bc

Wild Nights 4 : Tough Love (R18 Tagalog)

book_age18+
6.4K
FOLLOW
49.7K
READ
one-night stand
second chance
sweet
campus
photographer
model
like
intro-logo
Blurb

Carly is happy and contented with her life having a super model fiancè, owning a clothing line, and supportive family.

She has nothing more to ask..

Not until she crossed path again with the man she dreaded to met. The man she secretly attracted to when she was in College. Her sweetest mistake…

As their gaze locked, Carly knew that she was in deep trouble…

But no! She wouldn’t do the same mistake she did that one wild night.

Anong klaseng bestfriend siya?

Right… River Matthew Andrius was her bestfriend’s boyfriend!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Gordonaire Summer Collection Fashion Show | 2021   Kaliwa't kanan ang kislapan ng mga kamerang nakatutok sa mga modelong naglalakad sa mahaba at paikot na runway. Sumusunod ang spot light sa bawat galaw at hakbang ng mga ito. All of them were wearing a beautiful and elegant garments made by one of the famous fashion house in the Philippines— The House of Gordonaire. Nagsimulang mag-ingay ang crowd at mag-cheer nang umiindayog ang balakang na lumakad sa runway si Sharon Dutzen. Isang Filipina-Frech at kilalang modelo sa bansa. Taas noong huminto ito sa gitna at ilang beses na marahan at sopistikadang umikot upang ipakita ang kasuotan bago nag-flying kissed at kumaway sa mga manonood. Walk, walk, fashion baby Work it, move that b***h crazy Walk, walk, fashion baby Nakaupo si Carly sa front seat hawak ang isang ballpen at maliit na notebook. Nililista niya roon ang mga detalye, tela at disenyo na sa tingin niya ay magiging trend sa mga susunod na taon. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa at kinuhanan ng litrato ang modelo bago ibinaling ang tingin sa iba pang modelo. Tatlo lang ang pangarap ni Carly noong bata pa siya. Una ang makapag-aral ng kursong related sa fashion, which happened four years ago as she graduated fashion designer at Priceton University. Pangalawa ang maimbitahan at dumalo sa mga tanyag na fashion shows sa loob at labas ng Pilipinas— which her career's current state. At ang pangatlo ay magkaroon ng sarili niyang clothing brand na malapit na ring magkaroon ng katuparan. Carly considered herself lucky, dahil sa apat na taon niya sa industriya, she already established a career. Mayroon na siyang mangilan-ngilan na kliyenteng artista at business icon. Nagkaroon rin siya ng mga brand deals at collaboration. "That one will look good if the model tucked his dress shirt under his trouser. What do you think?" Nilingon ni Carly ang lalaking nakaupo sa kaniyang tabi. Suot ang isang navy blue na suit and tie, itim na leather shoes at aviator classic sunglasses, nakatuon ang atensyon nito sa mga modelong rumarampa sa harapan nila. "Pwede.." Pinasadahan niya ng tingin ang male model na nag-po-posing sa camera at sa audience. He's wearing a button down satin pale pink dress shirt partnered with lose satin trouser. "But.. I think it will look better if you were the model,” aniya sabay kindat sa lalaki. Umangat ang sulok ng labi ni Sean para sa isang ngiti tsaka kinuha ang kamay ni Carly at dinampian ‘yon ng halik. Carly can't help but to smile and leaned against his shoulder. Nagkakilala si Carly at Sean two years ago sa isang charity event. Sean was smitten by her jolly personality and immediately showed interest to her. While Sean being humble and gentle in nature, wasn't hard for Carly to like the man. After a year of exclusively dating, they became a couple. Though Carly wasn't expected, Sean being the one of the top model in the country, opened a lot of opportunity for her. Syempre hindi rin nawala ang mga bumabatikos sa kaniya. But she ignored those people trying pulled her down. She was happy with Sean and to her career’s current state and that's all that matters to her. "Around of applause to The House of Gordonaire!" Humawi at pumalakpak ang mga modelong nakahilera sa runway nang kumakaway na lumabas si Gordon Blanchet. Isang Filipino-French designer na naka-base sa Pilipinas. Nagbigay ito ng maikling speech at nagpasalamat sa mga dumalo. Muling umugong ang malakas na palakpakan. After the show the guest went to the club few blocks away from the events area. Kasama ni Carly ang nobyong si Sean na nakipaghalubilo sa mga tagyag at kilalang designer, business icon, models, celebrities and elites. "Sean, Carly!" Tumitiling lumapit sa dalawa si Gordon. "Bonjour!" "Gords, bonjour no!" Tinapik ni Sean sa balikat si Gordon. "The show was expectacular. The clothes were awesome as always." "I agree!"Sang-ayon ni Carly na kumapit sa braso ng nobyo. "Congratulations to The House of Gordonaire!" Nangingiting umirap si Gordon na nakipag-beso kay Carly at Sean. "Merci, merci, Sweet! How are the two of you?" "We're good." Inakbayan ni Sean ang nobya at bahagyang ngumiti. "We're planning to get married soon." Nakangiti at kumikislap ang mga matang itinaas ni Carly ang kanang kamay upang ipakita ang engagement ring. Isa 'yong white gold na may maliit na bato sa gitna. Sean could give her a grand engagement ring but he knew she wanted it to be simple. "Oh, my! Congratulations!" Napatakip si Gordon sa bibig habang namimilog ang mga mata. Hinawakan nito ang kamay ni Carly at sinipat ang singsing. "This is so beautiful! Ako ang gagawa ng gown mo!" Sa Pilipinas ipinanganak si Gordon. Although he was raised in Paris, France, His filipina mother spoke to him in tagalog. Kaya naman hindi nawala ang pagiging filipino nito sa kilos at panalilita. Pinoy rin ang napangasawa nito kaya mas pinili na lang na manatili dito sa bansa. And Gordon is one of pride of the Philippines. Ilang kilalang Local and Hollywood celebrities, KPop Idols and even the King and Queen from middle east, na ba ang nagawan nito ng gown? Hindi na mabilang at patuloy ito na nagbibigay karalangan sa bansa. Kaya naman isa si Gordon sa mga tinitingala at hinahangaan ni Carly. "Of course! Sino pa ba? It would be an honor to have a gown made by the one and only Gordon Blanchet." "You flatter me so much, Dear," Gordonaire said, giggling. "By the way, I went to France last week. And guess what... Donatella and I had dinner!" Nagsilapitan na ang iba pang mga naroon upang batiin si Gordon na masaya at proud sa pag-ku-kwento nito sa naging trip sa Paris the city of love and fashion. "Hon, I need to go to the restroom," paalam ni Carly kay Sean na kausap si Janine Villegas na anak ng isang hotelier. She's one of the few people who believed in her when she was just starting in her career. "You want me to come with you?" tanong ni Sean na bumaling ang atensyon sa kaniya. Umiling-iling si Carly. "It's fine, I wont be long," tsaka hinalikan niya ang nobyo sa pisngi bago naglakad papunta sa direksyon kung nasaan ang restroom. Lumiko si Carly sa pasilyo papuntang restroom nang maalalang kailangan niyang tawagan ang kaibigang si Braxton. Bukas darating ang mga fabric na in-order from India. Gagamitin ang mga ‘yon para sa isang engrandeng muslim wedding. Hinahalungkat ni Carly sa loob ng bag ang cellphone nang bigla siyang mabangga sa isang bulto. Sa gulat ay nabitiwan niya ang hawak na keychain at compact powder. Sabay na yumuko si Carly at ang taong nakabungguan niya upang damputin ang nagkalat na gamit. "Aw!" Napahawak si Carly sa noo nang ma-untog sa ulo ng nakabanggaan niya. "I'm sorry, Miss..” ibinigay nito ang keychain sa kaniya. “It’s okay.” Kinuha niya ‘yon at ibinalik sa bag. Nang mag-angat siya ng tingin sa lalaki, pareho silang natigilan at tinitigan ang isa’t isa. “Carly...” he uttered. As she stared at those bewitching hazel eyes, Carly remembered what happened, that one wild night four years ago.. His kisses, his touch that left blazing trails on her skin...   Zen Club | 2017 "Shot pa! Hoy, ubusin mo 'yan may apelyedo mo pa, oh!" Dinuro ni Heather ang shot glass na padabog na inilapag ni Maxine sa lamesa. Heather the eldest among their small circle of friends, took Interior Designing. She's the daughter of Priceton's Dean. Pero may pagka-pasaway. Though around them she's the "Ate" you can count on. Kinuha ni Maxine ang shot glass na may natirang tequila, inisang lagok iyon at muling ibinagsak sa table. "Happy now?" Maxine on the other hand was the walking encyclopedia, who grew up in Quezon Province and studied BS Education and graduated c*m Laude. She's pure and innocent. It wasn't a secret to them that she had this huge crush with one of the university's famous varsity, Lucas Buenaventura. "Ayan, madali naman pala kausap," pang-aasar ni Heather sabay baling sa katabing si Sahara na kanina pa pasimpleng sumusulyap-sulyap sa kabilang panig ng club. "Ehem!" Sahara who took up Business Management, was the fierce, wild and bold daughter of a renowned Congressman. "What?" She asked innocently. Heather looked at the other table, grinning. "Oh... do you know that cutie guy over there? Kanina mo pa tinititigan. Bet mo?" Umiirap na nagsalin ng tequila sa shot glass si Saraha at ini-straight 'yon. "Excuse me... he's the one who's staring at me. Gandang-ganda yata sa'kin. Well, hindi ko siya masisisi. Ako naman talaga pinaka-maganda sa 'tin,” sabay ngisi. "Uy, payag ba tayo no'n?" Naghahamon na baling ni Heather kina Ariella, Bia, Maxine at Carly. Nagkatinginan ang mga babae pagkatapos ay sabay-sabay na tumayo at tumili. "Syempre... hindi!" Kinuyog ng mga ito si Sahara. They sat on her, pinched her cheeks, pulling her hair playfully. This is what Carly loves about her friends. Kapag kasama niya ang mga ito, there's no dull moment! They might have different personalities, but they all have something in common that binds them. They're sharing the same soul and belongingness like no other. And after graduating in college... she'll surely f*****g miss these girls so much! "Hey, ano ba! Ang bibigat niyo!" Tumitiling reklamo ni Saraha, tinutulak papalayo ang mga kaibigang nasa kandungan nito. "Sumayaw na lang nga tayo! Nagugulo ang hair ko, hoy! Heather! Bwiset!” "Yeah, yeah… for sure after ng gabing 'to, magiging busy na tayong lahat," sumasang-ayon na sagot ni Ariella habang isa-isang tinitigan ang mga kaibigan. "I'm going to miss you, bitches!" "Aw..." Carly leaned and hugged her friend. Ariella introduced her to the girls. They met when they both auditioned for soccer team's cheering squad. Pero pareho ring hindi pinalad na makapasok. Gayun pa man, kahit magkaiba ang kurso nila’y naging malapit ang dalawa. "Tara na! Dalian niyo! Kanina pa ako sayaw na sayaw!" Nangunguna nang tumayo si Heather at lumakad papunta sa dancefloor. Sumunod si Sahara na bitbit ang isang bote ng tequila. Si Bia hinahatak si Maxine papunta sa dancefloor. Nagkatinginan si Carly at Arielle na nasa likuran at nakikita ang eksena sa unahan nila. Sabay na tumawa ang dalawa bago sumunod na rin sa dancefloor. When they got to the dancefloor, the girls formed a circle and started dancing like crazy. Carly moved her hips, jiving into the music. Saraha who's holding a bottle of tequila, started pouring it into their mouth. Heather laughed when Ariella held herhead. Bia and Maxine were still pulling and pushing each other. Kaniya-kaniya na sila sa pagsasayaw. Nakahanap ng partner si Heather at Saraha habang si Maxine ay bumalik kaagad sa table. Si Ariella at Bia nakuntento na lang na silang dalawa ang magkasayaw. Wala namang pakialam na sumasayaw si Carly mag-isa. She’s enjoying the music, nang biglang na lang maramdaman niyang may lalaking pumwesto sa likuran niya. She tried to move away from him but her eyes widened when she felt that something hard was poking behind her. When she looked down, Carly saw the man rubbing his thing bulging on his pants to her butt. Kaagad siyang pumihit paharap para sampalin ang lalaki. Pero bago pa lumapat ang kamay niya sa pisngi nito— bigla na lang may humawak sa braso niya't hinila si Carly palayo sa lalaki. Napasandal siya sa dibdib ng lalaking humila sa kaniya mula sa likuran. "Anong problema mo, ha?" tanong nito sa lalaking manyakis. Dahil madilim ang club at halos nagsisiksikan at nagbubungguan na ang mga tao sa dancefloor, nang tingalain ni Carly ang lalaking hawak-hawak pa rin ang braso niya, hindi niya maaninag ang mukha nito. Idagdag pang parang lumilindol dahil sa umiikot niyang paningin! "Bakit shota mo ba ‘to, ha?" Duro ng lalaking manyakis kay Carly habang maangas na tinulak ang isa pang lalaki. “Yabang mo, ah!” The man behind her moved forward towering over the other man. Hindi malaman ni Carly anong sinabi nito sa lalaking manyakis dahil bigla na lang itong umalis. Pagkatapos ay hinila siya papalayo sa dancefloor. Lumingon si Carly sa dancefloor para hanapin ang mga kaibigan na kasama lang na nagsasayaw kanina, pero ni isa wala siyang natanawan man lang! "Hey!" Ipiniksi niya ang braso para kumawala sa pagkakahawak ng lalaki pero patuloy ito sa paghila sa kaniya. "Let me go!" His back was facing her. He's tall and has a body of an athlete who reminded her of someone... Huminto ang lalaki sa paghila sa kaniya malapit sa girl’s restroom at sinandal siya sa pader. Tumingala si Carly at natigilan nang magpasino ang lalaki sa kaniyang harapan. "River?" namumungay ang mga matang usal niya. What the hell is he doing here? Is he with… "Sinong kasama mo? At bakit ganyan 'yang suot mo?" Nagsasalubong ang kilay na tanong nito sabay bumaba ang tingin nito sa suot niya. Carly was wearing a black halter neck wrap over mini dress. Kita ang cleavage niya at exposed ang likuran. "I'm with my friends..." luminga siya pero nasa kabilang panig ng club ang restroom at malayo iyon sa table nila sa may VIP lounge. Bumalik ang tingin niya kay River. Mukha itong galit at iritado. Medyo mapungay rin ang matang tulad niya. Naamoy ni Carly ang pinagsamang alak at ang mabangong hininga nito. Parang lalo siyang nalalasing... Ilang linggo na ba niya itong hindi nakikita? Isa? Dalawa? Hindi na niya alam. Nawalan na sila ng connection, weeks before graduation. "Kasama mo mga kaibigan mo? Pero nakikipag-sayaw ka sa lalaking hindi mo kilala? Eh, binabastos ka na ng gagong 'yon!" "Of course not!" Carly yelled and stomped her feet, drunk. "Hindi ko nga kilala 'yon! Bigla na lang lumapit sa 'kin! Then I felt him rubbing his d**k on my butt! Kung hindi ka dumating, I would've punch his nose!" "Putangina." River cursed. His jaw moves aggressively. "Hey... Saan ka pupunta?" Hinatak ni Carly ang manggas ng denim jacket nito kaya kaagad napabalik ang tingin sa kaniya. "Sasapakin ko ‘yong gagong 'yon." "What! Edi, napaaway ka pa!" Iwinasiwas ni Carly ang mga kamay sa harapan ng mukha nito. "I'm fine. Babalik na ako sa table namin." Hindi pa man niya naihahakbang ang paa nang biglang umikot ang paligid at manghina ang tuhod niya. "Lasing ka na." Naiiling na niyakap ni River ang isang braso sa beywang niya at itinayo siya. "Ihahatid na kita sa dorm mo. Tara." Matigas na umiling si Carly at bahagya itong itinulak sa dibdib. "You don’t have too. I can go home on my own." "Sandali." Hinatak siya nito pabalik. Isinandal muli sa pader at itinukod ang magkabilang braso sa gilid niya dahilan upang makulong si Carly sa bisig nito. "Iniiwasan mo ba ako, Carly?" "Hindi kita iniiwasan." Kagat ang ibabang labi na nag-iwas ng tingin si Carly. Malalaman kasi nitong nagsisinungaling siya oras na matitigan ng lalaki ang mga mata niya. Ayaw niya itong iwasan, pero kailangan... "Hindi? Pero hindi ka sumasagot sa mga chat ko. I-un-follow mo rin ako sa IG at f******k. 'Yon ba ang hindi iniiwasan? Ano bang problema?" Naguguluhang tanong nito. Walang emosyong tinitigan niya ito sa mga mata. "Walang problema, River." "Wala? Palagi na lang wala sagot mo sa mga tanong ko. Hindi kita maintindihan, eh!" Marahas itong bumuntong hininga. "Then dont... hindi mo naman ako kailangang intindihan..." "Pwede ba namang hindi, Carly! Tangina..." pailing-iling itong tumingala, kinakalma ang sarili. Pagkatapos ay hinilot ang pagitan ng mga mata tsaka ulit tumitig sa kaniya. "Halika na, ihahatid na kita. Hindi ako aalis dito hanggang hindi kita kasama baka mabastos ka na naman,” kalmado na nitong sinabi. Hinawi ni Carly ang kamay nitong hahawakan ang braso niya. "Will you please stop being nice to me!!" She blurted out. "Tinatanong mo anong problema, ‘di ba? Alam mo, ano?" Masyadong kang maalaga! Masyado kang maintindihin, masyado kang ideal, kaya lalo akong nahuhulog ako sa 'yo! Pero alam ko namang hindi mo ‘ko sasaluhin! Pero ang mga salitang 'yon ay nanatili lang sa isipan ni Carly. At mananatiling nasa isipan na lang niya habang buhay. Umiling si Carly at natanawan si Heather na palinga-lingang naglalakad patungo sa direksyon nila. Nang lumipad ang tingin nito sa kanila ay napahinto ito at unti-unting sumilay ang ngisi sa labi. Itinaas nito ang tig-isang daliri at pinagdikit 'yon sabay thumbs up. Then she rememwbered the dare to kiss someone tonight.. Her eyes went back to River. Staring at those captivating hazel eyes, down to his sinfully delightful lips, Carly lost all of her defenses. Masama bang humiling kahit ngayon? Just one kiss... just for one night.. "Ano? Sabihin mo sa 'kin, anong kailangan kong gawin para hindi mo na ako iniiwasan ng ganito..." Huminga ng malalim si Carly at namumungay ang mga mata tumingala kay River. "Kiss me." Naghahamon niyang sinabi. Bumaba ang tingin nito sa labi niya at lumipas ang ilang sandali sakop na ni River ang labi ni Carly. She immediately put her arms around his neck and sucked on his lower lip, deepening the kissed… . . Nagising si Carly na parang binubog ang buong katawan niya isama na pati ang ulong kumikirot at parang minamartilyo! Sinubukan niyang bumangon subalit natigilan nang maramdamang tila mayroong nakadagan sa tiyan niya. Lumingon si Carly sa kaniyang tabi. At Bumilis kaysa normal ang pintig ng kaniyang puso. She thought what happened last night was sweet dream. But it turned out be a beautiful nightmare… Umangat ang kamay ni Carly papunta sa hibla ng buhok nitong bumagsak sa noo. Hinawi niya ‘yon at pinagmasdan ang lalaki. Ang himbing ng tulog nito. Malabo sa isipin niya ang ilang ala-ala sa nagdaang gabi, may parte niya ang tila nararamdaman pa rin ang mainit nitong yakap at halik. Pero hanggang ala-ala na lang ‘yon. Because she can never have him… River Matthew Andrius is her best friend’s boyfriend. Maingat na kumilos si Carly at bumaba ng kama. Dinampot isa-isa ang mga damit na nagkalat sa sahig at nagbihis. Hawak niya ang doorknoe na lumingon sa lalaking mahimbing pa rin ang tulog. He was on his belly, his butt peeking on the crumble blanket. Bumuntong hininga si Carly bago tuluyang lumabas ng pinto.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
63.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook