bc

MY HANDSOME LITTLE DEVON (taglish)

book_age0+
1.4K
FOLLOW
9.5K
READ
family
goodgirl
neighbor
student
drama
comedy
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

“My dreams are meaningless if you’re not there. Ayokong nasa likuran lang kita at pinapanood akong tinutupad iyon.”

Gustong maging doktor ni Mayet balang-araw kaya nag-aral siyang mabuti. Maganda naman ang naging resulta niyon dahil naging consistent honor student siya.

Pero nabulabog ang tahimik niyang mundo sa pagdating ng isang cute, pilyo, at makulit na lalaki. Hindi susuko si Devon David hangga’t hindi nakukuha ang matamis niyang “oo.”

Pilitin man ni Mayet na kontrolin ang sarili, nahulog pa rin ang loob niya kay Devon. Aaminin niya, naaaliw at kinikilig siya sa binata.

Si Mayet ang first love ni Devon. Siya ang katuparan ng mga pangarap ng binata. Dahil kay Mayet, tumino at nag-aral nang mabuti si Devon. She was his inspiration.

Pero dumating sa puntong kailangan na ni Mayet na itigil ang kahibangang iyon. She broke his heart.

Pagkalipas ng maraming taon, muli silang nagkita ni Devon. Ibang-iba na ito. Malayo na sa dating pilyo at makulit. He became a gorgeous heartless hunk. At siya, nagbago na rin.

Dahil siya na ngayon ang natotorete sa harap ng binata.

Pero huli na ang lahat, dahil engaged na si Devon at mukhang itutuloy nito ang mga pangarap na hindi siya kasama…

chap-preview
Free preview
1. LITTLE DEVON
“Mayet, nakahanda ka na ba?” tanong ni Rosie. Huminga muna si Mayet nang malalim at tumango. Gusto na niyang batukan ang sarili dahil kinakabahan siya. Daig pa niya ang tumakbo ng ilang kilometro dahil sa sobrang kabog ng dibdib. Apektado na maging ang kanyang sikmura. Umiikot na iyon. Nadudumi siya na parang hindi! Pambihira. Alam ni Mayet na wala siyang dapat na ikabahala pero hindi niya maiwasan. Dadating si Devon para magbakasyon. Kapatid ito ni Rosie sa ina— ang kanyang kaibigan mula pa pagkabata. Mas matanda sila ni Rosie dito ng dalawang taon. Sa ngayon ay beinte nuwebe anyos na sila ni Rosie at beinte syete na si Devon. Noon pa man ay magkakapitbahay na sila nito at iisang eskwelahan ang pinasukan. Nagkahiwalay lang magkapatid nang kuhanin si Devon ng ama nito at isinama sa states. Naiwan si Rosie kasama ang ina na sa ngayon ay dalawang taon ng patay dahil sa breast cancer. Si Rosie na ang nagma-manage ng salon na naiwanan ng ina. Si Mayet ay kasalukuyang naka-bakasyon. Medical Representative siya sa isang pharmaceutical company. Tatlong taon na siya sa RPG Laboratories. Vaccines para sa adult at pedia ang hawak nila. Ang area niya ay Benguet at La Union. At dahil nakakaramdam na siya ng boredom at pagod sa trabaho ay nagpasya siyang gamitin ang leave. Kadadating lang niya sa San Antonio ilang araw nang nakararaan at agad na dinalaw ang kaibigan. At hayun nga, matapos siyang dumating tatlong araw ng nakararaan ay saka naman dadating si Little Devon! Napahinga nang malalim si Mayet at marahang nailing sa sarili. Hindi siya mapalagay kahit ano’ng pigil. She couldn’t describe what she felt that time. Halong tuwa, hiya at excitement iyon. Aaminin niya, she wanted to see Devon. Makumustahan man lang bilang isang kaibigan o kakilala. She was indeed glad that after so many years, she heard that Devon did well on his life. Balita ni Rosie ay bigtime na ang binatilyong maliit noon. Hindi niya mapigilang mapangiti sa naisip. Ang kulit lang ni Devon noon. Animo isang batang handang luhuran siya para sa iisang tangkay ng rosas para tanggapin niya. The kid really liked her. Well, used to. Balita din niya ay madami na itong naging girlfriend. Kahit papaano ay nakahinga nang maluwag si Mayet sa kaalamang hindi nakasira sa pagtingin nito sa pagibig ang nangyari sa kanila. Ipinilig niya ang ulo para huwag ng muling maalala ang ginawa. Huminga siyang muli nang malalim para pagaangin ang pamimigat ng dibdib. “Oo naman. And why should I be ready?” natatawang tanong ni Mayet sa kaibigan at pilit na pinahalatang balewala si Devon. Aba, ilang taon niyang dinala sa konsensya ang mga ginawa. Pakiramdam pa nga niya, sa tuwing mayroong hindi nangyayaring maganda sa buhay niya ay karma niya iyon sa ginawa kay Devon. Ganoon kabigat ang impact ng mga nangyari. She was worried. She couldn’t sleep at night. Mabuti sana kung nakikita niya ito at makukumusta man lang. Kaso ay hindi. They were worlds apart. Nakahiyaan na niyang tawagan ito sa states para tanungin kung kumusta na ang pusong dinurog niya. Natatakot din siyang marinig ang mga sumbat nito. “Are you sure?” seryosong tanong ni Rosie at pinakatitigan si Mayet. Natawa siya at umiling. Dumiretso na siya nang tingin at marahang iti-nap ang mga daliri sa manibela upang hindi nito mapansing hindi siya sigurado. She couldn’t understand herself. She thought she was okay. Akala niya ay balewala na ang mga nangyari pero lintik. Narinig lang niyang papadating si Devon, nagwawala na ang utak niya. Hindi pa rin maaalis na nagaalala siya. Baka galit ito sa kanya o ano. But she just did what she thought was right and she was hoping that Devon would also realized that after so many years. Besides it was thirteen years ago! Sixteen years old pa siya at fourteen si Devon. Ah, nakalimot na siguro ito. Napatango na lamang siya at napapraning lang dahil may atraso sa lalaki. “I am so sure,” simpleng sagot niya. Napabuntong hininga ito. “Okay. Mabuti na ang malinaw. Hintayin na lang natin siya. Papalapag na ang eroplano noon. Salamat pala at pumayag kang sunduin siya,” anito saka siya kinindatan. Nasa kasa kasi ang sasakyan nito at wala namang kaso iyon sa kanya. Kung hindi siya sumama, malamang ay natutulog lang siya sa bahay. Naghintay pa sila at minabuti muna niyang ipinikit ang mga mata saka inisip ang lahat ng nangyari noong mga bata pa sila. Aaminin niya, napapangiti pa rin siya. She could even thank Devon for making her teenage years colorful. He made her flattered… he made her giddy inside… “Devon!” Napaigtad pa si Mayet sa biglang pagsasalita ni Rosie at agad na tumuwid ng upo. Bumilis ang t***k ng puso niya at agad na hinagilap ang binata. Gusto niyang mapaungol sa inis ng hindi niya ito makita. Iilan lang ang mga taong papalabas ng airport pero hindi niya makita si Devon. “Where?” pigil hiningang tanong ni Mayet sabay linga. Kumakabog ng husto ang dibdib. “Devon!” tuwang sigaw ni Rosie saka ito paspas na bumaba ng sasakyan. Bumaba na rin si Mayet at takang sinundan nang tingin ang kaibigan na bigla na lang sinugod ng yakap ang isang matangkad, guwapo at mukhang foreigner na lalaki. Biglang natawa ang lalaki sa ginawa ng kaibigan hanggang sa nauwi ang tawa nito sa halakhak. Ayaw kasing pakawalan ito ni Rosie na mukhang umiiyak na sa labis na tuwa. And hearing his familiar joyous laughter made her heart skip a beat. God… she wasn’t even breathing! Nakaawang ang bibig niya habang hinagod ng tingin ang lalaki na napakalaki ng ipinagbago. Sobra. Halos hindi niya ito nakilala. Noon ay mas matangkad pa siya rito. May pagkapatpatin pa ito, alanganin sa pagiging malaking bulas niya. Gayunman, bawing-bawi ang height nito noon sa pagiging cute, komikero at palangiti kaya marami pa rin ang nagkaka-gusto dito at nagpapansin. And now… he really transformed into a gorgeous hunk. Hindi ito mukhang beinte syete tingnan. Nag-mature ito. Nagmukha itong treinta ngunit hindi iyon naging kabawasan bagkus, nakadagdag iyon sa karisma nito. Mas matangkad na ito ngayon sa kanya ng hindi hamak. Hanggang balikat na lang siya. Ngayon ay siya na ang titingala dito! Tumingin ito sa kanya at tumigil siya sa paghinga. Pakiramdam niya ay halos masakal na siya sa presensya nito. God… how could this man affect her that way? Ah, maybe because his eyes wasn’t the same anymore. Wala ng kainosentehan doon. His eyes possessed power, authority and it was really intimidating. Naging matatalino iyon, mapagobserba sa kabila ng pagkakaroon ng kislap ng rekognisyon doon. His nose was still pointed. It used to be delicate but now… it became manly. Ang labi nito’y namumula pa rin na tila kay lambot ngunit halatado rin ang malaking pagbabago. Base sa bahagyang pagtaas ng isang sulok noon, halatadong eksperyensado na iyon sa pagngiti, sa pangaakit…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
131.2K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.6K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.2K
bc

NINONG II

read
618.5K
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
308.7K
bc

POSSESIVE MINE

read
969.7K
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook