bc

Probinsyana Series: Book 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONE

book_age18+
4.4K
FOLLOW
26.8K
READ
escape while being pregnant
confident
drama
tragedy
twisted
bxg
city
betrayal
wife
passionate
like
intro-logo
Blurb

Simula ng nilisan ako ni Gianna ng walang pasabi ay biglang nagbago ang buhay ko. Muntik na akong masiraan ng ulo dahil sa ginawa niya sa akin.

Sobrang nangungulila ako sa kanya. Na-mimiss ko na ang mga yakap, halik at mga ngiti niya. Alam kong hindi naging madali ang tadhana sa aming dalawa. I took her for granted! Hindi ko man lang inisip na ito ang kahihitnatnan ng ginawa naming set up na dalawa.

Ako ang talo!

Lumipas ang pitong taon na pag hihintay ko kay Gianna upang makipag ayos sa kanya ngunit hindi ko siya mahanap kahit saan mang lugar. Walang alam ang mga kaibigan niya kung nasaan siya kahit yung pinakamatalik niyang kaibigan na si Dimple.

Habang wala sa litrato si Gianna ay bumalik sa aking piling si Celine ngunit hindi na ganoon ka alab ang pag mamahal ko sa kanya kundi ay nasusuka ako sa pagkatao ni Celine. Alam kong siya ang dahilan kung bakit umalis si Gianna at nagtago.

Sasabihin ko na! Oo na! MAHAL NA MAHAL KITA GIANNA ngunit huli na para marinig niya.

chap-preview
Free preview
KABANATA I
Makalipas ang pitong taon. Lucio's POV I was sitting in my chair while thinking about things in the past. I'm stupid! Dumb and pathetic before and now I'm keep on lifting my body on the grave again. Isang napaka laking problema na naman sa buhay ko ang dumating! When Gianna left me halos mabaliw ako sa lungkot at lumbay! Bigla nalang siyang nawala na parang bula. No trace to be found. Ilang taon na ba ang lumipas? Pitong taon na pala akong nangungulila sayo. Habang nakaupo ako sa upuan ko at nakatingin sa kawalan ay may biglang humalik sa pisngi ko. "Hi babe!" Masayang sambit nito sa akin. Tumingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang halik at nakita ko si Celine na nakangiting nakatingin sa akin. "Aaah ikaw pala," sambit ko sa kanya. "Parang hindi ka naman masaya ng nakita ako? May problema ka ba? Pera? Gamit kahit ano name it!" "Nakabangon na ako sa putik Celine. I don't need your money so please don't stepped on me," "I don't mean to hurt you. I was just asking if you need my help?" "Thank you. Teka? Bakit ka ba nandito sa opisina ko?" Galit na tanong ko sa kanya. "Well, Gusto kong samahan mo ako sa boutique ngayon. May bagong labas kasi na design si Bella," "Bella na naman? Puro ka nalang bili ng damit, bags at shoes na gawa ni Bella! Can you please stop collecting her creation?" Galit kong sambit sa kanya. "Ang O.A mo huh! Masama bang maging fan girl lalo na sa mga gamit? Tingnan mo kasi yung mga gamit ko now lahat pulido at talagang luxury ang mga materials," "Blaah blaaah blaah. Fine! Sasamahan kita ngayon pero next time hindi na," "Ok! Thank you Babe!" sambit niya sabay halik. Nag bago ang lahat people, ambiance and everything pero meron talagang hinding-hindi na mag babago sa akin. My love for you GIANNA. I will wait for your comeback and please stay with me. Pakamot-kamot lang ako ng ulo ko sa loob ng opisina ko. "Boring!" Sigaw ko. As usual naman boring talaga kapag walang ginagawa so ang ginawa ko ngayon ay nag ikot ako bawat department. Lumabas ako sa opisina ko at nakita ko si Emily na kasama ang anak niya. "Nandito pala ang inaanak ko," sambit ko kay Emily. "Oo. Sinundo ko sa school kanina kasi wala ang Yaya niya ngayon," "Ooh I see. Ilang taon ka na nga?" tanong ko sa Bata. "6 po tito-ninong pero mag 7 na po ako sa susunod na taon," "Wow! Laki mo na pala." Habang tinitingnan ko ang anak ni Emily ay bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Naalala ko na naman yung anak namin ni Gianna siguro kung meron talagang bata sa sinapupunan niya ay pitong taon na ang anak namin ngayon. Tinalikuran ko na si Emily at ang anak niyang si Jacob at naglakad na ako papasok sa elevator. Inuna kong dinalaw ang production team kung saan ay may photo shoot ngayon. Sobrang ingay sa lugar at medyo mainit. Nakatayo lang ako sa bandang gilid ng pinto habang nakatingin sa mga model. "Good job Dimple! Sobrang sexy at ang ganda mo!" Sigaw ng isang photographer. "Well, Alam mo yan! Ako na ang pinaka sikat na model ngayon," Nakangiting sambit ni Dimple sa kanila. "Oo ikaw na nga ang pinaka sikat na model ngayon. Sana hindi lumaki ang ulo mo dahil sa fame na natatamo mo." sabat ko sa kanila. Agad na silang nagpatay ng music at inayos ang set. "We're sorry Sir Lucio at medyo makalat sa set ngayon," "Patingin ng mga kuha ni Dimple." Agad na inabot nila sa akin ang laptop kung saan nakalagay ang mga pictures. Tiningnan ko ang mga ito at inusisa. "I like the picture pero parang hindi tumama sa skin tone niya ang kulay ng damit niya? Palitan nito 'to o i-edit niyo. I don't have time para mag ngawa sa inyo lahat kayo dito matatagal na sa trabaho kaya dapat alam niyo na ang tama at mali," "Will re-do again the photoshoot Sir. Lucio," "Ok!" Agad akong umalis pagkatapos ko sa kanila. Kung saan-saan ako dinala ng paa ko hanggang sa nakapunta ako sa cafeteria na hindi ko naman pinupuntahan. Umupo ako sa isang malambot na upuan doon at nag masid sa mga taong kumakain. "Free food sa mga trabahador ko." nakangiting sambit ko. Lumipas ang ilang oras na nasa cafeteria lang ako. Wala namang akong ginagawa pamatay oras lang naman ako dito dahil sa boring na boring na ako sa buhay ko. I feel empty! Na retrieved ko ang kumpanya pero ang babaeng mahal ko ang naging kapalit. Habang pagala-gala ako sa kawalan ay nakita ko nalang ang sarili ko sa loob ng bahay ko. Hindi makausap walang ganang kumain. Pag uwi ko sa bahay ay pumasok ako agad sa kwarto ni Gianna. Pagbukas ko ng pinto ay hindi ako lubos na makapaniwala na ang babaeng hinintay ko ng pitong taon ay makikita kong nakaupo sa kama niya habang nakangiti sa akin. "Ooh? Hindi mo ba ako yayakapin o hahalikan man lang?" Nakangiting sambit niya sa akin. Hindi ko alam sobrang kinabahan ako na sobrang saya ko sa nakita ko. "Finally your back!" sigaw ko sabay patakbo na papalapit sa kanya. Hinagkan ko siya ng mahigpit na mahigpit yung tipong hindi na siya makakawala pa sa akin. Naiiyak ako sa tuwa dahil sa nakita ko muli si Gianna. "Ano na namang ginagawa mo diyan?" sambit ng isang babae. Lumingon ako sa pinanggalingan Ng boses at nakita ko si Manang Pasing sa pinto na nakatingin sa akin. "Umuwi na si Gianna, Manang!" Masayang sambit ko sa kanya. "Wala na si Gianna. Matagal na siyang patay! Itigil mo na ang kahibangan mo Lucio!" Galit na sigaw niya sa akin. Lumingon muli ako sa kung nasaan si Gianna ngunit wala na siya rito. "Asan na si Gianna? Love? Nakikipaglaro ka na naman sa akin. Asan kana? Labas ka na diyan. Miss na miss na miss na kita!" sambit ko habang maluha-luha. Nilapitan ako ni Manang at niyakap ng mahigpit na mahigpit! "Anak, Pitong taon na ang nakalipas simula ng nawala si Gianna. Patahimikin mo na ang kaluluwa niya," "Manang hindi naman patay si Gianna. Bakit ba pinipilit niyong patay na siya?" tanong ko sa kanya habang nanlilisik sa galit ang mata. "Tumigil kana! Palayain mo na si Gianna patahimikin mo na siya Lucio. Parang awa na!" "Manang. Hindi! Hindi naman patay si Gianna walang proweba na siya yung nasunog sa resort noon," "Nakita sa scene ang bag niya at mga gamit niya. Pulis na din ang nag sabi at case closed na ito tatlong taon na ang nakalipas," Sa sobrang galit ko sa sarili ko ay sinapak-sapak ko ang sarili ko. "Ang tanga-tanga mo Lucio! Nang dahil sayo umalis si Gianna. Nang dahil sayo! Nang dahil sayo! Nag dudusa ako ngayon! Paano ako makaka move on kung sa bawat pag pikit at pag dilat ng mata ko ay si Gianna ang nakikita ko!" Galit na sambit ko. Sumigaw ng malakas si Manang para tawagin si Alma. "Alma!" Patakbong umakyat si Alma sa amin. Hingal na hingal habang nag sasalit si Alma. "Ano po yun Manang?" tanong niya. "Kunin mo nga yung gamot ni Lucio at nababaliw na naman! Sa susunod papa-mental hospital na kita!" Nakatulala lang ako sa hangin habang umiiyak. Sobrang depressed ako at paranoid. Akala ko nandito na si Gianna sa tabi ko. Akala ko babalik na sa dati ang lahat ngunit mas lumala pa pala. May tinurok na pampakalma sa akin hanggang sa dinapuan ako ng antok. Inakay nila ako papunta sa kama ko hanggang sa lubusan akong nakatulog sa kama ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

Billionaire's Twins

read
263.3K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.1K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.1K
bc

My Husband's Mistress

read
297.5K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
267.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook