bc

Universidad De Primos

book_age16+
252
FOLLOW
1K
READ
adventure
kickass heroine
queen
bxg
kicking
non-hunman lead
magical world
supernatural
like
intro-logo
Blurb

Astrid Xenia an unknown woman who came from a dangerous and evil forest who happens to be humanity's only hope to survive.

Will they see her worth as their hope? Or will they still doubt her existence and pretend that they can survive without her help?

You?

Yes you- are you ready to face the demons you feared in your dreams or in your own system?

Love can be their only hope

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
❌⭕️❌⭕️ This book is a work of fiction. The character, scenes, dialogues, places are purely a product of the beautiful author's imagination. Any similarities seen to any person living or dead, places or other novels are purely a coincidence. The beautiful author of this book extremely prohibits you (the reader) to copy any part of this book. A copied part - even if it's just a sentence or paragraph without the beautiful author's knowledge can be called as plagiarism. If you have any concerns regarding the book or the series itself. Please directly message the beautiful author and ask directly. She also encourages you to vote and comment to know how satisfied or moved you are with the story. ❌⭕️❌⭕️ Nagkakasiyahan lahat ng tao sa loob ng syudad ng Venctus, ang syudad na ito na siguro ang pinakamalaki sa buong lupain ng Thundra. Ang syudad na ito ang itinuturing na sentro ng lahat ng bagay, lalong lalo na ng kalakalan at pakikipaglaban sa pamamagitan ng paligsahan. Ang Thundra ay nahahati pa sa limang na syudad. Una ang syudad ng Inferno, ang syudad na ito ay literal na napalilibutan ng apoy dahil sila ang tagapangalaga nito. Ang mga taong naninirahan sa syudad na ito ay mayroong tatlong klasipikasyon. Una ang mga taong may kakayahang gamitin ang pulang apoy, ang pinaka ordinaryo sa lahat ng apoy. Pangalawa ang mga taong may kakayahang gamitin ang asul na apoy na tinaguriang pinaka sagrado sa lahat at tanging mga piniling tao lamang ang may kakayahang makaganit at ang panghuli ay ang itim na apoy na bilang na tao sa Inferno, kadalasan na mayroon ng ganitong apoy ay ang mga masasamang nilalang o Demonyo Ang pangalawang syudad sa loob ng Thundra ay ang Aerial, ang syudad na ito ay matatagpuan sa pinaka mataas na bahagi ng Thundra na kung saan napakalakas ng hangin. Sila ang nagsisilbing bantay ng bawat tao sa Thundra lalong lalo na kapag may papalapit na bagyo. Sila ay may kakayahang gamitin ang hangin bilang sandata Ang pangatlo ay ang Terrestrial, ang syudad naman na ito ay ang pinakamalapit sa syudad ng Venctus dahil sila ang nagbabantay sa buong syudad nito. Ang mga tao sa syudad ng Terrestrial ay mga taong may kakayahang gamitin ang lupa base sa kanilang kagustuhan. Ngunit hindi lamang sila naka tira sa kanilang syudad. Mayroon kasing lima hanggang sampung Terrestrial sa kada syudad sila din kasi ang taga-gawa ng mga pader kung sakaling may sakuna. Malapit sa kagubatan matatagpuan ang kanilang syudad. Ang pang-apat ay ang syudad ng Aqua na kung saan kaya nilang kontrolin lahat ng may kinalaman sa tubig. Sila nagiging dahilan kung bakit nagiging maayos ang daloy ng tubig sa bawat lugar. Responsibilidad ng mga tao dito lalong lalo na ng pinuno na bantayan lahat ng bagay na may kinalaman sa tubig lalong lalo na ang ulan. Malapit naman sa tubig ang syudad ng mga taga aqua Panglima at ang panghuli ay ang syudad ng Aizen ang syudad na ito ay pinangalanan sa kanilang hari na si Lord Aizen the first dahil ito ang nagturo sakanila kung papaano gamitin ang nagyeyelo nilang kapanyarihan. At ang