bc

Meet Me in the Afterlife

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
others
reincarnation/transmigration
family
others
inspirational
tragedy
no-couple
illness
like
intro-logo
Blurb

Sa una, masaya pa ang dalagang si Karen dahil ramdam niya ang pagmamahal ng kaniyang mga magulang sa kaniya. Ngunit, isang araw nagbago ang lahat. Dahil sa kaniyang hangarin na pahangain at ibalik ang pagmamahal ng kaniyang magulang sa kaniya, mas lalong lumala ang sitwasyon. Ano kaya ang magiging takbo ng buhay ni Karen? Mababago niya kaya ang tadhanang nakaukit na sa kaniyang buhay? O hahayaan niyang mangyari ang nakatakda sa kaniya? Tunghayan natin ang kuwento ni Karen, ang kuwento ng pagsasakripisyo.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Kaye’s POV   Nagising na lang ako sa isang hindi pamilyar na lugar sa akin. Para akong nasa mahabang pasilyo ng isang templo. Isang templo na maihahalintulad mo sa mga Greek Temple. Nagsimula naman akong maglakad patungo sa direksyon ng mga boses na aking naririnig. Nagsitayuan naman ang aking balahibo nang makita ko si Karen. Nakaputi siya ng tela na animo’y isang anghel at makikita mo ang maputing braso nito dahil sa kaniyang suot na damit. Nagtago naman ako malaking poste ng nasabing templo. Tanging pagsilip lang ang aking nagawa. Makikita mo naman ang saya at lungkot sa mukha ni Karen, kasama ang dalawang babae? ‘‘Ano gagawin mo kapag nagkita kayo ng kambal mo rito sa, Hintayan ng Langit?’’ tanong ng isang babaeng medyo may katabaan at maikli ang buhok. Huminto naman sila sa mismong harapan ng posteng pinagtataguan ko. Nanatili akong tahimik at nakatingin sa kanila, habang ang aking mukha ay puno ng pagtataka. ‘‘Kung bibigyan man kami ng pagkakataon ng ating Diyos na magkita rito, ipapaliwanag ko sa kaniya ang lahat, Rain,’’ sagot niya sa babaeng nagtanong sa kaniya kanina. ‘‘Naniniwala naman akong tatanggapin niya rin ang ginawa ko at saka siguradong matutuwa na sila Mama dahil sa aking ginawa para sa kambal ko, di ba?’’ dagdag niya pa. Ngunit, kung papakinggan mo ang kaniyang tono ng boses, may bahid ito ng lungkot. Makikita mo rin sa kaniyang mga mata ang pamumula na animo’y iiyak na. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at agad akong lumabas sa pinagtataguan ko. ‘‘K-Kaye?’’ gulat na tanong sa akin ni Karen. ‘‘A-Ako nga, K-Karen,’’ nauutal kong turan. Naglakad naman siya papalapit sa akin at yinakap niya ako. Yinakap ko rin naman siya pabalik at sobrang higpit. Makalipas ang ilang minuto humiwalay naman kami sa isa’t-isa. Kung kanina ay paiyak pa lang si Karen ngayon ay tuluyan na siyang naiyak, dahil sa mga butil ng luha na dumadaloy sa kaniyang malungkot na mga mata. Hindi ko na rin naiwasang hindi umiyak dahil sa pangungulilalang aking nararamdaman ngayon. ‘‘Nasa’n ba tayo, K-Karen? Ba’t parang kakaiba ang l-lugar na ito?’’ tanong ko sa kaniya. Hindi naman niya ako sinagot, bagkus tumingin siya sa kaniyang dalawang kasama kanina habang patuloy pa ring umiiyak. ‘‘Rain at J-Jess, magkita na lang tayo mamaya sa judgement hall, okay? Kakausapin ko lang itong k-kambal ko.’’ Tumango naman ang dalawang babae at nagsimulang maglakad papalayo sa amin ni Karen. Hinawakan niya naman ang aking Kamay at ngumiti ng mapait. Hinayaan ko siyang dalhin ako hanggang sa makarating kami sa isang harden na puno ng bulaklak. Iba’t-ibang kulay ng mga bulaklak na siyang dahilan kung bakit masigla ang harden na ito. Sa pinaka-gitna naman ng harden na ito, makikita mo ang isang balon na may maliit na bubong. Habang papalapit kami nang papalapit ni Karen sa balong iyon, ramdam ko ang papatinding iyak niya. Mapapansin mo na humagulgol na siya sa iyak dahil sa mga nanginginig nitong kamay. Bilang kambal niya, hindi ko na rin naiwasang humagulgol. Ramdam na ramdam ko ang lungkot at sakit ni Karen at hindi ko alam kung bakit kami umiiyak ngayon. Nakarating naman kami sa nasabing balon. May kinuha naman si Karen sa kaniyang bulsa na isang maliit na lalagyan. Dahan-dahan niya itong binuksan at nang mabuksan niya ito, dinukot niya naman ang laman nito. Pagkatapos, dahan-dahan niyang ibinudbod sa tubig ng balon. Nagliwanag naman ang tubig ng balon hanggang sa para itong naging telebisyon. ‘‘B-Bakit ko nakikita ang aking s-sarili riyan? Ba’t ako nasa hospital?’’ takang tanong ko sa kaniya dahil iyon ang nakikita ko ngayon sa tubig ng balon. ‘‘Kaye, p-patay na ako…at iyang nakikita mo ngayon ay kasalukuyang n-nangyayari sa lupa,’’ paliwanag niya sa akin habang damang-dama mo ang lungkot sa kaniyang boses. ‘‘Pa’no? K-Karen, hindi… s-sabihin mo sa a-akin na, ‘di totoo ang lahat ng ito.’’ Napaluhod naman ako dahil sa panghihina. Inalalayan naman akong tumayo muli ni Karen. ‘‘Totoo ang lahat ng ito, Kaye. Nais ko sanang sabihin mo sa mga magulang natin na, ‘di ako galit sa k-kanila. Sabihin mo, kailanman ‘di ako nagtanim ng galit sa k-kanila, kahit gano’n ang pakikitungo nila sa a-akin,’’ utal-utal niyang salaysay. ‘‘I-Ikaw naman, alagaan mo ang sarili mo, huh? Sabihin mo rin kay Frost na, mahal na mahal ko siya at pati na rin kay Calyx,’’ segunda niya pa. Hindi ko na mapagilang humagulgol at agad ko siyang niyakap. Rinig na rinig mo ang aming hinagpis na siyang maririnig sa tahimik na harden. At kung panaginip man ang lahat ng ito, gusto ko nang magising. ‘‘S-Sige na, o-oras na p-para bumalik ka…naghihintay na sila Mama sa ‘yo, okay? Magkita na lang tayo sa, afterlife.’’ Matapos sambitin ni Karen ang mga katagang iyon, bigla na lang akong hinigop ng puting liwanag.   ‘‘Karen!’’ sigaw ko. ‘‘A-Ano ba, ba’t ka ba nasigaw diyan? At saka bakit basang-basa iyang mukha mo? Umiyak ka ba?’’ tanong niya sa akin. Hinawakan ko naman ang aking magkabilang pisngi at tama nga siya basang-basa ito. Agad ko namang pinunasan ito gamit ang aking kumot. Tumingin naman ako sa kaniya at agad ko siyang niyakap. ‘‘What’s with you today, Kaye? You’re acting weird!’’ Humiwalay naman ako mula sa pagkakayap sa kaniya. ‘‘W-Wala ang sama lang ng panaginip ko. Basta palagi mong tatandaan na, mahal na mahal kita, okay?’’ turan ko sa kaniya. ‘‘I love you too,’’ she mumbled. Tumayo naman ako at agad na nagtungo sa banyo upang maghilamos. Pagkarating ko sa banyo, nakita ko naman ang aking mapulang mata dahil siguro sa kakaiyak. Hindi ko alam, parang totoo ang lahat ng iyon at para bang mangyayari siya sa amin. At sa pangalawang pagkakataon, naiyak na naman ako nang maalala ko ang mga tagpong iyon sa aking panaginip. Makalipas ang sampong minutong pag-iyak agad akong nagsimulang maghilamos. Pagkatapos ko sa aking morning routine, lumabas na ako ng banyo. Pagkalabas ko, nakita ko si Karen na nakahilata pa rin sa kama at nakatingin lang sa kisame ng aming kuwarto. Hinayaan ko na lang siya at alam kong pagod siya dahil sa kaniyang trabaho. Nagtungo naman ako drawer ko upang kunin ang suklay. Habang nagsusuklay ako sa aking buhok, bigla na lang bumukas ang pinto ng aming kuwarto. Iniluwa naman nito si Frost ang aming panganay na kapatid. ‘‘Nandito na sila Mama at Papa, hinahanap kayo,’’ sabi nito sa amin habang nakasandig siya sa gilid ng pinto. ‘‘Kagabi ba sila dumating Kuya?’’ tanong ni Karen sa kaniya. Habang ako ay patuloy pa rin sa pagsusuklay hanggang sa matapos na ako. Tumayo naman ako at nag-aalalang tumingin kay Karen. ‘‘No, kaninang madaling araw sila dumating,’’ sagot ni Frost. ‘‘Mag-ayos na kayo, para sabay-sabay tayong kumain ng breakfast, okay?’’ Matapos sabihin ni Frost ang mga katagang iyon agad siyang lumabas ng kuwarto. Habang ako naman ay umupo sa gilid ng kama at hinawakan ko ang kamay ni Karen. Nag-aalala lang ako para sa kaniya dahil sa tuwing uuwi sila Mama lagi siyang pinapagalitan. Hindi ko naman siya mapaipagtanggol dahil takot din ako sa aking mga magulang. ‘‘Huwag kang mag-alala kambal, okay lang ako at saka, ‘ di ka pa ba nasanay sa kanila?’’ sabi nito habang nakangiti. ‘‘Okay, basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako lagi para sa ‘yo.’’ Inabot ko sa kaniya ang aking kamay upang mag-pinky swear kami, gaya ng lagi naming ginagawa. ‘‘Walang iwanan peksman!’’ sabay naming bulalas sabay tawa. Matapos ang tagpong iyon, nagtungo naman siya sa banyo upang makapag-ayos ng kaniyang sarili. Habang ako ay nalulungkot dahil sa pakikitungo nila Mama at Papa sa kaniya. Lubos nga akong humahanga sa kambal ko na iyon dahil kailanman, hindi siya nagalit sa magulang namin. Iiyak lang iyon sa akin tapos mamaya wala na, ayos na siya ulit. Napaka-unfair ng mga magulang ko pagdating kay Karen at alam kong nahihirapan din siya sa kaniyang sitwasyon. Makalipas ang ilang minuto sa loob ng banyo, lumabas naman siyang maayos na ang kaniyang itsura. Nagtungo naman siya sa kaniyang sariling table sa kuwarto at kinuha ang kaniyang pamuyod sa buhok. Nang lumingon siya sa akin, nakita ko naman ang pangamba sa kaniyang mga mata at kahit hindi niya sabihin ramdam ko pa rin. Alam kong umaasa siya na balang-araw babalik din sa dati ang pakikitungo ng aming magulang sa kaniya. ‘‘Don’t worry, I’m totally fine, okay? Tiwala lang tayo na, ‘di ako papagalitan nila ngayon,’’ sabi niya sabay ngiti sa akin. ‘‘Basta nandito lang kami palagi ni kuya Frost para sa ‘yo.’’ Kinuha ko ang kaniyang kamay at hinawakan. ‘‘Let’s go?’’ ‘‘Let’s go,’’ she mumbled at sabay kaming lumabas ng kuwarto.   -End of Chapter 1-

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unexpected Romance

read
37.4K
bc

The Young Master's Maid

read
748.1K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
80.4K
bc

Billionaire's Twins

read
262.8K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
235.9K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
506.8K
bc

Love Donor

read
85.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook