bc

I Married My Enemy

book_age18+
62.4K
FOLLOW
329.8K
READ
billionaire
sex
contract marriage
dominant
drama
bxg
office/work place
betrayal
enimies to lovers
wife
like
intro-logo
Blurb

Raji didn't have time for love and had no interest of falling in love. Pero dahil sa buyo ng mga kaibigan, kinailangan niyang maghanap ng babaeng ipakikilala bilang fiancee. At his friend's stag party, he met a young woman whom he felt strong attraction with. The woman however, he thought was a prostitute.

While trying to forget the woman, the employee who stole money from his company was ready to negotiate with him in order to take the case out of the court. His payment? His only daughter Alyana -- the same woman he was chasing at his friend's stag party.

Tatanggapin ba niya ang kabayaran ng empleyado niya? Mapipigilan ba niya ang damdamin niyang huwag umibig dito dahil akala niya’y isa itong babaeng bayaran?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Maagang umalis si Raji para sa stag party ng kaibigang si Jonathan.  Mula sa Makati ay binaybay niya ang kahabaan ng EDSA dahil sa isang bar sa Quezon City gaganapin ang party.  Tamad na isinandal niya ang likod sa leather seat ng kotse dahil nagsisimula nang bumigat ang daloy ng trapiko. Alas nueve na siya halos nakarating sa Zenclub at tumuloy sa ikalawang palapag kung saan gaganapin ang private party.  As usual ay naroon na ang ilang kaibigan  at nagsisimula na ang kasayahan.  Bumabaha ng alak at pagkain ang mesa at marami na ang sumasayaw na kababaihan sa gitna ng dance floor.  Tamad siyang umupo sa isang silya habang pinapanood ang mga kaibigan na pinagti-tripan na ang ilang kababaihan na na-hire bilang guest relation officers.  "Join us!" wika ni Jonathan na piliy siyang hinahatak.  "Mamaya na 'ko.  Napagod akong mag-drive," tamad niyang wika.  "Tumatanda ka na ba?  It's time to get married." "Ano ang kinalaman ng pagtanda sa pag-aasawa?" "Malaki," sagot naman ni Jonathan.  "Look at me.  Kung hindi ko lang iniisip na wala akong makakasama pagtanda nungkang magpapakasal ako.  We have to face the reality that marriage and having our own family is a part of life.  Mahirap ang tumanda mag-isa." "I'll think about that..." wika niya saka sinenyasan si Jonathan na magsayaw na sa gitna dahil may babae na ang lumapit sa kaibigan at hinihila ito.  Well, naisip na rin naman niya 'yun mula nang magkabalikan si Samir at Gia at makita kung ano ang kulang sa kanya.  His life was so boring.  At kung noong kabataan nila ni Samir ay tumitikim pa siya ng babae, mula nang mamatay ang Papa niya at maaksidente ang Kuya Samir niya ay nawala siya sa 'dating world'.  Hindi naman niya rin maintindihan ang sarili kung bakit nawalan din ang atraksyon ng mga babae sa kanya.  Hindi naman siya woman-hater katulad ni Samir noon na halos isumpa ang mga babae matapos pumatol ni Katlin sa Papa nila.  He just lost his interest with women. At ilang buwan na ang panay kantyaw na ng mga kaibigan sa kanya mula nang mabalitaang ikakasal na si Jonathan.  Sa kanilang apat magkakaibigan mula pa noong college, siya na lang ang natitirang wala pang asawa. Ni hindi na siya nakaranas magkaroon ng girlfriend anim na taon na yata ang nakararaan. "Raji Burman!" sigaw ni Anton na isa sa mga kaibigan nila ni Jonathan.  "Huwag mong sabihing hindi ka magsasayaw?  Kanina ka pa tinitingnan ng mga babae at gustong hilahin sa gitna.  Bakit nagmumukmok ka d'yan?" "You know I don't dance," natatawa naman niyang wika.  "C'mon!  Stag party ito hindi conference room.  Tumayo ka d'yan at maghanap ng partner mo.  Enjoy the night, bro!" Marahan siyang tumawa at itinaas ang kamay.  "Bubuwelo lang ako," wika niya saka kumuha ulit ng maiinom.  "Mahaba pa naman ang gabi." "Wala ka pa rin bang girlfriend?  Ilang buwan ka na naming pinaghahanap ah!  Hindi puwedeng may maiwan sa 'ting hindi mag-aasawa."  Tinapik siya sa likod ni Manny na isa rin sa kaibigan nila.  Nasa gitna ng dance floor ito galing at hinihingal pang umupo sa tabi niya. "Mag-aasawa ako, huwag kayong mag-alala." "Bukas nga ipapa-blind date ko sa 'yo si Beatrice.  Model 'yun at maganda ang katawan.  Imposibleng hindi mo 'yun magugustuhan," suhestyon ni Jonathan na sumama rin sa usapan nila.  "Tama.  Si Candy na rin, yung kaibigan niya.  Ipa-date mo na rin d'yan.  Ewan ko lang kung hindi 'yan makapili sa dalawang 'yun," sulsol ni Anton. "Wow, hot chicks ang mga 'yun ah!  Bakit ba ako nag-asawa kaagad?  Sana ako pala ang inirereto niyo sa dalawang 'yun," inggit na wika ni Manny." "Puwede ka pa rin naman.  Siguraduhin mo lang na hindi ka mahuhuli ng asawa mo," biro ni Anton saka nagtawanan ang lahat.  Kilala naman si Manny sa pagiging playboy nito pero takot naman sa asawa. "Kailangan sa kasal ko may ipakikilala ka nang fiancèe, Raji.  Kapag hindi ka pa nagkagusto isa man kay Candy at Beatrice, iisipin na talaga namin na kabaro natin ang tipo mo." Gusto niyang mainsulto sa tawanan ng mga kaibigan.  Kung puwede lang ay umalis na lang siya ay umuwi, pero lalo lang siyang bubuskahin ng mga ito.  "Hindi naman isa sa amin ang tipo mo?" tudyo pa ni Anton na lalo niyang ikinapikon.  Inubos niya ang laman ng baso saka tinitigan ng masama ang kaibigan. "Hindi pa umaabot sa ganoon ang isip ko, bro!" pagalit niyang wika.  "Give me Candy and Beatrice's numbers." Agad namang ibinigay ni Jonathan sa kanya.  Alam niyang nagtitinginan ang mga ito at talagang hinahamon siya. "One week, bro.  Kailangang mapasagot mo ang isa sa mga 'yan para maging fiancèe.  Take note ha... fiancèe..." pagdidiin pa ni Jonathan.  Lasing na sila at alam niyang usapang lasing lang ang tinuran ng mga ito dahil kanina pa umiinom ang mga kaibigan.  Pero siya ay hindi.  At hindi niya matanggap na may mga pagkakataong iniisip ng mga ito na isa siyang gay o may pusong babae. Damn!  Bakit ba kasi siya nawalan ng interes sa mga babae? Tinitigan niya ang katawan ng mga babaeng umiindak sa dance floor.  Ni hindi siya makaramdam ng init ng katawan kahit halos litaw na ang kaluluwa ng ilan doon.  "Anong oras ba magsasayaw ang mystery woman mo?  Hindi pa ba ilalagay sa malaking box?" narinig niyang wika ni Anton.  "Maya maya lang 'yun.  Kadadating lang daw nung babae," sagot naman ni Jonathan.  "I can't wait to lay my hands on her.  Last ko na 'to, susulutin ko na."   Nagtawanan ang mga kaibigan habang pinag-uusapan ang babaeng ilalagay sa box  na siyang magiging regalo kay Jonathan ngayong gabi.  Kahit gaano kaganda ang babaeng ilalagay sa box na 'yun ay isa pa rin namang bayaran.  Kung siya ang nasa katayuan ni Jonathan, hindi siya magkakainteres anuman ang mangyari. "Kapag hindi mo gusto ibigay mo kay Raji.  Isang dekada nang hindi nagamit ang sandata n'yan," tudyo naman ni Manny na talagang ikinapikon niya.  Tumayo siya para lumayo sa mga ito dahil mas gusto niya na lang ang umuwi. "Nagbibiro lang ako, bro!" pasigaw na wika ni Manny nang makita siyang naglakad palabas ng pinto ng club.  Itinaas lang niya ang kamay saka tuloy tuloy na lumabas sa private suite.  Madilim din ang pasilyo na nadadaanan lang ng ilaw ng umiikot na disco ball.  Hinahanap niya ang comfort room pero nasa dulo na siya halos pero fire exit lang ang naroon.  Pabalik na siya nang isang maliit na katawan ang bumangga sa kanya na napakayap dahil muntik itong tumumba.  "Holy sh*t!" "S-sorry po..." wika ng babae.  At dahil hawak niya ang likod nito ay naramdaman niya ang init ng balat nito.  She was wearing a backless gown!  At nang pagmasdan niya ang kabuuan nito ay halos lumuwa na rin ang dibdib nito sa masikip na pang-itaas.  "Are you the stripper?"  Naningkit ang mga mata niya nang mapagtanto iyon.  Bata pa ang babae na sa tingin niya'y nasa bente anyos pa lang.  No.  She looks like sixteen.  Itinakip nito ang mga braso sa dibdib kaya sa mga hita naman siya nito nakatingin. "I-ikaw ba ang... i-ikakasal?" utal nitong tanong.  Hindi niya alam kung para saan ang tanong na 'yun.  Pero ngayon pa lang ay may panibugho na siyang nararamdaman.  Imbes na sumagot ay ikinulong niya itong muli sa mga bisig at mabilis na hinalikan ng mapusok. Nagpumiglas naman ang babae at malakas siya nitong itinulak.  “Bastos!  Manyak!” “Whoah!  You’re wearing that piece of fabric and you expect men to respect you?!” pagalit niyang wika para alisin ang pagkapahiya.  Hindi maitatanggi na malakas ang s*x appeal ng babaeng kaharap kahit pa nagbabaga ang mata nito sa galit.  And for the first time in his history, he felt his dopamine and norepinephrine increased.  Bagay na hindi niya dapat ikatuwa dahil babaeng bayaran ang kaharap niya. “Ikaw ba ang babaeng hinihintay ng kaibigan kong ikakasal?!” muli niyang tanong habang nakakunot ang noo.   Gusto niyang hilingin na sana’y mali siya nang iniisip. “Yana!  Kanina pa kita hinahanap, sino ba’ng kausap mo?” tinig ng isang babaeng may katabaan na humila sa dalaga.  “Maghanda ka na dahil naghihintay na ang kliyente.” “A-ate Salve…” “Huwag ka nang kumontra pa dahil bayad na ang kliyente natin.  Napag-usapan na natin ‘to hindi ba?” mahinang wika muli ng babaeng kausap nito.  Ramdam niya ang pag-aatubili ng Yana na ‘yun sa kausap. “How much do you charge for one night?” tanong niya sa pormal na tinig na nagpalingon sa dalawa sa kanya. “Hindi ako ---” “Naka-book na si Yana ngayong gabi, Mr. ---” “Burman,” mabilis niyang sagot sa sumabat na matandang babae.  Nakikita niya ang mariing pagtanggi sa mga mata ng batang babae pero hindi niya pinansin.  Kahit ang tila manager o bugaw na kasama nito ay hindi ito pinansin dahil nakarinig ng panibagong transaksyon sa kanya.  “If I am not mistaken, you’re going to my friend’s stag party.  Tama ba ‘ko?  Tritriplehin ko ang bayad para sa akin sumama ang alaga mo ngayong gabi.” “But, Mr. Burman, naka-kompromiso na kami –” “You can send another girl.  Marami naman siguro kayong alaga, hindi ba?”  Tumingin siya sa orasan.  “You still have forty minutes to replace her.” “Pero ---” “I will also hire her for a week.  Two hundred thousand from tonight until Sunday.   Sa ‘yo lang ‘yun.  Kami na ng alaga mo ang bahalang mag-usap sa presyo niya.”  Napatda ang babae sa kinatatayuan.  Hawak nito ang kamay ng batang babae na nagpupumiglas sa hawak nito.    May iniabot naming calling card sa kanya ang matandang babae saka matamis na ngumiti. “Mag-uusap muna kami ni Yana.  Pero magpapadala ako ng ibang babae para palitan siya bilang dancer sa party ng kaibigan mo.   Tungkol naman sa proposal mo, tawagan mo ako mamaya.  Kailangan ko lang masiguro na mabait itong alaga ko kapag pinakawalan ko sa ‘yo.” Isang tipid na ngiti ang isinagot niya hanggang hinila na ng matandang babae si Yana palayo roon.  Napilitan siyang bumalik sa suite na kinaroroonan ng mga kaibigan.  “Akala namin umalis ka nang tuluyan,” wika ni Anton na nagbukas ng bagong alak at nagsalin sa mga baso sa mesa.  Napansin niyang wala na ang mga babae roon na kanina ay nagsasayaw sa gitna ng dancefloor.  “Is the party over?” taka niyang tanong. “Of course not!  The party for our Jonathan is about to start!”  Kumindat pa si Manny na tiyak niyang na-e-excite din sa kasunod na magaganap.  “Ang sabi ko sa ahente magpadala ng batambata at kaakit-akit na babae.” Lihim siyang nagpasalamat dahil nabangga niya ang babaeng dapat ay siyang ilalagay sa box.  At minu-minto ay panay tingin niya sa telepono sa pag-asang tatawagan siya ng manager ni Yana para siya ang maging kliyente ng mga ito.  He wanted to curse himself.  Kailan pa siya nagka-interes sa babaeng bayaran? Pero lumipas ang magdamag nang walang kumontak sa kanya.  Ipinagpasalamat niya na lang na nang hindi si Yana ang nasa malaking box na iniregalo ng mga kaibigan kay Jonathan.  The girl was older and not attractive enough.  Kahit si Jonathan ay hindi nagka-interes na ilabas ito.  Pero palaisipan sa kanya kung nasaan na ang babae.  Where the hell on earth would she look for her?  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
84.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.9K
bc

His Obsession

read
70.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook