bc

Tagapagtanggol ng Tala [Completed]

book_age16+
1.3K
FOLLOW
17.0K
READ
aloof
comedy
gxg
bisexual
mystery
ghost
office/work place
first love
soul-swap
turning gay
like
intro-logo
Blurb

Tala, even she’s an orphan, considered herself to have everything until that accident happened that changed the entire course of her life. She lost her job as a prominent actress, her fame, her loving uncle, and the affection of her aunt.

Upon losing everything, she gained something from the accident. What was it? She can see ghosts now! She can't merely see them but they can possess her as well.

Fighting her everyday struggle, she found someone who can help her temporarily shuns the ghosts. But did she really found someone who will help her? Or... that someone will just use Tala for her own personal interest?

Know the full story and follow Tala’s journey with her ghosts encounter. Add this story and feel free to leave comments. Gracias!

***

P.S.

This is LGBTQIA+ themed story. (Girl's Love | GirlXGirl)

If you are not comfortable reading this kind of genre, please don't proceed.

Inspired by K-Drama, Master's Sun.

chap-preview
Free preview
Paunang Salita
"AKO NA po ang magmamaneho," walang emosyon at monotone na sabi ni Tala sa tiyuhin. "Tala---" nahihiyang napatingin ang may edad na lalake sa pamangkin. "Akin na ho ang susi," walang pagbabago sa ekspresyon at boses ni Tala. Malamig pa rin ang tono at walang emosyon ang mukha. Nakayukong inabot ng may edad na lalake ang susi ng van. Pagkatapos ma-unlock ni Tala ang alarm ay tahimik na itong sumakay sa driver’s seat at sumunod ang Tiyuhin nito sa passengers side. Walang kibuang pinaandar ni Tala ang sasakyan at binaybay ang trapikong daan ng EDSA. Pabalik na sila sa GBS, isa sa pinakasikat at malaking TV Network dito sa Pinas. Sa edad na labing siyam ay masasabi ni Tala na malayo-layo na rin ang narating nya sa show business. Nga pala, si Tala ay isa sa mga sikat at namamayagpag na artista ngayon. Malaanghel na ganda, balingkinitang katawan, height na pang modelo, matalino, may talent sa pagkanta, sayaw at acting, si Tala Ligaya yan. Jam pack. Wala ng iba. Sabi pa nga, nese kenye ne eng lehet. At walang hindi nakakakilala sa kanya sa Pinas. Si Tala Ligaya ay kilala mula Batanes hanggang Jolo. Isa naman ang araw na ito sa pinakabusy nyang araw. Galing si Tala sa shoot nya sa isa nyang endorsement sa isang clothing line. At ngayon nga nagmamadali sya dahil may signing of contract na naman si Tala para sa isa nyang bagong soap opera na pagbibidahan ngunit nadelay sila ng kaunti dahil nag-away pa sila ng tiyuhin nya. Kabi-kabila ang mga offers nya kaya kinailangan ni Tala ang tulong ng Tiyo Con nya sa pagmamaneho ng van para mahatid sundo sya. May P.A. o personal assistant naman sya pero kasisibak nya lang. Mahaba-haba rin ang rason kung bakit nya sinibak ito. Sobrang bait ni Tala kaya nga lang ay nasagad ang pasensya nya ngayong araw, lalo pa't nagmamadali sya at punong-puno ang schedule nya. "Tala---" narinig ni Tala na tawag ng kanyang tiyuhin. "Wag ho ngayon, Tiyo. Mamaya na lang ho tayo mag-usap." Wala pa ring emosyong putol ni Tala sa sasabihin ng tiyuhin. Tumahimik na lamang ang may edad na lalaki. Malapit na sila sa GBS, isang kanto na lamang. Ililiko na sana ni Tala ang sasakyan pakaliwa ng may biglang batang babaeng tumawid. Mabilis na nakabig pa ni Tala ang manibela at nagbreak ngunit sa hindi inaasahan may isang binatilyo ang lumitaw kung saan kinabig ni Tala ang manibela. Hindi sapat ang pagkakakabig ni Tala sa manibela kaya nadaplisan ang batang babae at sa kasamaang palad ay tuluyan ng nasagasaan ang binatilyo. Gulat na gulat si Tala at ang Tiyuhin sa nangyari pero bago pa sila makababa sa sasakyan at siyasatin kung anong nangyari, naramdaman nila ang pagbaliktad ng sasakyan. Nagpagulong-gulong ang sasakyan sa kanang bahagi ng kalsada. Natigil lang ang pag gulong nito ng mabangga ito sa concrete na pader, na harang sa bagong ginagawang building. "Tala---" narinig pa ni Tala na sinambit ng kanyang tiyuhin ang kanyang pangalan. Hindi na nya ito magawang lingunin dahil hindi nya maigalaw ang kanyang katawan at wala na syang makita. Hindi nya maibukas ang kanyang mga mata! "Miss!" "Miss!" "Tumawag kayo ng ambulansya!" Ang mga huling litanyang narinig ni Tala bago sya sakupin ng kadiliman. +++ 3 YEARS LATER... TALA "Tala!" malakas na sigaw ng aking Tiyahin na gumising sa aking antok na antok na diwa. "Aba'y tanghali na't nakatalukbong ka pa riyan! Maglinis ka na doon! Batang ito!" Katok ng katok ito sa aking pintuan kaya wala na akong nagawa kundi bumangon. "Dios mio marimar!" bulalas nya ng harapin ko ito. Paano ba namang hindi ganun ang magiging reaksyong nya? Kasi naman ay nakabuhaghag ang mahabang buhok ko sa buong mukha ko. Antok na antok pa kasi ako. Nagmukha tuloy akong white lady dahil na rin sa suot kong mahabang night gown na puti. "Mukha ka ng multong bata ka!" maya-maya'y ika nya. "Hay naku! Maghilamos ka na nga at matanggal yang uling sa ilalim ng mga mata mo." Napasimangot akong tumalima. Hindi naman kasi uling yun. Dahil sa hindi ako nakatulog ng maayos kaya nangingitim yung ibabang bahagi ng aking mata. Si tiya talaga. Dark circles at Eye bags kasi ang tawag dun. Tsk. Umalis na rin ito sa wakas at patamad na lamang akong naghilamos ng aking mukha. Pagkatapos kong maghilamos ay dumiretso na ako sa kwartong lilinisin ko. Wala ng toothbrush toothbrush! As if naman may aamoy sa bibig ko. Nakikitira lamang ako sa aking tyahin na nagmamay-ari sa isang maliit na boarding house. Three storey house ito. Malapit sa university. Inuokupa ni tiya Ling ang pang ibabang kwarto kaya ang second floor at third floor lang ang pinaupahan. Dahil maliit lang naman ang bahay, tig-aapat na kwarto lamang ang bawat floors. May common CR na at kitchen na din ang bawat floors. Dati na ring pinaupahan ang rooftop pero nung magkaganito na ako'y hiniling ko kay tiya na ako na ang umukupa doon. Mabuti na lamang at pumayag sya. Nakita ko kasing sobrang nahirapan din sya sa naging kalagayan ko kaya minarapat ko na lang na dumistansya sa kanya. Magmula ng maging ganito na ang buhay ko ay naging katuwang nya na lamang ako sa paglilinis ng mga kwarto, kung nabakante na, sa kanyang munting negosyo. Ako rin ang nagpresentang magmaintain ng kalinisan doon. Wala naman kasi akong ibang ginagawa. Hindi mo masasabing malakas ang negosyo ng aking Tiyahin. Sakto lang at kahit papano nakakatulong yung mga bayad sa renta sa mga gastusin sa bahay. Si Tiya Ling na ang bumubuhay sa akin. Nahihiya na nga ako dito dahil wala akong maibigay na pera. Wala kasi akong trabaho o mas tamang sabihin na lagi akong natatanggal sa trabaho. Hindi ko naman masisi ang mga pinagtrabahuan ko kung tinanggal nila ako. Tingin kasi nila sa akin ay may tuliling. Wala naman akong magawa kung yun nga ang nakikita nila sa akin. Ang hirap lang kasi magpaliwanag sa mga taong ayaw naman makinig sa'yo. Alam mo yun? Anyway, bumuntong hininga muna ako bago pumasok sa aking lilinisang kwarto. Lagi na lamang nababakante ang kwartong yun. Walang nagtatagal na boarder kasi may kakaibang nangyayari. May iba kasing nakatira sa kwartong yun at ayaw na ayaw makipagshare. Ito yung kwarto sa third floor, na mabuti na lamang at nasa pinakadulo. At dahil din sa 'nakatira' doon, nadadamay yung ibang mga boarders at umaalis na din kung walang bakante sa second floor. Anyway, kailangan ko na talagang linisan yun kasi may lilipat na daw dun mamayang hapon. Pagbukas ko pa lamang ng pinto ay agad na tumaas ang balahibo ko sa kamay. Huminga muna ako ng malalim. Iniwan kong bukas ang pinto bago ako tuluyang pumasok sa loob. Kunwaring nagtapang-tapangang nagsimula na akong maglinis sa kwartong yun. Pagtanggal ko pa lamang ng bedsheets ay biglang natumba ang lamp sa tabi ng mesa. Napakagat ako ng labi. Agad kong binalik iyon sa dating posisyon nya. Tinanggal ko ang punda ng unan ng may narinig akong lagabog mula sa aparador. Hindi ko pinansin. Nagtrabaho lamang ako. Lumakas naman ng lumakas ang lagabog sa aparador. At nagbubukas sara ito ng mag-isa. Nanginginig ang tuhod na nagpatuloy lang ako sa paglilinis. Pagkatapos ng pagwawala ng aparador ay ang drawer naman ng side table ang hinihila ng papasok at labas. Pinilit kong kumalma. Kailangan kong malinisan ang kwartong ito dahil kung hindi, malalagot ako sa tiya ko. Ayaw ko na syang bigyan ng sakit ng ulo. Kunwari ay wala akong narinig o nakita hanggang sa nagsabay na sa pag-iingay ang drawer at side table. Nanginginig ang mga kamay at tuhod ko lalo na ng may sumigaw na, "Wag kang maglinis dito sabi!" Yung tinig ay napakalalim na parang nanggaling sa hukay. Kasabay ng pagsabi ng kung sino ng katagang iyon ay ang pagbalibag ng pinto. Napapigil ako ng hininga at napapikit. "Alam kong nakikita mo ako! Nakikita mo ako!" Muling sigaw nya. "Umalis ka dito kung ayaw mong marape!" Muntik na akong mahimatay doon dahil sa nangyayari pero pinigilan ko. Oo, nakikita ko sya. Isa sya sa mga nakakatakot na nakita ko. Nakabrief lamang ito at namumula ang mga mata. Itim ang mga labi at nabubulok na ang mga ngipin. Puno ng saksak at duguan ang kanyang putlang-putlang katawan. Nanginginig ako sa takot at walang lingon-likod na patakbo kong tinungo ang pinto at tuluyan ng humarurot palayo doon. "Ang baho ng hininga mo!" Bulalas ko ng tumatakbo akong umuwi sa aking bahay. Nagpahid ako ng luha, dahil yun sa gigil at takot. Nasusuka akong hindi ko mawari. Kung may choice lamang ako. Itataya ko ang buong buhay ko para bumalik sa normal. Nakasanayan ko na naman ang mga ito pero hindi pa rin ako sanay. Alam mo yun? Yung feeling na yun? Na alam mong nandoon sya pero pinipilt mo ang sarili mong wala na sya. Oo, nakikita ko sila. Hindi natatapos ang isang araw na wala akong nakikitang kagaya nila. Sino? Uhm... ang mga multo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

IN BETWEEN (SPG)

read
267.8K
bc

That Night

read
1.1M
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
272.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

His Precious Property

read
613.6K
bc

A Night With My Professor

read
495.4K
bc

SILENCE

read
380.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook