bc

The Casanova's Nightmare (Dangerous Man Series)

book_age16+
6.3K
FOLLOW
50.3K
READ
arrogant
CEO
boss
drama
tragedy
twisted
bxb
5 Seconds of Summer
betrayal
like
intro-logo
Blurb

Sa edad na labing-anim, isang malaking responsibilidad na ang pinapasan ni Devin. At ito ay ang alagaan ang kanyang dalawang pamangkin, mga anak ng kanyang yumaong kakambal.

His sister died because of complications. Hindi kinaya nito ang pagluwal sa dalawang bata.

Namatay din ang kanyang ina dahil sa sakit na breast cancer. Naging katuwang niya sa pag-aalaga ang kanyang tita subalit namatay din ito dahil din sa isang malubhang sakit.

Lahat ng taong minamahal niya ay iniwan siya. Ang daddy niya, ang mommy niya, ang kapatid niya at ang tita niya. Isang tao lang ang kanyang sinisi sa lahat ng nangyayari sa kanya na halos ikinasuko na niya.

Pero naging malakas siya dahil sa kanyang mga pamangkin. Mahal na mahal niya ang mga ito at itinuring na tunay na mga anak. Nagpakakatatay siya. Pinilit na hinarap ang lahat ng pagsubok sa buhay.

Sa paglipas ng mga taon, naging maayos ang buhay niya kasama ang dalawa niyang kayamanan.

Pero paano kung bumalik ang bangungot ng nakaraan?

Haharapin ba niya ito at itutuloy ang pangakong ipaghihiganti ang lahat ng kasamaan na idinulot nito sa kanya?

O hahayaan na lamang niya ang bangungot na ito at gigising na lang sa mula sa isang magandang panaginip?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Sabihin mo na kasi kung sino. Kainis naman o!" Nakasimangot kong wika sa kakambal kong si Devon. Ayaw niya kasing sabihin sa 'kin kung sino ang crush niya. "Nahihiya nga ako sabi e!" Giit niya sabay iwas ng tingin. Ayaw nga talaga niyang sabihin. "Sige na Sis, sabihin mo na. Nobody will know. Promise." Pamimilit ko pa rin. Pinagkrus ko pa ang mga daliri ko. "Stop it Vin! Huwag mo ng kilalanin. It's just a crush. Nothing interesting in that." Pinandilatan niya ako ng mata. Talagang ayaw nga niyang sabihin. "Duh! Kaya nga ako nagtatanong kasi interesting 'di ba? So tell me na, please." Pinagsaklop ko pa ang kamay. I'm dying to know who's the guy. Baka 'yong lalaking pinakaayaw ko ang crush niya. Naku, maghahalo talaga ang balat sa tinalupan. "Ang kulit mo naman e! Hindi ko nga sasabihin. Atsaka bumalik ka na nga dun sa upuan mo. Malapit ng dumating si Ma'am." Hindi pa rin ako tumigil. Kinulit ko siya ng kinulit. Sinabi ko pa na baka si Dino ang crush niya kasi ayaw niyang ipaalam. She hate Dino so much. Kalauna'y napabuntong-hininga siya bilang pagsuko. Napangisi ako. Pero bago pa man makapagsalita si Devon naagaw na ang atensyon namin nang magkaroon ng komosyon sa labas ng classroom. Nang makita ko ang pagdaan ng mga matatangkad na lalake, agad kong nahulaan kung bakit parang sinisiliban ang singit ng mga babaeng kaklase namin. I just rolled my eyes at muling ibinalik ang tingin sa kapatid ko na ngayon ay nakatingin din sa labas na namumula ang pisngi. Mabilis na kumunot ang noo ko at pagkuway nanlaki ang mga mata, "don't tell me..." Hindi ko tuloy napigilan ang kutusin siya. Gosh! Napabilang na pala siya sa mga tangang babaeng naghahabol kay Kingsley. Ang tinaguriang casanova ng paaralang ito. Siya ang pinapantasya ng mga babae. Halos lahat ay may gusto sa kanya. He would not be called a certified casanova if he don't have the looks and s*x appeal. Plus the fact na mayaman ang kanyang angkan. Kaya todo effort ang mga babae at pati na ang mga bakla para magpapansin sa kanya. But not me. I'd never liked him. Yeah, I do appreciate his physical appearance but it will remain there. Nothing more. And I hate him for being a heart breaker. Na akala mo ay laro lang sa kanya ang pag-ibig. Kaya habang maaga pa, pipigilan ko na ang kapatid ko. She's sweet and smart. Hindi siya pwedeng mapunta sa lalaking katulad lang ni Kingsley na walang balls. Balita-balita pa naman ngayon na si Devon na ang next target ng damuho. Ayaw ko pa sanang maniwala dahil hindi si Devon ang babaeng magugustuhan ni Kingsley. She's a bit of a nerd and a dork. Pero siyempre, kinabahan pa rin ako dahil alam kong kayangagtransform ni Devon sa isang dyosa kapag naayusam at nabihisan siya ng maayos. Blessing in disguise na rin ang pagiging baduy niya. Mabuti na lang at hanggang sa mag-third year kami ni Devon ay hindi siya pinormahan ni Kingsley. Siguro nakatulong ang parating pagdikit ko sa kanya at sa mga paalaa ko. Wala ring katotohanan iyon mga narinig ko dati. Isang taon na lang din at gagraduate na si Kingsley kaya mawawala na rin siya sa landas namin ng kapatid ko. Maayos na sana ang lahat nang sumapit ang acquaintance party. Dahil na rin marahil sa pamimilit ng ibang tao, pumayag si Devon na magpaganda. Before, parang hangin lang siya kung dumaan sa hallway na hindi siya pinapansin ng mga lalake, ngayon, isa na siyang head turner. At naagaw niyon ang atensyon ni Kingsley. One day, nalaman ko na lang na magnobyo na silang dalawa. Malihim si Devon sa akin. Atsaka hindi ko napigilan si Kingsley dahil pursigido talaga ito. Wala rin akong nagawa. Hinintay ko na lang kung kailan sila maghihiwalay pero hindi ko inexpect na tumagal sila ng ilang buwan. At marami ang namangha sa pagbabago ni Kingsley. But everything changed after the JS Prom. That night sila pa ang tinanghal na Queen at King. Nalaman ko na lang na hiwalay na sila kinabukasan. Wala akong alam sa nangyari. Hindi ko alam ang dahilan ng paghihiwalay nila. Hindi nagsasalita sa akin si Devon. Sinubukan kong kausapin si Kingsley pero sinabi niya lang na hindi na raw niya mahal ang kapatid ko. Nagalit ako siyempre pero hanggang doon na lang iyon. Kapatid lang ako. Dahil sa nangyari, nagbago ng malaki ang ugali ni Devon. Hindi na namin siya makausap ng matino at hindi na rin siya gaanong pumapasok ng school. Parati na lang siyang nagkukulong sa kwarto. Nag-alala kami ni Mommy sa kanya. Ayaw naman niyang magpatingin dahil kung susubukan namin siyang pilitin ay nagpapanggap siya ng maayos. Mabuti na lang at nang magsimula ang pasukan para sa huling taon namin sa hayskul, gumradweyt na si Kingsley. Akala namin magiging maayos na ang lahat pero hindi pala. Lumala ang depresyon ni Devon. Nagkakasakit na rin siya. Sapilitan na namin siyang dinala sa ospital para suriin at nagulantang kaming lahat sa nalaman. "Under depression ang pasyente. Ang madalas na pagkakasakit at pagkahilo niya ay resulta ng pagdadalang-tao niya." Paliwanag ng Doktor. Nag-iyakan lang kaming tatlo sa ospital. We never expected na mangyayari ang lahat ng to. "He will know this. Kailangan nating sabihin sa kanya ang kabalbalang ginawa niya sayo!" Galit na saad ko pagkatapos umiyak. Walang pwedeng gumawa nito sa kanya kung 'di ang lalaking 'yon lamang. "No Vin, don't tell him. Please." Pigil ni Devon sa akin. "Bakit hindi natin sasabihin? Kailagan niyang pagbayaran ang ginawa niya!" "Please Vin. Don't..." Hindi ko alam kung paano ako nakumbinsi ni Devon upang pumayag sa gusto niyang mangyari. Inisip ko na lang din na wala ring patutunguhan kung ipapaalam ko sa lalaking 'yon dahil kitang-kita naman na hindi pa ito handa sa responsibilidad. Besides, sa pagkakaalam ko, wala na ito sa Pilipinas. Pero sumubok pa rin ako, kakausapin ko sana ang parents nito pero ibang tao ang nakaharap ko. Sekretarya ng ina ni Kinglsey. Hectic raw ang schedules ng mga ito at hindi pwedeng makipag-usap sa kung sinu-sino lang. "Marami ng ganyan ang naging rason. Pero sa huli, hindi naman kay Sir Kingsley ang ama. Magkano ba ang kailangan mo para tigilan mo na si Sir?" Sa dinami-dami ng sinabi ko sa babae, ito lang ang naging sagot niya. I even cried a lot. Tila wala itong pakialam at sanay na sa mga ganoong klaseng pag-uusap. Kalauna'y naglabas ito ng cheque receipt at nagsulat doon. Pagkatapos ay inabot ito sa 'kin. Tinanggap ko ito pero galit na pinunit ko ito sa harap ng babae. "Sa tingin niyo ba nagsisinungaling lang ako? Hindi kami naghahabol sa pera niyo! Ang gusto ko lang, malaman ng mga magulang ng hinayupak na lalaking 'yon ang ginawa niya sa kapatid ko!" Sigaw ko. Pero hindi man lang natinag ang babae. So this is it. Wala nga talagang kwenta itong pagpunta ko rito. Nagsayang lang ako ng oras. Marahas na pinahid ko ang mga luha sa pisngi. "Don't worry hindi na ako babalik dito at hindi malalaman ng pamilya nila ang tungkol dito. Maraming salamat po sa oras." When I stepped out at the company, binuhos ko lahat ng emosyon. "Magbabayad ka Kingsley. Napakawalangya mo! My sister's child will be your biggest nightmare. Sinusumpa ko, pagbabayaran mo ang lahat ng 'to!" ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taz Ezra Westaria

read
106.8K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.1K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.4K
bc

NINONG III

read
362.7K
bc

OSCAR

read
226.1K
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
249.0K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook