bc

Officer's Innocent Wife

book_age16+
54.2K
FOLLOW
349.6K
READ
contract marriage
love after marriage
goodgirl
sensitive
self-improved
police
sweet
bxg
lighthearted
coming of age
like
intro-logo
Blurb

Utos ng mga magulang ni Larrah na pakasal siya sa isang lalaki na hindi naman niya kilala. Pero dahil sa pagmamahal niya sa Mami niya ay sumunod siya sa utos lalo pa nga at nagkaroon naman siya ng paghanga sa masungit na Inspector.

She had set her mind to focus and forget her boyfriend but her husband isn’t being fair. Paano ba niya kukunin ang pagmamahal ng lalaking may mahal namang iba na pakiramdam niya ay hindi naman sa kanya? Sapat na ba ang maging inosente lang, inosente sa kakulitan at inosente sa kalokohan?

chap-preview
Free preview
I N T R O D U C T I O N
I N T R O D U C T I O N       Napasecond look si Larrah sa isang lalaking nakatayo katabi ng isang babae sa may puting kotse, habang nakatayo naman siya sa may van nila. The man is in casual attire, tall, masculine and very handsome even in side view. Gwapo ang lalaki at hindi basta masisino lang. Side view pa lang ulam at kanin na. ‘Pag humarap, hahahay! Panghimagas pa. Kinilig s’yang bigla habang nakatunganga. Ubod ng gwapo ang lalaki at gusto niyang maiinggit sa babaeng hinahalikan no’n. Parang nakita na niya ang babae, hindi lang niya maalala kung saan at kailan niya nakita. She doesn’t know if the woman is a celebrity or what, or maybe she's only mistaken her for another person. They’re kissing in a public place pero tila walang pakialam ang mga iyon sa mga taong pwedeng makakita. Suddenly she wanted to ask herself kung ano bang pakiramdam kaya na mahalikan sa labi? May boyfriend s’ya pero ni minsan ay hindi pa s’ya nahahalikan o mas tamang sabihin na hindi talaga siya nagpapahalik. Babaklasin ng kuya niya ang nguso niya sigurado kapag nalaman noon na nahalikan na siya. Napakaover protective pa naman ng pamilya niya sa kanya. She sighed. Overprotective pero naman ipakakasal na siya sa edad niyang 20 at sa hindi niya pa kilalang lalaki. Nakakadismaya! Mamaya ay mukhang surot sa sinehan ang letseng future husband niya o ‘di paano na? Kaipokritahan kasi na sabihin na hindi siya humahangad ng pogi, pero s’yempre kahit ‘di naman masiyadong pogi basta mabait naman sana. "Larrah!" sigaw ng Mommi niya mula sa bukana ng restaurant kaya napatayo s’ya ng tuwid mula sa pagkakasandal sa sasakyan nila. "Mammi!" Napakamot pa siya sa ulo dahil baka kitang-kita siya noon na nakanganga sa naghahalikan na babae at lalaki. "’Lika na! Guilherme is coming, nag-text na sa Tita Suzanne mo." Paypay ng Mammi niya sa kanya. Nasulyapan pa niya ang dalawang naghahalikan na ‘yon sa may pinakadulo ng parking area at hindi na lang iyon ngayon basta naghahalikan. Hawak na ng lalaki ang isang hita ng babae na nakaangat sa may baywang noon. Oh my juice! Natutop niya ang dalawang pisngi. Mabilis siyang humakbang palapit sa Mammi niya. Ano ba ang ginagawa ng dalawang magboyfriend na ‘yon? Ganoon ba makipaghalikan? Dapat ba iangat ang mga binti sa tagiliran ng lalaki? Curious na naitanong niya sa sarili. Matry nga niya kapag pwede na. “Bilis. ‘Wag ka ng magmukmok ha. Guilherme is coming, kasabay na ang Tito Rix mo.” paalala pa ng Mami niya. She rolled her eyes. Ano bang ini-expect niya sa Guilherme Rix de Lorenzo na ‘yon? Pangalan pa lang, ang bantot na. Guilherme, super baduy. Parang panahon ni Lapu-Lapu at Ferdinand Magellan. Pinagsiklop niya ang mga braso sa dibdib ay pasexy na naglakad papasok ng restaurant akay ng Mami niya. She smiled when she saw her Mami's adopted sister, Suzanne. Sa totoo lang pwede pa nga sana silang relatives ng anak noon kasi adopted ang Mami niya ng mga magulang ng tita Suzanne niya, pero nabawi ng mga totoong mga magulang ang ina niya kaya hindi na natuloy na maging magkapatid ang dalawa sa papel. Kaya ngayon ay pwede siyang ikasal sa anak ng Tita niyang baduy ang pangalan. Guilherme baduy. Eek! She kissed the mid aged woman and sat on the chair right after. Humugot siya ng malalim na hinga. This is it. Wala na itong ayawan. Masasaktan ang Mami niya sigurado kapag umayaw siya. Bahala na kung paano na ang boyfriend niyang si Kurt. Bahala na kung paano. Total sa papel lang naman ang kasal, pwede naman yata na pagkatapos ay wala na silang pakialaman ni Guilherme Rix. Napalabi siya habang nakahalukipkip. Humikab siya kunwari na may kasamang tunog pero pinukol siya ng ina ng masamang tingin kaya naitikom niya ang bibig. Hindi kasi matanggal sa kokote niya ang mag-boyfriend na naghahalikan sa labas. "Hi darling!" narinig niyang bati ng isang lalaki sa kung sino sa kanila pero hindi niya pinansin. "Oh, finally! You're here!" sabi ng Tita Suzanne niya kaya naagaw ng babae ang atensyon niya. Kaagad siyang napalingon at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya na gusto niyang mahulog sa upuan nang makita ang lalaking palapit katabi ng isang may edad na lalaki. Oh my juice! Si Guilherme Rix de Lorenzo! Umawang ang bibig niya kaya isinara ng Mami niya kaagad. Nangingislap sa paghanga ang mga mata niyang may bahid ng kainosentehan. The man’s bluish eyes were fixed on her eyes, too. Walang ngiti ang labi pero nang-aakit ang mga mata. At ang labi! Oh lord! Ang ganda! Kulay pink ‘yon. Ang pogi! ang pogi pogi! Tili ng utak niya at pumasag pasag ang mga paa niya sa ilalim ng mesa. But when she takes a quick glance at his long sleeves and slacks, familiar ang mga iyon sa kanya.   Oh shitty! Namilog ang mga mata ni Larrah may pagkasingkit at hindi lang nalaglag ang mga panga niya kung hindi tumalsik-talsik pa. Ang lalaking may kahalikan sa parking area ay ang mapapangasawa niya? Demigod nga. Malandi namang tunay at may girlfriend pa. Hay naku! Napangalumbaba tuloy siya.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
86.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.4K
bc

His Obsession

read
71.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook