Share:

That Thing Called "Love and Destiny"

LADY J. YA&Teenfiction

202 reads

Hindi pa man ipinapanganak ay "ibinigay" na siya ng kaniyang mga magulang sa Diyos, bilang "pambayad-utang". Dati kasing seminarista ang kaniyang ama at madre naman ang ina. Nagkagustuhan ang mga ito at parehong tinalikuran ang mga tungkulin. Pero kapalit niyon ay ang pangako na ang magiging anak ang magpapatuloy sa tinalikurang bokasyon. At si Kathleen Grace Ocampo 'yon.
Wala naman sana iyong kaso sa dalagita dahil wala naman siyang nakikitang mali sa pagiging alagad ng Diyos. At isa pa, sa "kapintasan" niya ay imposible rin naman siyang magka-boyfriend. Kaya simula't sapul ay NBSB na si Kathleen o No Boyfriend Since Birth.
Kaya lang sa isang iglap ay biglang nagtapat sa kaniya ng pag-ibig ang bestfriend niyang half-Filipino-half Norweigian na si Jakob Eirik Andreassen. Guwapo ito at kahawig ni Peeta-ang bidang lalaki sa pelikulang The Hunger Games. Nawindang ang puso ni Kathleen dahil bukod sa hindi sila bagay ni Jakob ay kaibigan lang talaga ang turing niya dito. Pero akala lang pala niya iyon. Dahil "nagpatukso" siya kay Jakob at umibig dito. Buong-puso nitong tinanggap ang kaniyang "kapintasan"na madalas maging dahilan para bully-hin siya ng ibang tao.
Sa kabila ng 'bawal' nilang pag-ibig ay nagpatuloy silang dalawa. Kinalimutan ni Kathleen ang nakatadhana para sa kaniya. Handa na sana siyang ipaglaban sa mga magulang niya ang kanilang relasyon. Pero may isang pangyayari ang nangangailangan ng himala.
Nakipagkasundo siya sa "Langit" at ang ipinalit niya ay ang pagmamahalan nilang dalawa ni Jakob.
Natuloy sa kumbento si Kathleen. Pero nang isang hakbang na lang sana para maging ganap siyang madre ay muli silang nagtagpo ng binata. Nalaman niyang mahal pa rin siya nito.
Handa kaya siyang baliin ang "kasunduan" nila ng "Langit" para sa taong itinadhana sa kaniya at mahal na mahal niya?

Unfold

Latest Updated
Chapter 3
Comment