kaharian naman nila ay matatagpuan sa norteng bahagi ng buong Thundra, kung saan nagyeyelo lahat lalong lalo na ang mga puno at ang kaharian. Masayang namumuhay ang lahat ng tao sa bawat syudad hanggang sa isang araw. Pagkababa na pagkabababa ng araw at pag kagat ng dilim ay bigla nalamang nagsilabasan ang iba't ibang klase ng demonyo. Mga demonyong kumakain ng tao at gumagamit din ng sarili nilang mahika. Nagkagulo ang mga tao sa iba't ibang syudad at marami nadin ang namatay dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Ngunit subalit ng sigalot at sinikap ng lahat ng mga taga Terrestrial ang makagawa ng iba't ibang pader sa kada syudad upang hindi na makapasok ang mga demonyo Lumipas ang tatlong taon ay mas dumami ang mga demonyong naghahasik ng lagim, ginawa nilang tirahan ang sagradong kagubatan sa kanluran ng Venctus at tinawag ito ng mga tao na Hollow Forest. Sa umaga'y sila'y nagtatago ngunit sa gabi, sila'y naghahanap ng butas na pwede nilang sirain upang makakain ng sariwang tao Sa lalong pagdami ng mga demonyo ay nakapag desisyon ang mga Prime, kilala sa tawag na Hari at Reyna na maghanap ng mga taong mag babantay sa bawat pader. Bawat syudad ay pinulong ang bawat tao na tumungtong palang sa edad na 18. At ang bawat tao na ito ay bibigyan ng sandatang may kakayahan pumaslang sa mga demonyo. Ginawa nilang patakaran ito at dahil dito hindi din naging ligtas ang kani-kanilang mga anak. Kaya nakapag desisyon din sila na magtayo ng isang paaralan kung saan tuturuan nila ang bawat tao lalong lalo na ang mga Prime, na tinaguriang mga dugong bughaw lumaban at pumatay ng demonyo. At sa bawat pagsapit ng kadiliman ay ang pag labas nila sa kani-kanilang lugar upang bantayan ang pader at babalik sila sa loob tuwing papasikat na ang araw. Tumagal ang ganoong routine ng ilang dekada, at hindi makakaila na marami din ang namatay sa bawat gabing sila'y nakikipagsapalaran upang maprotektahan ang pader. At ngayon, halos apat na dekada na ang lumipas at wala pading nagbabago, maliban sa lalong dumarami ang mga nagbubuwis ng kanilang buhay. Ngunit may malaking pagbabago ang magaganap at sa pagdating ng isang babaeng may kakaibang mga mata at buhok ay tuluyan ngang magbabago ang kanilang kapalaran. * Primo Inferno "Kinakabahan ako sa anak natin Lucas" - malungkot na saad ng aking asawa na si Alicia. Ika 18 kaarawan na ng panganay na anak namin bukas na si Phoenix. At bukas din ang oras kung saan siya pupunta ng Venctus upang mag ensayo upang masimulan niya na ang papro-protekta sa Thundra laban sa mga demonyo "Alicia, mahal ko. Wag ka mag-alala, malakas ang ating anak." - I reassured her. Sinisigurado kong walang mangyayaring masama sa anak namin. Uuwi siya ng buhay at tatapusin niya ang mga demonyo. My son is strong I know he will survive. Primo Aerial "Dad, natatakot ako.. papano kung sa unang gabi ko mamatay agad ako?" - my daughter said which made me flinch. "No! You will not die Feliz! You will come back here alive!" - I exclaimed and I saw how a sad smile crept into her face. Hindi... hindi ako makakapayag na may mangyari sa anak ko. Primo Aqua "Ready son?" - I asked my son who is about to turn 18 tomorrow. He is about to go to a battle field and I believe he is ready. Pinaghandaan namin ang araw na ito "Yes father. I will f*****g kill those demons who killed my mother" - he replied which made me sadly smile. He will avenge my wife, his mother. And I hope and pray that nothing bad will happen to him in the hollow forest Primo Terrestrial "I am ready mom" - my daughter said with a smile on her face, but I definitely know that her smile is fake. Sino nga naman ba ang matutuwa kung sasabak ka sa pakikipaglaban sa mga demonyo kapag 18 ka na? And that only thing to get out of that place is when they are about to step in the throne. "Magi-ingat ka anak. May the Earth Gods guide you" - tanging sagot ko nalang sakanya kasabay ng pagyakap ko sakanya ng mahigpit. I wish and pray for my daughter's safety in the battlefield Primo Aizen "Aizen the third nasaan ka na ba??" - I yelled as loud as I can na kulang nalang ay maistorbo ko ang mga tao dito sa kaharian "Darling nakita mo ba si Third?" - tanong ko sa asawa ko, ngunit ginawaran niya ako ng isang ngiti saka sinabing "Nauna na siya sweetheart, hehe ang tagal mo daw kasi eh" - she replied dahilan para malaglag ang panga ko. Damn what an impatient man! * Sa kabilang banda ay mayroong isang babae na nakaupo sa itaas ng puno sa gitna ng hollow forest. Wala siyang anumang sandata ngunit kapansin pansin ang kanyang malamig na tingin sa bawat demonyo na nasa paligid. "Tss worthless demons" - she coldly whispered as she saw a giant serpent attacking a man with a sword. Natumba ang lalaki at akmang sasakmalin na ng ahas ang lalaki ng bigla nalamang itong sumiklab dahilan upang unti-unting masunong ito. "Run boy. Run" - she mindlinked the man who is obviously still on state of shock at ng marinig ng lalaki ang kanyang boses ay dali dali itong tumayo sa pagkakadapa at tumakbo ng mabilis papunta sa dulo ng Hollow Forest kung saan andoon ang pader na kanilang binabantayan. Bumaba siya sa puno at dahan dahan siyang naglakad papalapit sa ahas. "I already warned you.. Don't ever let me see how you kill and devour my kind or else you'll gonna die tonight" - pagkakausap niya sa ahas and before the snake could even protest ay lalong lumakas ang pagliyab nito dahilan para tuluyan na itong maging abo. The lady slowly closed her golden eyes and as if on cue a red magic circle appear beneath her. "I am the fire that will burn you slowly, the fire that will bring you in deep despair. Do not fret for this fire is your friend,for a dragon onced bowed to serve the princess hidden in the castle. Come to me fire of the gifted; come to me and devour the enemies that lurks in the darkness" - as she whispered those words the red magic circle slowly turned into bluish red, like those you see in burners. And slowly bluish red fire started to come out from it. Unti unti itong dumikit sa katawan ng babae ngunit hindi siya nasasaktan instead she felt a comforting embrace. "Come forth Igneous and devour them in your thousand wolf form" - she whispered once again and as if on cue ay biglang lumabas ang libo-libong lobo mula sa bluish red na magic circle. The wolves' color is bluish red as well and their eyes are golden, same as the woman's eyes. "Go" - she said and in just a blink of an eye ay nawala na ang lobo sa kanyang panigin ngunit kahit hindi niya na nakikita ang mga ito ay alam niya at nararamdaman niya kung anong ang gagawin ng mga ito. The wolves are deeply connected with her body and senses. "Tulong!!!!" Biglang napatingin ang babae sa daan kung saan nanggaling ang sigaw. Dali dali siyang tumakbo papalapit sa lugar na iyon at ng makarating na siya ay nakita niya ang isang babae na nakahandusay sa lupa at gumagapang. She also saw a demon dragon rider not far from the girl. Pinagmasdan niya ang katawan ng babae at nakita niyang may marka na ito sa binti. "So she was marked by an asshole kaya siya hinahabol" "TULONG!! TULUNGAN NIYO AKO!!" - the woman exclaimed and as if on cue ay biglang lumabas ang parang mga galamay mula sa katawan ng demonyo. Ngunit bago pa man ito pumulupot sa binti ng babae ay agad siyang tumakbo papalapit at pinutol ang mga galamay na nito, which made the demon scream. "Flare" - she whispered habang nakatutok ang kanyang kamay sa binti ng babaeng nakahandusay sa sahig. Biglang umapoy ang binti nito, apoy na kulay itim. Hindi ito nagdala ng sakit sa babae at dahil sa apoy ay unti-unting nawala ang marka sa binti nito. "You!!" - the demon screamed at kitang kita niya ang ang paglabas ng pangit na itsura nito mula sa pagkakatago sa kapa nito. Mayroon itong mukhang lobo na may pulang mga mata at katawan na mayroong mga galamay. Ang katawan din nito ay mayroong napakalaking bibig na mayroong matatalas na ngipin. Nagsimula nading magwala ang itim na dragon na mayroong katawan na kita na ang ilang mga buto. The dragon is only one of the hundreds of dragon bitten here in the Hollow Forest and turned into demon dragons. "Yeah it's me and you're about to disappear" - she hissed inangat niya ang kanyang kamay at tinutok ito sa demon rider. Akmang lilipad ang dragon upang makaiwas sa atakeng gagawin niya ng may lumitaw na kulay berdeng magic circle sa ilalim ng demon rider at siyang paglitaw ng iba't ibang baging na naging dahilan ipang hindi ito makalipad. "Rawrrrr!" - hiyaw ng dragon dahil sa sakit na dulot ng mga baging. Ang baging kasi na nakapulupot dito ay mayroong lason na sa demonyo lamang tumatalab Humaba ang galamay ng demonyo at akmang lalapit ito sakanya ng bigla din itong huminto sa ere. "I call forth the power that is hidden within, no commoner can weild thy power for it was only bestowed upon the choosen one. Thy power will remove darkness, thy power will burn evil." - she chanted and slowly a blinding light came from her hand "I call forth the power of Sol" - and when she said that the light from her hand attacked the demon infront of her. Pumalibot ang liwanag sa demonyo at sa bawat pagdikit ng liwanag sa balat nito ay hatid nito ang labis na pagkasunog at sakit. "GRRAWRR!" -hiyaw ng dragon at nantili lamang siya doon. Pinapanood ang pagkasunog ng dalawang demonyo "Magbabayad ka babae! Magbabayad ka!" - hiyaw ng demonyo dahilan para mapangisi nalang siya. "Sure hihintayin ko yan" - she said with confidence at sinara niya ang kanyang kanang kamay na nakatutok dito, kasabay ng pagsara ng kanyang kamay ay ang tuluyang pagiging abo ng dalawang nilalang. Bumaling siya sa babaeng iniligtas niya at kitang kita niya ang pagkabigla sa mukha nito " Be careful Miss. I may not be here to save you next time you'll be in trouble." - she said at tinalikuran niya na ito tska siya nagsimulang maglakad papalayo sa taong niligtas niya. Today is her birthday, her 18th birthday to be exact. At bukas na bukas papasok siya sa isang paaralan upang magensayo... kung kailangan pa nga niyang magensayo. Sana lang sa pagbabalik niya sa lugar nito ay nandito padin ang babaeng iniligtas niya pero mukhang malabo din iyong mangyari. Sa pagkawala niya ng ilang araw sa lugar na ito siguradong marami nanaman ang mawawala. "f**k" - malutong na mura niya kasabay ng pagyukom niya ng kanyang kamay. Kung pwe-pwede lang na di siya umalis ay hindi talaga siya aalis. But she needs to. Iyon lamang ang paraan para matigil na ang kademonyohan ng mga demonyo at gagawin niya ang lahat para lang mailigtas ang mga susunod na henerasyon sa kalbaryo nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
341.8K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.4K
bc

YOU'RE MINE

read
893.1K
bc

The Professor's Wife

read
449.1K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.1K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.6K
bc

Marrying My Fiancee

read
460.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook