bc

LIVING WITH MY HUSBAND'S MISTRESS

book_age18+
4.8K
FOLLOW
25.5K
READ
billionaire
family
pregnant
playboy
badboy
drama
twisted
bxg
realistic earth
tortured
like
intro-logo
Blurb

Nabuntis si Gabriella Dimartir ng kaniyang nobyo habang siya ay nag-aaral sa kolehiyo. Siya na lang ang inaasahan ng kaniyang pamilya na mag-aahon sa kanila sa hirap kaya naman ganoon na lamang ang pagkadismaya ng mga ito. Pinili nilang panindigan ang kanilang ginawa at pinakasalan siya ni Daniel Ezcarraza na isa ng ganap na Civil Engineer.

Naging maayos naman ang mga unang taon nilang mag-asawa ngunit makalipas ang tatlong taon ay unti-unti itong nagbago. Lalo pa nang dumating si Bridgette Machati, ang babaeng sisira sa pagsasama nila. Magagawa pa kaya niyang isalba ang marraige nila gayung may iba nang minamahal ang kaniyang asawa?

—Azureriel

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Prologue Nakapatay ang lahat ng ilaw sa buong kabahayan nang makauwi ako. Ginabi na ako sa paghahanap ng trabaho. Kinapa ko kung nasaan ang switch at pinindot iyon. Inakyat ko ang hagdan upang dumiretso sa kuwarto nang sa gayun ay makapagpahinga na. "Ugh! Please make it fast, babe." Napahinto ako sa paghawak sa doorknob nang marinig iyon. Nanginginig ang mga kamay ko at ramdam ko ang unti-unting paninikip ng aking dibdib. Pumatak ang likido sa likod ng kamay kong magbubukas sana ng pinto. "Mommy, nasaan po si Daddy?" Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ang boses ng anak ko. "B-Bakit gising ka pa?" "Umiiyak ka po ba, Mommy?" "H-Hindi, baby." Pinahid ko ang luha ko at ngumiti sa anak ko na para bang ayos lang ang lahat dito sa bahay. Ayokong maramdaman niya na may mali. "Hindi po ako makatulog," sabi nito at ngumuso. "Halika, sa kuwarto na tayo mag-usap." Hinawakan ko ang kamay niya at inaya siya papunta sa kuwarto ng mga bata. Katabi lang din iyon ng kuwarto naming mag-asawa. Noon kasing binili namin ang bahay na ito ay sinigurado namin na may kuwartong malapit sa Masters' Bedroom para malapit lang sa amin ang mga anak namin. "Hindi ba kayo pinatulog ng daddy ninyo?" tanong ko sa anak kong babae habang inaayos ko ang kumot ng kapatid nito. Dalawa silang anak namin at itong si Seki ang panganay. Apat na taong gulang na siya ngayon samantalang ang sumunod naman sa kaniya ay magdadalawang taon pa lamang. Sila ang rason kung bakit patuloy akong lumalaban. "Binasahan niya po kami ng story ni Dash kanina. Tapos nakatulog po kami pareho. Pero nang magising ako wala na po si Daddy rito. Nawala na rin antok ko kaya hindi po ako makatulog, Mommy." "Mabuti pa ipagtitimpla na lang kita ng gatas para makatulog ka." "Sige po." "D'yan ka muna sa kuwarto at magtitimpla lang ako. Bantayan mo ang kapatid mo." Tumango-tango siya at ako naman ay lumabas na. Isinarado ko nang marahan ang pinto at dumiretso sa baba upang magtimpla ng gatas. Tulala ako sa kawalan habang nagtitimpla. Ilang beses pa akong napaso dahil wala sa sarili. Kahit kailan ay hindi ko ginustong malagay sa ganitong sitwasyon. Nang pabalik na ako sa kuwarto ng mga bata ay nadaanan ko ang kuwarto naming mag-asawa. Tahimik na, mukhang tapos na sila. In our six years of marriage, I never imagine that I will be on this situation. I thought I was living in a fairytale, but life is not a fantasy. Bumalik ako sa kuwarto ng mga anak ko at nagpanggap na parang walang nangyari. TINANGHALI ako ng gising dahil sa puyat at pagod na rin sa maghapung paghahanap ng trabaho. Hindi sapat ang aking kinikita sa maliit kong online business kaya kailangan kong magdoble kayod. Isang araw pa lang naman akong naghahanap ng trabaho kaya hindi ako dapat na panghinaan ng loob. Hindi na ako nagkape pa at nag-umpisa na kaagad sa pagluluto. Gusto ko na alagaan pa rin siya sa kabila ng mga ginawa niya sa akin. Baka sa pamamagitan nito ay mahalin niya akong muli. Kasalanan ko rin naman kung bakit siya nagkaganito. Mahal ko pa rin siya at mahal ko rin ang mga anak ko. Ayaw kong lumaki sila na broken family. Tingin ko naman sapat na rason na iyon para ipaglaban ko ang marraige namin. Ako pa rin ang asawa kaya ako pa rin ang mas may karapatan sa kaniya at sa bahay na ito. Pumilansik ang mantika matapos kong basagin ang itlog para sa fried egg. "Good morning," bati ko pero hindi man lang niya ako inimikan. Dumerecho siya sa fridge at kumuha ng tubig roon. "Hindi maganda na umiinom ka ng malamig na tubig gayung kagigising mo lamang. Mas mabuti kung maligamgam ang iinumin mo o hindi kaya ay magkape ka na—" Natigilan ako bigla dahil sa malamig na tingin niya. Humakbang siya palapit sa akin. Kabado kong pinatay ang kalan at hinango ang aking niluluto bago pa man iyon masunog. Alam ko na naman kasi kung ano ang sunod na mangyayari. Hindi nga ako nagkamali nang pisilin niya nang mariin ang magkabilang pisnge ko. "Bakit ba masyado kang pakialamera?" Naningkit ang mga mata niya. "D-Daniel, n-nasasaktan ako." "Tinatanong kita kaya sumagot ka!" Humigpit ang kapit ko sa kaniyang mga braso nang mas diinan niya ang pagpisil doon. "N-Nag-aalala lang naman ako sa 'yo. Saka a-asawa mo ako kaya walang masama kung pagsasabihan kita. Lalo na at p-para sa ikabubuti mo rin naman ito." "Asawa na lang kita sa papel," mariin nitong sambit na dumurog sa akin. "Daddy!" Parang napasong napabitaw sa akin si Daniel nang marinig ang boses ng anak namin. Dumistansya kami sa isa't isa at umakto sa harap ng anak namin na parang walang nangyari. "A-Ano iyon, baby?" tanong ko at ngumiti kahit na masakit ang aking panga dahil sa ginawa niya. "Pwede po ba kaming mag-swimming ni Ate Brigette?" "Gusto mo ba talagang mag-swimming?" tanong ng ama nito at binuhat siya. Pagdating sa pag-aalaga sa mga bata ay wala naman akong problema sa kaniya. Nakikita ko naman na mahal niya ang mga anak namin. "Opo, daddy. Sabi po ni Ate Brigette tuturuan niya ako mag-swimming." "Sige mag-swimming kayo ng ate mo." "Talaga po, daddy? Thank you po." Hinagkan niya sa pisnge ang ama. "Manang Sita, pakibantayan naman po," sabi ko sa kasambahay namin at mabilis naman itong sumunod. Mahirap na kapag walang kasamang magbabantay. Baka lunurin pa ng babaeng iyon ang anak namin. Hindi alam ng mga anak ko ang tunay na sitwasyon ng pamilyang ito. Ang pagkakakilala nila kay Brigette ay matalik na kaibigan lang namin siya ni Daniel. Pero ang totoo ay siya ang kabit ng asawa ko. Ayaw ko noong una sa set up na ito pero pumayag na rin ako. Nag-aalala rin ako sa mga anak ko. Masyado pa silang bata para magkaroon ng maraming isipin. Hindi pa rin nila lubusang maiintindihan ang mga bagay-bagay. Nakasisiguro rin ako na masasaktan sila kapag nalaman nila ang totoo. At iyon din ang bagay na ayaw kong mangyari. "Talaga bang kailangan mo pang pasamahan sa katulong ang bata? Nandoon naman si Brigette, kaya na niyang alagaan iyon." "Gusto ko lamang makasiguro—" Kumalabog ang dibdib ko nang sakalin niya ako. "Tingin mo ba hahayaan ko na mapahamak ang anak ko?" "K-Kumain na lang t-tayo," sabi ko na lang para malihis na sa ibang bagay ang usapan. "Ikaw na lang, wala na akong gana." Pinakawalan na niya ako at muntik pa akong masubsob sa sahig. Mabuti na lamang at napahawak ako sa counter. Nag-uunahang tumulo ang mga luha ko. Sa tinagal-tagal naming magkasama, ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na aabot kami sa ganito. Ibang-iba na siya kumpara sa dati. May mga pagkakataon din na gusto ko na siyang iwan pero hindi ko magawa. Natatakot ako na baka kapag iniwan ko siya pagsisihan ko dahil alam ko rin sa sarili ko na mahal ko pa siya. Hindi ko itatanggi na gusto ko siyang ipakulong dahil sa mga pananakit niya sa akin pero maraming bagay ang pumipigil sa akin. Tumunog ang telepono ko at mabilis ko namang sinagot ang tawag. Huminga muna ako bago nagsalita sa kabilang linya. "Hello, `nay." "Anak, mabuti naman at sumagot ka. Kaninang umaga pa kita tinatawagan." "Pasensya na po kung hindi ko nasagot kaagad. Medyo tinanghali ho kasi ako ng gising. Kumusta naman ho pala kayo d'yan?" "Iyon na nga eh may problema. Ang tatay mo kasi na-stroke kaninang madaling araw," basag ang boses nitong sagot. "Dinala na namin siya sa ospital. Medyo mabuti-buti na naman ang lagay niya ngayon. Pero ang sabi ng doktor kailangan pa raw sumailalim sa mga test. Problema pa namin kung saan namin kukunin ang pambayad sa Hospital at mga gamot ng Tatay mo. Alam mo naman na may pinag-aaral pa kaming isang kolehiyo at dalawang nasa High School. Tuition na rin nina Chazy pero sinabihan ko siya na mag-promisorry note na lang muna. Ayoko na rin umutang sa five-six dahil ang laki ng interes. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko." "`N-Nay, huwag n'yo na hong problemahin ang pambayad. Gagawan ko po ng paraan. Kakausapin ko po ang asawa ko." Pinahid ko ang luhang dumaloy sa aking mukha. "Diyos ko! Salamat naman kung ganoon. Pasabi na lang sa manugang ko na maraming salamat. Sige na anak ba-bye na muna. Pabalik na rin ako ng ospital. Kumuha lang ako rito sa bahay ng damit at gamit ng ama mo. Pakikumusta na lang ako kay Daniel. Napakabuti ninyong mag-asawa." Namatay na ang tawag. Nanghihina akong napadausdos paupo sa sahig. Isa rin ito sa mga rason kung bakit hindi ko maiwan-iwan si Daniel. Bukod sa kailangan siya ng mga anak ko ay kailangan din siya ng pamilya ko sa probinsya. Kapag naghiwalay kami ay mawawalan kami ng masasandalan. Hanggang ngayon din ay hindi ko pa sinasabi sa mga magulang ko ang tunay na sitwasyon dito sa bahay. Paniguradong hindi kakayanin iyon ng Tatay ko at mas makakasama lamang sa kaniya dahil may sakit siya sa puso. Kung sasabihin ko rin ngayon at makikipaghiwalay ako, paano na ang pamilya ko at ang Tatay ko na nasa Hospital pa ngayon dahil na-stroke? Seven years ago, I was his queen. But now, I'm just a trash for him. At lahat ng ito ay nag-ugat sa nangyaring insidente tatlong taon na ang nakakaraan. —Azureriel

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook