bc

World of Differences: Colt Trevoir

book_age16+
124
FOLLOW
1K
READ
murder
dominant
confident
no-couple
mystery
expert
male lead
city
disappearance
self discover
like
intro-logo
Blurb

Pagkaraan ng kahina-hinagpis na sinapit ng mga nakapaloob sa Muujan ay may panibago na namang kahaharapin ang prinsipe mula roon. Si Colt Trevoir ay nagtataglay ng kapangyarihang may kinalaman sa tubig, isang kasindak-sindak na prinsipe ngunit, nang makabalik siya sa mundo ng mga tao ay nawala ang lahat ng iyon sa kanya.

Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan niya ay naging maginhawa ang buhay niya sa mundo subalit, sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lamang siyang napadpad sa loob ng kanyang paboritong laro; ang Death Tournament.

Makakaligtas pa ba muli si Colt kung ang pangunahing layunin ng laro na ito ay magpatayan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Dream
COLT Kamakailan lang nang makabalik ako muli sa mapait na katotohanan. Ang pagiging isang prinsipe ko na nagtataglay ng katangi-tanging kapangyarihan ay naglaho na rin kasabay ng pagguho ng Muujan. Ngayon ay naglalakbay na lamang ako sa kawalan, sa kadahilanang wala akong pera at tirahan, pati na rin kaibigan o pamilya ay wala ako. Balak ko sanang magpatuloy sa pag-aaral ngunit hindi ko alam kung saan ako tatanggapin. Kasalukuyan akong nasa harapan ng isang internet cafe. Huminga muna ako nang malalim bago nagpatuloy sa loob nito. Hindi na ako namangha sa taglay na kalawakan, kagandahan at karamihan ng taong naglalaro na rito dahil buong maghapon at magdamag naman akong naparirito. Katulad ng nakagawian, napakaingay pa rin dito dahil sa mga pikon kung maglaro at walang ibang lumalabas sa kanilang bibig kundi ang pagmura. Ubos na ang pwesto para sa mga magkakatabing upuan kaya dumiretso na lang ako sa counter upang magtanong. “Wala na ba kayong natitirang pwesto para sa akin? Regular naman ako rito ah?” tanong ko sa babaeng nakasalamin. Tumawa siya nang bahagya at tumikhim. “Haha, regular ka nga rito Colt, kaya pati ang pagbabayad sa renta mo ay hindi mo na magawa-gawa,” aniya at hindi ko alam kung seryoso ba siya, naninigil o nagbibiro lang kaya hindi muna ako nagsalita. “Ang seryoso mo naman yata ngayon? Hindi ka na mabiro haha. Doon ka muna sa pinakadulong kwarto, nireserba ko na iyon para sa iyo dahil inaasahan ko namang darating ka.” Kinindatan niya ako kaya kinilabutan at nagsipagtayuan ang mga balahibo ko sa braso. “Mukha kang ewan,” bulong ko sa aking sarili bago ko siya pasalamatan at talikuran. “Thanks, Trish ganda mo talaga!” Pagkatapos ko siyang pasalamatan at bolahin ay kumuha ako ng isang libro sa gilid. Hindi ko tinignan kung tungkol saan ang nilalaman nito, kailangan ko lang ng mapapatungan. Tinungo ko ang kwartong itinuro kanina ni Trish at natulala dahil tanging computer lamang ang kaharap ko ngayon. Lalabas na sana ako para itanong kung bakit ganito lang at wala ang iba pang mga kagamitan katulad ng speaker, headphone at upuan. Subalit, biglang sumara ang pintuan sa aking likuran. Sinubukan ko itong buksan pero ayaw talaga nitong magpatinag kahit gaano kalakas ang pwersang ibuhos ko sa hawakan ng pinto. “Anong kababalaghan na naman ba ito,” naguguluhang tanong ko sa isipan. Nagulat ako nang sumindi mag-isa ang computer at magkaroon ng kakaiba at nakakatakot na tunog. “Nananaginip ba ako?” Puro loading lang ang lumilitaw sa screen kaya nagagawa ko pang kumalma sa ngayon ngunit, maya maya pa ay bumungad dito ang isang video ng pugot na ulong gumugulong gulong sa lapag na nababalot ng dugo. Patuloy ito sa paggulong, pabilis nang pabilis kaya nagsimula nang tumakbo ang aking puso. Ang kaninang malakas na tunog at maliwanag na paligid ay napalitan ng dilim at katahimikan. Ilang saglit pa ay may naramdaman akong huminto sa aking paa, ramdam na ramdam ko ito dahil tsinelas lamang ang aking suot. Kumiliti sa akin ang mistulang buhok ng tao. Buhok ng tao? Nanlaki ang aking mga mata kasunod ng pagpigil ko sa aking hininga. Unti-unti kong iniyuko ang aking ulo upang tumingin sa ibaba. “AHHH!” Hindi ko napigilang sumigaw nang makita ko ang gumugulong na ulo sa screen mismo sa aking paanan. Nag-iba na rin ang simoy ng hangin sa loob simula nang mamataan ko iyon, umaalingasaw ang masangsang na amoy na siyang nakakasuka. “Hayop, Colt, gumising ka na!”  Nasisiraan na ata ako ng ulo kaya ko nararanasan ito. Nang pagmasdan kong mabuti ang pader ay ngayon ko lang napagtantong puno na rin ito ng rumaragasang malapot na dugo. Kaunti na lang ay mapupuno na itong kwarto ng dugo nang sa isang iglap ay nabanlian ako ng kumukulong tubig sa aking braso. “Ano? Masarap ba? Kanina ka pa ginigising d’yan ayaw mong bumangon, para kang tangang paikot ikot sa kama! Mag-asikaso ka na riyan!” Bulyaw ng aking nanay. Hindi ko siya tunay na ina dahil inampon lang naman ako at alam ko ‘yon. Kahit saan naman ako mapadpad ay ampon pa rin lang ako. Mabuti na lang ay panaginip nga lang talaga iyon, akala ko mamamatay na ako sa sakit sa puso. Kahit pa may aircon dito ay pawisan pa rin ako at hinihingal. Ipinagsawalang bahala ko na lang ang napaniginipan ko at hinila ko na ang aking mga paa upang tumayo sa kinahihigaan ko. Kumain ako at naligo tsaka dumiretso sa computer ng aming bahay. Laking pasasalamat ko rito dahil hindi ko na kailangang gumastos pa para lang makapaglaro. “Laro na naman inaatupag mong lalaki ka! Hindi ka mag-aral para makapag hanapbuhay ka at nang may maitulong ka naman sa akin! Makain ka sana ng nilalaro mo,” pagrereklamo ni ina mula sa kusina. Kahit pa napakalayo namin sa isa’t isa ay alam na alam niyang nasa harapan na naman ako ng computer. Pinindot ko na ang mga kailangang pindutin para gumana ito at naghintay ng ilang segundo. Nang sumindi na ito ay sinimulan ko nang laruin ang paborito kong laro kung saan walang nakakatalo sa akin. Ito ay tinatawag na Death Tournament. Marami siyang iba’t ibang klaseng istilo ng paglalaban kaya hindi nakakasawa, para rin itong last man standing kung saan isa lang ang matitirang magwawagi sa huli. Ilang oras ang nakalipas ay hindi ko namalayang nawala na pala ang araw dahil gabi na. Ni hindi man lang ako umalis sa kinauupuan ko, masyado na akong nakatutok sa larong ito gaya nga ng sabi ni inay. Ang isipan ko ay nawawala na sa huwisyo, pakiramdam ko ay parang lumulutang ako sa hangin pero patuloy pa rin ako sa pagpipipindot sa aking keyboard at mouse. Sa isang laro, mahalaga ang bawat segundo at ang lahat ng ikikilos ng naglalaro dahil magiging malaki ang epekto niyon sa buong laban. Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na pangyayari. Bigla na lamang lumitaw sa aking screen ang salitang defeat kahit hindi pa naman natatapos ang laro. Nasilaw ako sa sobrang liwanag ng screen ko kaya hinarang ko ang aking mga braso sa mukha ko upang mabawasan iyon kahit papaano. Pero wala ring naitulong ang pagharang ng mga braso ko dahil lalo lang lumala ang sitwasyon. “Welcome to the Death Tournament where you’re free to kill your opponent as long as you have the guts to do so."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
117.6K
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook