Lalaki naman iyon.” Isinusuot pa lang niya ang kanyang t-shirt habang naglalakad patungo sa kabilang bahay nang makasabay niya ang mga kumpare niya sa binyag s***h kaibigan s***h kapitbahay.   “Hi, Pogi,” biro ni Waki, ang pinakasikat na aktor sa bansa, nang makalapit ito sa kanya.  He was acting a gay guy who was trying to make a pass at him.  “Magkano ka sa magdamag?” “Hindi mo kaya ang presyo ko.” “One more word from the two of you, I’ll send you both to jail for malicious exchange of conversation.”  Nilagpasan na sila ng abogadong si Makisig. “Meron bang ganong klase ng kaso?” Nilingon siya nito, seryoso pa rin ang mukha.  “Meron.  Kung hindi ka naniniwala, hanapin mo sa civil code of the Philippines.” “Sige, tama ka na.”  Magkasunod ng pumasok ng bakuran ni Haru sina Waki at Makisig.  Tinapik naman siya sa balikat ng doktor na si Matt. “Masama sa katawan ang matuyuan ng pawis.” “Yes, Dok.”  Kung meron man siyang tanging pinaniniwalaan sa kanilang mga nagkakatipon doon, si Matt iyon.  Dahil dito siya nakakakuha ng mga libreng tips kung paano niyang mapapangalagaan ang kanyang katawan. “Drei, Ryu, guess what?  Kanina ko lang nalaman na ang history pala ng siopao ay galing sa kuwento ng isang babae noong unang pahaon na payat at nakaputi lagi…” panay ang kuwento ni Lian na isang highschool professor sa private highschool, sa pagitan ng tahimik na magpinsang Ryu at Drei.  Tahimik dahil hindi naman talaga palasalita ang mga ito.  Pero mabuti na lang at si Lian ang kumakausap sa mga ito.  Dahil ito na yata ang taong hindi mauubusan ng kuwento. Kaya si Sage na lang at ang dala nitong dalawang box ng cake ang binalingan niya.  “Kumpadre, hindi pa man tayo nalalasing, may panghimagas na tayo.  Ayos ka talaga.” “Well, okay lang naman sa akin kung gagawin mo itong pulutan.” “Libre ba?” “Oo.” “Paanong hindi magiging libre iyan,” singit ni Lian.  “E, nabayaran na iyan ni Haru.” Mabilis siyang lumayo sa napangiti na lang na si Sage.  Dahil kung meron mang pinakadelikadong dikitan sa kanilang grupo, ito iyon.  Sage might have accumulated all the signs of being a very friendly person, but only a few of them knew how cunning this friendly person was.  Lalo na pagdating sa negosyo.  Wala itong sinasanto. Ilang sandali pa ay nagkakaipon na sila sa bakuran ni Haru.  Kaya pala ito nagpapainom ay dahil katatapos lang isang buwang assignment nito sa Afghanistan.  Haru was an accomplished and highly recognized news and documentary reporter in the country.  Kunsabagay, hindi lang naman ito ang maituturing na ‘kilala’ sa munting grupo nilang iyon sa kani-kanilang profession.  Hindi nga nila alam kung nagsisiksikan sila sa maliit at payak na lugar na iyon ng Calle Pogi sa probinsya ng Laguna.  Napangiti siya nang maalala ang pangalan ng kanilang barangay.  That must be it.  They all just like the name of the place.  Calle Pogi.  Bagay na bagay sa kanilang mga pogi rin.   Pero para sa kanya, hindi lang dahil sa kakaibang pangalang iyon ng barangay ang dahilan kung bakit naroon siya lagi sa kanyang bahay-bakasyunan.  Even the camaraderie he had found in this bunch of oddballs.  He’s not much into making friends because of the nature of his work which commands secrecy and neglects familiarity.  Ngunit sa mga kaibigan s***h kapitbahay s***h kumpadre niyang ito, masaya siyang nagkakasama-sama sila ng ganito kahit paminsan-minsan lang.  They just gave him a sense of freedom he doesn’t get much when he’s working in Manila. And of course…He looked at the house just two blocks away from his own. “Tama ba kami, Buwi?” narinig niyang tanong ni Drei. “Ha?” “Na square naman talaga ang buwan kapag tulog ang mga tao.  Its just part of the brain that tells us all everything around us was real.” Lalong kumunot ang kanyang noo.  “Gusto mong murahin kita, Alejandrino?  Magsalita ka nga ng matino.” “Kung saan-saan na naman naglalakbay ang isip mo, Buwi,” wika ni Waki.  “Kaya lagi kang napagti-trip-an.  Pay attention, kumpadre.” “Kayo lang naman ang sira ulong mahilig mang-trip dito.”  Tinungga niya ang laman ng hawak na bote ng beer.  “Siyanga pala, malapit ng mag-Pasko.  May mga regalo na ba kayo sa mga inaanak ninyo?” Isa pa marahil na nakadagdag sa tolerance nila sa isa’t isa ay ang pagiging magkukumpare nila sa binyag.  Not necessarilly all of them at once.  Sa dami na kasi ng kumuha sa kanila na maging ninong sa binyag ng mga anak ng mga taga-Calle Pogi, nagkaroon na sila ng kuneksyon sa isa’t isa.   “Huhulaan ko ang ibibigay ni Matt,” presinta ni Sage.  “PhilHealth cards para sa buong pamilya ng kanyang mga inaanak.” “And what’s wrong with that?  At least makakatulong iyon sa kanila.  Ikaw, Sage, cake ang ibibigay mo sa mga inaanak mo, hindi ba?” “Masarap ang mga cakes sa bakeshop ko.” Kumuha siya ng piraso ng cake sa table.  “As always, Sage.  You’re one hell of a connoisseur.” “Thank you.  I’ll give you a discount on your next visit to my shop.  Ano nga pala ang ireregalo mo sa mga inaanak mo?  Cake na lang.  I’ll give you a ten percent discount on every six cakes that you’ll order.” “No, thanks.  I’ll stick with the toys.” “Sport toys,” wika ni Ryu.  “Not again.  Kaya nagiging bully ang mga inaanak mo.” “Hey, the unjust man is truly the just man, ayon iyan sa philosopher na si Tracymachus.  Kung hindi hinahayaan ng ibang bata na apihin sila, dapat ay lumaban sila, di ba?” “Katwiran mong baluktot,” wika ni Buchou.  “Manang-mana nga talaga sa iyo ang mga inaanak mo.” “Matatalino ang mga iyon.  Mana nga naman sa akin.  Ikaw, Buchou, battle toys pa rin ireregalo mo?  Dapat sa iyo ipakulong.  Mali ang impluwensiya mo sa mga inaanak mo.  Pati itong si Ryu.” “Ampaw na naman ang ibibigay niyan,” singit ni Drei.  “Hindi ba?” “That’s worth five hundred pesos,” kalmadong sagot ni Ryu, na may-ari ng isa sa pinakamalaking bangko sa bansa.  “Kaya huwag ninyong lalaitin ang ampaw ng mga inaanak ko.  Not when your gift could not even compare to mine.  Alejandrino.” “Oh, yeah?  If you’re that rich, bakit hindi mo maipaayos ang bukbukin mong bahay?  Isang kalawang na lang ang pipirma sa bahay mo, guguho na.” “Kasalanan iyan ng kumpanya mo.  Ikaw ang contractor ng mga bahay dito sa sa Calle Pogi, hindi ba?” “Hindi kasama roon ang pangit mong bahay.” “Makisig, I’ll sue Alejandrino.  Tomorrow.  Represent me.” “Huwag nyo akong idamay sa dillema ninyong magpinsan.  Problema ninyo iyan.” “Ikaw, Makisig, what’s your gift this year?” tanong ni Waki.  “Bukod sa mga libro ng civil code of the Philippines?” “Ikaw, Waki, bukod sa autographed picture mo, ano pa ang ipapamudmod mo sa mga inaanak mo?” “Wala na.  My autographed picture is enough.” “I think I’ll give my inaanak…” saglit na nag-isip si Lian.  “Something.” “Tama na iyan,” saway ni Haru.  “Mag-inuman na lang tayo.” “Huuu!  Ikaw, Horacio Estaban, magtatago ka na naman sa mga inaanak mo?” “’lol.  It’s not really my fault why I’m out sometimes during Christmas.  Duty calls, mga kumpadre.” “Mag-asawa ka na kasi at nang napipirmi ka na sa isang lugar.” “Madali lang iyan, Buwi, kung may interesanteng babae akong makikilala na magbibigay sa akin ng dahilan na manatili ng matagal sa iisang lugar.” “Ey, let’s just drop that marriage topic, okay?” reklamo ni Matt.  “It kinda gives me the creeps.” “Bakit, Matt, wala kang balak mag-asawa?” “Bakit, ikaw, meron?” “Oo naman.  Sayang ang genes ko kung hindi ako makakapag-contribute ng magandang lahi sa mundo.”  Naramdaman niya ang pagkalabit sa kanya ng katabing si Buchou.  “Bakit?” “Your precious caller is at it again.”  He was handing him his cellphone.  Napakunot lang ang kanyang noo.  “Sagutin mo na at naririndi na ako sa paulit-ulit niyang pagre-report sa akin ng pagiging exhibitionist mo.” “Baka fan ko iyan,” wika ni Waki.   Subalit inilayo lang dito ni Buchou ang cellphone.  “Para kay Buwi ito.” “Sino nga iyan?” tanong uli niya. “Si Kelly.” Nakangisi niyang kinuha kay Buchou ang cellphone.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.7K
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.9K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.3K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.3K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

The Sex Web

read
131.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook