bc

Just Tell Me You Love Me [TAGALOG] COMPLETED

book_age16+
1.6K
FOLLOW
4.4K
READ
billionaire
arranged marriage
twisted
sweet
campus
city
office/work place
small town
virgin
intersex
like
intro-logo
Blurb

Synopsis

Lumaki sa isang simple at masayang pamilya si Jasmine. Siya ang bunso sa tatlong magkakapatid. Kasalukuyang nag-aaral sa isang unibersidad sa kanilang bayan.

Para hindi maging pabigat sa kaniyang mga magulang naisipan niyang mag part time job bilang waitress sa isang sikat na restaurant sa isla na pagmamay ari ng isang Buenaventura.

Nagustuhan siya ng may ari ng kumpanya dahil humanga ito sa kanyang kasipagan at dedikasyon sa buhay kaya inalok niya itong magpanggap na fake wife ng apo na tinanggihan naman niya.

Ngunit sa kasamaang palad isang malagim na trahedya ang nangyari sa kanyang pamilya na siyang nagpabago sa ikot ng kanyang mundo. Masusubukan ang tatag ng dalaga at dignidad sa mga pagsubok.

At doon niya makikilala ang isang ruthless and cold hearted-man na si Charles Buenaventura.

chap-preview
Free preview
Prologue
Villareal family "A family that prays together, stays forever!" Simbolo ng masayang pamilya ang pamilyang Villareal. Nagkakaisa at kailanman ay hindi nagkaroon ng anumang alitan ang magkakapatid. Tuwing sabado naman ay abala ang mag anak sa pag ani ng mga pananim na gulay. Mayroon silang tanim ng iba't ibang klase ng gulay. Sila kasi ang nakuhang regular na supplier sa isang mercado ng bayan. Si Mang Jose at aleng Joyce ang mga magulang ni Jasmine. Si Jayson ang panganay na anak 22 taong gulang graduate ng seaman at kasalukuyang nagti-training para makasampa sa barko. Si jay-r ang pangalawang anak na lalake graduate ng kursong education naghihintay nalang ng resulta ng board exam para magkaroon ng license sa pagtuturo. Si jasmine, 19 taong gulang graduating ng kursong BS MANAGEMENT. Bunsong anak na babae. Araw ng sabado... "Oh...bunso kumusta naman ang pag aaral mo? tanong ng kuyang si Jayson." "Ayos lang po kuya ilang buwan nalang e gagraduate na din ako yey!."tugon niya sa kapatid. "Wow...galing naman ng prinsesa namin matatapos na rin sa wakas sa pag aaral." dugtong naman ng kuya Jay-r niya." "E...yung mga manliligaw mo pala ano sinagot mo na ba?" panunukso ng mga kapatid sa kanya. "Kuya naman alam niyo namang ayaw ko pa mag boyfriend saka na pag okay na ang lahat." "Asus kunwari ka pa e baka mamaya ayaw mo lang talagang umamin na mayroon ka ng boyfriend." "Mama ohhh si kuya inaasar na naman ako sumbong niya sa ina." "Naku...kayo talagang mga bata kayo e pare pareho lang naman kayo. "Nagtawanan naman silang magkakapatid." "Oh, bilisan niyo na diyan mga anak."si aleng joyce "Sige ma sitaw nalang ang di pa namin napipitas."si Jayson. "Nasaan ang papa niyo?" "Ah nandoon sa may pechayan at labanos banda ma."sagot ni Jay-r "Ma, mauna na akong umuwi ha biglang sumama ang pakiramdam ko e!"paalam ni jasmine sa ina. "Oh...bakit anong masakit sayo anak?"tanong ng ina. "Masakit yung puson ko baka parating na yung period ko." "Kung ganon ay sige mauna ka na sa bahay."wika ng ina. "Sige...mama alis na ako." "Sige mag ingat ka! Jasmine's pov Umuwi ako ng bahay dahil masama talaga ang pakiramdam ko. Naisip kong mag hot bath muna baka sakaling maibsan ang sakit!. Binuksan ko ang tv at nanood ng paborito kong koreanovela yung famous ngayon "Crash landing on you" ang ganda ng kuwento! Kinikilig tala ako pag nakikita ko si captain Ri. ㅋㅋㅋ Ito nalang ang naging libangan ko tuwing umuuwi ako sa barrio. Wala na kasi akong oras pag nasa isla na ako. Habang nanood ng tv tila hinila naman ako ng antok.Nakatulugan ko ang panonood ko ng koreanovela at pati sa aking panaginip ay naroon pa si Captain ri. Sa panaginip ko naman ako daw ang bidang babae at kasama ko si Captain Ri. Oppa, ang sweet mo talaga lalo na pag ngumiti ka nahuhulog ang puso ko! Nang bigla akong nakaramdam ng sakit! Ouch! unti unti kong dinilat ang mga mata ko at nakita ko ang mama kong pinagmasdan ako! "Ma-mama bakit mo naman ako sinampal?" Anak akala ko kasi binangungot ka!" Ha! ah ano ho e nakatulog po kasi ako ma di ko napansin na dumating na kayo." "Ikaw talagang bata ka ang hilig mo manood ng tv tapos makatulugan mo naman kaya tuloy yang pinapanood mo hanggang sa panaginip mo kinikilig ka pa!" "Hehehe...mama naman oh binuking pa ako!" Oh siya sige na akala ko ba ay masama ang pakiramdam mo?". A-opo kanina pero now okay na po ako!"palusot ko. "Sige maghanda na tayo ng makakain at siguradong pagod na pagod na ang papa at mga kuya mo!"utos niya sa akin. "Sige po ma." Tumayo ako sa sofa at sinundan si mama sa kusina." Nasira tuloy ang moment ko kung saan chance ko na sanang mayakap si Captain Ri. Narinig ko pa ang sigaw ni mama na sumunod na raw agad ako sa kusina. Pinatay ko ang tv saka pumuntang kusina. Maya maya lang ay dumating na ang papa at sila kuya. "Pa hugas na po kayong kamay at kakain na daw po tayo sabi ni mama." "Sige anak. "Bunso...anong nangyari sa pisngi mo bakit namula?"tanong ng kuya Jayson. "Ah- ano eh.". Biglang sumagot si mama. "Hay naku akala ko kasi e binangungit yang kapatid niyo kaya nataranta ako at nasampal ko siya para magising!"mabilis na paliwanag ni mama. "Hahaha bakit sino ba ang napanaginipan mo bunso?"sabay siko sa akin ni kuya. "Ha! wala naman kuya ah baka sa sobrang pagod lang!"deny ko. "Oh...siya sige na kumain na tayo para makapahinga na."awat sa amin ni papa. "Okay po papa." Pagkatapos naming kumain ay niligpit ko na ang mesa saka ito hinugasan. After maghugas ay pumasok na ako sa kwarto para asikasuhin naman ang mga dadalhin kong gamit pabalik sa boarding house ko. Sila papa at kuya naman ay bumalik sa kani kanilang trabaho. Naisip kong magpahinga ulit dahil tiyak na pagbalik ko sa isla hindi ko na magawang magpahinga ng maayos. Nasanay na rin ako sa ganitong set up ng pagiging working student. I know naman na lahat ng ito ay para sa aking future at siyempre para kahit paano ay hindi na ako maging pabigat sa aking pamilya. Hindi ko minsan ginamit ang pagiging bunso ko para lang maspoiled ako sa lahat ng bagay. Alam kong matatanda na ang mga magulang ko pero pilit pa rin nilang gingawa ang mga bagay na makapagpasaya sa kanila. Ako na yata ang pinakamasuwerteng anak dahil may pamilya akong mabait at mapagmahal. Ang wish ko ay makapagtapos na ako para naman mas marami pa kaming time para makapgbonding bago sumampa sa barko si Kuya. AUTHOR'S NOTE: Welcome po sa first book of mine. I hope you will also support me guys. More stories to upload soon. Expect grammar errors and typos. This is an unedited copy. Godbless you all. You can follow me on my Facebook page https://w**************m/ivy.bechayda

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.6K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
325.7K
bc

NINONG II

read
618.3K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
629.3K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook