bc

Collection of short stories

book_age18+
22
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
comedy
humorous
mystery
spiritual
like
intro-logo
Blurb

Iba't ibang klase ng maikling kuwento.

Sana ay inyong magustuhan. Matawa, maiyak, mainis, matakot, samahan ninyo ang bawat bidang karakter sa kanilang kapalaran na naghihintay.

chap-preview
Free preview
Ang Damit ni Pantina "Romance-ero-comedy-horror"
Genre: Romance-ero-comedy-horror Hindi niya napigilang umungol nang malakas nang maramdaman ang mainit na palad ng kanyang nobyo sa ibabaw ng kanyang dibdib. Mainit at tila nanabik ang bawat haplos nito sa kanyang balat. Hindi na siya nagdalawang-isip na isuko ang kanyang bandera tutal sa makalawa ay ikakasal na sila. Napaliyad siya nang maramdaman ang isang kamay nito sa loob ng kanyang Hello Kitty na panty. Bigla siyang nakaramdaman ng hiya. Nakahiligan na niya kasing magsuot ng panty na Hello Kitty ang design. Tila may lakad naman itong nobyo niya at atat na atat na wasakin na ang kanyang perlas. Sa tatlong taon na relasyon nila ay ngayon lang ito naging agresibo sa kanya. Hinayaan na lamang niya ito. Unang nakita niya ang nobyo ay nabighani na kaagad ang kanyang puso rito, kamukha kasi nito ang Korean actor-model na si Kim Soo Hyung. Hanggang balikat lang siya nito, mapupula ang mga labi na tila nilagyan ng lip gloss. Kumapit siya sa batok nito at sinalubong ang mapusok na paghalik sa kanya. “D-Draven!” nanginginig na bulalas niya. “Hmm,” sagot nito dahil abala ito sa paghalik-halik sa kanyang leeg. Nakasuot pa ng damit ang nobyo samantalang siya ay naka-panty at bra na lamang. Hinawakan niya ang dulo ng T-shirt nito at dahan-dahang iniangat. “I love you,” bulong nito na siyang nagbigay ng galak sa kanyang puso. Mabuti na lang at medyo madilim at hindi nito nakita ang kanyang reaksyon. Kahit ang tagal na nilang dalawa ay nahihiya pa rin siya sa lalaki. Naging agresibo na rin ang pagtugon niya rito. Ramdam niya ang kahandaan nito. Awtomatikong hiniwalay niya ang dalawang magkadikit na hita. Nalunod na siya sa makamundong pagnanasa. Tanging ungol nilang magkasintahan ang maririnig sa loob ng silid. Hinding-hindi niya pagsisihan na ibinigay niya sa lalaki ang kanyang iniingatang bandera. Nagising siya kinabukasan na sobrang sakit ang buo niyang katawan. Kailangan niya pa palang bumili ng kanyang susuotin sa kanyang kasal. Napagkasunduan nilang magnobyo na simpleng kasalan lang ang mangyayari. At dahil pareho naman silang ulilang lubos, tanging ang mga kaibigan lang nila ang dadalo. Pinagmasdan niya ang mukha ng natutulog na nobyo. Napakaamo ng mukha nito, parang anghel na nahulog sa lupa at siyempre siya ang nakasalo. Ang suwerte-suwerte niya kay Draven, mabait pa at sobrang maalaga. Hinaplos niya ang pisngi nito at hindi niya napigilan na dampian ng magaan na halik ang mapupulang labi nito. Kahit paika-ikang naglalakad ay pinilit niyang makababa sa kusina. May dalawang palapag ang bahay ng nobyo na namana nito sa mga magulang noong namatay ang mga ito. Wala ring kapatid si Draven. sila talaga ang pinagtagpo at itinadhana. Hindi pa man niya natapos ang paghahanda ng almusal nila ay may biglang nag-doorbell sa gate. Pinatay niya muna ang gas stove at paika-ikang lumabas mg main door. Nang nabuksan na niya ang gate, wala siyang nakitang tao o kahit anino ng kung sino man ang pumindot sa doorbell. Akmang isasara na sana niya ang gate nang mapansin ang hindi kalakihang puting kahon sa gilid ng paso. Luminga-linga muna siya sa kaliwa at kanan bago dinampot ang naturang kahon. Magaan lamang ito. Tiningnan niya kung may nakasulat. Hindi naman siya nabigo nang makitang may nakasulat na pangalan niya. Nakakapagtaka lang at walang nakasulat kung saan ito nanggaling. Naisip na lamang niya na baka galing ito kay Crystal, isa sa kaibigan nila ni Draven. Nabanggit kasi nito noong nakaraan na ito na raw ang sasagot sa susuotin niyang wedding gown. Pinagsawalang-bahala na lamang niya kung kanino ito galing. Itinabi niya muna ito. Mabilis na tinapos niya ang pagluluto. “Mag-a-alas-nuwebe na pala!” Inihanda na niya ang mesa. Napangiti siya. Akmang lalabas siya ng kusina nang mapansin na wala na sa upuan ang kahon! Sa pagkakatanda niya ay ipinatong niya ito roon. Biglang lumamig ang ihip ng hangin, nakakapangilabot. Hindi niya mawari pero parang may kakaiba sa bahay na ito. Pang-apat na araw niya pa lang dito. Ang mga muwebles ay halatang mga antigo. Inilibot niya ang kanyang paningin. Napaatras siya nang mapansin na nasa baitang ng hagdan ang kahon! Paano ito napunta roon? “Good morning, babe!” suwabeng bati ni Draven sa kanya. Hindi naman agad siya naka-react dahil naguguluhan pa siya. Nakita niyang lumapit ito sa kanya at marahang hinalikan siya sa pisngi. “Are you okay?” nag-aalalang tanong nito nang hindi siya tumugon sa pagbati nito sa kanya. “Kanino pala nanggaling ang kahon na iyon?” Itinuro nito ang kahon na nasa hagdan. Noon lamang bumalik ang kanyang ulirat. Ewan niya ba parang may iba talaga na hindi niya lang mapangalanan kung ano iyon. “G-galing yata kay Crystal, babe.” Hinawakan niya ito sa kamay at hinila papasok nang kusina. Tahimik na nag-almusal silang magkasintahan, nasanay na siya sa kanyang nobyo na tuwing kakain ay tahimik lamang. Mas gusto kasi nitong tahimik at pagtuunang pansin ang grasya. Pagkatapos kumain ay ito na ang naghugas ng kanilang pinagkainan. Siya naman ay nagpaalam na aakyat lang sa kuwarto nila. Kahit nag-aalangan ay binitbit niya paakyat ang kahon. Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng silid ay inilapag niya sa ibabaw ng kama ang dalang kahon. Tumambad sa kanya ang isang puting damit pangkasal. Mahaba ang manggas nito at napaka-elegante ang disenyo, masyadong malalim ang neckline at napapalibutan ng kumikinang na beads. Kinuha niya ito at pumunta sa harap ng malaking salamin. Isinukat niya ito kung masyadong mahaba ba o sakto lang para sa kanya. Medyo hindi pa naman siya katangkaran, tipikal lang na tangkad ng isang dalagang Pilipina. At dahil hindi siya nakuntento sa pagpatong lamang niya sa damit ay mabilis na hinubad niya ang suot na pantulog at isinuot ang damit pangkasal. Saktong-sakto! Parang ipinagawa talaga para sa kanya. Umikot-ikot pa siya na parang model. Naglakad-lakad na parang nasa catwalk ng Victoria’s Secret. Parangap pa naman niyang rumampa na parang si Trya Banks. Pakembot-kembot na rumampa siya nang biglang bumukas ang pintuan. Napasigaw pa siya sa pagkagulat. Pero ang kakaibang lamig ng hangin na bumabalot sa loob ng silid ay hindi niya gusto. Pakiramdam niya wala siyang malanghap na fresh air dito. Nanginginig ang kanyang mga tuhod. Bigla na lamang siyang napaupo sa sahig nang malakas na sumara ang pinto. Alam niyang hindi si Draven ang nagbukas o pumasok dahil kanina nagpaalam itong pupuntang palengke para bumili ng pansahog sa maasim na sinigang na paborito niya. Ayaw niya mang aminin pero unang tapak niya pa lang sa bahay na ito ay may kakabigang presensiya na siyang naramdaman. Gusto na niyang umiyak, sumigaw humingi ng tulong pero sino ang makakarinig sa kanya rito? Masyadong malayo ang bawat distansiya ng mga bahay rito. Hindi pa naman liblib na lugar ang Taytay, Rizal, pero may iilan pa palang ganito iyong magkakalayo ang mga kapitbahay. Umihip nang malakas ang hangin. Nanlalabo na ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung dahil ito sa nagbabadyang luhang lalabas sa kanyang mala-Liza Soberano na mga mata. “Bawal isukat ang damit na pangkasal, bawal isukat ang damit na pangkasal.” Kumantang tinig ang kanyang naririnig. Nanayo ang mga balahibo niya sa buong katawan. Parang may humila sa buhok niya sa batok at naramdaman niya ang malamig na pagdila ng kung sino mang nilalang ang nasa likod niya. Boses babae ang kumakanta! Kung ito nga ang nasa likod niya, bakit siya nito dinilaan na parang inaakit? Tomboy ba ito? Tibo? Lesbian? Akmang lilingunin niya ito nang malakas na sumara ang bintana. Kusang gumalaw ang makapal na kurtina at natakpan ang bintanang yari sa salamin. Sobrang dilim ng paligid. Malamig na kamay ang biglang humawak sa kanyang balikat. “S-sino ka? Ano ang kailangan mo?” takot na takot na tanong niya. Huwag sanang sumagot ito at baka himatayin siya sa sobrang takot. “Walang kasalan na magaganap! Wala! Wala!” malakas na sigaw ng boses lalaki. Nanginig na siya sa takot. Bakit biglang nanging boses lalaki? Kalahi ba ito ni Marcelito Pomoy? Ha? “Ayoko na! Tantanan ninyo ako!” bigla niyang sigaw. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para sumigaw. “Akin lang si Draven! Hindi puwedeng mabali o masira ang sumpa! Hindi puwede! Walang ikakasal sa angkan ng mga Libog! Wala!”umalingawngaw ang galit na galit na sigaw ng boses-babae. “Hindi matutuloy. Hindi matutuloy ang kasal ni Panti! Hindi matutuloy ang kasal ni Panti.” Napatayo siya dahil sa sobrang inis. Ang kaba at takot na nararamdam niya biglang naglaho! Walang makakasindak kay Pantina Makapal! Wala! “Cut!” malakas na sigaw ni Direk. “Ano aba naman, Chen? Hindi Pantina Makapal! Kung hindi ay Pantina Makupal!” inis na inis na sigaw ni Direk, isang panot. Nairita na rin siya dahil nakatatlong ulit na sila sa eksenang isisigaw niya ang ginagampanang pangalan. Ang bantot ba naman kasi ang napiling pangalan. Hirap talaga ang kumita ng pera kaya pati itong horror-erotic na pelikula ay pinatos na niya. Bukod sa guwapo ang kapareha niya, ang mestiso pa ito. Sarap pang amoy-amuyin ang kili-kili. “Ready! Isa pang take!” aburidong utos ni Panot. “Sa eksenang isisigaw mo ang pangalan mo, Chen! Hoy! Multong lalaki, ayusin mo ang pagkayuko mo riyan!” At puwesto na si Chen. Bago pa man makapagbigay ng signal si Panot ay namatay ang lahat ng ilaw. “May ikakasal, may ikakasal!” malakas na kanta ng boses na parang hinugot sa ilalim ng lupa. Lahat kami ay natahimik, halos walang nagsalita at nakikiramdam lang. “Ikaw ba ang ikakasal?” nanlamig siya nang biglang may bumulong sa tainga niya. “Ahh… Ahh… Ahhh!” malakas at takot na takot na sigaw niya nang maramdaman na dinakma nito ang kanyang dibdib at bigla siyang may nararamdaman na malamig na bagay na dumampi sa kanyang leeg at biglang humapdi ito. Bigla namang bumalik ang ilaw sa silid. Isang kalunos-lunos na tagpo ang nasaksihan ng mga staff at crew ng kasalukuyang sinu-shoot na pelikula na pinamagatang “Ang Damit ni Pantina.” Ang bidang si Chen na gumaganap bilang Pantina Makupal ay nakitang nakabukaka at may laslas ang leeg, wala na itong buhay. Halos na-trauma ang lahat sa pangyayaring iyon. Isa pa ring palaisipan sa lahat ng nakasaksi o nandoon sa lugar na iyon kung ano ang misteryong nakabalot sa lumang bahay at sa pamahiing bawal isukat ang damit pangkasal. ~ Wakas ~

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.5K
bc

POSSESIVE MINE

read
969.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.9K
bc

His Obsession

read
70.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook