bc

Montealegre Series 1: Akira's Curse

book_age16+
4.8K
FOLLOW
27.8K
READ
billionaire
friends to lovers
curse
independent
self-improved
drama
sweet
slice of life
model
selfish
like
intro-logo
Blurb

Montealegre Series #1

Dahil sa utang na loob ni Akira kay Curse Montealegre, kinailangan niyang gawin ang pinapagawa nito sa kanya—iyon ay ang magpanggap na girlfriend nito sa isang family reunion. Ang hindi alam ni Akira ay engagement party pala iyon ng binata.

Kaya ang magulong buhay ni Akira ay mas lalong naging magulo dahil kay Curse. Isa yata itong sumpa sa buhay niya... na ayaw niyang mawala.

chap-preview
Free preview
Prologue
NOONG bata pa lang ako, minsan nang sinabi sa akin ni Mama na kapag may nararamdaman daw tayong kakulangan sa buhay natin ay may isang taong magpupuno nito. Siya ang magbibigay ng pagmamahal na hinahanap-hanap natin. Kaya naman sa buong buhay ko ay pilit kong hinahanap ang taong magpupuno ng pagkukulang sa akin. And when I found that person, It was already too late for me. Dahil ang taong dapat magpupuno ng pagkukulang sa akin ay may iba nang pinupunan. Ang pinakamasakit sa parteng 'yon, malapit na tao sa akin ang pinupunan niya ng pagmamahal na dapat ay para sa akin. "Bakit siya ganoon?" tanong ni Aaron at bumaling sa akin. Hindi magkahumayaw ang pagtulo ng luha sa kanyang pisngi. Bakas sa kanya ang matinding sakit dahil sa ginawa ni Trisha, ang dating girlfriend niya. Wala akong naging tugon sa kaibigan. Tanging tingin na puno ng awa ang naipukol ko sa kanya. Dahil kahit ako ay hindi alam ang isasagot sa katanungan niya. Earlier, Trisha left to study abroad. Makakasama niya sina Tito David at Tita Esmeralda sa ibang bansa, ang mag-asawang kumupkop sa akin. Ang pamilya ni Trisha ang kumupkop sa akin simula nang maulila ako. Bago tuluyang umalis ng bansa si Trisha ay nakipaghiwalay siya kay Aaron dahilan para masaktan ito. Para kay Aaron ay walang kwenta ang dahilan ni Trisha na kailangan niyang mag-focus sa pag-aaral dahil gusto nito makamit ang pangarap niya. Pero kahit hindi sang-ayon si Aaron ay wala siyang nagawa sa desisyon ni Trisha, and they broke up. "Tigilan mo na ang pag-inom. Just accept the fact that Trisha left you," sambit ko sa kaibigan, sinusubukang gisingin siya sa katotohanan. Kahit umiyak pa siya ng dugo sa harapan ko ay hindi na nito mababago ang desisyon ni Trisha. "Hindi naman niya kailangang makipaghiwalay sa akin, handa naman ako kung maging long distance ang relasyon namin," ani Aaron na hindi man lang pinakinggan ang sinabi ko. "Pero dahil wala siyang tiwala sa akin, hindi siya pumayag. Totoo bang mahal niya ako? Kasi kung mahal niya talaga ako, dapat ay magtitiwala siya sa akin." "We can't change her mind. Nakapagdesisyon na siya, Aaron," tanging nasabi ko sa kaibigan. Parang kahit ano namang sabihin ko sa kanya ay hindi niya pakikinggan. Masyado siyang bulag sa pagmamahal niya kay Trisha. Inangat ni Aaron ang kamay sa ere at idinuro ako. Kahit may luha pa rin ang tumutulo mula sa mga mata niya ay pinilit niyang maging seryoso habang pinagmamasdan ako. "Fine, maghiwalay kami ngayon. Hindi ko siya pipigilan o hahabulin, pero sisiguraduhin kong sa pagbalik niya ay ako ang unang taong sasalubong sa kanya. Papatunayan kong mahal ko siya," aniya na tila ipinapangako niya sa sarili ang mga salitang iyon. Nawalan ng emosyon ang mukha ko dahil sa mga narinig. Palihim na kumuyon ang kamao ko at seryosong pinagmasdan si Aaron. Bakit sa kabila ng ginawa ni Trisha sa kanya ay handa pa rin niya itong hintayin sa pagbalik nito? If I were him, ipagpapalit ko na kaagad si Trisha para ipakita sa kanya ang sinayang niya. Inalis na ni Aaron ang atensiyon sa akin. Parang wala na naman siya sa sariling nagpakalunod sa alak. Walang tigil siyang uminom hanggang sa tuluyang ang katawan na niya ang sumuko sa ginagawa. Bakas sa mukha ko ang bigat at hirap habang inaalalayan si Aaron sa paglabas ng bar. Dala ng kalasingan ay hindi na siya makalakad nang maayos, kaya ngayon ay kailangan ko nang alalayan sa paglalakad. Hindi ko naman siya magawang iwan sa loob ng bar kaya wala akong magawa kundi ang gawin ito. "Oh my god!" tili ko nang mapansing tila parang nasusuka si Aaron. Sa sobrang takot na masukahan ay wala akong nagawa kundi ang itulak siya palayo sa akin. Namilog ang mga mata ko nang bumagsak siya sa kalsada. Mabilis kong nilapitan ang nakahandusay na si Aaron sa gilid ng kalsada. Umupo ako sa sementadong lupa at pilit na itinatayo siya kahit ramdam ko ang bigat niya. "Tumayo ka, Aaron!" pasigaw kong sabi, bakas na ang matinding inis sa boses ko. Paano niya nagawang magpakalasing kung hindi naman niya pala kakayanin ito? Kung hindi niya ako kasama ngayong gabi, malamang ay natutulog na siya sa loob ng bar. "Trisha... Trisha..." Natigilan ako sa ginagawang pagtayo sa kanya at ramdam ko ang matinding kirot na kumalat sa buong sistema ko nang marinig kong sambitin niya ang pangalan ni Trisha, ang pangalan ng babaeng mahal niya. Nanghihina akong umupo sa kalsada at napatitig kay Aaron na wala sa sarili niya. Kahit sobrang lango na sa alak ay si Trisha pa rin ang nasa isipan niya. "Ang unfair mo naman, Aaron. Ako na itong kasama mo ngayon, pero bakit siya pa rin ang hanap mo?" Hindi ko na naitago ang sakit sa boses nang sabihin ko 'yon. Nag-angat ako ng tingin sa madilim na kalangitan nang maramdaman ko ang pagtutubig ng mga mata ko. Nasasaktan akong makita siyang nagkakaganito, pero mas nasasaktan ako dahil kahit nasasaktan na siya ay mas pinipili niya pa rin na mahalin si Trisha. Bakit hindi na lang ako? Puwede namang ako na lang, tutal ay ako naman ang nandito sa tabi niya. Ako ang hindi nang-iwan sa kanya. Kaya bakit hindi na lang ako? "Mabuti na lang talaga ay umalis si Trisha, ngayon ay magkakaroon na ako ng pagkakataon." Nagbaba ako ng tingin kay Aaron na ngayon ay ginawa nang unan ang hita ko. "Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito, Aaron. Ipapakita ko at ipaparamdam ko sa 'yo kung gaano kita kamahal... hanggang sa mahalin mo na rin ako. Pagbalik ni Trisha ay wala na siyang babalikan pa. Sisiguraduhin ko 'yan." Iyon ang mga binitiwan kong salita habang nalulunod siya sa sakit dahil sa pang-iiwan sa kanya ng girlfriend niya. Ang mga salitang 'yon ang pinanghawakan ko sa mga nagdaang mga araw, buwan, at taon. Pero huli ko na natantong hinding-hindi pala mangyayari ang sinabi kong 'yon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unexpected Romance

read
38.1K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.5K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.4K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
272.6K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.5K
bc

His Precious Property

read
613.6K
bc

The Sex Web

read
130.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook