bc

Tadhana

book_age0+
106
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
second chance
drama
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

Naranasan mo na bang mainlove sa isang tao na ginamit ka para pagselosin ang taong gusto niya? Yung tipong mala KathNiel sa 'She's Dating the Gangster'

Yung akin kasi, parang ganun ang love story ko pero ang pinagkaiba lang ay... may gusto na ako sa kanya sa simula pa lamang.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ang pangalan ko ay Cassandra De Guzman, Cass for short. Ako ay 19 years old at pumupunta sa Newton Academy. May kapatid ako na lalake. Pero enough about me, let's get on with the story. ----- "Uy bes! Kung ipagpapatuloy mo ang pagtititig sa kanya baka matunaw yan." Nagulat ako sa aking kaibigan kasi nahuli nanaman niya akong nakatitig sa aking crush na si Simon. "Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko. "Naku, palusot.com kapa diyan. Kitang kita naman na nakatitig ka kay... Simon." Binulong niya sa akin ang pangalan ng aking crush at naramdaman ko nag blush ata ako. "Wag kang masyadong maingay." Hinila ko siya sa gilid at tinignan ko kung may nakarinig sa amin. Buti nalang at wala kung hindi, marami pang makakaalam ng sikreto ko. "Daffzkie baka may makarinig sayo!" Sinabi ko sa kanya at nag cross arms siya. "Kailan mo pa kasi aaminin sa kanya na gusto mo siya? Cass three years ka nang may gusto sa kanya pero hanggang tingin kalang! Ano toh, mamamatay kana pero tititigan mo parin siya?" I sigh sa sinabi niya. "Di naman kasi ganun kadali Daff, oo three years ko na siyang gusto pero... babae ako. Bakit ako ang gagawa ng first move? Diba gawain yun nang lalake? Besides, we don't even talk much so what's the point para umamin pa ako?" Tanong ko sa kanya and she left out a sigh as well. "Wala namang mawawala kapag umamin ka diba?" "Friendship namin mawawala." Nireplyan ko siya. "Tyaka di na nga kami masyadong nag-uusap tapos papaaminin mo pa ako sa kanya? Eh ano nalang mangyayare nun? Edi mas lalo pa siyang lalayo sa akin diba?" I gave her an obvious look and she finally drops the subject. "Asha bahala ka pag yan nag-kajowa wag kang iiyak ahh." Tumawa ako sa sinabi niya. "Bakit naman ako iiyak? Diba nga dapat mas sasaya pa ako kasi may jowa na siya na magpapasaya sa kanya?" "Ay sus maryosep! Drama mo gurl ahh. Tara na nga sa classroom at baka malate pa tayo." Lumakad na siya papalayo at sinundan ko pero bago ako umalis, tinignan ko ulit si Simon one last time. Simon Fraser,  ang lalakeng iniibig ko nang tatlong taon at hanggang ngayon ay patuloy ko paring iniibig. Di man kami masyadong close sa isa't isa ngunit siya ang bumihag nang aking puso. Umupo na kami ni Daffodil sa aming upuan at maya maya, dumating na din si Simon at ang kanyang mga kaibigan na si Irus, Marcus at Jecus. Ang tatlong magkakapatid. Medyo sa bandang likod kami nakaupo at sa pinaka harap silang apat. Silang apat ang pinaka-popular na studyante dito sa Newton Academy. Si Simon na laging MVP at pinaka mabilis sa Basketball. Top player din siya sa Soccer, Badminton at Volleyball. Si Irus na top student sa music dahil sa kanyang magandang boses at best player sa girl's Volleyball. Si Jecus na pumapangalawa kay Jed at si Marcus na top choreographer sa sayaw. So yeah, parang sila ang F4 ng Newton Academy. Pumapangalawang popular na students ay si Demonia at ang kanyang tatlong underlings na si Jessica, Karmen at Fatima. Popular lang naman si Demonia dahil anak siya ng Prinsipal. Minsan nakakaaway ko siya dahil sa mga pambubully niya kay Daffodil. Syempre di ko naman hahayaang may umapi sa bestfriend ko. "Uy bes!" I was brought back to reality nang kalabitin ako ng bestfriend ko. "Oh, ano yun?" Tanong ko sa kanya. "Yung bestfriend mo ohh." Tinuro niya sa akin ang top one na bully sa school. Demonia... "Bestfriend ko ba yan? Kailan pa?" Tanong ko sa kanya at tumawa siya. "Yun na nga ang point, since lagi kayong nag-aaway edi parang mag-bestfriend na kayo kasi nga diba ang sabi nila, The more you hate, the more you love. Baka siya na ang nakatadhana sayo!" "Eh pambihira ka naman talaga oh, ginawa mo pa akong tomboy. Straight kaya ako!" Tinignan niya ako sa harap at likod. "Grabe, babae ka pala? San diyan yung harap mo te?" Pabiro niyang tanong at hinampas ko siya ng mahina. "Grabe ka ah, porket flat-chested lalake na? Babae po ako. Kahit na minsan tomboyish ang dating ko, babae parin ako." Tumawa siya sa sinabi ko at nainis na ako sa kanya. "Bahala ka nga diyan, mag-hanap ka na ng ibang bestfriend mo. Yoko na sayo." "Uy ito naman di na mabiro. Joke lang yun bes! Pinapatawa lang naman kita eh." Ang sabi niya na natatawa parin. "Porket malaki sayo nilalait mo na yung akin, lalaki din toh hinatyin mo lang." "Huh? Lalaki paba yan? Parang hindi na bes eh, parang wala nang pag-asa."  Tinignan niya ang chest ko nang malapitan at tinakpan ko ang mukha niya. "Di masamang umasa noh, lalaki din yan balang araw." Bumalik ang attention namin kay Demonia nang marinig namin siyang kinakausap si Simon. "Uy Simon congrats nga pala ulit sa game niyo. Ang galing galing mo talaga, the best ka talaga." Ang sabi ni Demonia in flirtitious way. "Naku po! Nagiging Dragon ka nananaman diyan te." Pabulong na sabi ni Daff. "May usok na lumalabas sa ilong mo oh." "Loko ka talaga." Ngumiti ako at napangiti din siya. "Hayaan mo siya, loyal sa akin si My Labs noh." "Aaah, si My Labs na di mo naman nakakausap masyado and in fact, baka di niya pa alam na you exist." "Yan ka nanaman, lagi ka nalang panira di mo nalang pag-bigyan yung tao." I pouted at dinilaan niya lang ako. "Make a move kasi gurl, walang mangyayare kung tititigan mo lang siya." Nag cross arm siya at nag roll eyes ako. "Ako po ang babae hindi siya, hintayin ko nalang na lapitan ako ni My Labs. Nahihiya lang yan." "Nahihiya saan? Sa flat-chested mo? Naku gurl mga lalake ngayon katawan nalang ang habol sa mga babae." "Wag mong lahatin, iba si My Labs. Kontento na siya sa boobs ko." Parehas kameng natawa. "Bahala ka na nga diyan, basta wag iiyak pag maging sila ni Demonyo- este Demonia pala." "Ano iiyak? Bakit naman ako iiyak?" Pinagpatuloy ko ang pag-nood kay Jed at Demonia. "Abay malay ko, maybe because your worst enemy ang nakinabang sa My Labs mo?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.2K
bc

His Precious Property

read
613.6K
bc

My Godfather My husband

read
269.1K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.5K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
469.7K
bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
272.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook