bc

I Belong To You (Filipino)

book_age0+
10.9K
FOLLOW
123.9K
READ
goodgirl
drama
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Liezel tried everything in order to have a normal life and forget all the pains from the man she loved truly in the past – Kyle Reynon. He was her first love and her everything. Pero iniwanan siya nito right after they graduated in college. Mabuti na nga lang at naririyan ang pamilya at mga kaibigan niya na sumuporta sa kanya ng mga panahong iyon.

Subalit ang hindi niya inaasahan ay ang muling pagkakita dito matapos ang ilang taon. Bigla na lang itong nagpakita sa kanya na para bang wala itong ginawang kasalanan sa kanya noon. Ngunit iba na ang sitwasyon nila ngayon, inakala kasi nito na anak niya ang kasama niyang pamangkin noong muling magkita sila. Akala nito ay may sarili na siyang pamilya at nabubuhay ng maligaya.

Hindi niya na itinama ang akala nito dahil ayaw niya na ring muli na namang masaktan kapag hinayaan niya itong malaman ang totoo at muling makalapit sa kanya. It was better to remain friends with him and forget the past. Pero hindi niya maintindihan kung bakit puno ng sakit ang mga mata nito sa ipinapalabas niyang masayang buhay sa piling ng kunwaring sariling pamilya. Bakit pa ito masasaktan? Hindi ba at iniwanan na siya nito noon nang walang paalam dahil hindi na siya nito mahal?

chap-preview
Free preview
Episode 1
“Pao,” tawag ni Liezel sa tatlong-taong gulang na pamangkin na lalaki na nagtatakbo na patungo sa living room matapos niya itong bihisan. Si Pao Ballada ay anak ng kapatid niyang si Kuya Robb. Sa kanya na lumaki ang bata dahil malimit naman na nasa ibang bansa ang kapatid at ang asawa nito para sa trabaho. Beinte-dos anyos pa lang ang Kuya Robb niya nang magka-anak na ito at ang asawa nitong si Grace. Hindi inaasahan ang pagdating ni Pao sa buhay ng mga ito kaya hindi pa handa sa buhay pamilya. Napilitan rin lang na magpakasal ang mga ito dahil sa udyok ng mga magulang. Minsan ay naaawa na rin si Liezel sa pamangkin na si Pao dahil lumaki itong hindi gaanong kilala ang mga magulang. Nakikita lang kasi ng pamangkin ang mga magulang tuwing umuuwi ang mga ito sa bansa minsan lamang sa isang taon, tulad ngayon. Ngayong araw ay pansamantalang hihiramin ng Kuya Robb niya si Pao para ipasyal, kauuwi lang din kasi ng mga ito dahil may kailangang asikasuhin dito sa Pilipinas. Siguradong mami-miss niya na naman si Pao ng ilang araw. Napamahal na sa kanya ang bata at itinuring niya na rin itong parang tunay na anak. ‘Mama’ na nga ang tawag nito sa kanya at si Liezel na rin ang itinuturing nitong parang ina. Pero ayos lang naman kung pansamantalang hiramin si Pao ngayon dahil mayroon naman silang meet-up ng mga kaibigan at kasosyo niya sa coffee shop na Sweet Coffee Princesses na sina Megan, April at Raine. May mga aasikasuhin rin siyang mga trabaho naman sa isa pang business na pag-aari niya – ang Ballada Cosmetics. Siya mismo ang nagtayo at nagpalago ng business na iyon dahil ilang taon rin naman siyang nakasubsob lamang sa trabaho. Ang Papa Crisostomo ni Liezel ay isang retired businessman at ang Mama Kate niya naman ay dating professor sa mga universities. Natigil lamang ito nang magpakasal sa Papa niya. Ang Ballada Enterprise na pag-aari ng pamilya nila ay pinamumunuan na ngayon ng Kuya Robb niya, nasa Amerika ang main branch ng kompanya kaya doon ito naglalagi. Ang kompanyang iyon ay pamana pa ng Lolo Julio niya na namayapa na isang taon na ang nakararaan. Hindi siya masyadong close sa lolo niyang iyon dahil may pagka-istrikto ito kaya nalulungkot siya nang hindi man lang nagagawang ilapit pang lalo ang loob dito. Napatigil si Liezel sa pag-iisip nang makita ang muling pagpasok ni Pao sa loob ng kuwarto nito. Napangiti siya at napailing sa kakulitang taglay ng pamangkin. Lumapit ito sa kanya at may iniabot na kung ano. Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Liezel nang makita iyon. It was a small box. Pero hindi simpleng kahon lamang iyon. It was a ring box, nasa loob niyon ang singsing na ibinigay sa kanya noon ng lalaking minahal niya ng lubusan. Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang sariling umiyak. Hindi niya na dapat iniiyakan ang nakaraan. Kinuha niya kay Pao ang kahon. Saan ba ito nakuha ng batang ito? Akala niya ay naitapon niya na ito noon kasama ng ilang mga gamit na magpapaalala sa kanya ng nakaraan niyang pilit niya nang kinakalimutan. “B for box,” masiglang wika ni Pao at nagtatalon pa sa harapan niya. Pinagmasdan niya lang ang pamangkin at malungkot na bumuntong-hininga. Simula ng dumating si Pao sa buhay nila tatlong taon na ang nakararaan ay unti-unti nang nababawasan ang kalungkutang nasa puso ni Liezel dahil sa hapding pinagdaanan sa pag-ibig. Si Pao ang dahilan kung bakit nagagawa niya nang maging masaya at muling makihalubilo sa mga tao nang hindi palaging nauuwi sa pagkatulala. Ibinaling niya ang tingin sa hawak na ring box. Subalit bakit kung kailan nagagawa niya nang muling iayos ang sariling buhay at ibalik ang dating kasiyahan ay muling babalik ang mga bagay na magpapa-alala sa kanya sa lalaking iyon. Patuloy lamang si Liezel sa pagtitig sa hawak na ring box hanggang sa hindi niya namamalayan ang pag-agos ng alaala ng nakaraang pilit niya nang isinisiksik sa pinakadulong bahagi ng isipan… “Kyle, ano ba? Saan pa ba tayo pupunta? Malapit ng matapos ang lunch break natin,” natatawang wika ni Liezel sa nobyo niyang si Kyle Reynon. Nasa ikatlong taon na sila sa kolehiyo sa isang unibersidad na pinapasukan dito sa Manila. Mahigit dalawang taon niya ng ka-relasyon si Kyle. Pareho silang kumukuha ng kursong Business Administration. Noong magsimula si Liezel ng kolehiyo ay si Kyle na ang malimit niyang nakakasama sa mga gawain at activities sa klase nila. At hindi nagtagal ay nagsimula nang lumalim ang nararamdaman nila para sa isa’t isa at pumasok na nga sila sa isang relasyon. Being with Kyle was the best part of her college life, ang lalaki ang dahilan kung bakit araw-araw ay ganadong-ganado siya sa pagpasok. “Sandali lang ito,” malawak ang pagkakangiting sagot ni Kyle habang hila-hila pa rin siya. Tumigil ito sa tapat ng tree house na sadyang naka-disenyo sa university na pinapasukan nila. Wala na masyadong estudyante ang nasa lugar na iyon dahil araw iyon ng Sabado at malapit na ngang matapos ang lunch break kaya malamang ay nasa loob na ng classrooms ang mga ibang estudyante. Umakyat sila sa tree house na iyon at ilang sandaling pinagmasdan ang kalawakan ng university na pinapasukan. Liezel loved this university so much. Dito niya kasi nakilala ang ilan sa mga kaibigan at siyempre si Kyle. Napakaraming mga memories na ang nangyari sa lugar na ito. Napatigil si Liezel sa pagmamasid at napatingin sa nobyo nang humarap ito sa kanya. Matamis niya itong nginitian. “Ano na naman ba ang pakulong naisip mo ngayon, Kyle?” naiiling na tanong niya. “Kapag nalate tayo sa sunod na klase natin, ikaw talaga ang sisisihin ko.” He gave her that boyish grin that she loved. Bumuntong-hininga muna si Kyle bago nagsalita. “M-May gusto lang naman akong ibigay sa’yo,” tila nahihiya pa itong napakamot sa ulo. “It’s your birthday tomorrow pero alam kong hindi tayo makakapag-celebrate dahil araw ng Linggo at siguradong family day niyo. Paniguradong hindi ka rin naman palalabasin ng Lolo mo.” Napabuntong-hininga siya nang mahimigan ang kalungkutang bumahid sa tinig ng nobyo. Maging siya ay nalulungkot sa kaalamang hindi niya man lang makakasama ang nobyo sa kaarawan. Totoong hindi siya palalabasin ng Lolo Julio niya dahil may pagka-istrikto ito. Ang lolo pa rin naman niya ang nasusunod sa kanilang pamilya kaya wala siyang magagawa. Napatingin siya kay Kyle nang abutin nito ang isang kamay niya at hawakan iyon ng mahigpit. “Huwag ka ng malungkot. May regalo naman ako para sa’yo,” ngumiti pa ito. Pabirong inihampas ni Liezel ang isang kamay sa dibdib ng nobyo. “Hindi naman mahalaga kung may regalo ka o wala,” bumuntong-hininga siya. “Masaya na akong naalala mo ang kaarawan ko.” Bahagyang pinisil ni Kyle ang kamay niyang hawak nito. Ilang sandali lang ay may kinuha na ito sa bulsa ng black pants na suot. Binitawan nito ang kamay niya para lamang ipakita ang hawak na regalo para sa kanya. Napasinghap si Liezel nang makita ang ring box na hawak ng nobyo. Nahihiyang ngumiti si Kyle at binuksan sa harapan niya ang ring box. Nakita niya ang dalawang simpleng silver rings na nasa loob niyon. “P-Pasensiya ka na kung ganito lang ang nakayanan kong pag-ipunan, Zel,” wika ni Kyle. Tinitigan niya ang nobyo. Gusto niya itong pagalitan dahil nag-abala pa itong bumili ng ganoon para sa kanya. Alam niya na gipit sa pera ang pamilya ni Kyle, nagawa lang nitong makapag-aral sa pribadong unibersidad na ito dahil sa scholarship na nakuha. Pero sa kabila ng malaking agwat ng estado nila sa buhay ay hindi naging hadlang iyon sa relasyon nila. Mas lalo pa ngang lumalim ang paghanga ni Liezel sa nobyo nang malaman niyang ito na ang tumatayong bread winner para sa pamilya nito simula pa ng high school ang lalaki. Nagta-trabaho ito sa isang fast-food chain kasabay ng pag-aaral. Matagal nang namayapa ang ama ni Kyle at ang ina naman nito ay hindi na magawang makapag-trabaho dahil sa katandaan. May dalawa pa itong nakababatang kapatid na parehong nasa high school pa lang. Kahit gustong tulungan ni Liezel ang pamilya ng nobyo ay hindi naman ito pumapayag. Ayaw na ayaw ni Kyle na pag-usapan nila ang tungkol sa pera at inuunawa na lamang niya iyon. Napatingin siya sa kamay niya nang abutin iyon ni Kyle at isuot sa palasingsingan ang isa sa mga silver ring na binili nito. The ring fitted her finger well. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang singsing. “It’s beautiful,” she murmured. “Talaga?” tila nag-aalangan pang tanong ni Kyle. “Simple lang iyan at hindi rin ganoong kamahalan. Pasensiya ka na talaga kung—” Napatigil ito sa pagsasalita nang dampian niya ng mabilis na halik ang mga labi nito. Kitang-kita ni Liezel ang pagkislap ng mga mata ng nobyo sa ginawa. “I love it,” buong pusong wika niya. “Thank you.” Malawak na napangiti si Kyle, kitang-kita sa itim na mga mata ang hindi matatawarang kasiyahan. “Masaya ako na nagustuhan mo,” anito. Tumawa siya at inabot ang ring box na hawak pa rin nito. Kinuha niya doon ang isa pang singsing bago inabot ang kamay ng nobyo. Siya naman ang nagsuot ng singsing sa kaliwang palasingsingan nito. Pakiramdam niya ay ikinakasal na sila ng mga oras na iyon. “Anong naisipan mo at bumili ka ng couple ring?” nagbibirong tanong pa niya. Ilang sandaling hindi sumagot si Kyle. Nang muli niya itong tingnan ay nakita niyang nakatitig lamang ang lalaki sa kanya na para bang siya lang ang nag-iisang nakikita nito sa buong mundo. Her heart thudded wildly in her chest because of that stare. “I-It’s not a couple ring, sweetie,” mahinang bulong nito. “It’s an… an engagement ring.” Hindi nagawang itago ni Liezel ang matinding pagkagulat sa sinabi ng nobyo. Engagement ring? Lumapit ito sa kanya at marahang hinaplos ang mukha niya. “Alam kong mga bata pa tayo at hindi ko pa dapat inuungkat ang patungkol sa bagay na ito pero hindi ko mapigilan ang sarili ko,” nasa tinig ni Kyle ang purong kaseryosohan. “Mahal na mahal kita, Liezel. Simula pa noong unang araw ng pasukan at makita kitang nagpapakilala sa unahan, alam kong nahulog na agad ako sa’yo. Gustong-gusto kong palagi kitang kasama, katabi, kausap. At alam ko, dito sa puso ko,” inilipat nito ang kamay sa tapat ng puso nito. “Na ikaw lang ang babaeng nais kong makasama habang-buhay. I love you, Zel. Always remember that.” Hindi na nagawang pigilan ni Liezel ang pagdaloy ng mga luha sa mukha niya. Ramdam na ramdam niya ang kaseryosohan sa lahat ng sinabi ni Kyle, kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagmamahal. Humakbang siya palapit sa nobyo at niyakap ito ng mahigpit. “Mahal na mahal din kita, Kyle, alam mo iyon. At kung may lalaki man akong nanaising makasama hanggang sa pagtanda, ikaw iyon at wala ng iba,” isinubsob niya ang mukha sa leeg nito at nilanghap ang lalaking-lalaking amoy ng binata na matagal ng nakatatak sa puso at isipan. Mahigpit na ginantihan ni Kyle ang yakap niya. “Ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat para makapagtapos at paunlarin ang buhay ko. Gusto kong ibigay sa’yo ang lahat-lahat, Zel.” Bahagya siyang lumayo at pinakatitigan ang guwapo nitong mukha. “Wala na akong ibang nais kundi ang makasama ka lang, Kyle. All I want is for you to stay by my side, always. Can you promise me that?” may pagmamakaawa na sa tinig niya. Sinalubong nito ang titig niya. “Pangako na hindi kita iiwan at pababayaan, Zel,” malawak itong ngumiti. “Hindi ba may plano pa tayong magtayo ng sarili nating negosyo, ng sariling bahay at kung anu-ano pa?” Napatawa siya sa pagkaalala sa mga plano nilang dalawa noon pa. Tumango siya at muling isinubsob ang mukha sa leeg ng nobyo. Hindi niya magawang maipaliwanag ang nag-uumapaw na kasiyahan sa puso niya ng mga oras na iyon. She was very happy that she found this man in her life… Hindi na namamalayan ni Liezel na may tumulo na palang mga luha sa pisngi niya dahil mga alaalang iyon. Natauhan lamang siya nang maramdaman ang maliit na kamay ni Pao na tinutuyo ang mga luha niya. Napatitig siya sa malalaking mga mata ng pamangkin na nakatingin sa kanya. Inabot niya ang kamay nito at hinalikan iyon. Masaya namang nagtatalon si Pao at muling bumalik sa pagtakbo. Napailing na lang siya at napabuntong-hininga. Tiningnan niya ang hawak na silver ring. Kahit pilit niyang pinapamanhid ang sarili sa kalungkutan ay hindi niya pa rin magawa. Remembering the past still brought too much pain in her heart. You said you’ll never leave me, Kyle, bulong ng puso niya. You said you love me. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at pinigilan ang nagbabanta na namang mga luha sa mga mata. She believed that man but he lied. Hindi niya na dapat iniisip ang lalaking iyon. Dapat niya nang tuluyang kalimutan ang nakaraan. Dapat niya nang ibaon sa kasuluk-sulukang bahagi ng isipan ang lahat ng alaala kasama ang lalaking iyon. Tumayo na siya at tumungo sa sariling kuwarto na katabi lamang ng kuwarto ni Pao. Ipinasok niya sa loob ng drawer ng small cabinet na malapit sa kama ang hawak na ring box. Inilagay niya iyon sa pinakadulong bahagi, ganoon rin ang gagawin niya sa alaala ng lalaking iyon sa isipan niya. Pagkalabas ni Liezel ng kuwarto ay agad niyang hinanap si Pao. Siguradong maya-maya lang ay darating na ang Kuya Robb niya para kuhanin ang pamangkin. Dapat niya nang ayusin ang mga gamit na dadalhin nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

IN BETWEEN (SPG)

read
268.2K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.7K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.8K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.3K
bc

My Godfather My husband

read
269.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook