bc

Casanova's Dare (Race Club Heirs Series )

book_age18+
2.3K
FOLLOW
16.1K
READ
billionaire
dark
possessive
second chance
brave
cheating
enimies to lovers
wild
like
intro-logo
Blurb

WARNING ( SPG )

Unang kita pa lang ni Claire kay Jhondale De Jesus or JD ay mainit na agad ang ulo niya dito. Isa ito sa tropa ng Kuya Marco niya. Kaya hangga't maaari, iniiwasan niya ito tuwing nagagawi ito sa kanila para lang hindi masira ang buong araw niya. Bukod kasi sa mayabang ay napaka-babaero din nito na pinakaayaw niya sa lahat na ugali ng isang lalake. Naiinis siya pero wala siyang magagawa dahil nga, kaibigan ito ng Kuya niya.

Ngunit isang gabi, bigla na lang itong naging knight in shinning armor niya at ang masaklap pa, hiniling niya dito na may mangyari sa kanila.

Magbabago na kaya ang pagtingin niya dito? O, mas lalo lang niya itong lalayuan dahil ayaw niyang matulad sa mga babae nitong pinaparausan lamang.

Jhondale De Jesus x Claire Belleza

chap-preview
Free preview
C1- Claire
"Kuya, lalabas lang ako. Babalik din ako mamaya." Nakasimangot kong paalam kay Kuya Marco, na hindi tumitingin sa mga tropa niyang kagaya niya, ay lasenggero. Lalong-lalo na ang katabi niyang si JD, na alam kong sa akin na naman ito nakatingin, kahit may katabi na itong babae na sobrang kuripot sa damit. Ayoko sanang umalis dahil gabi na rin pero wala akong choice dahil mga lasing na sila at alam ko na ang susunod na mangyayari, sa kwarto at gumagawa ng milagro. Kung hiya ang pag-uusapan? Mukhang wala sa dictionary nila, dahil hindi man lang tinatablan ng hiya ang mga ito. Wagas kung makaungol dahil parang naghihingalo na. Sobrang lakas pa na parang megaphone. Nakakapang-init ng ulo dahil daig pa namin ang mumurahing motel kapag ganitong nag-iinom sila. Gusto kong magreklamo pero wala akong magawa dahil nagagalit si Kuya kapag umaangal ako. Napapahiya daw kasi siya sa mga tropa. Pero sa akin, hindi man lang siya nahihiya. "Gabi na, Claire." matigas niyang tugon na lalong gumuhit ang inis sa mukha ko. Tumingin ako sa kanya at ipinakita ang pagsimangot para malaman niyang may topak ako. "Sandali lang ako at uuwi rin agad." pamimilit ko at kunot noo ko siyang tinitigan. Tinaasan niya ako ng kilay at pinasadahan ang kabuuan ko, lalo na ang suot kong sando at maong na short. Hindi naman ito gaano kaigsi pero hindi maikukubli ang makinis at maputi kong hita. "Saan ka na naman ba pupunta? Mamamasyal na ganyan ang suot mo? Hindi pwede! Bukas ka na lang umalis," asar niyang tugon bago nilagok ang alak na ibinigay ng tanggerong si Janryll, na katropa niya rin. Mahirap lang kami kumpara sa mga tropa niyang kaharap ko ngayon. Hindi ko alam kung paano naging kaibigan nila si Kuya dahil purong mayayaman ang mga ito. Lalong-lalo na ang bwisit na JD na 'to, na kung makatingin ay parang leon at gusto na akong kainin ng buo. Nakakailang salubungin ang mga tingin niya. Simula pa lang nang una niyang punta dito sa bahay namin, hanggang ngayon. "Hindi, Kuya, kina Jamaila lang ako," mahinahon kong tugon at huminga nang malalim para pakalmahin sa inis ang sarili ko. "Lalong hindi pwede! Dahil kapitbahay nila si Paul, na may gusto sa 'yo! At baka makita ka niya doon!" tutol niya sa malakas na boses. Napahinto ang lahat sa tawanan at harutan nang marinig ang boses na 'yon ni Kuya. Palipat-lipat ang tingin nila sa amin at walang gustong sumabat. Nakaramdam ako ng panunubig sa mga mata dahil napahiya ako sa pagtaas ng boses niya. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili upang hindi ako sumabog dahil nakakahiya sa mga bisita niya. Napakarami pa naman nila ngayon kumpara noong isang araw. Sa tingin ko ay may birthday ngayon dahil narinig ko silang kumanta ng birthday song kanina. Hindi ko lang alam kung sino dahil pumasok na agad ako sa banyo. "Ano? Bakit mo naman nasabi 'yan, Kuya? E, hindi ko naman pinapansin 'yon." Pagsisinungaling ko dahil ang totoo, boyfriend ko na si Paul. Hindi ko lang sinabi sa kanya dahil kaaway niya si Paul na hindi ko alam ang dahilan. Mabait naman kasi si Paul dahil wala itong bisyo. Kaya nagustuhan ko siya dahil hindi siya kagaya ng mga nasa harap ko. "At saka sandali lang ako doon dahil may kukunin lang ako sa kanya na notes tapos babalik na agad ako," dugtong ko pa para hindi niya ako pagdudahan. Naintindihan ko naman siya pagiging istrikto niya dahil sa kanya ako ipinagkatiwala nina Papa at Mama dahil nasa abroad ang mga ito, kumakayod para sa aming magkakapatid. Ang hindi ko lang maintindihan dahil nagpaalam naman ako nang maayos sa kanya pero ayaw niya akong payagan. Gusto ko lang naman umalis para hindi ko marinig ang mga nakaka-iskandalo nilang gagawin mamaya. Nakakabwisit pakinggan. Kahit nasa kwarto ang mga ito pero rinig na rinig ko pa rin ang mga kabastusan nila. Lalo na ang mga babaeng 'to! Akala mo kung maka-ungol ay nasa taping! Malakas para mahal ang bayad. "Bukas mo na kunin dahil gabi na kaya hindi pwede, Claire, tapos!" istrikto niyang pahayag na hindi ko na mapigilan ang sariling sumagot ng pabalang sa kanya. "Bakit hindi pwede?! E, ikaw nga lahat ng ginagawa mo ay pwede dito! Umangal ba ako?!" Nagpupuyos ang dibdib ko sa galit nang sabihin iyon dahilan na matahimik silang lahat at tumingin sa akin. Nagtaas at baba ang dibdib ko dahil pikon na pikon na talaga ako sa kanya. "Claire." matigas niyang sambit sa pangalan ko na may halong pagbabanta. Pero imbes na matakot, tinaliman ko siya nang tingin para malaman niyang galit talaga ako ngayon. "Lagi mo na lang akong pinagbabawalan kahit twenty na ako! Hindi na ako bata, Kuya, baka nakalimutan mo." dagdag ko pa sa matigas din na boses. Tumalim ang tingin niya sa akin. Lalong tumahimik ang mga kaibigan habang nakamasid sa amin ni Kuya. Wala na akong pakialam sa kanila dahil kumukulo talaga ang dugo ko sa tuwing nakikita sila dito sa bahay. Oo, mga gwapo sila pero na-turn off ako dahil nga sa mga kalokohan na pinaggagawa nila. Lasenggero na, mga babaero pa. Nakakainis dahil tuwang-tuwa pa ang mga babaeng kasama nila kahit niloloko lang naman sila ng mga ito. Katawan lang nila ang habol ng mga ito. Lalo na talaga itong si JD, nakakabwisit dahil kung makatingin para akong hinubaran. Iniisip ko tuloy minamanyak niya na ako sa isip. "Tumigil ka na, Claire." mariing saway sa akin ni Kuya at kitang-kita ko ang pagpipigil ng galit niya nang tumingin siya sa akin. Nakipag-matigasan din ako nang tingin sa kanya. Gusto kong iparamdam sa kanya ang pagrerebelde ko. Hindi ako papayag na siya na lang palagi ang nasusunod, na para bang wala akong karapatan na mag-desisyon para sa sarili. Oo, Kuya ko siya pero nasa tamang edad na rin naman ako, kaya pwede na siguro na gawin ko rin ang mga bagay na gusto ko. Ayoko naman na makipag-usap sa mga babae nila dahil hindi ko naman sila close. Baka iba pa ang masasabi ko sa kanila dahil sa mga pinaggagawa nila dito sa bahay. "Let her go, bro. Baka importante ang sadya niya. Saka sinabi niyang babalik naman siya agad, 'di ba?" Nagulat ako nang marinig 'yon kay JD. Kaya sinulyapan ko siya at gano'n na lamang ang inis ko nang bigla niya akong kindatan. Na para bang siya ang bahala sa Kuya ko para payagan akong makaalis. Sa tingin niya ba, magbabago ang pakikitungo ko sa kanya kapag ginawa niya iyon? Huh! Kahit pumayag pa si Kuya, kumukulo pa rin ang dugo ko sa kanya. "Okay, fine. Pero bumalik ka kaagad, ha. At huwag kang makipag-usap sa Paul na 'yan, Claire." sa wakas ay pumayag si Kuya, pero may kasama na naman pagbabawal. Hindi na ako sumagot at tumango na lang sa kanya bago ko sila tinalikuran.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook