bc

Project One: Clarkson Hell Anderson

book_age18+
3.2K
FOLLOW
10.0K
READ
badboy
mafia
gangster
comedy
sweet
bxg
campus
enimies to lovers
school
like
intro-logo
Blurb

Hindi akalain ni Stacy Loreen Santiago na siya ay mahuhulog sa isang lalaking hindi lamang kaugali ang impyerno. Matapos mahulog ang puso ni Stacy kay Clarkson Hell Anderson ay parang chewing gum na ito kung makadikit sa lalaki, kahit hindi niya alintana ang kapamahakan na maaaring ibigay ng lalaki sa kaniya.

Ang lalaking si Hell ay myembro ng isa sa pinakakinakatakutang grupo sa paaralan. Siya ang leader ng KAZU na mistulang ang lahat ng myembro ay tila misteryoso, ngunit sa likod ng mga panganib na nangyari kay Stacy mula sa mga kalaban ni Hell ay bakit lahat iyon ay napatumba niya?

Sino nga ba si Stacy Loreen Santiago? Isa lamang ba talaga siyang taga hanga ni Clarkson Hell Anderson?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
I'm Stacy Levin Santiago. Levin na lang para 'di ka na mahirapan. Kasalukuyan akong naka-bike papuntang SHINUN at ngayon ay, "Putek! Mali-late na naman ako!" saka kinaliwa ang pagba-bike at tinahak ang short-cut papuntang school. Karipas akong nagpidal ng aking bike para lang makahabol ako sa first subject namin. Agad kong pinihit ang break sa biglaang pagtapon ng isang katawan ng babaeng naiyak at satingin ko ay taga SHINUN rin siya, dahil parehas kami ng uniform. Agad naman akong bumaba para puntahan siya. "Ano bata? 'di mo ba talaga sasabihin sa 'min ang kuta ng lalaking 'yon?" biglang labas ng lalaking nakaitim, ngunit 'di ko na siya natignan dahil agad akong pumunta sa babae at tinulungan siyang tumayo. "At sino ka namang babae ka? Baka gusto mo rin masaktan!" sambit ng lalaki. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko, ngunit ayoko nang may nakikitang babaeng nasasaktan. "Aba, matibay ka ah!" sigaw niya. Nagulat ako nang may biglang humila ng buhok ko at agad akong iniharap sa kanya. "Ahhh!" 'yun na lang ang nasabi ko sa sakit nang pagkasabunot niya sa akin. Bakla ba siya? Bakit siya nanabunot! "Sino ka naman ha?" madiing tanong niya sa tainga ko. "Masakit, ano ba!" pagmamatigas kong sagot, nakuha niya pa akong tanungin. Kung alam naman n'yang nahihirapan ako, dahil sa kanyang pagsabunot sa akin. Satingin niya ba ay makakasagot ako ng maayos? "'Wag mo takpan ng buhok mo ang mukha mo, para makilala kita. Pakialamera ka kasi ." dagdag niya at inihawi niya ang buhok kong nakatakip sa mukha, habang ang isang kamay naman niya ang nakasabunot pa rin sa akin. Paghawi na paghawi niya sa buhok ko ay nanlaki ang mga mata niya. Na kung saan ay agad niya akong binitawan. "Masakit ah!" hindi ko mapigilan ang pag-inda ko, kinuha ko ang oras na iyon para lumapit sa babae. Kita ko ang pagtulo ng kaniyang luha, paano nila nakuhang saktan ang isang babae na wala namang alam kung hindi ang umiyak lamang? "Oh! Boss, ano'ng nangyari?" isang boses ng lalaki at siguro ay mga kasama nga ito ng lalaking sumabunot sa'kin. "Boss?" isang tinig pa ng isang lalaki ang narinig ko. Nakatalikod pa rin ako sa kanila, habang inaalalayan ko ang babaeng walang tigil sa pag-iyak. Mukha 'bang may magagawa ang pag-iyak mo? Kung sana ay tumakbo ka na lang kanina nu'ng sinasabunutan ako, 'di sana ay ligtas ka na. Mabilis ko siyang inakay patungo sa bike ko. "Sino ka naman? Ano'ng ginawa mo kay Boss?" napahinto naman ako sa paglalakad. Unti-unti akong humarap sa kanila. Hindi para magmatigas, kung hindi para maki-usap na sana ay hayaan niya na kami. Pagkaharap na pagkaharap ko ay nanlaki din ang mga mata nila, tulad ng lalaking nauna kanina. Ano ba ang mayron sa'kin? Bakit ganiyan sila makatingin? "Pasensiya n- " 'di ko natapos ang sasabihin ko nang nagsalita ang lalaking nagtanong sa akin. "F-fury? Buhay ka?" tanong sa'kin ng lalaking malaki ang katawan, silang tatlo ay nagulat nang makita ako. Sino'ng Fury na sinasabi nila? Lumingon-lingon pa ako upang alamin kung may kasama pa ba kami rito. Ngunit wala naman, ang kasama ko lang ay itong babae na nanghihina at umiiyak. "Parang awa niyo na po, paalisi-" 'di ko nanaman natapos ang sasabihin ko nang magulat ako nang may sumuntok sa kanya na animo'y parang hangin lang sa sobrang bilis at pinagsusuntok niya ito. Nagulat lalo ako ng may mga dumaang pang lalaki sa likod ko para suntukin ang dalawa pa ngunit sila ay magagaling talaga. Bihasa na sila sa ganitong pangyayari. Mabilis ang magkabilang grupo ngunit hindi ko masasabing kasing bilis at galing nila ang grupong kakarating lamang. Para akong nanonood ng bakbakan sa sine kung titignan. Sa huli ay talo ang tatlong lalaki, dahil mas lamang ang mga lalaking dumating kaysa sa kanila, dahil pito silang sumugod. "H-hell!" bitaw-yakap sa akin ng babae at tumakbo sa lalaking parang hangin kung sumapak sa sobrang bilis. Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin ko at makita ko ang kabuunan ng lalaking tinakbuhan ng babaeng kanina lamang ay kayakap ko. Napapikit na lang ako at agad ko siyang tinignan. Agad naman siyang tumingin sa babae at tinapunan ako ng tingin. Kumalabog ang aking dibdib nang naglakad na siya papuntang distinasyon ko ngunit nilagpasan lamang ako. "Wait!" pagpigil ko sa kanya ngunit hindi siya lumingon. "S-salamat..." utal na pasasalamat ko. "Hell! Saglit!" nagulat ako sa sigaw ng babae kanina at lumapit sa kanya. "Break na tayo." walang pakundangan nitong sabi sa babae. Kahit ako ay nagulat rin. Ibig sabihin ay girl friend niya ang babaeng ito? "N-no! No! Please!" pagmamaka-awa ng babae. Nakatalikod sa akin ang babae. Nakayuko ito at tila pinipilit ang sarili sa lalaki. Umangat ang titig ng lalaki sa akin. Kurap-kurap ko siyang tinignan, bakit ang gwapo niya? Unti-unti akong ngumiti sa kaniya. Ngunit ang kaniyang ganti ay itinaas niya ang kaniyang middle finger sa akin. Tumaas ang dalawang kilay ko sa kanyang ginawa. Pin-f*ck you-han niya ako? Ngumiti lang naman ako sa kanya! Kumalabog ang aking dibdib... bihira ko lamang ito maramdaman. Kung tutuusin ay ngayon ko lamang ito nadaramdaman. Palagay ko ay nahulog na ako sa kanya, humahanga na ata ako sa f*ck you boy na ito! 'Di dahil sa pin-f**k you-han niya ako, kung hindi dahil sa pagligtas niya sa amin. Nakakahanga lang talaga ang kaniyang bilis at galing. "Seven, ihatid mo na lang 'tong babaeng 'to at ikaw umalis ka na, dahil ang pangit mo."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.3K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.0K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.6K
bc

Dangerous Spy

read
297.0K
bc

EASY MONEY

read
173.8K
bc

YOU'RE MINE

read
892.9K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
195.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook