bc

When He Was Mine

book_age16+
8.0K
FOLLOW
113.0K
READ
opposites attract
friends to lovers
playboy
goodgirl
sweet
lighthearted
campus
basketball
first love
friends
like
intro-logo
Blurb

Nami had her heart broken by her long-time first love. Dahil dito ay sinarado na niya ang kanyang puso sa posibilidad na magmahal muli. She had enough of pain and tears for this lifetime.

Then came a man with a set of sparkling gray doe eyes and breathtaking smile, determine to prove that there is still love after a heartache. Kung tutuusin ay wala siyang pintas sa makulit na manliligaw, nagkataon lang na hindi sapat ang kagwapuhan nito upang muli siyang sumugal sa larangan ng pag-ibig.

Ngunit ayon nga sa kasabihan, walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin. Nami woke up one day and her heart is ready to fall in love again, if she's not yet in love with this new man in her life.

Pero handa na nga ba siyang magmahal muli kung ang gagong first love niya ay nagbabalik at handang patunayan na ito pa rin ang para sa kanya?

Will she give him a second chance or will she give her heart a second chance with someone new?

chap-preview
Free preview
Prologue
PABAGSAK akong nahiga sa mahabang sofa dito sa apartment na inuupahan ko sa San Juan City. Lunes pa lang ngunit pagod na pagod na ang aking katawan. Katatapos lang ng midterm exams namin pero may mga bagong requirements na naman kaming dapat simulan para sa finals. Inabot ko ang aking shoulder bag at kinuha roon ang cellphone ko. Pakiramdam ko ay lalong nadagdagan ang pagod na nararamdaman ko nang wala man lang mensahe mula kay Khalil. I sighed. Hindi ko maiwasang makaramdam ng tampo. Bakit natitiis niyang hindi ako tawagan o e-message man lang? Ayokong maging demanding pero kung ganito naman siya lagi ay nakakaubos din naman ng pasensya. I checked the time in Melbourne from my phone. Alas-otso na ng gabi roon, tatlong oras na mas maaga kaysa oras sa Pilipinas. Siguro naman ay wala na siyang ginagawa sa oras na ito. I tried to call him through Skype. Doon kami madalas na mag-usap simula nang umalis silang mag-ina. Bigo akong makausap siya kaya’t muli kong sinubukang tawagan siya. To my dismay, my call was immediately cancelled. Napakunot ang aking noo. I tried to call him again but after a few rings the call was cancelled again. “Baka nagtatampo pa rin,” alo ko sa aking sarili at muling sinubukan siyang tawagan. Kagabi kasi ay nagkasagutan kami dahil inabot na ng hating gabi bago ko siya nakausap. He said he was busy yesterday but I didn’t believe him. Ngayon ay nagsisisi na ako dahil masyado akong nagpadala sa emosyon. “Come on, babe. Answer my call, please,” I pleaded in front of my phone. Napapitlag ako nang sa wakas ay sinagot na niya ang tawag. “Hon, hi!” Pasimple kong sinipat ang aking sarili sa front camera ng aking cellphone. Naka-plaster na agad ang isang madandang ngiti sa aking labi. “Why did you call?” patamad na naupo si Khalil sa upuan sa harap ng kaniyang laptop. He is wearing a crumpled gray shirt and black shorts. Magulo pa ang kaniyang may kahabaan nang buhok. I bit my lower lip from the coldness of his response. Pinilit kong ngumiti. “I missed you. Maghapon kitang hindi nakausap. Kumusta ang araw mo?” “I’m fine,” sagot niya sa pagitan ng paghihikab. I tried my best not to frown. “Mukhang pagod ka. Saan ka ba galing?” He gave me a bored look. “Natulog lang ako maghapon. Bakit ba?” Kung ganoon ay bakit hindi man lang niya ako naisipang tawagan? Hindi naman pala siya umalis. I sighed and dismissed the question in my head. Kaya kami nag-aaway ay dahil sa pagiging masyado kong clingy. Siguro ay pagod lang talaga siya kaya hindi niya na ako nagawang tawagan. “Hon,” lambing ko sa kaniya, “I’m sorry kahapon. I should’ve been more understanding. Alam kong busy ka sa pag-aaral. Sorry kung kinukulit kita.” Dapat ay ganito ang maging mind set ko. Hindi kami magtatagal kung lagi ko na lang kukuwestyunin ang mga ginagawa niya. Dapat ay iparamdam ko sa kaniya na kahit magkalayo kami ay buo pa rin ang tiwala ko sa kaniya. I heard a heavy sigh from his end. “That’s not the problem.” Umiling ako. “Alam kong ako ang problema dito. Sorry for being so narrow minded.” Umayos siya nang umupo at seryosong tinutok ang tingin sa monitor. “You know that we are falling apart. Aren’t you tired of this, Nami?” Napalunok ako sa sinabi ni Khalil. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. I can feel it. But I don’t want to entertain. Muling bumuntong-hininga si Khalil at diretso akong tiningnan mula sa screen. “Nagsasawa na ako.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Tatlong salita mula sa kaniya ngunit parang libo-libong punyal ang tumarak sa aking dibdib. “Hon, hindi ako nagsasawa. Ano ka ba?” I even faked another smile. “Syempre kasama talaga sa relasyon iyong ganito. Lalo na at long distance.” Wala akong salitang narinig mula kay Khalil. He is just looking at me, like he was having a hard time understanding what I am saying. “Nami, you don’t get it, do you?” He laughed. “I’m breaking up with you. Ayoko na. Sawa na ako.” “No,” sinamahan ko pa iyon ng matigas na iling. “Wala pa nga tayong one year, sawa ka na? You’re just lying. Kung dahil ito sa pagiging demanding at makulit ko, promise hindi na ako uulit. I will wait for your call. Kapag sinabi mong busy ka ay hindi na ako magtatampo. I swear.” Naramdaman ko ang masaganang pag-agos ng aking luha. “Please, hon. Ayusin natin ito.” “You’re really that serious with me?” natatawa pang wika ni Khalil. “I can’t believe you.” Nanlalabo man ang mga mata ko dahil sa luha ay malinaw ko pa ring nakikita ang kaniyang reaksyon. Parang pinipiga ang puso ko dahil sa mga sinasabi ni Khalil. He’s even smiling like he was so amused to realize how serious my feelings for him are. “Nami, kapatid lang ang turing ko sa ‘yo. Alam mo naman ‘yan noon pa. And this relationship, I’m not serious about this.” “But...but,” I bit my trembling lips, “you said you love me.” “Spur of the moment. I didn’t mean it in a romantic way. I love you because you’re like a sister to me. Hindi ko naman inaasahang masyado mong seseryosohin.” Hindi ko naitago ang sakit na nararamdaman mula sa mga narinig. “Alam mong mahal kita noon pa. You were so sweet and caring to me. You even got jealous with my suitors. At sinabi mong mahal mo ako! Ano pa ba sa tingin mo ang dapat kong isipin doon? Paanong hindi ko seseryosohin iyon?” “I’m sorry, okay?” An apology without sincerity from him just add up to the pain I am feeling right now. “I tried to like you back but it didn’t work out. You’re just not really my type.” Napapikit ako sa sobrang sakit na dulot ng mga salitang binibitawan niya. “Sana hindi mo na lang ako pinaasa.” Khalil sighed. “Yeah, I’m sorry for that. Siguro naman ay naiintindihan mo na ako.” “I hate you, Khalil. Kagaya lang pala ng mga babae mo noon ang turing mo sa akin. I thought you cherished me somehow because we’re friends. Kung hindi mo pala kayang panindigan ang nararamdaman mo para sa akin, sana ay hindi mo na lang sinimulan.” He chuckled. Tila sibat sa aking puso ang naging reaksyon niya. “You’re hopeless romantic. What makes you think that you’re different from other girls? Umpisa pa lang alam mo namang wala talaga akong siniseryosong babae. I love the fun, but when it comes serious,” he shrugged as if it is the best way to emphasize his point. I shook my head. “I hate you--” “You can hate me all you want,” putol niya sa sasabihin ko pa. “Wala na akong magagawa. I’m just being honest with you. I don’t want to waste time with a relationship that I can’t commit with.” Naikuyom ko ang aking kamay dahil sa labis na sakit na nararamdaman. He can’t be serious, right? Hindi puwede. Hindi ko kayang mawala siya. We’re just starting. Paanong ayaw na niya agad? “Hon, please,” I pleaded. “Hindi na kita kukulitin. I promise. I will accept whatever time you can give me.” Khalil shook his head in disbelief. “You’re impossible, Nami. I’m dumping you, can’t you understand?” “Nabibigla ka lang--” “Baby?” Naglaho na sa aking isip ang lahat ng sasabihin ko dahil sa pagsulpot ng isang matangkad na babae sa likod ni Khalil. Nanlaki ang mga mata ko sa nakitang ayos nito. The woman is only wearing a pair of red lingerie. Her blonde hair was hanging lose and slightly disheveled. Yumakap siya mula sa likuran ni Khalil at humalik pa sa pisngi nito. “Khalil? Ano’ng... ano’ng ibig sabihin nito?” Naramdaman ko ang panginginig ng aking kalamnan. Muli kong naikuyom ang nanlalamig kong mga kamay. “It is what you see, Nami.” Seryosong wika ni Khalil. Wala man lang bakas ng pagsisisi. “But I’m your girlfriend,” I exclaimed. “Paanong...” Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil sa labis na emosyong bumikig sa aking lalamunan. “You were my girlfriend,” Khalil emphasized his second word. “Is that her?” Tanong ng babaeng nakayakap kay Khalil. She even puckered her red lips to point at me. “I thought you broke up with her.” “I just did, baby.” Parang sinaksak ang puso ko nang gawaran ni Khalil ng halik sa labi ang babaeng kasama. The woman giggled and kissed him back. In front of me! Ang kapal ng mukha nila! Mga walang hiya! “No…” mahina kong sambit habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha ko. “Please stop.” Ngunit tila bingi na si Khalil sa pagsusumamo ko. He continued kissing the woman beside her as if he was hungry for her lips. Hindi pa siya nakuntento at binuhat pa ang babae patungo sa kaniyang kama. “Baby, she’s still there,” dinig kong saway ng ng babae. Sumulyap lang si Khalil sa direksyon ng kaniyang laptop at muling ibinalik ang pansin sa babae. “Don’t mind her. Come here.” Napatakip ako sa bibig ko nang pumaibabaw sa kaniya ang babae at hinalikan siya. Naupo si Khalil sa kama at saka lalong nilaliman ang halikan nila ng babae. “No, Khalil. Tumigil ka na, please.” I wanted to end the call but I’m too weak to even lift a finger. Patuloy sila sa paghahalikan hanggang sa hubarin na ni Khalil ang natitirang saplot ng kaniig niya. “Damn, you’re hot. I’m turned on, baby.” Hindi ko na kinaya ang nasasaksihan ko. Sa kabila ng panginginig ng kamay ko ay pinilit kong tapusin na ang tawag. Nahulog ang cellphone mula sa aking kamay dahil sa labis na panghihinang nararamdaman. I can feel my blood boiling. I wanted to slap him hard until his face bleeds. Gusto ko siyang murahin at saktan. I wanted him to feel the pain I am feeling right now! Ang kapal ng mukha niya para paasahin ako! My love for him was sincere but he just took it like a f*****g joke! Khalil Mendez, I will never forget what you did. I will never forgive you. I swear, I will get even. Darating ang araw na ikaw naman ang magmamakaawa sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
415.6K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.3K
bc

Tamed to Be Yours

read
384.9K
bc

The Ex-wife

read
210.5K
bc

Reckless Hearts

read
256.1K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
272.5K
bc

Be Mine Again

read
98.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook