bc

My Stranger Wife, Ninia

book_age16+
16.6K
FOLLOW
118.3K
READ
dare to love and hate
drama
twisted
bxg
small town
betrayal
virgin
teacher
sisters
passionate
like
intro-logo
Blurb

Nagpanggap si Ninia bilang asawa ni Alexis Quintana, ang asawa ng twin sister niya na si Nancy. Dahil likas ang kabutihang loob, ginawa niya ang pagpapanggap para isalba ang kasal ng mahal na mahal na kakambal nang iwan nito ang asawa at sumama sa ibang lalaki. May pag-asa kayang maayos ni Ninia ang relasyon ng dalawa kung siya ang araw araw pinarurusahan ni Alexis para sa kaparusahang dapat ay sa kakambal niya?

Paano kung hilingin ni Alexis na sumiping sa kanya? Kaya pa rin kayang isakripisyo ni Ninia ang dangal para sa pagmamahal sa kapatid? At paano kung pagkatapos ng lahat ng sakripisyo niya ay biglang bumalik si Nancy kung kailan ramdam na niya ang pag-amo ni Alexis?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NANCY "Alexis, please? Magpapaliwanag ako," luhaang sabi ni Nancy habang nakasunod at halos kaladkarin ng asawa papasok sa loob ng mansyon.  "This is the end of your dam*n game, Nancy! Ngayon ay ibibigay ko ang kalayaan mo. Gusto mong sumama sa lalaking 'yon?! Then be it for all I care!" Nanggagalaiti sa galit si Alexis. Ang mga ugat nito sa leeg at ulo ay tila maglalabasan sa tindi ng gigil. "Ano na naman ba ang problema ninyong mag-asawa, hijo?" humahangos na sumulpot ang mag-asawang Villarubin dahil sa gulong likha ng sigaw nito. Pinaglilipat-lipat ang mga tingin sa kanilang dalawa.  Napahilamos ito sa mukha bago sumagot, "Tanungin ninyo ang magaling na babaeng 'yan! Naka-check in sa motel kasama ang kabit niya, Mama!"  "Is this true, Nancy?" malumanay na tanong ng ginang na napabaling sa kanya. Hindi siya nakasagot. Ang ulo niya ay tila napako sa sahig pero muling umangat nang marinig ang malalaki at malalakas na hakbang ng asawa papanhik sa hagdan. Saglit lamang ay nakarating ito sa itaas at pagbabang muli ay bitbit ang talaksan ng mga damit niyang binaklas nito sa closet.  "Here! Go to hell! Sumama ka sa lalaki mo!!" Inihagis nito ang mga damit at maleta niya sa sahig, saka nagtatagis ang bagang na bumalik sa itaas.  HILAM MAN sa luha kanina dahil sa pagkapahiya. Taas noong nilisan ni Nancy ang bahay na iyon. Ito na ang hinihintay niyang pagkakataon, ang sumama kay Vaughn. Mula sa bahay ng asawa ay nagpahatid siya sa apartment ng kalaguyo. Masaya siya. Masayang-masaya na sa wakas ay nakalaya na siya sa asawa. "I'm glad na magkakasama na tayo, Babe," tinig ni Vaughn nang salubungin siya sa gate. Inakbayan siya nito at iginiya papasok sa loob.  "Me too. Dahil hindi na ako pwedeng umuwi kay Alexis. Galit na galit siya sa akin, sa atin." NINIA "WHAT?! you are so impossible, Nancy!" bulalas ni Ninia sa sinabi ng kapatid. Mula sa pag-mi-mix ng kape sa kanyang cafe ay natilihan siya. Nangunot ang noo niya at nabitiwan ang hawak.  "Makinig ka muna, Ninia. Pinalayas ako ni Alexis, e. Now, gusto ng parents niya na bumalik ako roon para ayusin ang relasyon namin. Pero ayoko na talaga, Ninia." Bakas sa tinig nito sa kabilang linya ang pagka-desperada.  "Pero hindi ko kayang gawin ang ipinagagawa mo this time, Nancy. Walang matinong tao ang gugustuhing magpanggap na asawa ng kakambal niya," sabi niyang hindi maiwasang mapailing. Sa isip ay napaka-imposible talaga ng kapatid.  "Please, Ninia? Makikipagbati ako sa Mommy at Daddy kung 'yan ang gusto mo. Pumayag ka na, please?" "Wait, ang sabi mo ay ayaw mo na 'di ba? So, bakit kailangan ko pang palitan ka sa buhay ng asawa mo?" naguguluhang tanong niya.  "Dahil ayokong ma-freeze ang mga accounts ko, Ninia. Isa pa, tinawagan ako ng Mama na umuwi na. Nakausap na raw nila si Alexis. Look, isang linggo na akong nakatira with Vaughn. At aaminin ko, I'm happy with him now. Please, pumayag ka na. Gaya nang sinabi ko, makikipag-ayos ako sa Mommy at Daddy. Pumayag ka na, please?" Kahit mag-isa ay napaikot ng hindi oras ang eyeballs niya. Lumabas na rin ang totoo. Ayaw nitong putulin ni Alexis ang sustento rito dahil hindi nito kayang mabuhay ng walang luho sa katawan.  "S-sigurado ka ba?" aaminin niyang bigla siyang natigilan. Kung kanina ay desidido siyang hindi ito pagbigyan, ngayon ay nagtatalo ang puso at isip niya lalo't alam niyang matutuwa sigurado ang Mommy niya kapag nakipag-ayos dito si Nancy.  "Oo, I promise. Magkita tayo, ihahatid kita sa mansyon." WHEN Alexis moved closer, saglit na tumigil ang paghinga ni Ninia. Wala ng pagitan ang mga katawan nila. Hindi siya sigurado kung kaninong t***k ng puso ang naririnig niya pero marahil ay kanya. Hindi niya kasi alam kung nerbiyos o excitement ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay hihimatayin na siya sa mga susunod pang sandali.  Kaya niyang tanggapin ang pasulpot sulpot na panunumbat ni Alexis at pagpukol nito nang masasamang tingin sa kanya kahit pa madalas pakiramdam niya ay ika-tu-tunaw niya iyon. Pero ang ganitong sitwasyon ay hindi niya napaghandaan. Una sa lahat ay birhen siya. Birhen siya sa lahat ng bagay dahil hindi pa siya nagkaroon ng nobyo sa edad niyang beinte singko. Kaya hindi niya talaga alam kung bakit hindi niya naisip na posible ang bagay na ito nang pumayag siya sa gusto ng kakambal na mag-panggap na asawa ni Alexis Villarubin. "Alexis, wait," alanganin niyang sabi saka ito bahagyang itinulak nang tangkain nitong kalasin ang buhol ng roba niya.  "What's wrong with you, Nancy?!" bulyaw nito. Mabuti na lamang at napigilan niya ang sariling mapapitlag.  "A-ano kasi, Alexis…" wala siyang mahagilap na sasabihin. Ramdam niyang mas lalong lumakas ang t***k nang kanyang puso. Mabubuko na ba siya? O mas magandang umamin na lamang siya kay Alexis? Nag-a-agaw ang puso at isip niya sa dapat niyang gawin at ilang sandali siyang natahimik.  "What??" untag nito sa pananahimik niya.  "M-masama ang pakiramdam ko, Alexis," sa wakas ay nagawa niyang sabihin. Pinilit niyang bumangon at dali-daling lumayo rito para ayusin at pakalmahin ang sarili.  "For God's sake! Are you kidding me now, my dear wife?? Everytime ay nagka-kandarapa ka para lamang sa atensiyon ko! And now tumatanggi ka?? Bakit, ha? Dahil mas magaling mag-paligaya ang lalake mo? Come on, tell me!" Padaskol na rin itong umalis ng kama at hinarap siya. Halos panindigan na naman siya ng balahibo dahil sa taas ng boses nito bukod pa sa nanlilisik na nga mata.  "N-no. Hindi ganoon, Alexis. Masama talaga ang pakiramdam ko." Humigpit ang hawak niya sa buhol nang kanyang roba na tila ba maka-ku-kuha siya ng lakas doon. Nakita niyang inis na isinuklay nito ang mga daliri sa buhok at pumihit patungo sa may pinto habang ang mukha ay nananatiling madilim. "S-saan ka pupunta, Alexis?" nagawa niyang itanong bago ito tuluyang makalabas ng silid.  "Sa impiyerno!" sigaw nito bago pabalibag na isinara ang pinto. Noon naman nanlulumong napaupo sa gilid ng kama si Ninia. Ngayon pa lamang ay parang gusto na niyang mag-back out sa kasunduan nila ni Nancy. Tila hindi siya tatagal at mamamatay siya sa nerbiyos sa klase ng asawang mayroon ang kakambal. Batid niyang may dahilan ang lahat ng galit nito para kay Nancy na ngayon ay siya ang bumabata pero iba pala kapag narito na siya sa aktuwal na sitwasyon.  Napa-hugot siya ng malalim na paghinga. Mag-i-isang linggo na buhat nang maparito siya sa mansiyon ng mga Villarubin ngunit hindi pa rin siya sanay. At mukhang hindi siya masasanay. Dahil pagkatapos siyang palihim na ihatid dito ni Nancy ay hindi na niya ma-contact ang kakambal. Ayaw niyang isipin pero mukhang napasubo siya sa pagpayag na mag-panggap na Nancy. Hindi rin niya alam kung nakipag-ayos nga ba ito sa mga magulang nila gaya nang sinabi nitong magiging kapalit nang pagpayag niya. Ayaw naman niyang tumawag sa bahay nila at magtanong sa mga magulang dahil baka maka-halata lamang ang mga ito. Magtatayo sila ng cafe sa Bataan ng isang kaibigan---iyon ang sinabi niya sa mga magulang na dahilan kung bakit matagal-tagal siyang mawawala. Matapos mag-muni muni ay ipinasya niyang magbihis na at lumabas ng silid. Nagtungo siya sa kusina at doon ay dinatnan niyang naghahanda ng hapunan ang mga kasambahay habang nakabantay si Mrs. Villarubin. Nakita siya nito at dagli'y ngumiti ang ginang. Tama ang sinabi ni Nancy. Mabait ang mga biyenan nito at walang ibang gusto kung hindi ang maging maayos ang relasyon ni Alexis sa asawa.  "Kumusta, hija? Nasaan ang asawa mo? Sana'y isinabay mo na siya sa pagbaba mo," magiliw nitong sabi habang itinitiklop ang tila recipe book na tangan.  "U-umalis ho si Alex, Mama," alanganin niyang sabi. Pihadong magtatanong na naman kasi ito kung ano ang nangyari at biglang umalis si Alexis gayung malapit ng mag-hapunan. Nangunot ang noo nito na inakala niyang dahil sa pag-alis ni Alexis pero mali siya. Iba ang lumabas sa bibig ng ginang.  "Kailan mo pa tinawag na Alex ang asawa mo, hija?"  "H-ho? N-nito lang ho, Ma. Naisip ko lang for a change," nagawa niyang sabihin kahit ang totoo'y muntik na siyang mag-walk out sa sobrang kaba.  "Okay. Nag-away na naman ba kayo, hija?" puno ng kuryosidad ang tono nito at saka siya iginiya palabas ng komedor at dinala sa sala. Nang mapatapat sila sa leatherette sofa ay kumapit ito sa isang braso niya para sabay silang maupo.  "H-hindi naman ho. Kaya lang kasi'y naglalambing si Alex, Mama. Hindi ko napagbigyan." Hindi niya maintindihan pero animo natural na natural ang pag-su-sumbong niya sa ginang.  "Ala mo, hija, tayong mga babae ang may hawak kung paano lalong mahuhulog sa atin ang ating mga esposo. Just give in to his wishes. Nasa atin ang formula ika nga." Isang pilit na ngiti ang isinagot niya sa matandang Villarubin. "Tatandaan ko ho iyan, Mama."  NANG GABING iyon ay hindi nila kasabay sa hapunan si Alexis. Nakahiga na siya ngunit ito ay hindi pa rin bumabalik. Mukhang nagalit talaga ito pero mas nanaisin na niya iyon. Naisip niyang mas mabuti pa nga siguro iyon dahil kahit paano ay maka-i-iwas muna siya rito. Ihahanda muna niyang ganap ang sarili at kung posible ay uurong na siya sa kasunduan nilang ito ni Nancy. Kailangang magkausap sila ng kakambal. Sasabihin na niya ritong hindi niya kayang pangatawanan ang kanilang plano. Gusto niyang magka-ayos ang mga magulang at kapatid pero dapat yata ay hindi niya isinugal ang sarili. Sigurado rin siya na ngayon ay madaragdagan na naman lalo ang galit ng mga magulang kay Nancy dahil sa ginawa nila pero wala na siyang magagawa.  Mag-u-umaga na halos nang sa wakas ay narinig niyang dumating na ang kotse ni Alexis. Nagtulog-tulugan siya at inihanda ang sarili sa pagpask nito sa silid pero bigo siya. Walang Alexis ang pumasok sa kwarto nang gabing iyon. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

His Property

read
945.9K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.5K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.6K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.0K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook