bc

The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 2: Rafael Choi

book_age0+
15.7K
FOLLOW
85.2K
READ
billionaire
aloof
billionairess
drama
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Ashlee Fortich was a beautiful oil heiress. Every man would want her for a wife. But she didn’t care about other men. Masaya na siya sa piling ng boyfriend niya na mula pagkabata ay siyang nakatanim sa isip niya na makakasama hanggang sa pagtanda.

Then they got engaged. Ashlee was just a step away from finally fulfilling her one dream: to be her fiancé’s wife.

But something unimaginable happened. Nalaman niya na ang lalaking kasama niya nang ilang lingo pagkatapos ng engagement niya ay hindi pala ang fiancé niya kundi ang kakambal nitong si Rafael!

Pinaglalaruan ba siya ng magkapatid? At bakit mas matindi ang pag-ibig na nararamdaman niya kay Rafael kaysa sa fiancé niya?

chap-preview
Free preview
Episode 1
KALALABAS lang ni Ashlee ng flower boutique niya sa Makati, her self-invested flower shop with branches in Makati, Pasay, Laguna and Batangas. Dumiretso siya sa katabing cake shop nito. “Good afternoon, ma’am,” bati sa kanya ng attendant doon. “Good afternoon, can you give me your best cake here?” “Yes, ma’am,” ngumiti ito at nagtungo sa counter. Ilang minuto lang ay naibalot na nito ang in-order niyang cake. Pagkalabas niya ng shop ay dumiretso siya sa kinapaparadahan ng kanyang sasakyan, it was her father’s gift on her birthday a week ago, a brand new released BMW car. Hindi niya naman gustong palitan ang dating sasakyan dahil kabibili niya lang noon last month, pero mapilit ang daddy niya. Magtatampo daw ito kung hindi niya gagamitin ang regalo nito. Her Dad was a business tycoon, nagpapatakbo ito ng oil company sa Dubai at Saudi Arabia, and as the only child, siya ang magmamana ng lahat ng iyon. Her mom passed away last year, simula noon palagi ng nakasubsob sa trabaho ang daddy niya. Tulad ngayon, nasa ibang bansa na naman ito para sa isang conference meeting. Pagkapasok niya sa loob ng sasakyan ay sakto namang tumunog ang cell phone niya. It was her business partner, Sophia Delacion. Kasosyo niya ito sa restaurants na ipinatayo niya dito sa bansa. Ang totoo, branches lang iyon ng namayapa niyang ina, ang Delicious Italian Restaurant. Nasa Rome ang main branch nito. “Yes?” sagot niya sa tawag. “Nasaan ka?” tanong agad nito sa kabilang linya. “Akala ko ba pupunta ka dito?” “Oo nga, may idadaan lang ako sa kumpanya ni Raffy. Wait for me for a while, okay?” “Okay, bilisan mo lang,” naiinip na sagot nito. “Thanks,” pagkatapos ay tinapos niya na ang tawag. BUMABA siya sa tapat ng isang malaking building, it was a talent agency – the Choi Group Talent Agency. Pagmamay-ari ito ng boyfriend niya na si Raffy Choi. Half-Filipino rin itong katulad niya. Half-Korean ito samantalang siya ay half-British. Pero citizen siya ng Pilipinas samantalang si Raffy ay Korean-citizen dahil sa South Korea naman ito madalas na naglalagi, nandoon kasi ang pinaka-business nito. Branch lang ang nandito sa Pilipinas. Dumiretso siya sa counter para itanong kung nasa opisina nito si Raffy. “Ma’am, may inaasikaso lang po si Sir sa fifth floor. Pakihintay niyo na lang po muna siya sa may lobby, may mga foreign investors po kasi siyang kausap kanina. Hindi po namin siya puwedeng istorbohin ngayon,” sagot sa kanya ng attendant. “Tatawagan na lang po namin siya maya-maya para ipaalam na nandito kayo.” Naiintindihan niya ito, alam niyang ayaw talagang pa-istorbo ni Raffy kapag nagta-trabaho. Nginitian niya na lang ito at tumuloy na sa lobby. Ilang sandali lang siyang nakaupo sa settee na nandoon nang makita niya na may lumabas sa isang elevator. It was Raffy, kumunot ang noo niya nang makita ang suot nito. He was wearing a black leather jacket and faded pants. He was also wearing a cap. Hindi ba may kausap daw itong mga foreign investors? Bakit ganoon ang ayos nito? Saan ito pupunta? Tumayo siya at lumakad pasalubong dito. “Raffy!” tawag niya dito. Tumingin ito sa kanya at nakita niya ang pagkagulat sa mga mata nito. Lumapit siya dito at ngumiti. “Saan ka pupunta? It’s your birthday, right?” “I’m—” naputol ang sasabihin nito nang ikawit niya sa leeg nito ang mga kamay. Hindi niya maintindihan kung bakit natigilan ito sa ginawa niya. “Happy birthday,” bulong niya. “May binili akong cake para sa’yo, naiwan ko lang doon sa may settee. Masyado ka namang busy sa trabaho mo, I miss you,” bahagya siyang tumingkayad para ilapat ang mga labi niya sa mga labi nito. Maging siya ay natigilan sa ginawa. Bahagya siyang lumayo dito at tinitigan ang guwapo nitong mukha. Gulat pa rin ito, pero ilang sandali lang ay sinalubong nito ang titig niya. Nagulat pa siya nang bigla nitong hapitin ang baywang niya palapit sa katawan nito at mariing hinagkan ang mga labi niya. She felt fire on her whole body as the kiss started to go deep. She closed her eyes and savored the moment. Tinugon niya ng buong init ang halik nito, wala siyang pakialam kung may mga taong dumadaan sa lobby na iyon. All that matters was his kisses and the way he hugged her. Pareho silang naghahabol ng hininga pagkatapos ng halik na iyon. Nagmulat siya ng mata nang maramdaman ang pagkalas nito sa pagkakayakap sa kanya. “I…I’m sorry…” bulong nito. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. “What?” “May kailangan pa akong asikasuhin sa itaas,” pagkatapos ay lumakad na ito pabalik sa elevator. Hindi niya na nagawang makasunod dito dahil hindi pa rin maka-recover ang katawan niya sa paghalik nito. What was with him? Bakit bigla na lang iyon umalis? HE pressed the fifth floor button on the elevator. Mabuti na lang at nag-iisa siya doon. Naiinis niyang sinuntok ang dingding noon. What was wrong with him? Bakit nagpatukso siyang halikan ito? Bumukas ang pinto ng elevator, pagkalabas niya ay dumiretso agad siya sa loob ng isang conference room. Kanina pa nakaalis ang mga foreign investors na nandoon. Nakita niya agad ang hinahanap niya na nasa harap ng laptop nito. Katabi nito ang sekretarya nito na nakikinig lamang sa lahat ng mga sinasabi nito. Lumapit siya dito. “Your fiancé is in the lobby, hinahanap ka niya,” sabi niya sa kakambal na si Raffy. Tumingin ito sa kanya. “Really?” napailing ito. “I’m kinda busy, Rafael. Pakisabi naman sa kanya na tatawagan ko na lang siya mamaya.” “Bakit ko gagawin ‘yon? Bakit hindi ikaw ang humarap sa kanya?” naiinis na siya dito. “I can’t… Hindi mo ba makita? Ang daming nakatambak na trabaho dito,” tumunog ang cell phone nito. Agad nito iyong sinagot. He started to talk in Korean over the phone. Base sa pakikipag-usap nito ay mukhang may problema na naman ang kumpanya nito sa South Korea. Tinapos nito ang tawag at tumingin sa kanya. “Look, just go. Ako na ang bahala dito,” ibinaling nito ang tingin sa sekretarya nito. “Tell Ashlee, I’m busy. I’ll call her soon.” “Yes, sir,” agad na sumunod ang sekretarya nito. “Babalik ka ba sa Seoul?” tanong niya dito. “Hindi ko alam. Ikaw?” “Hindi, dito muna siguro ako.” NAGULAT si Ashlee nang may tumapik sa balikat niya. “Naintindihan mo ba ang sinabi ko, Ashlee?” tanong sa kanya ni Sophia. Nasa branch ng restaurant nila sa Quezon City siya ng mga oras na iyon. “Ha?” May sinasabi ba ito sa kanya? Bumuntong-hininga ito. “Ano ba kasing iniisip mo? Kanina ka pa nakatulala diyan pagdating mo, ah.” Napabuntong-hininga din siya. Muli niyang hinaplos ang mga labi. Ano nga bang nangyayari sa kanya? Natutulala na siya sa isang halik lang. Ilang beses na rin naman siyang nahalikan ni Raffy. But not like that, kontra ng isang bahagi ng isip niya. Iba ang halik nito kanina. Itinapat niya ang kamay sa tapat ng puso niya. Ngayon niya lang naramdaman ang ganito kabilis na t***k niyon. “Hey! Ayos ka lang ba?” pumitik pa si Sophia sa harap niya. Muli siyang tumingin dito. “Posible bang mag-iba ang halik ng isang tao?” Kumunot ang noo nito. “Ano bang klaseng tanong iyan?” “Answer me, posible ba ‘yon?” “Hindi ko alam, bakit ba? Si Raffy na naman ba ang iniisip mo?” napa-isip ito. “Sa tingin ko, base na rin iyon sa willingness ng isang tao. Kung napipilitan lang siya, siyempre mararamdaman mo iyon.” Ginulo niya ang sariling buhok. “Tama na nga, bakit ko ba kasi iniisip iyon?” “Ngayon ka lang ba nahalikan ni Raffy?” hindi makapaniwalang tanong nito. “Hindi ah,” Pero ngayon niya lang ako hinalikan ng ganoon, gusto niya sanang idugtong. Hindi niya maintindihan pero talagang kakaiba ang paghalik nito sa kanya kanina. It was like he never wanted to let her go at that time; that he wanted to pour all his feelings through that kiss. Napatigil siya sa pag-iisip nang tumunog ang cell phone niya. Nagulat pa siya nang makitang ang daddy niya ang tumatawag. Mabilis niya iyong sinagot. “Dad?” “Ashlee, anak. Nasaan ka ba?” bungad na tanong nito. “Nandito ako sa restaurant ko sa Quezon, bakit? Nandito na ba kayo sa Pilipinas?” “Oo, umuwi ka na ngayon. Dumiretso ka muna dito sa bahay nina Raffy, may kailangan lang tayong pag-usapan,” utos nito. “Bakit?” “Just come here, hihintayin ka namin dito,” iyon lang at tinapos na nito ang tawag. “Ano na naman kayang pag-uusapan namin?” “Nandito na si Tito Ramon? Biglaan yata?” tanong ni Sophia. “Yeah, kailangan ko ng umalis. Saka na lang natin pag-usapan ang tungkol sa restaurant.” “Kanina pa nga natin pinag-uusapan iyon, hindi ka lang nakikinig,” sita nito. Nahihiya siyang napangiti. “Sorry. Have to go… See you soon.” Pagkatapos ay nagmamadali na siyang lumabas ng restaurant at dumiretso sa sasakyan. HINDI niya maintindihan kung bakit ganoon ang itsura ni Raffy nang madatnan niya sa bahay ng mga ito. He was now wearing a business suit, hindi na nga lang maaayos ang pagkakatali ng necktie nito. Napaka-seryoso ng mukha nito. Agad siyang lumapit sa daddy niya at humalik sa pisngi nito. “Why are you here all of a sudden? May problema ba?” tanong niya dito. Bumati rin siya sa mga magulang ni Raffy na katabi ng ama niya. “Sit down, hija. May kailangan lang tayong pag-usapan,” utos sa kanya ni Mrs. Han Gae Hyung, ang mama ni Raffy, purong Korean ito. Naupo siya sa tabi ni Raffy. Seryoso pa rin ito. Ano kaya ang pag-uusapan nila? “Anak,” pasimula ng daddy niya. “Pupunta si Raffy sa South Korea bukas at gusto kong sumama ka sa kanya.” Nagulat siya sa sinabi nito. “A-Ako? Bakit?” “Gusto naming ma-engage kayo doon,” sagot naman ni Mr. Choi Ee Young, ang ama ni Raffy. Purong Pilipino ito pero mas matagal itong nanirahan sa South Korea, Korean-citizen din ito. Napasinghap siya sa sinabi nito. “Get what? Why the sudden change of plans? Akala ko ba sa isang taon pa—” “Anak, kailangan pa ba nating patagalin ang bagay na iyan? Siguradong kasalan din naman ang kahahantungan niyo kaya mabuti pang ma-engage na kayo ng maaga so in a few months ay makasal na kayo. Isa pa, kailangan ko na ring mag-settle sa Dubai para mas lalo kong maasikaso ang kumpanya natin doon. Hindi ako sigurado kung mahihintay ko pa ang isang taon para sa kasal mo, matanda na rin ako, anak,” putol sa kanya ng kanyang ama. Ano ba ang mga sinasabi nito? “Pero, Daddy—” “It’s settled then, sasama ka bukas kay Raffy sa South Korea. The day after tomorrow, susunod kami doon. Kami na ang bahalang maghanda ng lahat ng arrangements para sa engagement ninyo,” pagtatapos ng daddy niya. Kapag ganoong nagsalita na ng tapos ang kanyang ama, wala ng makakapigil pa dito. Tumayo na ang mga ito at iniwanan silang dalawa ni Raffy sa sala. Tumingin siya dito, seryoso pa rin ang mukha nito. “Raffy, ayos ka lang ba?” Tumingin ito sa kanya, malamig ang mga mata. “Yeah, prepare your things. Maaga pa ang flight natin bukas. Hindi na rin muna kita mapapatuloy dito ngayon. Kababalik lang ni Rafael galing America.” Kumunot ang noo niya. “Rafael?” Hindi ba ito ang kakambal nito? Bata pa lang sila nang mag-migrate ito sa America para doon mag-aral. Hindi man lang niya ito nagawang makausap ng matino dahil hindi naman ito lumalapit sa kanya para makipaglaro noong mga bata pa sila. Tanging si Raffy lang ang nakakalaro at nakaka-kuwentuhan niya noon. “Oo, hindi na rin kita maihahatid. Pasensiya na,” iyon lang at umakyat na ito sa itaas. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Bakit kaya bigla na lang itong nanlamig sa kanya? MULING isinuot ni Rafael ang leather jacket na suot niya kanina at lumabas ng guest room. It was already past midnight. Napatigil siya sa sala nang makasalubong niya ang kanyang mama. “Rafael, saan ka pupunta?” tanong nito. “Magpapahangin lang, nakaka-bored tumambay sa loob ng kuwarto. Magkita na lang tayo sa umaga, Ma,” paalam niya dito. Naglakad na siya palabas, hindi niya na pinansin ang pagtawag pa rin nito sa kanya. Mas pinili niyang sumakay sa kanyang black BMW Motor Bike kaysa sa kotse at agad na pinaharurot paalis. Isa lang ang maaari niyang puntahan ng mga oras na iyon. Ipinarada niya ang motor sa tabi ng isang black Jaguar. Kasabay niya pang bumaba ang may-ari ng sasakyang iyon. “Whoa, nananaginip ba ako?” bati sa kanya ng kaibigan niyang si Vincent Fabella, isa itong business man. “Nandito ka ba talaga, Rafael?” Tinanggal niya ang suot na helmet. “Yeah, good to see you here, pare,” pagkabati niya dito ay tuloy-tuloy na siyang pumasok sa loob ng Society Hotel, pagmamay-ari ito ni Christopher Samaniego Jr., a business tycoon na founder din ng samahan nila – The Breakers Corazon Sociedad. Isang society para sa mga bachelors that were million-earners. There were currently ten members in that society, including him and his twin brother, and they were called the ‘breakers’. Kasunod niya lang si Vince – isa rin ito sa members ng society nila. Tinapik siya nito mula sa likod. “I need to go, may business meeting pa ako dito with Justin. Let’s have drink sometime, okay?” Isa sa purpose ng hotel na ito ay para may pribadong lugar sila para sa business. Pero hindi iyon ang dahilan niya ngayon, he wanted to unwind and calm himself. This place was the best place if they wanted to be alone dahil siguradong walang makikialam sa’yo. Tinanguan niya lamang ito. Pagkaalis nito ay nakasalubong niya naman si Christopher malapit sa elevator. “Rafael, anong ginagawa mo dito?” tanong nito. “I just want to have a drink, Chris,” sagot niya. Tumaas ang isang gilid ng bibig nito. “Problema?” tinapik nito ang balikat niya. “Don’t worry, pare. Maayos din ang lahat,” iyon lang at nagpaalam na ito. Nagpatuloy na rin siya sa paglalakad at dumiretso sa private bar ng hotel na iyon. That bar was designed for the ‘breakers’ only.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Stranger Husband

read
7.2M
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.4K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.9K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
608.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook