bc

The Bride

book_age16+
19.5K
FOLLOW
80.8K
READ
billionaire
contract marriage
arranged marriage
playboy
drama
tragedy
lighthearted
betrayal
illness
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

The world turns upside down when Matteo Aiden got arrange marriage with a Ramos. Would you be happy if you don't know who will be your bride is? The funny thing is he just saw the picture of his future wife. But then and again, he wants to give it a try if it will work out. But it does?

What if we fall for a loveable lie? What will you do? Will you embrace it or just throw and forget it?

If you think that their love story is a cliche, then think twice.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Substitute Nandito ako ngayon sa aking kwarto. Ganito naman palagi ano pa bang bago? Hindi tayo pwedeng mamuhay kagaya na lamang ng ibang normal na tao. Dahil sa isang romantic love story ay nabuhay ang pagiging hopeless romantic ko hanggang sa nakarinig ako ng pag-aaway sa baba ng bahay. Bumaba ako para matingnan kung gaano ka seryoso ito. Huminto ako sa gitna ng hagdan dahil sapat na para makita ko sila at marinig. "Ma! Hindi ko naman kilala yung ipapakasal niyo sakin, ni pangalan nga hindi ko alam diba? Tanging isang picture lang!" Sigaw ni ate Angela. I can see frustration in her eyes. "But we need this. We definitely need this! Dito nakasalalay ang kumpanyang pinaghirapan namin ng daddy niyo!" Sigaw pabalik ni mama, pilit pinapaintindi kay ate na kailangan niyang gawin kung ano man ang pinagagawa nila. "Mom, may iba akong mahal. You are okay with him, dad is okay with him. Now what? Ipapakasal niyo ako sa taong hindi ko man lang kilala?" Bigong tanong ni ate Angela. Namumuo na rin ang mga luha sa kanyang mata pero nang tumulo ito ay agad niyang pinunasan. "Angela, listen to us okay? This is for the sake of everybody." Mahinahon na boses ang narinig ko kay mama. Marahan niya pang hinawakan ang balikat ni ate pero kaagad din itong umiwas. "No. It's all for your sake! Not mine. You know what mom? I am so disappointed with you and dad! I thought you are different from my friend's parents but you are all the same!! For business? For money you are willing to sell your own daughter?!" Sigaw ni ate Angela. Hindi mapigilan ni mommy ang pagdapo ng kanyang kamay sa pisngi ni ate Angela. Bakas ang gulat sa mukha ni ate,maging ako ay nagulat. "Really mom? Yo-you just slapped me." Hindi makapaniwalang tanong ni ate Angela. Kaagad na tinalikuran ni ate Angela si mama at tumakbo paakyat. Napahinto pa siya ng makita ako pero hindi na niya ako pinansin, pinunasan niya ang kaniyang luha tiyaka nagpatuloy sa pag-akyat. Napaawang ang labi ko ngunit hindi ko muna siya sinundan dahil mukhang kailangan niya munang magpalamig ng ulo. Mukhang nagulat din si mama pero agad din siyang nakabawi. Tiningnan niya ako tiyaka malungkot na ngumiti. Bumaba ako para malapitan siya. "Alis muna ako, may kailangan pang asikasuhin sa kumpanya." Saad niya bago ako niya ako iwanan ng nakaawang ang labi ko. Hanggang sa nag hapunan na at bumaba na ulit ako para kumain. Nandoon si mommy at daddy naghihintay siguro samin. Pilit ang ngiti na iginawad sa akin ni mommy. I kissed her on the cheeks and same with my dad. Maingat akong umupo sa aking upuan. Bahagya akong nanibago dahil walang maingay sa tabi ko. Tahimik ang aming pagkain, siguro ay pinagbigyan nalang ni mommy si ate ng pagkain sa mga kasambahay. Hanggang sa natapos ang hapunan ng walang nagsalita. Tahimik akong umakyat sa taas at naisipan na bisitahin si ate. Nandoon pa rin ang pagkain na nasa tray sa labas ng kwarto niya, hindi niya ito kinuha. Kinuha ko iyon tiyaka kumatok sa pintuan ng kwarto niya. "Ate?" I knocked. I left a heavy sighed nang hindi man lang ito sumagot at tanging hikbi lang ang naririnig ko. "Ate, mag-hapunan ka muna." I said pero wala pa ring reply galing sa kanya. Matigas pa naman ang ulo ni ate kaya binitawan ko sa tapat ng pintuan ang tray "Ate, I just left the food here okay? You can knock on my door if you need something. I'm always here." Pumunta na ako sa kwarto ko para makapagpahinga and to drink some medicine. Nagmuni-muni lang naman ako habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko, paano kaya mamuhay kagaya ng isang normal na tao? Hindi ko namalayan ang pagtulog ko. Nagising ako nang makaramdam ng uhaw. Tiningnan ko ang orasan sa bed side table ko at 3 o'clock na ng madaling araw. Bumangon ako sa kama tiyaka sinuot ang tsinelas ko. Inayos ko ang buhok kong mahaba dahil magulo. Bahagya akong nag hikab ng makaramdam parin ng antok. Binuksan ko na ang pintuan ng may nasipa akong kung anong bagay. Tumingin ako sa baba ng isa itong sobre. Marahan ko itong kinuha, nagtataka ako kung anong laman nito kaya binuksan ko. Angel, I'm sorry for doing this but I think this is just the right thing. Sorry kung hindi ako nakapag paalam ng maayos. Promise I will be safe. Ayaw ko lang talaga sa desisyon ni mommy and did you believe na bukas na kaagad ang kasal? I'm so sorry you know how much I love John right? But this does not mean na I don't love our parents, i'm just choosing what makes me happy for the meantime. I'm so sorry. Tell mom and dad I'm sorry, I love them so much but I can't understand them now. I love you, twin! Dahil sa aking nabasa ay nagpanic ang kalooban ko. Kaagad akong pumunta sa kwarto ng kakambal ko. Binuksan ko ang pintuan at doon bumungad sakin ang malinis at maayos na higaan niya. Wala siya. Kaagad akong pumunta sa closet niya to check kung nandoon pa ba ang gamit niya pero kalahati ng gamit niya ay wala. Nakita ko din na wala ang maleta at yung isang travel bag niya. Bumalik ako sa kwarto ko para kunin ang cellphone ko. I immediately dialed her number but it's already out of reach. I dialed kuya John number but hindi din ito ma contact. I'm starting to worry about my twin sister. Kinuha ko ang laptop ko. I am determined to search for her, at least I know she's fine. Hindi na ako makatulog hanggang sa namalayan ko na 5 o'clock na pala ng madaling araw and I am here in front of my laptop waiting her to message me on my social media account or on my cellphone. Nakarinig ako ng mga kaluskos at nagpapanic na boses sa labas. Sigurado akong alam na nila na tumakas si Ate. Lumabas ako ng pinto, nakita ko si mama na nagpapanic katulad ni daddy. "Angel, hindi mo ba alam kung saan pumunta si Angela?" lapit sakin ni mommy. May kausap si Dad sa mga tauhan namin marahil ay tinatanong kung napansin nila ang paglabas ng bahay ni ate. "Hindi po. Nag-iwan lang siya sakin na letter na sumama siya kay Kuya John and she's sorry." I said. Napahawak naman si mommy sa dibdib niya kaya kaagad ko siyang inalalayan. "Damn. This is the wedding day!" Sabi ni daddy. "Isang malaking kahihiyan ito." Dagdag pa nito. Nagtipa siya sa kanyang cellphone, ramdam ko ang pag-alala niya. "What if we will just postponed the wedding habang hindi pa natin nahahanap si Angela?" Tanong ni mommy kay daddy. Umiling naman si Dad. "Sa tingin mo papayag pa ang mga Suarez?" Pagod na tanong ni Daddy. "So ano? Babagsak ang kumpanya natin. Sila lang ang solusyon dito. Sobrang sikat ng mga Suarez. Baka naman pwede mong pakiusapan ang kaibigan mo na ire-sched nalang muna natin ang kasal?" Umaasang tanong ni mommy habang hinahagod ang likod ni daddy. Nakatingin lang ako sa kanila habang nag-uusap. "Isang buwan na nating napag-usapan ito. Hindi na pwedeng hindi matuloy ngayon ito." Sagot ni daddy. "Kung sanang pumayag si Angela edi sana madali ang lahat ng ito." Umiiling na dagdag ni Daddy. "We probably lost the company and lost all the things we worked hard." Nakita ko ang pagod sa mga mata ni Daddy. Nakikita ko ang pagod at lungkot sa mga magulang ko, sa mismong harapan ko. I don't want to see them this way. I know may magagawa ako. "Is they already met Ate?" I asked. Napatingin naman sila sakin. Ayoko silang makitang ganito kung gayong alam kong may magagawa ako. "Hindi pa." Sagot ni daddy, kita ko ang takot sa mata ni mommy. "They just saw her on pictures." Kinuyom ko naman ang kamao ko. "I will be the substitute. I can replace her. I will be the bride." matigas na sagot ko habang nakatingin kay mommy at daddy. Kaagad umiling si mommy sa sagot ko. Bakas sa mata niya ang hindi pag sang-ayon. "No way. Hindi pwede." Kaagad na sagot ni mommy. "Hindi ba magiging unfair kay ate to? Siya ipinagbibili niyo habang ako, ako na nagpepresinta ayaw niyo?" I asked, I know what my twin feelings para saan pa at naging kambal kami? "That's the only way." Bigong wika ni daddy. Mukhang payag sa suhestiyon ko. "I will be the bride mom. I will be okay. I promise." At binigyan ko siya ng matamis na ngiti. This is the only way. Ito lang ang maitutulong ko sa pamilya ko. Walang nagawa si Mommy sa desisyon namin ni daddy. They say ang pangalan na pinakilala nila ay Angel dahil masyado ng expose si Ate sa ibang mga tao at baka malaman nila na long time boyfriend niya si kuya John. Pagkalipas lamang ng isang oras ay dumating na ang make up artist na mag-aayos sakin para sa 'kasal' ko. Magkamukhang-magkamuha kami ni Ate pwera lang sa isang maliit na mole o parang tuldok na nunal lang sa gitna ng dalawang mata o bandang taas ng ilong ko. Iyon lang ang difference namin sa mukha. Sa height ay matangkad lang siya ng konti sakin. Pareho naman mahaba ang buhok naming dalawa. "Ang ganda mo naman pala. Hindi ko na kailangan pang um-effort para mapaganda ka." Sabi sakin ng make up artist. Ngumiti lang naman ako, hindi ko alam kung binobola niya lang ako o seryoso siya. Habang inaayusan ako nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagpasok nila sa gown na susuotin ko. Mukhang engrande nga ang kasal na pinlano nila mommy at daddy. Paano kaya nila napapayag ang anak ng mga Suarez? Ginusto niya ba ito o napilitan lang? Kung sa bagay sino naman ang gugustuhin ito kung hindi mo man kilala ang taong papakasalan mo? At sa picture mo lang siya nakita. Ano kayang itsura ng taong papakasalan ko? Mabait kaya ito? Or masama? Huwag naman sana. Ganto pala ang feeling ng mga kinakasal or maybe ako lang dahil hindi ko man nakita or kilala ang taong papakasalan ko? Kung sa bagay, hindi naman dapat ako ang nandito. Inagawan ko lang ng pwesto si Ate. Masaya kaya si ate ngayon? Kumusta na kaya sila? Ayos lang ba sila? Sana naman kapag nabalitaan ni ate na ako ang nagpakasal umuwi na siya. I am worried with my twin. Hindi ko namalayan tapos na pala akong ayusan. Tiningnan ko naman ang mukha ko sa salamin at bahagyang kumurba ang ngiti sa aking labi. Dati pinapanood o nababasa ko lang itong mga ganitong eksena ngayon ako na mismo ang makakaranas. Sinuot sa akin ang gown at isang himala na fit na fit nga sakin ito para bang pinasadya talaga para sa akin. Lumawak ang ngiti ng mga nag-aayos sakin dahil doon. "Perfect!" At may kasama pang palakpak ang sinabi sakin ng bading na designer ng gown. I smile at my reflection in the mirror. I know you can do it. This is it.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Reckless Hearts

read
255.7K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
628.1K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
63.5K
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.4K
bc

Faithfully

read
265.6K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook