bc

His Dark Desire

book_age18+
5.6K
FOLLOW
18.4K
READ
billionaire
possessive
one-night stand
maid
drama
twisted
bxg
heavy
vampire
supernature earth
like
intro-logo
Blurb

Si Alliza Ramirez ay isang kasambahay sa mansion ng mga Vladislav at dahil

high school lang ang tinapos niya sa pag-aaral ay naging katulong lang ang

mga trabahong napasukan niya at dahil na rin sa kahirapan kaya di siya

nakapag-aral sa kolehiyo pero dahil sa isang pangyayari kung saan

nagkasakit ang ina niya at kinailangan nitong maospital ay nagipit si Alliza.

Kinailangan niyang magbayad ng sampung milyon dahil nabaon sila sa utang sa hospital. Kinailangan ng ina niyang manatili doon at dahil wala pa sa kalahati ng utang niya ang sinasahod niya sa pagkakasambahay sa mansiyon ng mga Vladislav ay napasubo siya sa isang trabaho kung saan isang beses

niya lang ito kailangang pasukin.

May kakilala kasi si Alliza sa lugar nila na bading at isa itong mamasang sa

PARADISE GARDEN HOTEL kung saan may lihim na transaksiyon sa mga mayayaman na tao at iyon ay ang isang auction night para sa mga babaeng binebenta ay ang katawan at dahil isang gabing trabaho lang naman iyon napasubo si Alliza na pasukin ang trabahong iyon para sa kanyang ina.

At dahil sa trabahong iyon ay makikilala niya ang isang lalaki na magpapabago sa buhay niya, dahil ang lalaking aangkin pala sa kanya sa unang pagkakataon ay ang kanyang amo na si Caius Midnight Vladislav pero mas kilala sa pangalang Midnight na hindi niya pa nakikita ni-isang beses dahil hindi palaging nananalagi sa mansiyon ang kanyang amo.

Kaya naman di niya pa ito nakita kahit isang beses sa ilang taon na pagtatrabaho niya sa mansiyon nito. At dahil rule sa Paradise Garden Hotel ang hindi makilala ang makakasama nila sa isang gabi ay hindi siya nakilala ng lalaki kaya naman nakahinga si Alliza ng maluwag.

Ano kayang naghihintay kay Alliza sa paghaharap nila ni Midnight?

Abangan...

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE: The Beginning MATURE CONTENT WARNING! (This novel may contain content of an adult nature and contains scenes of a s****l nature like s*x slaves, explicit s*x scenes, extreme violence, and this novel contains strong language. If you are easily offended or are under the age of 18, please don't read this now. The chapters and pages within are intended for adults only and intended for mature readers only. Reader discretion is advised.) ALLIZA RENA'S P.O.V "We're very sorry, Ms. Deguzman, but you need to pay the hospital bills first before we undergo your mother's surgery." halos manlumo ako ng marinig ko ang sinabi sa akin ng doctor. "Magkano po ba ang kailangan naming bayaran?" Kinuyom ko ang kamao ko habang nakatingin ng seryoso sa doctor at nakita kong tumingin ito sa hawak nitong papel bago tumingin sa akin. "Halos sampung milyon na ang utang n'yo sa hospital dahil ilang taon na rin kayo nagpapabalik-balik dito, kaya naman kapag nabayaran mo lahat ng utang n'yo sa hospital ay saka namin ooperahan ang nanay mo," seryoso ito nang sabihin niya iyon sa akin kaya naman ng makaalis ito sa harapan ko ay agad akong napaupo sa sahig ng hospital at saka ako nagsimulang mapaiyak. Saan ako hahagilap ng gano’n kalaking pera? Fifty thousand lang ang sinasahod ko buwan-buwan sa pagkakasambahay at wala pa iyon sa kalahati ng naiipon ko para sa pambayad ng hospital bills ni Inay. Huminga ako ng malalim saka pinunasan ang luhang umagos mula sa mga mata ko at saka ako tumayo bago naglakad palabas ng hospital saka ako pumara ng taxi papunta sa coffee shop ni Angela. Bestfriend ko simula ng pagkabata ko at siya lang ang tanging napagsasabihan ko ng mga problema ko kaya naman ng makarating ako sa loob ng coffee shop ay agad niya akong sinenyasan na maupo sa isang table kaya naman ng makaupo ako doon ay dinalhan niya ako ng tasa ng kape at saka siya naupo sa harapan ko. "Anong balita?" agad niyang tanong nang makaupo siya. Huminga naman ako nang malalim saka malungkot na tumingin sa kanya. "Kailangan mabayaran ko muna ‘yong sampung milyon na utang namin sa hospital bago sila pumayag na operahan si Nanay." ‘di ko na naiwasan ang mapaluha kaya naman nang marinig kong huminga nang malalim si Angela ay inabutan niya ako ng tissue kaya naman kumuha ako doon at saka pinunasan ang mukha ko. "Gusto mo ba dito ka na lang magtrabaho? Tatanungin ko ang mga magulang ko kung pwede ka naming tulungan para mapaoperahan mo na ang nanay mo." sabay hawak niya sa balikat ko kaya naman marahas akong umiling sa kanya. "Ano ka ba Angela? Nakalimutan mo na bang pinahiram mo na nga ako ng isang milyon dati at hanggang ngayon ay ‘di ko pa rin nababayaran dahil sa dami ng utang na binabayaran ko kaya 'wag mo muna akong isipin dahil kapag tinulungan mo ako ulit baka hindi ko na mabayaran ‘yong utang ko sa 'yo," sabi ko at narinig ko namang huminga siya ulit nang malalim. "Ano ka ba Alliza, maliit lang na halaga 'yon para sa amin kaya kahit ‘di mo kaagad bayaran ayos lang. Isa pa kaibigan mo ako kaya dapat nagtutulungan tayong dalawa." pilit niya kaya naman muli akong umiling sa kanya. "Ano ka ba Angela, marami ka nang naitulong sa amin ni Nanay. Huwag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan para matuloy ang operasyon ni Nanay." Matapos ang usapan namin ni Angela ay nagpasya naman ako na pumasok na sa mansiyon ng mga Vladislav dahil kailangan ko pang magluto ng kakainin nila at maglinis ng bahay. "Alliza late ka na," bungad sa akin ni Manang Nora kaya naman nahihiya akong napangiti sa kanya. "Pasensiya na, Manang. Hindi na muulit," "O siya, ikaw na bahala sa ibang gawain. Kailangan mo lang magluto ng tanghalian nila at pagkatapos no’n ay maglaba ka lang ng mga susuotin nilang damit at pagkatapos mong gawin ang mga ‘yon pwede ka na ulit umuwi tutal hindi ka naman naka-stay-in dito." Pagkasabi ni Manang Nora sa akin no’n ay agad akong nagpalit ng uniporme ko at saka nagsimulang maghiwa ng mga lulutuin kaya naman habang nagsasalang ako ng mga lulutuin ay pinapaikutan ko na rin sa washing machine ang mga damit nila para paglabas ng mga damit ay itutupi ko na lang dahil automatic machine naman ang ginagamit namin sa paglalaba. Sa loob ng ilang taon na pagtatrabaho ko sa mansiyon ng mga Vladislav, ni-minsan ay hindi ko pa nakikita ng boss naming. Sabi pa ng mga kasama kong kasambahay ay napakagwapo daw ng amo namin na si Sir Midnight. Pero sobrang lamig daw nitong makitungo sa kanila at dahil hindi naman ako sa mansiyon natutulog ay ‘di ako nagkaroon ng pagkakataon na makita ang amo namin. Pero kahit na hindi ako nag-i-stay sa mansiyon ay hindi naman nagagalit sa akin ang amo naming. Hindi naman sila gano’n kahigpit pagdating sa mga katulong. Kaya naman hindi na ako lumipat ng ibang bahay para lang magkasambahay dahil kung tutuusin ay malaki naman ang pinapasahod sa amin. Sadyang kulang lang iyong sinasahod ko para mabayaran lahat ng utang namin. Agad akong nagbanat ng buto ng matapos ko na lahat ng pinapagawa sa akin saka ako nag-shower bago muling nagpalit ng damit at nang makita ako ni Manang Nora ay muli itong nagsalita. "Aalis ka na?" tanong nito sa akin kaya naman tumango ako bilang tugon. "Kailangan ko pa pong maghanap ng ibang raket dahil kailangan ko maghanap ng pambayad sa hospital, kasi kapag hindi ako agad nakabayad sa utang namin 'di ko mapapaoperahan si Nanay," nalungkot ako nang tumingin ako sa kanya at nagulat ako nang yakapin ako ni Manang Nora. "Magpakatatag ka hija, malalampasan n'yo rin lahat ng pagsubok magtiwala ka lang sa Diyos." pagkasabi niya iyon ay tumango lang ako saka ngumiti ng marahan bago niya ako tuluyang bitiwan. "Mag-iingat ka sa pag-uwi," paalala sa akin ni Manang bago ako tuluyang makaalis ng mansyon at matapos niyon ay agad din naman akong sumakay ng taxi pauwi sa amin sa Cig Avenue. Nang makababa ako sa street namin ay nagbayad lang ako sa taxi driver saka ako naglakad papasok sa iskinita namin. Nakakahiya man pero laking squatter area ako kaya naman maingay ang kapaligiran namin. At habang naglalakad ako pauwi sa amin ay nakita ko si Oliver o kilala sa pangalang Olivia. Isang bakla na mamasang sa kilalang Paradise Garden Hotel sa bansa na may lihim na transaksiyon sa mga mayayaman sa bansa at nakita kong may mga kausap siyang magagandang babae kaya naman ng makita kong tumingin ito sa akin ay agad akong napaiwas ng tingin at nagulat ako ng hawakan ako nito sa balikat. "Uy Alliza baka interesado ka? May trabaho akong ibibigay sa 'yo," bulong nito sa akin kaya naman naramdaman ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Gusto niya bang ibenta ko ang p********e ko? Agad akong lumingon sa kanya at saka kumunot ang noo ko ng makita ko ang pag ngisi niya. "Balita ko kasi kailangan operahan ng nanay mo, gusto ko lang alukin ka ng trabaho at wag ka mag-alala dahil isang gabi ka lang magtatrabaho doon at sisiguraduhin ko na 'di ka makilala ng magiging kliyente mo," sabi niya sa akin kaya naman napakapit ako nang mahigpit sa bag na hawak ko. "Magkano naman ang ibabayad mo sa akin?" seryosong tanong ko sa kanya at nakita ko namang mas lumawak ang pag ngisi nito. "Fifty-fifty ang hatian ng bayad doon, so twenty-five percent ng ibabayad sa akin sa 'yo ko ibibigay," sabi niya kaya naman napalunok ako saka ako natahimik. "Don't worry hindi bababa ng sampung milyon ang binabayad ng mga kliyente doon kung '‘yon ang iniisip mo," sabi niya kaya naman agad akong napalingon sa kanya at nakita ko naman ngumiti siya sa akin. "O-okay s-sige payag na ako," pag sang-ayon ko at narinig ko namang marahan itong natawa saka ako nito inakbayan papunta sa bahay niya. "Girls si Alliza nga pala, siya ang magiging kasama n'yo mamaya sa auction kaya kayo na ang bahala sa kanya mamaya okay? Bago lang siya kaya wag n'yo siya masiyadong pine-pressure," bilin ni Olivia sa mga bata niya kaya naman tumingin lang sa akin ang mga babaeng kausap ni Olivia saka tumango sa kanya at nagulat ako nang hilahin ako ng mga ito pasakay sa kotse ng may huminto sa harapan ng bahay ni Angel na sasakyan. Buong biyahe ay tahimik lang ang mga kasama ko sa loob ng sasakyan at sa palagay ko ay sampu kaming lahat na nasa loob ng sasakyan. Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng Paradise Garden Hotel ay agad kaming bumaba lahat at saka pumasok sa loob niyon at napansin ko rin na mag gagabi na kaya naman sinundan ko lang sila sa isang silid at sa palagay ko ay dressing room ang tawag doon dahil maraming mga damit ang make up na nagkalat sa paligid. "Alliza right? Ito daw ang susuotin mo sabi ni Olivia." sabi sa akin ng isa sa mga babaeng kasama ko kanina sa sasakyan at saka ko inabot ang paper bag na binigay niya sa akin at saka ko inilapag sa isang silya ang bag na dala ko at nang ilabas ko ang laman ng paper bag ay halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko. "It's called leather harness lingerie," sabi niya pa sa akin kaya naman napakurap-kurap ako dahil masiyadong erotic ang damit na iyon kapag sinuot ko at sa tanang buhay ko ay hindi ko pa naranasan ang magsuot ng ganoong klase ng damit. "Don't be nervous, isang gabi mo lang iyang susuotin at isa pa hindi papayag si Olivia na ipatanggal ng kliyente mo ang eye masked na susuotin mo." seryosong dagdag pa nito kaya naman mariin akong napalunok ang nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko ang susuotin kong lingerie saka ako pumasok sa rest room para magpalit ng damit at nang tuluyan kong maisuot ang lingerie na sinasabi sa akin ng babae kanina ay naikuyom ko ang kamao ko ng mapaharap ako sa malaking salamin ng rest room na makikita ang kabuuan ko. Sobrang halay ng itsura ko ngayon dahil sa suot ko pero kailangan ko tatagan ang loob ko dahil una sa lahat di naman ako makikilala ng magiging kliyente ko dahil isang beses lang ako papasok sa trabahong ito at bukod pa dun ay naka eye masked naman ako kaya di dapat ako kabahan. Nang makalabas ako ng rest room ay nakita kong lahat ng kasama ko ay nakasuot ng iba't-ibang klase ng lingerie pero mas mahalay lang tingnan ang sa akin dahil sa kanila ay parang ordinaryong panty at bra lang samantalang sa akin ay may mga harness pa kaya naman medyo nahihirapan din ako kumilos. "It looks great on you, suotin mo na 'tong mask mo pati ang robe na 'to at saka mo lang huhubarin ang robe mo kapag nasa stage ka na okay?" paliwag sa akin ng babae na nagbigay ng lingerie sa akin kaya naman tumango lang ako saka sinuot ang robe ko at ang eye masked bago kami pinapila sa stage at nang tingnan ko ang orasan ay nakita kong mag-aalas otso na kaya naman huminga ako ng malalim. Tatagan mo ang loob mo Alliza, dahil para sa nanay mo ito. Pagpapatatag ko ng loob ko. ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook