Share:

MOML -Maria Jessielyn Ortega- (The Tomboy)

Ms.Blackrose01 Romance

80 reads

MARIAS OF MY LIFE
Maria Jessielyn Ortega
THE TOMBOY
by: Blackrose
Genre: Romance

Teaser

Isang ordinaryong tao lamang si Maria Jessielyn Ortega o mas kilala bilang "Jessie" na tawag sa kanya ng kapamilya, mga kapitbahay, mga katrabaho at mga kaibigan. Simple lang ang buhay niya sa araw-araw na ginawa ng Maykapal... Nag-aaral siya bilang scholar sa kolehiyo, nagta-trabaho sa Casa Delida at suma-sideline bilang isang tattoo artist. Siya ang bread winner ng kanilang pamilya dahil narin sa mas malaki ang kinikita niya kada weekends kaysa sa mga kapatid. Iyon ay sa pamamagitan nang kakaibang angking talento niya at determinasyong makatulong sa pamilya bilang isang mabuting anak na hindi nagagawa ng ibang kalahi ni Eba. Siya ang nag-iisang presa sa apat na anak ng mag-asawang Jess at Paulina Ortega.

Maayos naman ang pamumuhay niya bilang anak at kapatid, estudyante at manggagawa. Hindi sila mayaman kaya todo ang kayod niya para maitawid ang pang araw-araw na pangangailangan ng pamilya at mabigyan katuparan ang kaginhawaan na ipinangako niya sa mga magulang. Hanggang sa may nakilala siyang mabait, mayaman, simple, maganda pero problemadong babae. Doon na nagsimulang magkagulo ang isip pati puso niya nang maging magka-close sila nito at ng humingi ito man nang tulong sa kanya.

Pero paano niya tutulungan ang bababeng unti-unti ng napapalapit sa kanya at unti-unti nang nagkakalugar sa buhay niya kung ang problemang pasan-pasan nitong problema ay ang lalaking matalik niyang kaibigan?

Sino ang mas matimbang sa kanya? Ang babae o ang lalaking matagal na niyang kakilala? Ano ang mas matimbang?

Ito ang magulo ngunit masayang buhay ni Maria Jessielyn Ortega aka Jessie, The Tomboy.


--------'-,--'-,-{



Unfold

Tags: friends to loverstomboydramacomedybxgmuticharacteroffice/work placechildhood crushfriendshipWriting AcademyWriting Academy
Latest Updated
Chapter 20
Comment