bc

My Prison Life

book_age16+
109
FOLLOW
1K
READ
others
drama
tragedy
heavy
lighthearted
serious
abuse
betrayal
disappearance
spiritual
like
intro-logo
Blurb

Delsin Marquez is an 18-year-old teenager who dreamt once on working in Metro Manila to one day lift his family from poverty. Unfortunately, he was scammed on his first try towards his dream. It turned out, there was no job available for him once he got to the place of address he was given. Delsin, not one to lose hope, tried different jobs for him to scrape by – massage therapist, selling breads in the streets, peddling dirty ice cream and taho.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Masayang gumising si Delsin. Alas-kwatro ng madaling araw ay nagtitimpla na siya ng kape at may tinapay na binili pa noong isang araw.   Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang balat kaya gustong-gusto niya na makahigop ng kape ngayong umaga.   Ngayong araw na kasi ang kanyang pagpunta sa Maynila. Magtatrabaho na siya kahit na labingwalong taon pa lamang siya. Nakatira si Delsin sa probinsya, sa Bicol.   Kahit na hindi alam ni Delsin ang buhay na meron sa Maynila ay masaya siyang iniisip na sa wakas ay matutulungan na niya si Nanay Ising sa munti nilang bahay.   Ang hirap kasi ng buhay nina Densin at Nanay Ising sa probinsya. Kaya nga hindi na nakakapagtaka na umalis si Diana sa poder nila at pumunta na sa Maynila para mabuhay.   Si Diana ay panganay na anak ni Nanay Ising. Ang balita nila ay may anak na ito at asawa sa Maynila. Hindi naman nila alam paano ito makakausap kaya baka hanapin na lang ito ni Delsin kapag nasa Maynila na siya.   "Anak, ang aga pa ah. Bakit gising ka na agad?" tanong ni Nanay Ising, limampu't limang taong gulang. Pupungas-pungas pa siya.   "Nanay, hindi mo na po ba natatandaan kung anong meron sa araw na ito? Pupunta na kong Maynila, 'nay. Doon na po ako magta-trabaho," sagot ni Delsin na sobrang saya.   Umupo si Nanay Ising sa tabi niya at halata mo sa mukha niyang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng kanyang anak.   "Ha? Anong sinasabi mo dyan? Gagaya ka sa Ate Diana mo na iniwan kami ng Tatay Delfin mo? Ano ka ba naman!" inis na sabi nito sa anak.   Nalungkot naman si Delsin sa sinabi ng kanyang nanay. Alam naman niya na  masasaktan ito sa kanyang desisyon, pero nakapagsabi na kasi siya noon kaya hindi niya alam kung bakit iba na naman ang sinasabi ni Nanay Ising sa kanya.   "Nay, dadalawin pa rin naman kita dito paminsan-minsan. Saka, doon ka muna kay Tiyang Teresa titira dahil wala ka nang kasama dito kapag umalis ako," sagot ni Delsin, umaasa na mag-iba pa ang ihip ng hangin.   "Ano bang meron sa Maynila na 'yan at atat na atat kayong tumira dyan?! Naalala mo ba, hindi naman natupad ni Ate Diana mo ang sinabi niya?! Namatay na si Delfin pero hindi pa siya nakakauwi dito!" galit pa rin si Nanay Ising.   "O-Opo, alam ko po ang nangyaring 'yon, pero hindi naman ako si Ate Diana. Hinding-hindi po ako gagaya sa kanya," naluluha na si Delsin sa kanyang sinasabi.   "Ewan ko sa iyong bata ka. Bahala ka na sa buhay mo! Kung gusto mong pumunta sa Maynila, e ‘di doon ka na!" sigaw ni Nanay Ising na tumayo at pumunta na sa kanyang kwarto. Galit na galit.   Nawala tuloy ang saya ni Delsin. Parang ayaw na niyang umalis dahil sa galit ni Nanay Ising, pero wala din naman siyang magawa kasi ang alam ng pinsan niyang si Boyong ay sasama siya papunta sa Maynila. Doon din kasi nagta-trabaho si Boyong sa Maynila, nauwi naman ito kapag may pagkakataon.   Hinayaan muna ni Delsin ang kanyang Nanay Ising sa kwarto nito. Alam niyang maya-maya lang eh lalamig rin ang ulo noon.   Naiwan siyang mag-isa sa sala. Abala siyang umiinom ng kape habang nakatingin sa bintana. Iniisip niya kung ano ba ang tamang gawin.   Hindi namalayan ni Delsin na nakatulog na pala siya sa kakaisip. Buti na lang ay nagising siya sa sigaw ni Boyong.   "Hoy! Ano ka ba? Kanina pa kita inuuga-uga. Hindi ka pala mabilis magising! Ano? Tara na!" sabi ni Boyong na nakaporma na.   "Mukhang di na ako sasama, Boyong. Ayaw ni Nanay Ising eh," malungkot na sabi ni Delsin kay Boyong.   "Ha? Anong sinasabi mo dyan? Ang ayos naman ng usap natin nung isang araw ah. Ikaw ah, maligo ka na at magbihis!" sabi ni Boyong na pinipilit ang kanyang pinsan na tumayo.   "Ayaw nga ni Nanay Ising. Iniwan na daw siya ni Ate Diana kaya ayaw na niyang maiwan ulit," sabi ni Delsin.   "Si Tiya Ising talaga, doon naman siya titira kay Nana Teresa ah. May kasama pa rin siya kahit papaano. Saka, parang hindi ka naman babalik dito. Pwede mo naman siyang dalawin pagkatapos ng tatlong buwan," sabi ni Boyong.   Malungkot na tumingin si Delsin sa langit. May pag-asa pa rin sa kanyang mga mata. Na sana eh pakinggan siya ni Nanay Ising para makahabol sila ni Boyong sa Maynila.   "Boyong, mamaya pa naman tayo aalis di ba?" tanong ni Delsin na umaasang oo ang isagot ni Boyong.   "Oo, bakit?"   "Kukumbinsihin ko pa rin si Nanay Ising. Bahala na. Gagawin ko ang lahat para pumayag siya sa gusto ko," sabi ni Delsin sa kanyang pinsan.   "Iyan! Mabilis ka naman pala kausap eh. Sige na, babalikan na lang kita mamaya ah. Sana ay maging maayos ang usapan niyo ni Tiya Ising," sabi ni Boyong.   "Sana nga. Sana ay makapunta akong Maynila."   Pagkatapos na makauwi ni Boyong ay inisip muna ni Delsin kung ano talaga ang kailangan niyang sabihin sa Nanay Ising niya para payagan na siya nito.   Huminga muna siyang malalim bago tuluyang pumunta sa harapan ng kwarto ni Nanay Ising. Kumatok siya pero walang sumagot.   Binuksan na niya 'yon kahit na walang pahintulot ni Nanay Ising. iniisip niya kasi na baka may mangyaring masama kapag nag-isip pa ito lalo.   "Nay, pwede po ba tayong mag-usap?" tanong ni Delsin.   "Kung buo naman na ang desisyon mo, wala na akong magagawa. Buhay mo 'yan eh. Huwag ka lang babalik dito kapag nagkamali ang desisyon mo. Sinabihan na kita," nakatalikod pa rin si Nanay Ising habang sinasabi iyon.   "Hahanapin ko po si Ate Diana sa Maynila. Isasama ko po siya dito pabalik. Uuwi po ako pagkatapos ng tatlong buwan. Pangako po 'yan."   Umupo na sa kama ni Nanay Ising si Delsin, hinihintay niyang tumingin ito sa kanya pero hindi naman ito ginawa ng matanda.   "Ang mga taong hindi na bumalik, hindi na iyon magpapakita kahit kailan pa. Para sa akin, patay na ang Ate Diana mo. Patay na rin naman ako para sa kanya, hindi ba?" sa boses ni Nanay Ising ay halata mong naiiyak siya pero ayaw niyang humarap kay Delsin.   Dahil naman sa sinabi ni Nanay Ising ay napaiyak na nang tuluyan si Delsin. Humiga siya sa tabi ni Nanay Ising at niyakap ang kanyang ina.   "Kung dyan ka masaya anak, pinapayagan na kita. Siguraduhin mo lang na ang desisyon na 'yan ay tama para sa iyo. Mag-iingat ka sa Maynila. Huwag mong hayaan ang sarili na magtiwala sa mga tao doon."   Kahit alam niyang hindi siya kita ni Nanay Ising ay tumango pa rin siya habang naiyak. Pinangako niya sa sarili na hindi niya kakalimutan ang bilin ng ina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

PLEASURE (R—**8)

read
56.1K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
40.2K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
73.6K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
24.7K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
90.8K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
28.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook